webnovel

Chapter16

naging maganda ang simula at pagbukas ng academy. maraming estudyante ang pumasok sa academy namin upang matuto. maganda rin ang pinagbago ng academy at minsan naliligo ako sa hot spring dati kasi walang hot spring

ngayon halos mag mag one week na simula bumalik ang alaala ko. hindi ko alam ano ang totoo kong naramdaman. kung gusto ko pa rin ba si Jinn o tanggapin si Seph bilang mate ko pero sa ngayon hindi ko na yun iniisip dahil mahigit 118 years old na ako at masyado ng matanda upang isipin pa ang buhay pagibig

200 years old and life span namin pero hindi kami tumatanda

pero minsan umaasa pa rin ako na makikita ko muli si Jinn. ang lalaking minsan ko inibig

ngumiti ako at naglakad na pabalik sa klase upang magturo pero nakita ko ang isang lalaki na nakatayo malapit sa pinto. hindi siya mukhang estudyante pero medyo pamilyar siya sa akin. napalingon siya sa akin at tama nga ako kung sino siya

"Nash"

"Aryanah o Elyanah?"

"ako si Aryanah Beverly at minsan naging Elyanah one of council member" sabay ngiti ko. napangiti siya

"masaya akong buhay ka" sabi nito

"lumipas na ang ilang taon siguro naman hindi ka na interesado sa akin?" pabiro kong tanong kaya natawa siya

"naging matured na ako pero hinahangaan pa rin kita tulad dati" sabi nito kaya tumango ako

"balita ko mate mo si Sasha ang babaeng minsan kang sinampal"

"sariwa pa sa akin yun"

"ang alin? ang pagsampal niya sayo? kalimutan mo na yun Nash sabi mo nga nagmatured ka na! wag mo ng dibdibin yun kasi mate mo siya! paano ba kayo nagkakilala bilang mate?" excited kong tanong

kita ko ang pagkuyom niya ng kamao at napangiti

"tulad sa inyo ni Seph! nagkakilala rin kami sa labananan noong kakamatay mo pa lang"

nagulat ako sa sinabi niya pero tinapik ko ang balikat niya

"pero nireject ko na siya" sabi nito na kinagulat ko rin

"ginagaya mo ba talaga ako Nash? nagkakilala kayo sa labanan tulad sa amin ni Seph at halos ireject ko na si Seph at ganoon rin ang ginawa mo wag mong sabihing ako ang habol mo?"

natawa si Nash sa sinabi ko kaya natawa rin ako. hanggang sa huminto siya sa pagtawa at ngumiti kaya kinabahan ako sa isasagot niya

"mate ko rin si Meriam"

"ganoon ba?" sabi ko at ngumiti at saka lang naintindihan ang sinabi niya. "ano?!" sigaw ko

tumango siya

pwede ba maging dalawa ang mate? posible ba yun? at si Meriam pa na kaibigan ko. teka paano nangyari yun?

"Aryanah masaya ako noong malamang buhay ka kaya binisita kita dito pero sana tulad ko sundin mo rin ang nilalaman ng puso mo! wag mong kalimutan ang taong minsan mong minahal! si Jinn! dahil alam mo ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin ni Meriam" sabi ni Nash at nagpaalam na sa akin at hanggang ngayon tulala pa rin ako

papunta ako sa hardin at nakita ang mga mate ng kaibigan ko except kay Meriam. sa itsura nila mukhang alam na rin nila na mag mate rin si Nash at Meriam

umupo ako sa tabi ni Lissy at uminom ng tubig

"kamusta Aryanah" sabi ni Kalleis kaya nginitian ko siya. kasama niya si Dari na nagbabasa ng libro at nakahiga sa binti ni Kalleis

napatingin ako sa isa pang lalaki na payat at umiinom ng lemon juice. gusto ko sana tanungin kung sino siya pero wag na lang. siguro kaibigan ng mga kaibigan ang lalaking ito

"hoy Melon inom ka ng inom ng lemon juice ano nagdidiet ka pa rin ba?" sabi ni Rara

Melon? saan ko ba narinig yun?

napasigaw ako nang maalala kung sino siya kaya napatingin sila sa akin. kung ganoon siya ang mate ni Lissy?

tumawa si Lissy

"tinakot ko siya na irereject ko siya kung hindi siya papayat kaya ayan nagsipag na pumayat ano effective ba?" sabi ni Lissy kaya napangiti na lang ako

"posible ba na dalawa ang mate?" tanong ni Rara kaya sumeryoso kami

"hindi kaya dinadaya lang sila Meriam at Nash o di kaya si Sasha? sa kasaysayan wala pang naitalang may ganoong nangyari" sabi ni Lissy

