KATULAD ng dati kapag gusto kong pakalmahin ang puso ko, kapag gusto kong bumalik sa nakaraan at kapag nami-miss ko siya ng sobra bumabalik ako dito sa Coffee Shop. Para bang nakakausap ko parin siya at napapanood kung paano niya ikumpas ang mga kampay niya sa hawak niyang gitara at para bang naririnig ko ulit ang napakalamig niyang boses.
Mahirap man aminin sa sarili ko at kahit paulit-ulit na itanggi ko, alam kong siya parin ang hinahanap-hanap ko, hindi ko alam kung bakit, nag-usap namin kami bago siya umalis pero parang may kulang, parang may gusto pa kong makuha mula sa kanya. Alam niyo ba 'yung pakiramdam na parang may kulang sa pagkatao mo na parang may gusto kong buuin na palaisipan pero hindi mo mabuo kase may nawawalang piraso.
Siguro, ito ang dahilan kung bakit bumabalik parin ako dito sa Coffee Shop, sa palagay ko umaasa ako na babalik siya ulit sa lugar na 'to at dito kami muling magkikita, mag-uusap at masagot ang lahat ng tanong na pwede kong ibato sa kanya.
Mahirap pala talagang kalimutan ang first love, siya kase ang first love ko, kaya siguro ako nagkakaganito. Sa tuwing makakakita ako ng magkasintahan sa daan hindi ko mapigilan na isipin siya, kapag may nakikita akong lalaking may sukbit na gitara siya agad ang naaalala ko, gano'n pala ako kapatay na patay sa kanya parang lahat nalang ng bagay pilit kong inuugnay sa kanya.
Tinawagan ko si Dela Cruz gamit ang aking phone, sinabi kong magkita kami dito dahil kakauwi lang niya galing America, na-miss ko 'ata ang ate sa aming magbabarkada no'ng high school pa kami. Madaldal parin siya tulad ng dati pero hindi naman siya nagbago kahit na kaunti kahit nakapag ibang bansa kung paano ko siya nakilala noon, gano'n parin siya hanggang ngayon.
Tumayo muna ako para umorder ng kape, pagdating ko sa counter nilibot ko ang aking paningin, mula sa kisame, upuan, mesa at maging ang mga crew na nagtatrabaho sa loob, hindi na nga siya tulad ng dati, malayo na 'yung itsura nito sa nakilala ko noong high school pa ko. Hindi ko tuloy mapigilan na mapangiti habang inaalala ang nakaraan, masarap palang bumalik at alalahanin ang nakalipas na, parang kay sarap tuloy balik-balikan.
Habang hawak ko 'yung kape na inorder ko may napansin akong lalaki na nakaupo sa table kung saan ako nakaupo, nakapatong pa sa mesa ang bag ko kaya sigurado ako na dito ako nakaupo kanina. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sitahin siya kase nakaupo siya table na ni-reserve ko para sa amin ni Dela Cruz pero laking gulat ko ng humarap sa akin 'yung lalaki.
Siya 'yung lalaking dahilan kung bakit palagi akong bumabalik dito sa Coffee Shop, siya 'yung dahilan kung bakit hindi ako makatulog, siya 'yung lalaking palaging laman ng panaginip ko at siya 'yung unang lalaking nagbigay sa akin ng pinakamasakit na pagkasawi sa pag-ibig.
Ngayon nandito na siya sa harap ko sisiguraduhin ko na lahat ng mga tanong ng puso at isipan ko'y masasagot na sa araw na ito, maganda at pangit man ang maging resulta ay tatanggapin ko. Ayoko nang maghintay muli at ayoko nang umasa sa muling pagkakataon, dapat lang na makamit ko ang ending para sa aming dalawa.