webnovel

Chapter11

nanlalaki ang mga mata ko at takang taka. anong pinagsasabi niyang isa ako sa nawawalang fairy princess?

"bakit mo nasabi yan?" tanong ko at hindi makapaniwala. "anong fairy princess?" sigaw ko

"hindi nagsisinungaling ang mga grim reaper" bulong sa akin ni Jill

"nagmula ang iyong fairy magic mula kay Fairy God Mother hinati niya ito sa apat at yung apat na yun ay tinatawag na fairy princess. ikaw na lang ang hinihintay sa heavenly fairy upang mabuo kayo ng mga prinsesa" sabi ng grim reaper

hindi ko alam kung matatawa ako o hindi pero hindi ako makapaniwala sa sinabi niya

"ibig mong sabihin isang prinsesa ng mga fairy si Aryanah?" tanong ni Jill kaya tumango ang grim reaper pero ang sama ng tingin kay Jill

"imposible" sabi ko

agad dumating ang ibang grim reaper at lumuhod sa akin kaya halos mangatog ang tuhod ko. teka hindi ako sanay

"sa lalong madaling panahon kailangan niyo na pong pumunta sa heavenly fairy hindi po kayo nababagay na maging kaluluwang ligaw. isa po kayong prinsesa" sabi nito kaya lahat ng mga kasama namin ni Jill na kaluluwa ay nakatingin sa akin at bigla na lang silang lahat napaluhod sa akin

hindi ako sanay

umalis ang mga grim reaper at sinabi nila na susunduin nila ako ng maayos upang dalhin sa heavenly fairy kung saan makikilala ko si fairy god mother

kinakabahan ako at namamawis pero natutuwa ako dahil hindi ko alam na isa pala akong fairy princess at makikita ko pa si fairy god mother

"mukhang masaya ka?" sabi ni Jill sa akin at tumabi sa akin. tumingin siya sa malayo

"talaga bang hindi ka sasama?" tanong ko

"Aryanah hindi talaga ako pwedeng sumama doon dahil patay na talaga ako at isa na lang akong kaluluwa pero ikaw. humiwalay lang ang ispirito mo sa iyong katawan at may pagasa pang babalik ka pa sa mundo ng nabubuhay"

"Jill.." sabi ko at tumingin sa mga mata niya. ngumiti siya sa akin. "gusto kong ikwento mo ang buhay mo kasama si Jinn"

napangiti siya

"gusto mo ba malaman?" excited nitong tanong kaya pakiramdam ko dinudurog ang puso ko. bakit ko ba kasi naisip na itanong pa yun?

"oo" sabi ko

"alam mo sa totoo lang hindi ako umiiral sa buhay ni Jinn" sabay tulo ng luha niya sa mata. hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano pero isa lang ang malinaw kong nararamdaman

naaawa ako kay Jill

"bakit?" tanong ko

"noong malaman niyang ako ang mate niya alam kong hindi siya masaya. kasi sino ba namang sasaya kung malalaman niyang ang ama ng mate niya ang pumatay sa ama niya diba?" sabay ngiti nito ng malungkot

biglang kumabog ang puso ko. lahat malinaw na para sa akin. kaya pala noong kinwento ni Anikka na wala na siyang ama ay pinatay pala ito ng ama ni Jill na mate ni Jinn

"teka may kapatid ba si Jinn?" tanong ko

puno ako ng katanungan

"meron at sobrang makapangyarihan niya"

"babae ba siya? teka anong pangalan niya?" tanong ko

"Anikka Gemslock"

si Anikka at Jinn magkapatid nga ba? pero bakit magkaiba ang apilido nila at bakit rebelde si Jinn? ano bang nangyayari?

at bakit Deerston ang niregister ni Anikka na apilido niya sa Fairyries?

ang dami kong katanungan

"rebelde ka ba?" tanong ko kaya natawa siya

"anong pinagsasabi mo?" tanong nito

"bakit naging rebelde si Jinn?" tanong ko

"ah yun ba" sabi nito kaya mabilis akong napatingin sa kanya. "ang ina ni Jinn at Anikka na si Jianne Gemslock ay ang pinuno o leader ng mga rebelde"

