webnovel

Ang Sining ng Pagpatay (Pang-limang Bahagi)

Editor: LiberReverieGroup

Determinado si Jun Wu Xie na labanan ang Emperador hanggang sa huli, dahil ganito na kalala ang mga bagay-bagay, wala na siyang dapat katakutan.

Handa na siyang ituloy ang patayan at paslangin ang sinumang pipigil sa kanya!

Pawis na pawis ang Emperador, minaliit talaga niya ang dalaga! Hindi niya inakalang naisip niyang susuko si Jun Wu Xie pag pinalipas niya ang gabi. Subalit, sa mga nangyayari ngayon, pag hindi nakita ni Jun Wu Xie si Jun Xian paglipas ng gabi, papatayin talaga niya ang lahat ng kanyang dinala at pupunuin ang palasyo ng bangkay ng mga opisyal.

Malala na ang mga nangyayari na kahit pa anong pag-plano ng Emperador, wala parin itong magagawa.

Wala pa siyang nakikilalang hindi papansin sa mga parusa niya at si Jun Wu Xie ang pinaka mapangahas na kalabang nakilala niya.

Ang Bating na nakatanggap ng utos mula sa Emperador ay nagmadali na itigil ang pananakit kay Jun Xian habang si Mo Xuan Fei na nakarinig ng lahat ay napatingin sa kanyang ama ng may gulat, hindi niya inakalang umatras ang kanyang ama!

Ang Marangal na Emperador ay napaatras ng isang dalaga, na hindi aakalain ng lahat!

"Ama, paano mo nagawa ito…..?"

"Manahimik ka! Hindi mo pa ba nakikita? Pag hindi pa niya nakikita si Jun Xian bago sumikat ang araw, susugurin ng buong hukbo ang Palasyo! Pag nangyari iyon, hindi lang ikaw, pati ako, ay papatayin ng walang pag-aalinlangan!" Ang pagiisip lang dito ay nagpamanhid na sa kanyang anit. Babad na ang kanyang balabal sa kanyang pawis, ang kalupitan ng dalagang ito ang unang nakapanakot sa kanya.

Tinitigan ni Mo Xuan Fei ang Emperador, natulala. "Paano ito nangyari? Hindi niya kayang magsimula ng patayan."

Sumimangot ng malalim ang Emperador. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa niya ngayon? Binabalaan niya ako na kaya niyang pumatay ng mga opisyal sa harap ko, sa harap ng maraming tao. Ibig-sabihin nito, wala siyang kinakatakutan. Pag hindi niya nakuha ang hinahanap niya, hindi siya magdadalawang-isip, kahit pa mamatay siya. Pag pinatay natin su Jun Xian, susugurin niya tayo kasama ang buong hukbo!"

Nanginginig na ang Emperador sa pag-alala palang sa malamig na titig ni Jun Wu Xie.

"Hindi natin malalabanan ang hukbo ng Rui Lin nang kasama lang ay ang mga gwardya ng palasyo at ang hukbo ng Yu Lin. Sa mga Jun lang nakikinig ang mga taga-Rui Lin, at sa mga ginagawa niya, bayani pa siya sa mga mata ng mga mamamayan!"

"Hindi nakakatakot ang pagpatay sa mga tao. Ang nakakatakot ay ang pag-iisip niya, dahil ilan man ang patayin niya, merong hustisya ang kanyang pagpatay. Hindi mo ba naiisip na sa mga kakayahan niya, walang problema ang magsimula ng maramihang pagpatay kasama ang hukbo ng Rui Lin? Wag mo siyang maliitin dahil lang tahimik siya. Hindi mo maiintindihan ang pagiisip niya kahit na dekada na ang kaalaman mo!" Natakot talaga ang Emperador sa mga pinakita ni Jun Wu Xie.

Isang dalaga na kayang gumawa ng ganito, isang dalagang gumamit lang ng ilang salita para maakit ang mga puso ng mamamayan, isang dalagang isang utos lang, napapasunod ang hukbo ng Rui Lin…

Paano niya siya malalabanan?

Utot lang ang kapangyarihan niyang Imperyal sa mga mata ni Jun Wu Xie.

Walang pinagkaiba ang pagpatay sa emperador sa pagkatay sa isang baboy!

Ang mga pumipigil sa Palasyo ng Lin dati ay binalewala niya.

Nag-aalala na ang Emperador, tila lumitaw si satanas sa Pamilya ng Jun, panaginip nalang ang hawakan sila sa hinaharap.

Naalala niya, gusto niyang ibigti si Mo Xuan Fei! Magkasama sila ni Jun Wu Xie dati, ngunit hindi niya alam na delikado siya!

Kung nalaman lang niya, pinayagan pa niyang pumasok si Jun Wu Xie sa pamilya niya nung kasintahan pa niya si Mo Xuan Fei!

Ngunit huli na ang lahat.