webnovel

Ang Pagbabago (Unang Bahagi)

Editor: LiberReverieGroup

Sa pananaw ni Jun Wu Xie, ang pumipigil sa kaniyang Tiyo na makalakad ay hindi dahil sa lakas ng lason, kundi dahil ang mga manggagamot sa mundong ito ay napakawalang kuwenta!

Hindi pumasok sa kaniyang isipan na ang suliranin ay hindi ang mga manggagamot sa mundong ito kundi dahil hindi siya ay naiiba! Ang kaniyang kasanayan ay walang katulad sa mundong ito. Maihahalintulad siya sa isang nakapagtapos sa unibersidad na gumagawa lamang ng takdang aralin ng isang bata mula sa elementary. At ito ang malaking pagkakaiba.

"Oo." Ang kaniyang tanging tugon sa kanilang kasiyahan.

Nanahimik man sila, ngunit makikita pa rin sa kanilang mga mata ang nagliliyab na pag-asa habang ninanamnam ang balita.

Malaki ang kinalaman ng kawalan ng tagapagmana sa pagbagsak ng Palasyo ng Lin, subalit kung magagawang magbalik ni Jun Qing sa tugatog ng kaniyang kalakasana sa mga susunod na taon, matitiyaka ang pagbabalik ng karangalan ng Palasyo ng Lin.

Ang pagkakataong ito ay sadyang napakahalaga sa kanila ngayon.

"Wu Xie, maraming napakahalagang bagay ang nakasalalay dito. Anumang bagay na may kinalaman sa paggaling ng iyong Tiyo ay kinakailangang manatiling lihim ano man ang mangyari. At tungkol naman sa iyong Guro…" Agad na naisip ni Jun Xian ang napakahalagang bagay na ito.

"Nagsabi na si Guro na hindi siya interesado sa anumang may kinalaman sa mga makamundong gawain." Ano nga ba ang mabubunyag ng isang taong hindi naman umiiral?

"Mabuti kung ganoon. Dapat lang talaga natin siyang lubos na mapasalamatan sa lahat ng kaniyang naitulong! Pakisabi sa kaniya na kung mayroon mang maipaglilingkod ang Palasyo ng Lin sa kaniya, asahan niyang isasakatuparan natin ito hanggang sa abot ng ating makakaya!" Masayang umpisa ni Jun Xian.

"Ipararating ko ito sa kaniya." Ang kaniyang naging tugon.

"Maraming salamat, Wu Xie." Taos-pusong pasasalamat ni Jun Qing kay Jun Wu Xie. Lubos siyang nagpapasalamat na nagkaroon siya ng isang mapagmahal na pamilya na umalalay sa kaniya ng nagdaang mga taon, at ngayon, sa sinabi ng kaniyang pinakamamahal na pamangkin na maaari siyang gumaling sa tulong ng kaniyang Guro, hindi na siya makapag-antay pa!

Ang kaniyang 'pasasalamat' ay nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa kaniya. Bahagya siyang nagulat. Sa kaniyang dating buhay ay marami rin siyang nailigtas na mga tao at marami ring pasasalamat siyang natanggap mula sa mga ito. Ngunit ang mga iyon ay walang anumang katumbas sa kaniyang puso.

Gayunpaman, sa pagkakataong ito, ang 'pasasalamat' na kaniyang natanggap mula kay Jun Qing ay nagdulot ng init sa kaniyang puso at nakaramdam siya ng hindi masabing saya, kung kaya't magiliw itong napangiti, isang pambihirang pagkakataon.

Kakaiba pala ang naidudulot ng pagtulong sa isang kapamilya.

Dahil sa kakaibang sayang kaniyang naramdaman, nagptatuloy si Wu Xie. "Binigyan ako ni Guro ng ilan pang binhi ng lotus at nais kong ibahagi ang isa rin sa iyo Lolo. Ngunit dahil sa espesyal ang kaso ni Tiyo, kinakailangan kong ituon muna ang aking buong pansin sa kaniyang paggaling pansamantala. Kakailanganin ko pa ng dagdag na oras upang maihanda ang pagkondisyon ng katawan ni Lolo." Kailangan niya ng lubos na pag-iiingat pagdating sa kalagayan ni Jun Xian dahil na rin sa katandaan nito. Nais niyang ihanda ang lahat-lahat bago siyang tuluyang mag-umpisa sa pagkondisyon ng katawan ni Jun Xian.

Hindi inaasahan ni Jun Xian na maging siya ay mababahagian ng ganitong pagkakataon. Sa kaniyang pakikinig kay Jun Wu Xie, batid niyang nakapagsimula na ito sa kaniyang paghahanda para sa kaniya.

Hindi malaman ni Jun Xian ang kaniyang nararamdaman kaya't napatalikod ito at tahimik na pinahid ang mga nagbabadyang luha.

Masaya siya sa apo at ipinagmamalaki niya ito, dahil sa wakas, tunino na rin ito.

Sa hinaharap, sinuman ang maglakas ng loob na tawagin ang kaniyang apo na isang basura ay hinding-hindi niya palalamnpasin! Hindi niya hahayaang masaktan ito, kahit ga-hibla ng buhok nito!

"Ipauubaya ko na ang lahaht sa iyo. Gawin mo ang nararapat mong gawin, hindi mo na kailangan pa ang aking pagpapa-alala. Ipapaalam ko rin ito sa iyong Tiyo Fu at ipapabatid ko rin sa kaniyang mga tagapaglingkod sa kusina." Ang masayang sabi ni Jun Xian at siya ay napahinga ng maluwag.

Dati rati, sa kabila ng pagpapalayaw at sobrang pagmamahal nito sa apo, ay may itinakda pa rin siyang mga limitasyon dahil batid niya ang kapilyuhan nito at magaspang na pag-uugali sa ibang tao. Ngunit ngayon, panatag na ang kaniyang puso habang pinapanood ang pinakamamahal na apo.

Matalino, kalmado, kahanga-hangang kasanayan sa medisina, may pagmamalasakit sa pamilya, at may suporta mula sa isang makapangyarihang Guro. Saan ka pa nga ba makakatagpo ng ganitong klaseng apo?