webnovel

IKALABING-APAT NA KABANATA

"Tara kumuha tayo ng mangga,"pag-aya ni Diego sa kanila dahil wala din naman silang ibang magawa.

Dahil sa naiinip din naman ang mga kasama niya ay pumayag ang mga ito na sumama. Pero bago sila umalis ay nagpaalam muna sila kay Aling Lara, mabuti na nga lang ay pinayagan sila nito, kahit naman anong sabihin niya ehh wala ng siyang magagawa dahil handang-handa lahat umalis.

Kumuha na din sila ng panungkit at basket na paglalagyan nila ng mga mapipitas at saka na lumarga.

Pagdating nila sa puno ng mga mangga ay nakita nila na hitik na hitik na ito sa bunga halos magkulay dilaw na ang lupa dahil sa mga nahulog na hinog na mangga.

Sinabi naman ni Diego na aakyat siya at sila na lang ang manungkit para mas madami silang makuha.Sumunod naman sa kaniya si Ethan sa pag-akyat.

Sina Raphael at James ang nanungkit habang sina Zyra at Maria naman ang mga pumupulot ng mga nahuhulog.

"Aww...!"napasigaw si Zyra sa takot ng may mahulog sa harapan niya at muntikan na siya nitong matamaan.

Tumingin ito sa taas para makita kung sino ang naghulog sa kaniya nito.Galit na galit ito at hindi matigil sa kaka-sermon.

"Ano ba ha? Papatayin mo ba ako,"sabi niya kay Ethan."Ikaw talagang lalaki ka ha sobra ka na!"

"Kasalanan mo naman bakit hindi ka kasi tumabi!"sigaw naman ni Ethan na nasa taas.

"Bumababa ka nga diyan!"naiinis na sabi ni Zyra."Humanda ka talaga sa'kin mamaya pagbaba mo diyan!"

"Ikaw ang umakyat dito,"lalo pang siyang ini-inis."Kung kaya mo!"

"Huwag ka ng bababa dito!"galit na banta niya, dumidila-dila lang naman sa kaniya si Ethan.

"Ate, tama ka na diyan,"sabi ni Raphael. "Tulungan mo muna ako dito,"utos pa niya dahil kanina pa siya nagpupulot ng mangga habang siya ay kanina nakikipagbangayan.

"Why is this sticky?"tanong niya ng pulutin niya ito at nahawakan ang malagkit.

Sinabi naman na sa kaniya na dagta 'yon dahil bagong pitas lang ang mangga.Kahit na nalaman na niya ay nandidiri pa din siya kaya naman halos dulo na lang ang hawakan niya.

After picking mangoes...

Nai-uwi na nila sa kubo ang mga napitas nila "Dami nito,"sabi ni Diego habang binubuhat nila ang isang basket na mangga.

"Yun bang tree house natin dati nandiyan pa?"tanong ni Raphael, matagal na din niya yung hindi nakita at sa palagay ay nasira na.

"Syempre, ang tibay kaya non," pagmamalaki ni Diego, at isa pa inayos ng 'yon ng tatay niya nang malaman niyang dito sila magbabakasyon.

Naisipan naman nila na doon na lang nila kainin ang nga pinitas nila.Ang tree house kasing 'yon ang nagsilbi nilang palaruan noong mga bata sila.

Nang makita ni Raphael ay tree house nila ay namangha ito dahil yun pa din ang itsura at wala pinagbago.Parang bumabalik lahat sa kanila ang ala-ala nila sa lugar na 'yon.

Naunang si Raphael na tumakbo paakyat na sinundan naman ng mga kasama niya.Hindi naman nila napansin na naiwan sa baba si Zyra at sa duyan lang ito umupo.

"Bakit hindi umakyat si Zyra?"tanong ni Diego kay Raphael.

"Hayaan mo 'yon,"sabi naman ni Ethan. "Baka nag-iinarte lang nanaman 'yun."

