webnovel

Chapter10

nakasout ako ng puting gown at napakahaba at hawak ang puting rosas habang nakatingin sa salamin pero halata sa mukha ko ang lungkot

hindi dahil nahuli kong naghalikan ang mate ko at si Anikka kundi hindi ako masaya. pero bakit hindi ako masaya bakit gusto kong umiyak bakit labag sa loob ko na magpakasal kay Seph?

inaamin ko namang gwapo siya pero mas gwapo si Jinn

teka paano nasali si Jinn dito?

napailing ako nang bigla kong naalala yung hinalikan ako ni Jinn kaya bigla akong napangiti ng walang dahilan

"Aryanah ngiti ngiti mo diyan?" natatawang tanong ni Meriam

"syempre ikakasal na siya alangan namang iiyak siya" sabi ni Rara kaya nagtawanan silang dalawa

"ang ganda mo sana ako na lang ang mate ni Seph syempre sino bang hihindi? dark eye of heaven yun!" sabi ni Lissy

"hoy Lissy baka magselos si Melon at sa pagkaselos niya kakain naman yun ng melon syempre babawas ang timbang niya" sabi ni Rara

"ikaw mapagasar ka atsaka bakit naman babawas ang timbang niya?" seryosong tanong ni Dari

"prutas kaya yun nakakataba ba?" sabi ni Rara at tumawa naman kaya natawa na lang kami

lumapit naman sa akin si Lissy at nilagay ang buhok sa likod ko habang nakangiti kaya napangiti ako

"ang ganda mo Aryanah sana maging masaya ka kung anong naging desisyon mo" sabi ni Lissy kaya tumango lang ako

"si Anikka dadalo ba sa kasal mo?" tanong ni Dari habang nakaupo sa upuan

"parang nakita ko siya kanina sa entrance ng simbahan pero sa tingin ko hindi siya dadalo kasi nakapantalon siya at mukhang hindi nakasout ng long white dress" sabi ni Meriam kaya natahimik kaming lahat

bigla naman bumukas ang pinto at sinabing kailangan na naroon ang mga kaibigan ko

"Aryanah mauna na kami sa simbahan" sabi ni Lissy kaya nagpaalam na sila sa akin at lumabas ng kwarto

huminga ako ng malalim at naalala naman ang paghalikan ni Seph at Anikka sa clinic. medyo sumakit tuloy ang puso ko. hindi ko mapapatawad si Seph dahil alam ko naman na kung hindi niya ako nakilala bilang mate niya ay mas gugustuhin niyang maging sila ni Anikka kaya hindi ako papayag na maging asawa ako ni Seph

napalingon ako sa bintana. bakit parang kakaiba ang pakiramdam ko? may nakamasid ba sa akin o may mangyayaring hindi maganda?

bigla naman bumukas ang pinto at sinabing kailangan ko ng sumakay sa puting karwahe kaya tumango ako at lumabas na at pagkalabas ko ay sumakay na ako agad sa karwahe

habang tumatakbo ang karwahe ay tumingin ako sa paligid. tinatayuan pa rin ako ng balahibo sa katawan. kakaiba ang pakiramdam ko pati na rin ang gagawin ko. natatakot ako

narinig ko ang tunog ng dambana. napatingin ako sa bintana at nasa harapan na ako ng simbahan at huminto na rin ang karwahe. bumukas ang pinto at bumaba ako

pumasok na ako sa simbahan at lahat ay nakatingin at nakaabang sa akin

pagkapasok ay naglakad ako papunta sa unahan na hawak ang puting bulaklak. ramdam ko ang panginginig ng kamay ko at medyo naluluha ako. masakit ang puso ko. masakit pero hindi labag sa akin ang gagawin ko. pinilit kong ngumiti habang naglalakad

tinignan ko si Seph at naalala ang pagbuhos niya sa akin ng milk shake at ang mga masasakit na salita na binitawan niya sa akin kaya naman napahigpit ang paghawak ko sa puting bulaklak

napatingin ako sa mga nandito at nakita ang mga kaibigan ko na kumaway sa akin at mga estudyante ng Fairyries Academy. sobrang daming mahikero at mahikera. pero sa tingin ko yung ibang fairyries ay wala dito. inalis ko na ang tingin sa kanila at tumingin kay Seph na nakangiti sa akin

meron priest sa harapan at hawak ang bibliya at hinihintay nila ako

lumawak ang ngiti ni Seph pero naglaho yun nang napatigil ako sa paglalakad

tears flowing in my cheeks

napasinghap ang mga mahikero na dumalo dito at nagumpisang magbulungan

napasinghap ulit sila nang bitawan ko ang puting rosas at rinig ko ang tunog ng pagbagsak nito sa sahig

