webnovel

IKALABING-LIMANG KABANATA:

Mag-ingat po ang lahat sa paparating na bagyo, inaasahang magla-landfall ito mamayang gabi," sabi ng nagbabalita sa radyo.

Nang marinig 'yon ni Aling Lara ay agad siyang nabalisa ay sinabihan ang mga kasama niya sa bahay ihanda na nila lahat ng dapat nilang gamitin para mamayang dumating ang bagyo ay hindi na sila lalabas.

Ito namang si Ethan ay nagpaalam sa kaniya na pupuntahan lang ang mga alaga nila para maisilong sila at hindi mabasa at mawala kung bumagyo man.

Tumango naman si Aling Lara," Bumalik ka kaagad ha." Nang marinig niya iyon ay lumakad na agad siya dala ang mga gamit sa kamalig.

Pagkarating ni Ethan sa kamalig ay binilisan na niya ang pag-aayos sa mga alaga nila at sa hindi naman inaasahan ay biglang may kung anong bumagsak at narinig niya ang sigaw ng isang babae.

Agad siyang kinabahan at natakot sa narinig niya.Dahan dahan siyang naglakad papunta sa lugar kung saan narinig ang tunog bago siya lumapit ay kumuha siya ng isang kahoy para pangdepensa.

"Sinong nandiyan?" tanong niya habang nagkataas ang hawak niyang kahoy na sa ano mang oras na pwede niyang ipalo.

"Huwag!"sigaw ng isang babae nang makita niyang akma na siyang papaluin ni Ethan.

"Zyra!?" malakas at nagulantang na tanong ni Ethan nang makita niya ang babae.

Nagtaka siya kung bakit nandito siya, ehh mahigpit na bilin ng kanilang tita na huwag na silang lalabas sa kubo.I-uuwi na sana niya ito ng makita niyang may nakaharang sa pinto at yun pala ang narinig niyang bumagsak kanina.

"Tignan mo ang ginawa mo!" galit na sabi ni Ethan sa kaniya. "Kapag talaga ikaw ang kasama ko lahat na lang ng malas napupunta sa akin."

"What?" sabi ni Zyra. "Why me? Kasalanan ko bang bumagsak yan?" dugtong pa nito.

"Oh paano na tayo makalabas dito?" naiinis na sabi ni Ethan.

"Seriously, edi buhatin mo yang nakaharang."

"Ikaw yata ang baliw," bumwelta ni Ethan."Mabubuhat ko ba yan kung nasa labas ang harang?"

"So what are you saying?" tanong ni Zyra na hindi na mapakali. "Makukulong ako dito and ikaw ang kasama ko? Eh baka ano pang gawin mo sa'ken."

"Hoy! Hindi ako tulad na iniisip mo no!"

"Remember the first day I came here, diba sinilipan mo ko, so anong tingin mo dun?" sumbat ni Zyra sa kaniya.

"Wala akong ginawa ha, sandyang ikaw lang nag-isip na ganong bagay," pagtatangol naman ni Ethan sa sarili niya.

Sa kubo...

"Bakit ang tagal naman ni Ethan?"tanong ni Aling Lara na nag-aalala na dahil pagabi na din ang hindi pa ito umuuwi, mas kinabahan pa siya dahil nagsisimula ng dumilim ang paligid ay unti-unti na ding lumalakas ang ihip na hangin sa labas.

Bigla namang lumabas sa kwarto si Raphael, "Tita, did you see ate? wala kasi siya kwarto"tanong niya.

Umuling naman ang kaniyang tita at nadoble pa ang pag-aalala na marinig niyang pati si Zyra ay wala sa loob ng bahay.Kaya nagdesisyon na siyang lumabas ng bahay para pumunta sa kamalig at baka nandoon pa si Ethan at kasama si Zyra.

Pero pagdating naman niya sa kamalig ay agad niyang nakita na sarado na ito kaya naman hindi na siya tumuloy dahil mahirap ding buhatin ang harang ng pinto.Alam din niya na wala na doon si Ethan dahil nga sa sarado na ito.

Sinubukan niya ding puntahan sila sa ibang mga kulungan dahil baka nandoon pa siya. Pero wala na din doon kaya naman sinabi niya sa sarili na bumalik na sa kubo dahil naka-uwi na din sila.At saka wala na din siyang magagawa dahil lumalakas na ang hangin at nagsisimula na ding pumatak ang ulan.

