webnovel

Chapter15

"master Aryanah paano po buhayin ang lantang bulaklak?" tanong ng mga estudyante sa klase ko

"tanging fairy lang ang makakagawa yun" sabi ko kaya namangha sila

"kung ganoon isa ka pong fairy?" tanong nila. sila yung mga bata na tinuruan ni Seph mula sa bayan niya

tumango ako

"pero meron ring mga high earth magic or high flower magic level ang kayang buhayin ang lantang bulaklak ngunit mahirap pagaralan pero wag kayong magalala dahil tuturuan ko kayo"

paalis na ako sa klase at medyo napagod ako dahil mahirap pala magturo. pero masaya ako maging master dito sa fairyries academy

sabi ni Seph may bagong apat na babae na magiging master ng academy pero malayo pa lang ako ay tanaw ko na sila

napatigil ako saglit kasi ramdam ko na biglang tumalon ang puso ko na para bang kilala ko ang apat na babae mula sa malayo

sabay sila lumingon sa akin at kita sa mga mata nila ang gulat. pakiramdam ko matutumba ako anytime pero pinili kong maglakad palapit sa kanila

nang makarating sa harapan nila ay ngumiti ako at doon bumagsak ang mga luha sa mga mata nila at hindi ko alam kung bakit naluluha rin ako

yung isa kilala ko ang mukha. siya yung naging bihag sa council

"ikaw ba si Aryanah Beverly?" paninigurado ni Lissy. nakilala ko siya sa council

"ako nga"

bigla nila akong niyakap kaya nagulat ako. panay ang iyak at hagulgol nila kaya ewan kung bakit umiiyak rin ako

"natatandaan mo ba ako? ako ito si Dari!"

"ako si Meriam naaalala mo pa ba ako?"

"ako si Rara pero sabi ni Lissy nakita ka niya sa council"

"ano bang nangyari Aryanah?" tanong ni Lissy

tinignan ko sila ng maigi. pumikit ako at inalala ang itsura nila at naging malinaw sa akin yung mga alaalang pinakita sa akin ni Miya. ang mga alaalang yun ay sina Lissy, Rara, Dari at Meriam pati si Jinn

Jinn?

bakit biglang pumintig ang puso ko? sino si Jinn? bakit malabo ang mukha niya?

"namatay ang mate mo sa digmaan at labanan hindi ba Rara?" tanong ko kaya nagulat si Rara at tumango

"mate mo si Kallies hindi ba Dari?" tanong ko at tumango naman si Dari

"ikaw naman Lissy mate mo si Melon" sabi ko kaya maluha luhang tumango si Lissy

buti nakatulong rin yung alaala ko na nakita ko doon sa bayan ni Seph. ngumiti ako at niyakap sila

napatingin ako kay Meriam na nginitian lang ako. oo nga pala wala pa siyang mate

"kung ganoon magiging master kayo ng fairyries?" tanong ko kaya ngumiti sila at tumango

"ang laki ng pinagbago ng academy" sabi ni Rara

"wala kaming binago inayos lang namin" sabi ni Seph

"kung ganoon nagsasama na kayong dalawa?" tanong ni Meriam sa amin ni Seph

"hindi pa" sabi ko kaya nagkatitigan sila

habang naglalakad kami sa field ay iniwan ako ni Seph sa mga kaibigan ko

"nakita ko si Nash at ang kinasusuklaman niyang babae ay yun pala ang mate niya" sabi ni Dari at pansin ko ang pananahimik ni Meriam

"si Sasha?" tanong ni Rara kaya tumango sila

Nash at Sasha? narinig ko na ba ang pangalan nila dati? tama sila yung mate na nasa cafe noong council member pa lang ako

"magiging master rin si Nash ng academy" nakangiting sabi ni Meriam

"balita ko nitong mga nagdaang araw ay nireject na ni Nash si Sasha" sabi ni Lissy

"ano?" sigaw ko dahil sa gulat kaya naghingi ako ng sorry. "sorry nagulat lang" sabi ko

"lagi ka nagsosorry kahit dati pa napakamahinhin mo" sabi ni Rara kaya tumango si Lissy sa akin

kung ganoon mahinhin pala ako dati? kahit papano nasagot na rin

"hindi ko naman masisisi si Nash kasi selosa si Sasha at alam ko ring ang harsh ni Sasha kay Nash noong estudyante pa lang tayo" sabi ni Dari

pansin ko ang pananahimik ni Meriam kaya tinignan ko. nagulat lang ako noong akbayan ako ni Lissy

"sabi ko na ikaw si Aryanah kahit nakasout ka ng council member at Elyanah ang pinakilala mo sa akin" sabi ni Lissy