"I'm sorry Seph but i cant do this"

sabi ko na alam kong umecho sa pandinig ng mga dumalo

bago pa ako lapitan ni Seph ay mabilis na akong tumalikod at tumakbo palabas ng simbahan. rinig ko ang pagsigaw nila ng pangalan ko pero hindi ko sila pinakinggan. sa tingin ko nga mabagal akong tumakbo o napakahaba ba ng hallway ng simbahan kung bakit hindi pa ako nakarating sa pinto

tinatawag nila ang pangalan ko pero huli na dahil nakalabas na ako ng pinto ng simbahan. patuloy ako sa pagtakbo nang marinig ko ang sigaw ni Seph

"You will regret this mate"

i heard his voice and it sounded like he was a bit sad and disappoint but i fastly ran until i get out

bumaba ako sa mahabang hagdan hanggang sa tumakbo ako paalis. pero hindi pa ako nakakalayo ay rinig ko ang mga sigawan at hiyawan ng mga mahikero sa loob ng simbahan. akala ko dahil sa akin pero noong lumingon ako ay may mga rebelde na pumasok sa loob ng simbahan

nagulat ako at napatigil. mabilis kong pinunit ang dulo ng gown ko hanggang sa binti ko. gusto ko ng umalis sa lugar na yun pero napatigil ako dahil nakita ko si Jinn

biglang tumambol ng malakas ang puso ko nang makita siya. ang tagal ko siyang hindi nakita. i missed him. nakita ko rin na kinalaban niya si Seph na galit na galit at lumilipad na sa ere

hindi pwede ito baka mapano si Jinn. i should warn him or else he will die. hindi ko alam kung anong klaseng mahika ni Seph baka mapahamak si Jinn

hindi ko alam pero napaiyak na lang ako

halos masira na ang boung simbahan dahil kanya kanya silang laban

napatingin ako ulit kina Jinn at Seph at halos hindi siya matamaan ng kidlat ni Jinn dahil napupos ito bago tumama sa katawan ni Seph. biglang tumilapon si Jinn na para bang may soundwave akong nakita galing kay Seph at halos mabingi kaming lahat

napatakbo ako pabalik

tumawa lang si Jinn ng mapangasar na para bang wala lang ang soundwave

"your mate doesn't loved you and i knew it was hurt" sabi ni Jinn

"wala kang alam!" sigaw ni Seph

"okay wala akong alam kasi paano ko ba malalaman na hinalikan mo ang kapatid kong si Anikka?" sabi ni Jinn kaya nabigla ako at hindi makapaniwala

magkapatid si Jinn at Anikka? paano nangyari yun? bakit hindi ko alam yun?

dahil sa galit ni Seph ay biglang lumabas ang lucifer sword sa kamay niya. alam ko yun dahil lagi niya yung ineensayo noong hindi niya pa ako kilala at kapag nasaksak ka nito ay agad hihiwalay ang kaluluwa mo sa katawan mo but it doesn't know na patay ka na

gumawa naman ng sword of Zeus si Jinn at naglaban sila gamit ang espada

kinakabahan pa rin ako. paano kung mapahamak ang isa sa kanila?

