webnovel

Ang Pagbabago (Ikalawang Bahagi)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nais niyang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kahanga-hanga ang kaniyang apo! Nais niya itong ipagmalaki sa harapan ng matatandang hukluban na iyon at makitang lumuwa ang kanilang mga mata, ang tingnan kung sino pa ang maglalakas ng loob na tawagin siyang isang basura!

Ang kasalukuyang kalagayan ng Palasyo ng Lin ay posibleng magbago sa tulong ni Jun Wu Xie. Siya ang susi sa muling pagbangon ng Palasyo ng Lin, at upang mapangalagaan si Wu Xie, maging ang palasyo, ay kinakailangan nilang ikubli ang mga bagay-bagay hanggang sa tuluyang gumaling si Jun Qing.

Malaki ang dinanas na hirap ni Jun Xian sa ilalim ng masamang balak ng isang tao. Dahil dito, nawalan siya ng isang anak, habang ang isa naman ay lubhang nasaktan at hindi magawang makapamuhay ng normal nitong mga nagdaang taon. Upang mapangalagaan ang Palasyo ng Lin, kinailangan niyang magbawas sa Hukbo ng Rui Lin sa paglipas ng mga taon. Kung mapagaalaman nilang maaari pang gumaling si Jun Qing at si Jun Wu Xie ang nagpapasinaya nito, hindi niya masisigurado ang kaligtasan ng dalawa nang siya lamang.

Sa ngayon, ang matiyak ang kaligtasan ni Jun Wu Xie ang pinakamahalaga.

Sa ilalim ng utos ni Jun Xian, may ganap na kalayaang gawin ni Jun Wu Xie ang lahat ng nais niya nang walang pagaalinlangan. At ang lahat ng mga tagapaglingkod, handang maglingkod sa lahat ng mga pangangailangan ng dalaga.

Upang maiwasan ang anumang epekto matapos kumain ng binhi ng lotus, nagpasya si Jun Wu Xie na gumamit ng mga halamang gamot upang tulungang makundisyon ang katawan ni Jun Xian.

Maselang paghahanda ang ginawa ni Jun Wu Xie sa iba't ibang gamot mula sa halaman at sa mga pagkain upang umakma sa pagkukondisyon sa katawan nina Jun Qing at Jun Xian. At sa bawat pagkakataong ito, hinahaluan niya ito ng isang patak ng luha mula sa puting lotus.

Sa mga panahong iyon, araw-araw ay si Tiyo Fu mismo ang naghahain ng lahat ng pagkain at gamot na inihahanda ni Jun Wu Xie kay Jun Xian, habang si Long Qi naman kay Jun Qing.

Mahalaga para kay u Xian ang pagkakataong ito at wala siyang ibang mapagkakatiwalaan kundi ang dalawa lamang! Walang ibang maaaring humawak nito sakali mang may ibang magtangkang mangialam sa proseso. Sa ganitong paraan, masusubaybayan ni Jun Wu Xie ang progreso nang walang ibang inaalala.

Kahanga-hanga ang bilis ng panunumbalik ng kalusugan ng mag-ama sa ilalim ng pangangalaga ni Jun Wu Xie, tanging biktima nga lamang dito ay ang munting lotus.

Dahil ang kaniyang luha ay napakahalagang sangkap para sa dalawa ay kinakailangan nitong lumuha sa tuwing kinakailangan. Sa tuwing magpapakita siya, laging nakahanda ang itim na pusa sa paghuli at pagsunggab sa kaniya hanggang ang silid ay mapuno ng mga hikib at luha.

Nararapat lang na siya ay kaawaan!

Sa sulok ng silid madalas matatagpuan ang bugbog na munting lotus matapos itong paglaruan ng itim na pusa, ang katawan, patuloy ang panginginig habang pinapanood ang itim na pusa na hinihimod ang mga paa sa tabi ng kama.

Katatapos lang tipunin ni Jun Wu Xie ang mga luha nang may kumatok sa kaniyang pinto. Sa kaniyang pagkumpas ay biglang naglaho ang munting lotus at isang singsing ang bahagyang makikita sa kaniyang kanang palasingsingan.

"Pasok."

Nagbukas ang pintuan at makikita si Long Qi, nanatiling matikas ang tindig habang nagbibigay galang sa dalaga at inilabas ang dalawang pergamino.

"Inutusan ako ng Ikalawang Pinuno na ihatid ang mga ito sa ito, Binibini." Hindi masalitang tao si Long Qi, ngunit kahit ganito, mapapansin ang kakaibang pananalita nito sa dalaga kumpara noong mga nagdaaang araw. Bagaman at walang sigla ito magsalita, mapapansin ang paggalang nito sa dalaga.

Nakakagulat ang mabilis na pag-unlad ng pangangatawan ni Jun Qing at batid niyang ang lahat ng ito ay walang ibang kundi dahil sa dalaga sa kaniyang harapan.

"Ilagay mo roon." Dahan-dahang itinaas ng dalaga ang kaniyang ulo habang itinuturo ito mesang malapit sa kaniya.

Nagbigay-galang muli si Long Qi nang pumasok ito sa silid ng dalaga habang iniiwasan ang mga mata nito. Ang mga mata, nakatuon sa sahig nang pumasok ito. Papaalis na ito matapos ilapag ang pergamino nang bigla siyang tinawag ng dalaga. "Sandali lamang."

Sa utos ng dalaga ay agad itong napahinto sa kaniyang kinatatayuan.

"Isabay mo na ring dalhin ang gamot na nasa mesa." Pahayag niya.

Inangat ni Long Qi ang kaniyang ulo at nakita ang isang maliit na boteng porselana sa mesa. Nang makuha ay nagtanong ito. "Sa paanong paraan ko ito gagamitin para sa Ikalawang Pinuno?"

"Iyan ay para sa iyo." Ang sabi ng dalaga nang tumingin ito sa kaniya.

Natigilan si Long Qi.

"Sa iyong kalagayan mula sa natamo mong pinsala, paano sa tingin mo mapapangalagaan ang aking Tiyo? Sa hinaharap, huwag kang gagawa ng mga kakatwang bagay."

Bilang isang manggagamot, at sa tulong na rin ng kaniyang matalas na pang-amoy, paanong hindi makalalampas sa kaniyang pansin ang amoy ng dugo kahit pa nakapabahagya lamang nito?