webnovel

Chapter 1

"Hudas! Hudas! Hudas, kailangan ng tulong mo ni Dela Cruz! nakikipagsagutan na naman siya sa mga mandirigma" hinigit ni Floresca ang kamay ko habang naglalakad sa daan sa gitna ng campus, hinila niya ko hanggang makarating kami sa loob ng aming silid-aralan.

Mukhang nakikipag-away na naman si Ayeng Dela Cruz sa mga mandirigma, wala kase sa bokabularyo nito ang salitang api, kaya nga hanggang sa makakaya niyang lumaban, lalaban talaga ito lalo na sa mga nagtatangkang tumapak at alipustahin ang pagkatao niya at pati ng mga tinuturing narin niyang pamilya katulad namin na mga kaibigan niya.

Malaki ang kasiguraduhan ko na mga grupo na naman ni Jessica ang kalaban ngayon ni Dela Cruz, mga warfreak at mahilig talaga sa gulo ang mga 'yon kaya nga tinawag namin silang mga "mandirigma." Kumbaga para silang mga kawatan, mga sanggano na parating ang hanap ay away at gulo.

"Sabunutan!"

"Suntukan!"

"Hawakan mo nga sa tenga kung matapang ka talaga!"

Kapag may mga ganito talagang mga senaryo atlis na tumulong 'yung mga lalaki sa likod sila pa ang gumagatong para lalong maging magulo ang sitwasyon. Kaya siguro na tama lang na pag-initan ang section namin ng mga guro dito kase puro away at gulo lang ang pasakit namin sa kanila, tulad ng mga nangyayari ngayon.

Hindi ko matanaw si Dela Cruz sa gitna ng mga nagkakagulong mga kaklase ko, paano'y pinalilibutan nilang lahat, parang kulang nalang magpustahan sila na parang may sabong ng manok. May naisip nalang ideya tutal alam ko naman na 'di ako makakalapit sa gitna kaya may naisip akong plano, tiyak naman akong magiging epektibo 'to dahil mainit ang section namin sa mga teacher dito dahil sa pagiging last section namin.

"Si Ma'am Zaragasa paparating, palakad na papunta dito sa room!" malakas kong sambit para marinig ng mga nagkakagulong mga kaklase ko.

Nagkanya-kanyang pulasan ang lahat at umupo sa kani-kanilang pwesto hanggang sa maiwan nalang ang mga mandirigma at ang grupo namin sa gitna, sumilip ang mga kaklase ko sa bintana para dumungaw kung naglalakad na si Ma'am Zaragasa papalapit dito sa silid-aralan pero bigo silang makita 'to, dahil bukas pa naman namin magiging teacher 'yon. Nawala na siguro sa isip nila 'yon dahil sa labis na taranta at pag-iwas na mapasali sa gulo, takot lang nilang maimbitahan sa guidance office.

"Hindi pa taya tapos, babaeng kawayan" pagbabanta at mataray na wika ni Jessica habang nakataas ang isang kilay, katulad ng dati ay nakapustura na naman ito. Hindi na talaga nagbago kung paano manuot at umasta ang babaeng 'to dahil nakabukas ang dalawang butones ng suot niyang blouse na kita ang suot nitong asul na bra at pulang-pula na naman ang labi nito dahil sa martayolet na ginagawang lipstick ng mga mandirigma, wala yatang budget pambili ng lipstick.

"Hayaan mo na nga 'yung mga mandirigma na 'yan, nakikipagtitigan ka pa, Dela Cruz eh..." pananaway ni Rodriguez at hinawakan ang baba ni Dela Cruz para malihis ang tingin pero bumabaliko parin ang leeg nito at hindi nagpapatalo sa mga titig ng mga mandirigma.

"Sinabihan ba naman akong kawayan, eh di hamak na mas maganda naman ako sa kanya, mayabang lang 'yon kase sumali ng fraternity pero kung mag-isa lang siya tingnan natin kung sa'n pulutin ang tapang niya" umuusok parin sa galit na wika ni Dela Cruz, mukhang apektado parin siya sa nangyaring gulo kanina.

Hinila namin si Dela Cruz pabalik sa upuan nito, wala kaseng nagpapatalo sa dalawa at panay parin ang balingan ng mga masasamang tingin sa isa't-isa. Kilala namin si Jessica at ang grupo niya hindi ito marunong magpatalo kahit na sila pa ang nagpasimula ng gulo, isa 'yon sa mga dahilan kaya pinipilit nalang namin na iwasan ang mga grupo niya sa abot ng aming makakaya pero kapag sumusobra na at hindi na namin kinakaya ang mga ginagawa at pinagsasabi nila ay doon na ulit nagsisimula ang gulo sa pagitan ng mga grupo namin at grupo nila.