habang tumatama ang espada ni Jinn sa espada ni Seph ay kumukulog. maybe it is approach by Zeus spirit

mabilis ring nabitawan ni Jinn ang espada niya kaya naman walang sinayang na sandali si Seph at tumakbo papunta kay Jinn at umikot

pero mabilis akong pumagitna at hindi nila ako napansin hanggang sa nasaksak ako ng espada ni Seph sa tiyan

nakita ko paano ito bumaon sa katawan ko at tumagos sa likod ko

mabilis akong napasuka ng dugo at pakiramdam ko nahihilo ako at umaalis ang kaluluwa ko sa katawan ko. mabilis rin ang pagpintig ng puso ko at pakiramdam ko parang mawawalan na ako ng malay

gulat na gulat si Seph kahit si Jinn

kusang bumagsak ang katawan ko pero sinalo ako ni Jinn. kita ko ang gulat at galit pati lungkot sa mga mata niya

i cried a lot

namuo ang luha ni Jinn sa mata niya habang nakahiga ako sa paa niya

"ang init ng katawan ko" sabay suka ko ng dugo kaya doon na tumulo ang luha ni Jinn sa pisngi ko

"bakit mo yun ginawa?" sabi nito at pumiyok pa ang boses

"hindi ko naiintindihan pero ngayon naiintindihan ko na! mahal kita Jinn" lumuluha kong sabi at nagiging dalawa na siya sa paningin ko

kita ko na nakatayo lang si Seph at hindi alam ang magiging reaksyon niya

"hindi ako nagsisisi Seph" sabi ko kaya napakuyom siya ng kamao

"sige ilo-loveback rin kita Aryanah" sabi ni Jinn kaya natawa ako

"sige" sabi ko at tumango tango

unti unti ng pumikit ang mata ko at yung araw naging madilim. parang may tumulak sa akin palabas sa katawan ko at ngayon lumalayo na ako sa lugar na yun at hindi ko alam kung saan ako makakarating o baka sa ibang daigdig o di kaya sa heavenly o sa empyerno kasama si Hades

parang umikot ang paningin ko at bumagsak ako sa ibang lugar. basang basa ako kaya napamulat ako at hilong hilo. napatingin ako sa tubig na kulay dugo kung saan doon ako bumagsak kaya naman nagsisigaw ako dahil dugo ang tubig

"normal lang yan" napalingon ako sa babae na nagsalita at gustong tumawa. "para sa mga nabubuhay normal na tubig lang yan pero para sa ating mga kaluluwa paningin natin ay kulay dugo yan"

tumayo siya at naglakad na palayo kaya dali dali akong umahon sa tubig at tumakbo papunta sa kanya

"anong pangalan mo?" tanong ko kaya napahinto siya sa paglalakad at lumingon sa akin

"Jill"

"Jill?" tanong ko

"i'm Jinn's mate" sabi nito kaya pakiramdam ko nagunahan sa pagtibok ang puso ko. hindi ko alam kung bakit nagseselos ako. ngumiti ako pero alam kong napangiwi ako

"ako si Aryanah" sabi ko

"gusto mo sumama sa akin Aryanah?" nakangiting sabi nito kaya tumango ako. pupunta ba kami sa mga iba pang kaluluwa na namatay rin?

pero teka namatay na ba talaga ako?

nakarating kami sa gubat at ang paningin ko ay black and white

"bakit?" tanong ni Jill

"parang walang kulay ang paningin ko"

"ganyan tayong mga namatay na black and white ang paningin kaya dapat masanay ka na pero teka paano ka ba namatay?" tanong ni Jill

"nasaksak ako" sabi ko kaya napatango tango siya. "ikaw?" sabi ko

"pinaslang ako gamit ang mahika! alam mo ba kung anong naramdaman ko? para akong sinusunog ng buhay" sabi nito at halata ang galit sa mata pero noong lumingon siya sa akin ay ngumiti siya at niyaya na akong pumasok sa cabin

naalala kong si Rhea ang pumatay sa kanya

rinig ko ang ingayan ng mga kaluluwa. nagsisiyahan at nagsasayawan sila. para tuloy akong kinilabutan. nakakatakot sila. para silang patay na nagsasaya. napahinto sila at napalingon sa akin

"siya si Aryanah" sabi ni Jill. binati nila ako at nagpatuloy sa pagsasaya. sumandal ako sa bintana at tumingin sa labas. tumabi sa akin si Jill. "wag kang matakot sa mga kaluluwa" sabi nito

"hindi naman ako natatakot naninibago lang" sabi ko

tumitig ako kay Jill. napakaganda niya at napakainosente ng mukha. itim na itim ang buhok niya at makapal ang kilay. mahahaba ang pilik mata. kahit black and white ang paningin ko sa kanya makikita mo pa rin na maganda pa rin siya

minahal ba siya ni Jinn?