"wala man sa kasaysayan dahil nasa propesiya ito" sabi ni Dari at umupo mula sa pagkakahiga. "may tatlong magician na kokonekta sa iisang bond at maglalabanan ang dalawang babae at sa tingin ko nangyayari na" sabi tingin ni Dari sa ulap

pumunta kami malapit sa gate at nakita nga namin ang tensyon sa paligid. may mga estudyanteng nanonood at nasa gitna si Sasha at Meriam

naglakad si Nash sa tabi ni Meriam at galit na galit si Sasha

napalunok ako at hinanap si Seph na nanonood lang. kailangan ko itong pigilan pero pinigilan ako ni Kalleis at umiling sa akin

pinalibutan si Sasha ng tubig at kita ko ang pagulan ng malakas. dumidiretso yun kahit may barrier. napangiwi ako dahil mainit ang ulan

"Hot water Sasha vs Cold water Meriam labanan ng mga water magician" sabi ni Dari at chineer si Meriam

kanya kanya naman sila sa pagcheer. hinila ni Seph si Nash at mariing umiling na wag pigilan ang dalawa. pero bakit ba ayaw nilang pigilan ang dalawa?

biglang napalibutan ng tubig si Meriam sa paa gamit ang mahika niya. Sasha control the rain. at huminto ito sa ere. parang nawalan kami ng hininga dahil ilang segundo rin na nakahinto ito sa ere

naalala ko dati noong sinaktan ako ni Sasha at Ella ay ramdam ko na sobrang bigat ng pakiramdam ko noong mga oras na yun hindi kaya mahika yun ni Ella? at ang mahika ni Sasha ay hot water?

nanlaki ang mata ko nang biglang naging matulis ang mga hot rain

2 seconds

1 seconds

biglang bumulusok ang matulis na ulan papunta sa direksyon ni Meriam pero biglang naging ice ang tubig ni Meriam na nakapalibot sa kanya upang protektahan siya

bumaba ang ice ni Meriam at naging tubig. dumiritso ito kay Sasha upang atakihin pero gumamit si Sasha ng tubig upang sanggain ang tubig ni Meriam

nagkaroon ng pagsabog ang tubig na mainit at malamig

nagkaroon ng usok kaya napaubo ako pero nanatili pa rin nakatayo sina Sasha at Meriam at parang hindi gumalaw sa pwesto

nagpakawala ako ng hininga

dahil lang sa lalaki halos magpatayan na sila?

gamit ang cold water ni Meriam at naging ice at bumulusok ito papunta kay Sasha pero gumawa si Sasha ng hot water dragon at kinain ng dragon ang ice at nagkaroon ulit ng pagsabog

hindi pa rin sila gumagalaw sa pwesto pero halata sa mga tinginan nila na gusto na nila tirisin ang isat isa

patuloy sila sa pagatake kaya yung iba nagsasawa na panoorin sila lalo na si Kalleis na niyayang kumain si Seph kaya umalis na sila

si Nash naman ay nakapikit lang at napipikon na rin sa nangyayari

dalawang dragon ang sasalubong ulit pero biglang humangin ng malakas at isang malakas na hangin ang sumira sa dragon na ginawa nina Sasha at Meriam

galit na galit na si Nash

"okay kids bumalik na tayo sa klase" sabi ni Dari at pinaalis ang mga bata

niyaya na rin ako umalis ni Lissy kaya lumingon ako kay Sasha at kita ko na lumuluha siya habang nakatulala

ang lungkot ng mukha niya

"nasaan na si Ella?" tanong ko

"she's dead" sabi ni Dari kaya napahinto ako

teka namatay na si Ella?

biglang pumasok sa alaala ko ang ma pride na si Ella na lagi kong nakikita noong estudyante pa kami. she is the real boss

"how she.. die?" tanong ko

"noong sumugod ang rebelde sa academy at sinira ito. maraming nasawing estudyante kasali si Ella. namatay si Ella na pinoprotektahan si Sasha" sabi ni Lissy

malungkot siguro yun para kay Sasha at mas malungkot ang buhay niya ngayon dahil hindi siya ang pinili ni Nash

nagpakawala ako ng hininga at lumingon ulit kay Sasha. wala na yung galit ko sa kanya dahil hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob

hindi ko alam anong nangyari sa usapan nila kahapon pero hindi na nagpakita sa amin si Sasha

nandito kami sa hardin at tinuturuan ko ang mga estudyante sa pagaalaga sa mga bulaklak at minsan naglalaro sila sa promise tree

napangiti ako at nilagay ang mga pagkain sa mesa at tinawag na ang mga bata upang kumain