Habang ang lima ay kumakain sa taas ito namang si Zyra at nakulala lang na para bang sobrang lalim ng iniisip.Bigla ulit pumasok sa isip niya ang sinabi sa kaniya ng lola nila.

"Bakit ba masyado akong affected sa sinabi niya!"sigaw ni Zyra sa sarili niya, nalilito pa din siya kung anong dapat niyang gawin pero para sa kaniya kahit anong mangyari ay hindi siya ang dapat humingi ng sorry.

"Hello?"sabi naman ng isang babae dahilan para bumalik ang kamalayan niya."Ikaw na ba 'yan ate Zyra!?"sigaw pa ng babae.

Nakatitig lang si Zyra sa babae,"Who...are you?"tanong niya."Magkakilala ba tayo?"

"Oo naman ate, hindi mo ba nakikilala ako 'to Lucy,"pagpapakilala ng babae sa kaniya. "Yung kalaro niyo dati dito, diba kapatid mo si Raphael?"

Narinig nina Diego at Ethan ang boses ng babae sa baba kaya napadungaw sila sa bintana para tignan kung sino.Nakita nila na si Lucy kaya nila itong tinawag para umakyat sa taas.

"Oh Rap long time no see ha,"sabi ni Lucy nang makita niya si Raphael, noong mga bata pa kasi sila silang dalawa ang palaging magkasama.

"Oo nga ehh,"nahihiya namang sagot ni Raphael."Musta ka na pala?"

"Ito okay naman,"sagot din nito.

"Yiee siya talaga ang agad napansin ehh," pabiro at medyo natatawa na may halong kilig na sabi ng dalawa.

"Huy tama na ha, baka dumami pa ang mga langgam dito,"natawang sabi ni Ethan sa kanila, sanay na din naman sila dahil bata pa lang sila ay ganon na sila magbiruan.

Habang nagtatawanan sila sila ay biglang may tumawag kay James sa kaniyan cellphone.Nag-excuse muna siya sa mga kasama at bumababa.

"Hello?"tanong niya sa tumawag.

"Ah sir kailangan niyo na pong umuwi dito bukas,"sabi ng katulong nila doon sa bahay. "Darating na po niyan sina ma'am."

"Oh thanks sa paalala,"sagot nito."Bukas na ako uuwi diyan.

"Uwi ka na?"pagkarinig ni James sa boses na galing sa likod niya.

Si Zyra pala iyon."Oo ehh, need na kasi darating na sila mommy bukas,"sagot niya. "Walang magsusundo sa kanila."

Nalungkot naman si Zyra na marinig niya 'yon dahil wala siyang close kung di siya lang talaga.Natuwa nga siya na dumating siya dito sa probinsya.

Sina Raphael naman na nasa taas pa din ng tree house habang masayang kumakain at nagkukwentuha, bigla namang may natanong si Ethan kay Raphael.

"Yung lalaking si James, kaano-ano niyo siya?"curios na curios na tanong niya.

"Si kuya James ba?" tanong niya."He's our cousin, why?" hindi malaman kung anong dahilan bakit niya 'yon natanong.

"Ah wala naman, hayaan mo na 'yon," sabi na lang ni Ethan.

Ilang sandali lang ay pumanik na din muli si James sa at kasama niya si Zyra.Natahimik silang lahat nang marinig nila ang sinabi ni James.

"I'm going home bukas,"sabi nito sa kanila, nagulat naman si Raphael dahil akala niya ay dito muna siya.

"I'm also going home,"sabi ni Zyra."Sasama na ako sa kaniya."

"Sige para buong taon ka dito,"banta ni Raphael sa kaniyang ate."Pero seriously kuya uuwi ka na talaga?"

"Yes,"sagot ni James."Susunduin ko kasi sina mommy bukas uwi nila galing Japan."

Sorry for the late upload, I'm just too busy with my homework.

STRAWBERRY_FACTORYcreators' thoughts