"matakot ka sa mga ghost slayer" sabi nito

"ghost slayer?" tanong ko

"kumbaga mga grim reaper! kinukuha nila ang mga kaluluwa at dinadala sa ibang daigdig" sabi nito kaya nagtayuan ang balahibo ko. "ilang beses na rin ako nakatakas sa kanila pero this time alam ko namang mahahanap nila tayo dito sa gubat at kunin tayo pero teka marunong ka ba paano makipaglaban? kahit kaluluwa na tayo magagamit pa rin natin ang mahika natin"

"totoo?" excited kong sabi kaya tumango siya

sinubukan kong magpalabas ng bulaklak at napalabas ko nga kaya tuwang tuwa ako. nagpalabas naman si Jill ng mahika niya at doon ko nalaman na ang mahika niya pala ay lupa. napatigil ang lahat sa pagsasaya nang biglang umugong

"nandiyan na sila! Aryanah mabilis ka bang tumakbo?" tanong sa akin ni Jill kaya hindi ko alam ang isasagot. "basta tumakbo ka ng mabilis" sabi nito kaya lahat ng mga kaluluwa ay tumakbo ng mabilis palabas ng cabin at kung saan saan and direksyon. "Aryanah!" sigaw ulit ni Jill

"siguro" sabi ko. mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palabas ng cabin

"takbo!" sigaw nito at sabay kaming tumakbo

hindi ko alam na hindi pala ako napapagod. hindi ba napapagod ang nga kaluluwa? ilang metro na rin ako tumatakbo pero hindi pa rin ako pagod

napalingon ako sa likuran ni Jill. hindi ko alam na mabait pala siya. ano kaya magiging reaksyon niya kapag nalaman na gusto ako ni Jinn at gusto ko rin siya? kinakabahan ako sa tanong na yun

sobrang daming grim reaper ang narito at halos ang iba ay nahuli na nila. patuloy pa rin ako sa pagtakbo nang madapa ako dahil may pumulupot sa paa ko

isang lubid at ang grim reaper ang may kagagawan

"Aryanah!" sigaw ni Jill at bumalik sa akin

biglang umangat ang lupa sa paanan ko at umurong ang umangat na lupa papunta sa grim reaper pero tumalon ang grim reaper. inumpisahan ko ng tanggalin ang lubid sa paa ko pero ang hirap pala dahil makapal ito pero tinapon sa akin ni Jill ang kutsilyo kaya mabilis ko itong kinuha at inumpisahang hiwain ang lubid

naglalabanan ngayon si Jill at ang grim reaper. biglang lumindol at alam ko si Jill ang gumawa. pinalibutan niya ng mga lupa ang grim reaper pati ang itaas ng grim reaper at diniinan niya ito hanggang sa mawala na sa paningin ko ang grim reaper. kung ordinaryong tao lang ito sa palagay ko namatay na ito sa sikip ng lupa na pumalibot sa boung katawan nito pero ibahin niyo ang grim reaper dahil nagawa niyang basagin ang lupa sa isang suntok lang

"Jill hanggang kailan ka tatakas?" tanong ng grim reaper

"hanggang sa mamatay ako" sabi ni Jill kaya natawa ako. eh patay na nga siya

natanggal ko na rin ang lubid kaya pinauna ako ni Jill na tumakbo na palayo pero nagmatigas ako. she saved my life tapos iiwanan ko siya?

pumikit ako at nagpalabas ng matitinik na vines na may mga bulaklak na rosas at pinulupot ito sa katawan ng grim reaper pero imbes na matakot siya ay nagulat pa siya at sabay luhod sa harapan ko

nagtaka kami ni Jill bakit ginawa yun ng grim reaper but then may binanggit siyang salita

"our beloved fairy princess"