"ano!" halos pasigaw ko dahil sa gulat

ano bang nangyayari? pero alam kong nasa panganib ang Fairyries! kailangan kong makabalik sa katawan ko. kailangan kong humingi ng tulong sa fairy god mother upang makabalik sa katawan ko at para na rin malaman ng mga fairyries na may nagaaral na rebelde sa fairyries

"alam mo ba ang apilido na Deerston?" tanong ko

"kung tinutukoy mo kung Deerston ba sina Jinn at Anikka, oo ang sagot ko. ang ama nila ay Deerston ang apilido pero Gemslock ang ginamit nila dahil buntis pa lang sa kanila si Jianne namatay na ang mate nito na Deerston na ama nina Jinn at Anikka"

halos hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. napaupo na lang ako na para bang napagod ako kahit wala naman akong ginagawa. marami akong nalaman na nakakagulat

hindi na ako makapaghintay na bumalik sa katawan ko. i should warn them

biglang umugong ng malakas at bumaba mula sa langit ang mga grim reaper at men in armor

"Aryanah" napalingon ako kay Jill. "maging masaya kayo" sabay luha niya ngunit nakangiti. unti unti na siyang naglaho sa liwanag. ganoon rin ang ibang kaluluwa

ibig sabihin nahanap na nila ang kapayapaan pero anong ibig sabihin niyang maging masaya kami? ako ba at sinong kasama ko ang tinutukoy niya? hindi kaya noon palang may alam na siya?

hindi naman imposible dahil may bond sila ni Jinn kahit patay na siya. nararamdaman niya kaya na may gusto sa iba ang mate niya? nagseselos kaya siya?

napangiti na lang ako medyo naluha

magiging masaya kami, Jill

naglakad ako papunta sa upuan na may disenyo para sa prinsesa. pagkaupo ko ay kusa itong umangat sa ere kasama ang mga mens in armor at grim reapers. lumipad kami papunta sa kalawakan

i could even saw the world getting smaller as we flew far away

isang mabangong halimuyak na hindi ko alam kung naamoy ko na ba dati at makapal na amog. tumutunog rin ang dambana ng walang katapusan

kasabay na naglaho ang amog at ang maingay na dambana

isang napakagandang lugar ang nakita ko

"Aryanah Beverly"

napalingon ako sa nagsalita at nakita ang myth na matagal ko ng narinig

ang fairy god mother naming mga fairy flower. nanginig ang tuhod ko kasabay yun ay napaluhod ako upang magbigay galang. lahat ng kalamnan ko ay nanginginig dahil sa presensiya at matindi niyang kapangyarihan

she hold her wand it has ball on the top and it's glowing. her face is looks young and pretty. she has a long blonde hair

"i waited you for a long time Aryanah" she said and holding my hand and help me to stand

hindi ko alam kung anong klaseng fairy ako pero masaya ako dahil prinsesa pala ako. napangiti na lang ako

"you are the elements fairy! the princess fairy of land and earth, come with me and i will show you the other fairy princess you must greet" she said

sumunod naman ako sa kanya at nakarating kami sa tatlo pang maganda babae na kamukha ko rin ngunit iba lang ang buhok

teka sila ba ang fairy princess? bakit magkakamukha kami? kambal ko ba sila?

"bakit magkakamukha kami?" tanong ko

"dahil mga prinsesa kayo" sabi ng fairy god mother

"h-hello" tuwa kong sabi. ngumiti sila sa akin at niyakap nila ako

"matagal ka na naming hinihintay Aryanah" sabi nila

"ako si Arujah the water fairy princess" sabi ng asul ang buhok

"Nirayah the fire fairy princess" sabi ng pula ang buhok

"Karilah air and wind fairy princess" sabi ng puti ang buhok

"Aryanah the land and earth fairy princess" sabi ko

nanonood kami sa mga batang fairies na naglalaro sa tubig habang kumakain kami

"magkaiba man ang birth mother natin at hindi man tayo sabay lumaki at lalong magkaibang panahon tayong pinanganak. iisa pa rin tayo" sabi ni Arujah

"iisa ang itsura? yun ba ang tinutukoy mo?" pabirong sabi ni Nirayah kaya natawa kami

"balita ko hindi mo gusto mo ang mate mo?" tanong ni Karilah at uminom ng tubig

"tayong mga fairy pwede natin hindi maramdaman ang pagmamahal para sa mate natin kaya swerte natin" nakangiting sabi ni Arujah