Nagsimula kase ang alitan sa grupo namin at ng mga mandirigma nang masali sa grupo namin si Siena Rodriguez, ang isa mga pinakamaganda sa Matatag National High School, hindi lang kase ganda ang meron siya, matalino at mayroon din siyang naging gwapong nobyo kaya gano'n nalang ang inggit at inis ng mga mandirigma sa kanya. Pero, ang naging nobyo niyang tinutukoy ko ay pinagpalit siya sa matalik nitong kaibigan, na sa madaling salita ay sinulot ng kababata at matalik na kaibigan noon ni Rodriguez ang kanyang nobyo at hindi lang 'yon ang ginawa ng bruhang babaeng 'yon at nagkalat pa ito ng tsismis na kaya nakipaghiwalay ang dating nobyo ni Rodriguez sa kanya dahil nakuha na nito ang gusto niya, matapos makuha raw ng nito ang virginity ni Rodriguez ay parang basura nalang itong tinapon. Ang basurang kwentong iyon ay pinaniwalaan ng buong campus at ang tingin kay Rodriguez ngayon ay madumi at makati na babae.

"Pasensiya na kayo, alam ko naman na sa akin naging ugat ng lahat. Kung kaya ko lang balikan ang nakaraan hindi ko hahayaan na kumalat ang tsismis sa akin, dapat may ginawa ako noon at dapat hindi ko lang hinayaan ang dati kong matalik na kaibigan na magkalat ng gano'ng kwento tungkol sa akin. Nadadamay pa tuloy kayo" kapag nakokosensiya at pakiramdam ni Rodriguez na kasalanan niya ang lahat ay kinukutkot nito ang parehas nitong kamay, isa ito sa mga gawain niya na madalas namin napapansin sa kanya, minsan sinasabayan pa niya ito ng pagtungo na parang hiyang-hiya sa sarili niya.

"Kaya kailangan may gawin na tayo para matapos na itong pinaggagawa at panggugulo sa atin ng mga mandirigma, kung pwede nga lang itapon sila sa impyerno eh para maging tutong nalang" sambit ko na medyo natatawa sa nasabi ko.

"Grabe naman 'yung tutong, Hudas!" natatawa na sambit ni Rodriguez na nakangiti na ngayon, iba talaga ang ganda ng babaeng 'to, mala anghel sa langit, kung ako lang naging lalaki liligawan ko 'to eh.

"Nasa'n nga pala si Floresca, Hudas?" biglang singit na tanong ni Dela Cruz, madalas naman talagang nawawala na parang bula 'yon si Floresca parang hindi na siya nasanay.

Si Blair Floresca ang isa mga pinakamisteryosang babae sa campus, may kumakalat na tsismis sa kanya na may sumpa daw itong dala, lahat daw kase ng mga naging kaibigan noon nito ay namatay sa isang 'di inaasahang pangyayari na parang sa pelikula mo lang daw mapapanood. Tinanong namin si Floresca tungkol sa tsismis na 'yon pero wala kaming nakuhang sagot sa kanya, sumasakit kase ang ulo nito kapag pinipilit nitong alalahanin ang nakaraan, dapat kase nakapagtapos na talaga ng sekondaraya itong si Floresca pero dahil sa aksidenteng pagkahulog sa hagdan na dito sa aming paaralan nangyari ay naging makakalimutin ito, maging ang halos lahat ng mga nakaraan niya ay halos burahin na ng kanyang isip dahil sa nangyari.

"Ayan na si Floresca kasama sila Sacramento, Sanchez at si.... Angeles" napatulala nalang si Rodriguez habang nakitang papasok ng room si Angeles na walang buhay na umupo at lantang gulay na naman, napatingin nalang si Rodriguez sa mga kasama nito para makakuha ng sagot.

"Ano'ng nangyari sa lalaking 'yan? ba't parang naubusan na ng dugo at lantang gulay na naman" pabulong na sabi ko pero mukhang hindi narin bulong kase narinig naman ni Angeles ang mga sinabi ko. Lumingon siya akin ng walang buhay mukhang nabigo na naman sa babaeng pinapantasya niya, 'di siguro tumalab ang plano nilang magpapansin.

"Okay lang yan, Angeles, babawi tayo bukas!" umakbay sa kanya si Dela Cruz pero tinabig lang nito ang kamay niya pero nagpumilig parin na umakbay si Dela Cruz kaya hinayaan na lang niya 'to.

Sa aming pito ang tanging lalaki lang ay si Kristoff Angeles, may pagkamahinhin at medyo malangya kumilos, minsan napagkakamalan nga 'tong bakla pero 'di nalang niya pinapansin. Lalaki talaga siya sa katunayan mayroon siyang babaeng pinapantasya na nasa Section I ngunit walang katiyakan kung mapapansin siya nito, kaya kaming mga kaibigan naman niya ay to the rescue, tinutulungan namin siya sa paraan na maaari namin siyang matulungan para mapansin ng babaeng gusto niya, kaso kahit anong gawin namin hindi naman umuubra paano'y napakatorpe ni Angeles, tinutulungan na nga namin siyang masabi kung ano ang tunay niyang nararamdaman para sa dalaga pero palagi naman tumitiklop at bumabaluktot ang dila kapag kaharap na ang ito. Ang hirap talaga maging torpe!