"pwede ba magaral dito?"

napalingon ako sa nagsalita at nakita si Miya na nakangiti. napangiti rin ako

"hindi ka na bata Miya magturo ka na lang tatanggapin pa kita" sabi ko kaya natawa si Miya

"sa tingin ko masaya ka naman" sabi nito kaya tumango lang ako. "may sasabihin lang ako" sabi nito kaya napatingin ako sa kanya. "ang mga rebelde ay hindi ang queen pala nabalitaan niya na binuksan ulit ang academy magiging banta ito sa inyo"

"bakit ba lagi niyang kinakalaban ang Fairyries?" galit ko na tanong

"sabi ni ate Maya sa akin dati ang head grand master ang pumatay sa mate ng queen"

kung ganoon ito ba yung kinwento ni Jill noong humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko at namatay?

"aalis na ako ate" sabi ni Miya kaya hinatid ko siya sa gate at nagpaalam na

paalis na ako sa gate nang maramdaman ko na may nakamasid sa akin. biglang kumulog kaya madali na ako umalis sa gate at sinara ito

parang may ibang taong nakamasid sa akin at sobrang lakas ng enerhiya niya

pumunta ako sa hardin at naupo sa damuhan nang biglang lumitaw si Arujah. nagpalinga linga ako

"anong ginagawa mo dito Arujah?" tanong ko

"hindi ka ba masaya makita ako? atsaka nasa fairy form ako at sa liit kong ito kahit lagam hindi ako makita hmp!" sabi nito

"pasulpot sulpot ka atsaka pinayagan ka ba pumunta dito?" sabi ko

"hoy!" sabay tulak niya sa noo ko kaya pinitik ko siya gamit ang daliri kaya nagpagulong gulong siya sa ere

"bakit ka pala nandito?" tanong ko

"naramdaman kong maraming nagaaligid aligid sa labas ng academy hindi mo ba naramdaman?" tanong ni Arujah kaya kinabahan ako. "malapit na ang labanan Aryanah at sa mga oras na ito kailangan niyo manalo laban kay Jianne"

natahimik ako sa sinabi niya

"may sasabihin ako at siguradong matutuwa ka at bubukas agad ang puso i mean tatalon ang iyong puso hmp!" sabi nito kaya napailing na lang ako

"ano ba yun? bibigyan mo ako ng kayamanan?" sabi ko

"hoy mayaman ka na no! saan mo ba ginasta ang mga pera pinamana sayo ng nagampon sayo" sabi nito

"tinago ko muna sa storage room sa mansyon ng nagampon sa akin! minsan dadalaw ako sa mansyon" sabi ko. "ano bang sasabihin mo?" tanong ko

"si Jinn Gemslock ay isang monk!"

sabay tawa niya ng malakas

"ano nagulat ka no? nagulat ka?"

"hindi" sabi ko kaya napasigaw siya. "sinabi sa akin ni Kaela at Kad na isang monghae ang kapatid ni Anikka at alam kong si Jinn yun at sinabi rin ng mga kaibigan ko ang tungkol doon at minsan nakikita ko si Jinn sa labas ng academy wearing monk clothes kaya hindi na ako nagulat sa sinabi mo"

sa inis ay napapadyak siya sa ere kaya natawa na lang ako at tumingin sa ulap kung saan laging kumukulog

"Aryanah" tawag ni Seph sa akin kaya kumindat si Arujah at naging maliit na bilog na umiilaw at naglaho

tama nangako ako sa puno na mamahalin ko si Seph at kahit si Seph. masyado na rin akong matanda kaya naman hindi ko na kailangan pumili pa. kailangan hindi ako maging makasarili. isipin ko rin ang mga nasasaktan ko at kahit sariling kaligayahan isasakripisyo ko

"Aryanah" tawag ulit ni Seph kaya ngumiti ako. umupo siya sa tabi ko at tumingin sa ulap. "noong namatay ka sinabi ko sa sarili ko na sana pinalaya na kita habang maaga pa"

napatingin ako kay Seph

"hindi ka sana namatay kung pinalaya kita habang maaga pa! hindi ka sana namatay kung hinayaan kong magmahal ka ng iba! gusto ko lang sabihin na tatanggapin ko kung ano ang desisyon mo"

hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi ni Seph. hindi ko alam ang sasabihin

"pero noong bumalik ka sa akin iisa lang ang gusto kong sabihin"

bigla akong nakaramdam ng kaba kung ano ang sasabihin niya

"i will protect you Aryanah"