"Yan na ang bagyo paano tayo dito?"nag-aalalang sabi ni Ethan dahil baka masira ang kamalig at mamatay sila doon.

"I don't want to die!"sigaw naman ni Zyra.

Nainis naman si Ethan sa kaniya, "Tigilan mo na nga yang english mo nasa panganib na nga tayo puro english at kaartihan pa yang iniisip mo."

"None of your business,"supladang sagot ni Zyra."Just make a way para makalabas dito."

"Ikaw kaya gumawa, nagmamadali ka lang din wala namang natutulong,"sabi sa kaniya ni Ethan.

Habang sinusubakang buksan ni Ethan ang pinto sa labas ay biglang sumigaw si Zyra at tumalon dahilan para mapayakap sa likod niya.

"Help me!,'sigaw niya dahil may nahulog sa kaniyang butiki.

"Ano ba bitawan mo nga ako!"sabi naman sa kaniya ni Ethan at bigla itong humarap sa kaniya dahilan para ma-out of balance si Zyra.

Muntikan na itong matumba mabuti na lang ay nakuha ni Ethan ang kamay niya at hinila siya nito.Nagkalapit ang mga mukha nila sa isa't isa, sandaling huminto ang oras at nagkatitigan sila.

"Huy! What are doing?"tanong sa kaniya ni Zyra.

Umiling-iling naman si Ethan at saka niya binitawan ang pagkakahawak kay Zyra at muling humarap sa pinto at kunwaring hahanap ulit na paraan.

Ramdam na nila ang malakas na hangin sa labas dahil sa pumapasok na ito sa mga butas-butas.Hindi naman mabuksan ni Ethan ang pinto kaya naupo na lang muna ito sa dayami.

Nakita niya naman na nilalamig na si Zyra kaya naman tinawag niya ito at sinabing umupo na muna din siya sa tabi niya. Himala dahil kusang lumapit si Zyra sa kaniya para tumabi. Sa paghihintay nila na medyo tumila ang ulan sa labas ay hindi nila namalayan na nakatulog silang dalawa.

A few minutes later...

Nagising si Ethan at nakita niyang sa balikat niya natutulog si Zyra. Hindi niya ito inalia bagkus ay hinubad niya ang damit para ipatong sa kaniya dahil nakita nito na nanginginig na ito sa lamig.

Dahan-dahan siyang tumayo para humanap ng mga pira-pirasong tabla na gagawin niya na pagsilong sa kanilang dalawa para hindi na sila mabasa, kanina pa kasi tumutulo sa puwesto nila.

Napaisip na malalim si Ethan, "Pano na kami makakalabas dito?" tanong niya sa sarili bago niya ayusin ang mga tabla na nahanap niya.

Nang masiguro na niyang hindi na sila mababasa ay bumalik na siya sa tabi ni Zyra. Bigla namang nagising si Zyra ay nakita niya si Ethan na gising din.

"Are you okay?" tanong ni Zyra habang kinukusot ang mga mata.

Napalingon naman si Ethan ng marinig niya ang boses nito."Oo naman, ikaw bakit nagising ka? May problema ba?"

"Just nothing," sagot nito at saka niya napansin ang damit na nakabalot sa kaniya. "Is this from you? Bakit binigay mo sa'ken hindi ka ba nilalamig?"

Umiling lang si Ethan kaya naman hindi na lang siya kumibo.

Sa kubo...

Kanina pa pabalik-balik sa paglakad si Aling Lara sa loob ng kanilang kubo at balisang-balisa dahil sa sobrang pag-aalala sa dalawa na kanina pa hindi umuuwi.

"Nasaan na kaya yung dalawang yon?" tanong niya sa sarili, gustuhin man niyang lumabas para hanapin sila ay napakalakas na nang ulan para lumabas siya ng kubo.

Halos nagliliparan na ang mga gamit sa labas sa lakas na hangin at parang mga bakal ang bumabagsak sa bubong.

"Saan kaya nagpunta si ate?"alalang-ala na tanong ni Raphael na nakadungaw sa bintana.

Gusto man nilang lumabas para hanapin sila ay mapanganib ng lumabas dahil malakas na ang ulan at nagliliparan na ang mga nasa labas.

"Sana ay ligtas na lang sila," panalangin ni Aling Lara, at saka na humiga sa kama sa kanilang kwarto.

Sorry if I didn't upload for how many days due to a lot of school works. I hope you understand.

STRAWBERRY_FACTORYcreators' thoughts