"Nakapag-pasa na ako sa cellphone ko ng "The Seven Blood" mababasa ko ulit siya ng pang sampung beses na." abot langit ang ngiti na announcement ni Anisha Sacramento, ang babaeng nilamon ng mga ebooks at mga libro gaya ng mga precious heart romances. Iyan talaga ang hilig niya ang magbasa ng magbasa ng mga romance na libro.

"Nilamon ka na talaga ng sistema, Sanchez. Diyos ko po!" wika ko na minasahe ang aking noo para mabawasan 'yung mga sakit sa ulo ko.

"Maghanap ka na kase ng love life mo, Hudas!" may pakurot pa na wika ni Dela Cruz sa aking tagiliran. Agad naman akong napabalikwas ng tayo dahil sa ginawa niya, alam naman nito na malakas ang kiliti ko sa tagilirin pero gustong-gusto niya talaga na doon ako banda kinukurot.

"At saan naman ako maghahanap, Dela Cruz? ni hindi nga ko mapansin-pansin ni Tyron, 'yung ibang lalaki pa kaya diyan" wika ko na sinabayan pa ng pag-ikot ng mata.

"Hindi ka parin nililigawan ng best friend mong si Tyron, papalit-palit na nga lang gf 'yun, 'di ba kakahiwalay lang niya doon kay Fredelyn tapos isang linggo lang nabalitaan ko may nililigawan doon sa Section VII, babaero din 'yang bestfriend mo, ano?" kinurot niya ko muli sa tagiliran na napangiwi nalang sa ginawa niya.

"Crush ko lang naman 'yung lalaking 'yon, hindi pa naman love 'yung nararamdaman ko sa kanya atsaka baka masira lang 'yung friendship namin kapag sinamahan na namin ng malisya, pero kung liligawan ako no'n sasagutin ko talaga siya. Pogi naman 'yon eh, medyo may pagka abnormal nga lang" kinalikot ko 'yung bag ni Rodriguez at kumuha ng barya, pang meryanda mamayang lunch break, pitong piso lang naman ang kumuhanin ko, pambili lang ng tsitsirya.

"Si Sanchez nalang ang tatanungin ko baka may love life na 'to at 'di lang sinasabi sa ati eh, malay mo gwapo, mayaman at mabango ang boyfriend nito hindi lang nagkukwento" binaling namin ang tingin lahat kay Sanchez, hindi naman mapigilan nito na mamula dahil sa sinabi ni Dela Cruz.

Si Emit Sanchez ang pinaka mahirap basahin ang iniisip sa aming lahat, tahimik kase ito at nagsasalita lang kapag tinatanong, may mga taong gano'n talaga, 'yung magsasalita lang kapag kinausap mo, 'yung hindi alam kung paano magsimula ng usapan, 'di man lang marunong magpakilala sa sarili niya. Sa huling pagkakatanda ko siya ang huling naging kasapi sa grupo namin, si Dela Cruz ang kumausap diyan at simula no'n naging bahagi na siya ng aming grupo, alam mo naman na walang perpektong Section at kung magkaroon man, siguro napakaswerte nila kase buo at solid ang samahan nila, 'di katulad ng Section namin na parating may sabong at gulo, ikaw ba naman mapunta sa Section XI eh...

***

Pagdating ng lunch break ay parang sinisilaban na naman sa canteen, para kang napasok sa loob ng microwave kapag tumapak ka sa loob, sobrang init at siksikan, palaging blockbuster, 'yung mga may tiyaga lang sa sobrang init at kayang makipagsiksikan ang tatagal sa loob.

Wala kaming nagawang pito kundi ay bumalik nalang sa room at tiisin ang gutom, sa dami ba naman kaseng nag-aaral dito sa aming eskwelahan tiyak na mapupuno ang Canteen lalo na kapag nagsabay ang lunch break ng first year at kaming mga fourth year tiyak na matira, matibay. Ang matindi pa doon ay may kakaibang kapangyarihan ang mga first year na kung sinuman ang makaamoy ay tiyak na mahihimatay at mawawalan ng malay, at ang ending no'n ay walang hustisya.