"yung mga oras na yun wala pa akong maalala" sabi ko

"di bale na atleast buhay ka" sabi ni Rara kaya tumango sila

"ano bang nangyari noong masaksak ka? akala namin patay ka na" sabi ni Dari

"hindi ko maalala kung bakit nabuhay ako pero nagising ako sa kweba at hawak ko sa mga kamay ko ang lucifer sword" sabi ko

"ang espada ni Seph" sabi ni Dari

"alam mo galit na galit ako kay Seph noong masaksak ka pero bigla na lang sumugod ang mga rebelde at pinagpapatay kami pero nakatakas kami at namuhay sa malayo" sabi ni Rara

"hindi mo ba maalala ang lalaki na nangangalang Ji ah wala" sabi ni Lissy at malalim kung tumitig sa akin

"Meriam bakit kanina ka pa walang imik? hindi ka ba masaya na nandito si Aryanah at buhay na buhay" sabi ni Rara

"she found her mate" sabi ni Dari kaya nanlaki ang mga mata namin

"bakit hindi mo sinabi?" tanong ni Rara at niyakap si Meriam kaya ngumiti lang si Meriam

"bago ko lang nalaman pero sabi ni Meriam na siya na lang daw ang magsasabi pero hindi ko rin kilala kung sino" sabi ni Dari

"guys may lakad pa pala ako pasensiya na Aryanah kung aalis ako" sabi ni Meriam

"ayos lang" sabi ko at tinanaw namin si Meriam na naglakad palabas ng gate ng academy. "pansin ko ang tahimik niya" sabi ko

"may problema si Meriam ano sa palagay mo Dari?" tanong ni Rara pero yumuko lang si Dari

"hindi niya sinabi sa akin ang mate niya siguro malalim ang dahilan" sabi ni Dari

tumitig na lang kami sa gate nang bigla akong akbayan ni Lissy

"pumunta tayo sa hardin" sabi ni Lissy sa akin kaya tumango kami at papunta na sa hardin

tumatakbo takbo si Rara dahil wala pa rin daw pinagbago ang hardin dahil maganda pa rin at maraming bulaklak pero napasigaw si Rara nang magsalita ang puno sa kalayuan

"kamusta" sabi ko

"teka kailan pa yan nagsasalita?" gulat na tanong ni Rara kaya tumawa lang si Lissy at Dari

"promise tree?" sabay basa ni Dari sa nakasulat kaya binasa rin ni Lissy at Rara pero nawala ang ngiti ni Lissy at napatingin sa akin kaya nagtaka ako

"hindi mo ba naaalala si Jinn?" tanong sa akin ni Lissy

Jinn? bakit ang lungkot ng pakiramdam ko? meron ba akong naiwan? sino si Jinn?

"confused Aryanah? wag mo ng pansinin si Lissy" sabi ni Dari sa akin at nginitian ako

"kumain muna tayo! hinanda namin ito para sayo Aryanah" sabi ni Rara at nakaupo sa tela na para bang nagpipicnic at sobrang daming pagkain

ngumiti ako at lumapit kami sa kanya at umupo

"tignan mo Aryanah" sabay bigay ni Rara sa akin ng camera kaya nagtaka ako pero kinuha ko itong nakangiti

nakita ko ang mga picture namin noong estudyante pa lang ako kaya natawa ako

natawa rin sila kaya sabay kaming tumawa pero nawala ang tawa ko nang makita ang mukha ni Anikka Gemslock

"bakit?" tanong ni Lissy at kinuha sa akin ang camera

"ang babae bang yan ay si Anikka Gemslock? ang anak ng queen?" tanong ko

"oo" sabi ni Dari

"Anikka! she betrayed us!" sabi ni Rara at balak idelete ang mga picture ni Anikka

"hindi niya ako namukhaan noong nakita niya ako sa council after years" sabi ko

"nagkita kayo?" gulat na tanong ni Lissy, Rara at Dari

"nakilala lang niya ako nang makita niya ang lucifer sword ni Seph pero wag kayong magalala hindi rin naman ako nakilala ni Nash" sabi ko

"ano?!" gulat na tanong nila

ngumiti lang ako at kinwento sa kanila ang nangyari sa akin sa loob ng 100 years. kinwento rin nila sa loob ng 101 years

pauwi na kami sa dorm ng mga master para matulog. napili naming sa iisang kwarto matulog

"saan ka pupunta Rara?" tanong ni Dari na nagbabasa kasi nakatowel lang si Rara at may dalang damit

"sabi ni Seph may ginawa siyang hot spring dito sa loob ng academy balak kong maligo doon ayaw niyo bang sumama?"