"Sephein Harmock the dark eye of heaven?" natahimik kami nang magsalita ang fairy god mother kaya lahat kami napalingon sa kanya. "i once met a woman named Mytica she is the goddess and the mother of dark eye of heaven and light eye of heaven and there was a prophecy about the two powerful creations"

"what is it?" i suddenly asked. and now i saw other princesses a bit curious

"one of them will die" fairy god mother said

"bakit?" sabi ko at napatayo na

"dahil magaaway sila sa huli at isa lamang ang mabubuhay! kung sino ang tuso yun ang makakalamang" sabi ng fairy god mother kaya biglang sumikip ang dibdib ko

kahit papano napamahal sila sa akin

"i want to go back" sabi ko

"bakit naman?" tanong ni Arujah

"hindi ka ba masaya dito?" sabi ni Nirayah

"paano hindi eh nakakasawa na nga ang mukha natin" sabi ni Karilah

"kung gusto mong bumalik Aryanah bigyan mo ako ng magandang dahilan kung bakit gusto mong bumalik" sabi ni fairy god mother

napapikit ako. all of them is tensed. as i opened my eyes all of them were looking at me

"gusto ko silang iligtas"

then they laughed

pero ako seryoso lang kaya napatigil sila. nginitian lang ako ni fairy god mother

"i'll give you a magic that can support you all the time! i'll give you what i have! baliin mo ang propesiya Aryanah! ibaliktad mo ang nakatadhana! maging mabuti ka at maging mabait dahil malayo pa ang lalakbayin mo"

fairy god mother voice running into my ears and i felt that i'm absorbed into thin ear. her hands touched my skin and i felt power inside me

a very very strong energy approached me

napaubo ako at ramdam ko yung sakit ng tiyan ko. hindi ko mapigilan na mapasigaw hanggang sa kusang humilom ang sugat sa katawan ko. as if someone healing my wounds. tumayo ako at nilibot ang paningin sa paligid. nasa kweba ako at napakahiga sa crystal na higaan at napakaraming mummies ang nandito kung saan lahat ay mga namatay at naagnas na

kinilabutan ako at madaling lumabas ng kweba

napatingin ako sa langit at kaulapan. fairy god mother maraming salamat pero kailangan ko munang puntahan si Jinn. si Jinn Gems-?

sinong Jinn? at sinong kinakausap ko kanina na fairy god mother? atsaka nasaan ako? ano itong hawak kong espada?

"Lucifer Sword?"

ano ito bakit nasa kamay ko ito? sa akin ba ito? atsaka sino ako?

sino ako?

bakit hindi ko maalala kung sino ako?

napahigpit ang paghawak ko sa espada at naglakad. hindi ko alam kung nasaan ako pero kailangan ko makaalis sa lugar na ito. pero tama bang isasama ko ang espadang ito?

sa paglalakad ko ay narating ko rin ang paanan ng bundok hanggang sa nakababa ako dito at naglakad lakad sa kagubatan hawak ang Lucifer Sword. hindi ko alam bakit ang tahimik pero isa lang ang nararamdaman ko

hindi ko magawang matakot

i feel that i'm more powerful than before

pero sino ba talaga ako?

napatigil ako sa paglalakad at nakita ang sirang gate na tinubuan na ng mga vines. mula sa labas nakita ko ang loob nito at sirang sira na. napakaraming tuyong dugo at sobrang gulo parang dinaanan ng bagyo at sa tingin ko matagal ng inabando ito. binasa ko ang pangalan ng school

"Fairyries Academy"

parang biglang humangin bigla noong binasa ko ang pangalan ng academy

"matagal na yang inabando" napalingon ako sa nagsalita at nakita ang isang lalaking na napadaan lang. "mahigit isang taon na. maraming estudyante ang nasawi noong maglaban ang mga estudyante ng Fairyries at ang mga Rebelde. maraming buhay ang namatay at wala ng balita kung may nakaligtas man" sabi nito at naglakad na palayo

"teka po" sabi ko kaya napahinto siya. "wala po" sabi ko at umiling. hindi ko alam kung anong sasabihin basta napatitig na lang ako sa gate ng Fairyries

naglakad na ako paalis sa lugar na yun at nakarating sa siyudad. hindi ko alam kung bakit ginagambala ako ng sinabi ng lalaki kanina. parang may kakaiba sa puso ko