Pagbalik namin sa room ay nakaabang na naman ang Mandirigma sa amin, nakaharang sa pinto si Jessica pati ang mga alagad nito, parang mga nakaskas sa pader ang mga labi nila, pulang-pulang at nangingintab. Pare-pareho pa sila ng mga fashion style na 'di nakabutones ang dalawang hilerang kasunod sa suot nilang blouse. May paninindak ang mga tingin nila at may pagbabanta na kapag sapilitin kaming pumasok sa loob tiyak na magkakaroon ng gulo.

"Ano na naman 'to Jessica? Anong trip 'to? Mga nababaliw na ba kayo?" humakbang papasok sa loob ng room si Dela Cruz pero tinulak siya palabas ng mga alagad nito. Sa mga ganitong sitwasyon ang palaging nasa unahan na palaging sumasalo ng mga kalmot at sabunot ay walang iba kundi si Dela Cruz.

"Sabi ko naman sa'yo kawayan na hindi pa tayo tapos" nakataas ang kilay na sabi ni Jessica habang nakatingin sa mga kuko nito na may nakapinturang kulay itim. "Hanggang nandito kayo sa eskwelaha na 'to at nakikita ko ang pagmumukha niyo 'di ko mapigilan na maalibadbaran, nakakasira kayo ng araw, alam niyo ba 'yon?" kinuwelyuhan ni Jessica si Dela Cruz at nagulat kaming lahat sa naging asal nito, kaagad na pinalibutan kami ng mga alagad nito at wala na kaming nagawa kundi alisin ang kamay na nakapalibot sa kwelyo ni Dela Cruz pero gumanti lang ito at kinuwelyuhan ang kaaway nito.

Nakita ko kung paano abutin ng mga kasama nito ang buhok ni Dela Cruz na iniiwasan naman naming lahat na anim na makalapat sa buhok ng aming kaibigan, kung nagkataon ay pagtutulungan ng mga mandirigma si Dela Cruz hanggang sa magulpi nila ito, marami pa naman sila at lamang sila sa bilang. Parang mga pusa na panay ang pagkumpas sa amin ng mga mandirigma, gumaganti naman kami sa mga paghampas ng mga kamay nila pero dahil nga na lamang sila sa bilang may ilan na hindi naman nasasalag at natatamaan kami sa kung saan nila kami gustong tamaan.

"Tama na! Tama na!" malakas na sigaw ko para makuha ang atensyon nila, 'di ko na talaga kayang salagin ang lahat ng hampas at kalmot ng mga mandirigma para na kaming pusang nag-aaway dito.

Nakuha ko naman ang atensyon nila at hininto nila ang ginagawa nilang mga pananakit sa grupo namin, patulak na binitawan ni Jessica ang kwelyo ni Dela Cruz, napasubsob siya sa dibdib ni Angeles at paakmang gaganti pa sana ito pabalik pero inawat na siya ni Rodriguez.

"Ano bang gagawin namin para tigilan niyo na kami? Hindi ba kayo napapagod na palaging makipagtalo at makipag-away sa grupo namin? Kase ako, oo, pagod na pagod na ako, pwede ba tapusin na natin 'to" wika ko na hinarap si Jessica. Ito ang unang beses na kinompronta ko siya, grabe ganito pala ang pakiramdam kapag kaharap siya nakakatakot pala ang babaeng 'to o sadyang 'di lang ako sanay na makipag-away.

"Pwes, kung gusto niyong tapusin ang gulong ito. Bakit hindi nalang tayo mag-square sa laba— "

Hindi na naipagpatuloy ni Jessica ang sasabihin niya ng muli akong magsalita. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin, ang gusto namin ay parang kasunduan pero 'wag sana sa marahas na bagay, sana lang naman" ngumit ako ng pilit para makuha ang loob niya.

Ngumuso si Jessica at nag-isip. "Sige, papayag ako kung may ipapakita ka sa aming bf mo na mas gwapo pa sa kasintahan ng panget na 'yon" tinuro niya ang dalawang naglalandian sa 'di kalayuan, ang gwapo nga ng lalaki pero 'yung babae parang hindi yata natapos ng Diyos tapusin na hulmahin.

"Sige, payag ako sa deal na 'yan" iniabot ko ang kamay ko bilang pagsang-ayon sa kasunduan. Nakipag-kamay naman siya bilang pagpayag. Naramdaman ko ang malakas na pagkurot ni Dela Cruz sa tagiliran ko.

"Dapat makita ko siya sa araw ng linggo kahit picture lang at pagdating ng lunes, kailangan makita ko siya ng harapan para makasiguro. At kapag 'di ka sumunod sa usapan alam mo na ang mangyayari tuloy ang square sa labas ng campus" wika niya sabay dura ng nginguya niyang bubble gum na tinapakan pa niya ng madiin sa harap ko bago siya tuluyang umalis kasama ang mga nakabuntot niyang mga alagad.

Author's Note: I'll do my best na makapag-update everyday. Sana po masuportahan at mag-enjoy kayo sa pagbabasa. Maraming Salamat!!!