"syempre sasama kami Rara!" sabi ni Lissy at mabilis na kumuha ng towel at damit kaya tumayo na kami ni Dari at kumuha ng towel at damit

nang makarating sa hot spring ay naligo kami

"naalala ko dati ikakasal ka Aryanah akala ko si Seph na ang magiging asawa mo pero naging runaway bride ka" sabi ni Lissy kaya natawa sila

may alaala namang pumasok sa akin na mukhang naalala ko na naging runaway bride ako kaya natawa na lang ako. mukhang naalala ko nga

"at nagkaroon nga ng labanan noong araw na yun at doon ako nasaksak" sabi ko kaya tumango sila

"nakita ko dati si Jinn isa na siyang monk at mas lalong naging malakas ang kanyang skilled sa pakikipaglaban" sabi ni Dari at uminom ng tea habang nasa hot spring

"si Jinn ba kung tama ako siya ba yung lalaking inibig ko noong nabubuhay pa ako?" tanong ko

"bakit patay ka na ba?" tanong ni Rara kaya binatukan siya ni Lissy

"tama ka! akala nga namin naghihiganti ka kay Seph yun pala mahal mo na ang lalaking hindi mo naman mate at mas malala rebelde pa at nakakatandang kapatid ni Anikka" sabi ni Dari

"kalimutan na natin yun! kaya ka siguro nawalan ng alaala dahil hindi para sayo si Jinn lahat tayo may itinadhana at si Seph ang mate mo" sabi ni Rara kaya binatukan naman siya ulit ni Lissy

"babalik rin lahat ng alaala mo Aryanah" sabi ni Lissy at sumandal sa balikat ko

pumikit ako

sino ka ba Jinn?

hindi ko alam nakatulog pala ako at hinihila ako sa panaginip

isang lalaki ang nakatayo sa harapan ko pero hindi siya sa akin nakatingin. rinig na rinig ko ang mga paang tumatakbo papalapit sa amin

"Aryanah" tanong ng lalaki pero bakit hindi siya sa akin nakatingin pero kaharap naman niya ako

magsasalita sana ako na ako si Aryanah pero may boses na babae akong narinig at dumaan lang siya sa katawan ko na para bang tumagos sa akin

kamukhang kamukha ko siya pero kulay asul ang buhok niya

Arujah

tama siya si Arujah ang water fairy princess

"teka!" sabi ko pero nginitian lang ako ng masama ni Arujah

"Jinn" sabi ni Arujah sa lalaki at niyakap ito kaya kinabahan ako

siya si Jinn?

"Jinn wag kang maniwala na ako siya!" sigaw ko kaya bigla akong kuminang at tinignan ako ni Jinn

tinulak niya si Arujah kaya napaupo ito sa lupa. inis na tinignan ako ni Arujah at sa isang pitik niya ay biglang naglaho si Jinn at naging tubig

nakarinig ako ng tawanan at tumingin ako sa likuran at nakita ang dalawang babae na kamukha ko rin pero puti at pula ang buhok

"Karilah? Nirayah?"

"Aryanah kamusta?" tanong nila

"naalala ko na ang lahat at kung paano ako nabuhay ulit"

"syempre maalala mo kasi fairy princess ka" natatawang sabi ni Karilah

ngumiti ako

"gusto ko makita si Jinn" sabi ko

"matimbang pa rin ba si Jinn sayo o yung mate mo?" kinikilig na tanong ni Arujah

natahimik ako sa sinabi nila

"ayaw mo na ba kaming kakwentuhan? bakit hindi ka umiimik?" tanong ni Arujah

"Arujah para kang bata bakit mo naman naisipan na gayahin si Aryanah at gumawa ng pekeng Jinn nagmumukha ka tuloy ewan" natatawa na sabi ni Nirayah

"hmp" sabay irap ni Arujah

"paano bumalik ka na sa mga kaibigan mo Aryanah" sabi ni Karilah kaya ngumiti ako

bigla akong nagising sa isang panaginip at naalala ko nasa hot spring pala kami buti na lang hindi ako nalublob sa tubig kundi nawalan na ako ng hininga

sa ngayon pakiramdam ko bumalik na lahat ng alaala ko. napangiti ako nang maalala kung sino talaga ako

ako si Aryanah Beverly isang mahinhin na babae at mapagpasensiya

"ang tahimik mo naman Aryanah" sabi ni Rara kaya nginitian ko siya

"nakatulog ka ba?" tanong ni Lissy kaya natawa na lang ako

"kaya pala ayaw labanan ni Anikka ang mga rebelde at pinalabas na hindi niya pa nagagamit ang mahika niya dahil pala isa siyang espiya" sabi ni Dari kaya natahimik kami. "kung naging maaga ko sanang nalaman siguro matagal na siyang nabura sa kalawakan"

pakiramdam namin nagtayuan ang balahibo sa katawan namin dahil sa sinabi ni Dari