webnovel

EVANESCENCE

"Let's divorce." "Fine. But please let me hug you for the last time."

sopephanyyy · Nhóm âm nhạc
Không đủ số lượng người đọc
31 Chs

PROLOGUE

💎PROLOGUE💎

---

!WARNING!

-Abuse

-Mention of Blood

-Attempt of su*cide

If these may trigger you please kindly skip this story.

---

*Sobs*

Nasa banyo ako at umiiyak habang ang katawan ko ay nakababad sa bathtub. Tinitigan ko ang mga pasa at sugat sa katawan ko at pinunasan ko ang mga luha ko.

Asawa ko si Namjoon and we've been married for 4 years. For 2 years of being married ay maalaga sya sa akin at hindi nya kinakalimutan na ipaalam sa akin na mahal nya ako pero nang lumipas ang panahon ay nagbago na sya. He became an abusive husband. May anak kaming lalaki at ang pangalan nya ay Soobin. Inampon namin sya 3 years ago at 7 years old na sya.

"Daddy Jin?" Narinig ko si Soobin na tawagin ako mula sa labas ng banyo.

"Yes baby?"

Tumayo ako mula sa bath tub at tinanggal ang tubig at nagbihis ako at sinuot ang kulay pink 'kong over-sized sweater para matago ang mga pasa ko sa katawan. Pagkalabas ko mula sa banyo ay nakita ko syang naglalaro sa kama.

"Bakit ka nandito? Akala ko ba ay manonood ka ng favorite cartoon mo?" Tumabi ako sa kanya sa kama.

"Dumating sila tita Jinwee at Daddy Namjoon eh." Sagot nya sa akin habang naka-focuse parin sa paglalaro.

"Ganun ba? Then, you want to go to the park?"

"Opo!" He exclaimed.

"Sige. Let's go."

Hinawakan ko ang kamay nya at bumaba kami habang hawak nya parin ang laruan nya. Pagkababa namin ay nakita namin si Namjoon at Jinwee na nanonood ng movie sa salas.

Palabas na sana kami ng bahay pero narinig ko si Namjoon na tawagin kami.

"Saan kayo pupunta?"

"P-Park." Nanginginig ang boses ko sa kaba.

"Bawal. Stay here."

"Joon, let them." Narinig 'kong sabi ni Jinwee.

"Fine. Go home by 5." Sabi nya parang magulang ko.

Tumango ako at tumuloy kami sa pag-alis. Naglakad kami papunta sa park since malapit lang naman ang bahay namin doon.

Bumili kami ng ice cream at umupo sa bench habang kinakain ang ice cream.

"Daddy Jin?"

"Yes, baby?"

"Do you and Daddy Namjoon love each other?" Soobin asked out of the blue.

"Oo... i guess. Bakit mo natanong?"

"Then, why is Daddy Namjoon always make you cry?"

"I mean... it's normal if you love someone. You will get hurt. Malalaman mo rin yun kapag malaki ka na."

"Will i cry too if i fall inlove?"

"Oo. Pero kaylangan mo rin maging malakas."

"Then, i will be as strong as you daddy Jin." Sabi nya at ngumiti sa akin.

I smiled back at him and hug him.

---

Tumingin ako sa relo ko at nakita na mag-ffive na pala.

"Let's go home na?"

"Okay."

Naglakad kami pabalik sa bahay at pagkapasok namin sa bahay ay nakita 'kong hinalikan ni Namjoon si Jinwee at hindi ko napigilan ang maluha pero pinunasan ko agad yun dahil ayaw 'kong makita ni Soobin na umiiyak ako.

"Soobin, umakyat ka muna sa kwarto, okay?"

"Okay po."

Umakyat sya sa taas at pumunta ako sa kusina para magluto ng dinner.

"Tulungan na kita." Sabi ni Jinwee habang nakangiti at tinulungan akong maghiwa ng pagkain.

"Uh... h-hindi mo na ako kaylangan tulungan."

"It's okay. And don't be nervous hindi naman kita sasaktan eh." Nagpatuloy sya sa paghiwa at hinayaan ko narin sya at nagsimulang magluto.

"I'm sorry." Sabi nya.

"Bakit ka nag-ssorry?"

"I'm sorry dahil ginaganyan ka ni Namjoon."

"Anong ibig mong sabihin?"

Tinaas nya ang sleeves ko at kitang-kita ang mga pasa at sugat ko. Binaba ko ulit yun.

"Babe, anong ginagawa mo?" Narinig ko si Namjoon at agad akong umiwas kay Jinwee.

"Tinutulungan ko si Jin magluto." Sagot nya kay Namjoon.

"You don't have too. Kaya na nya yan. At baka mahiwa ka pa ng kutsilyo." Hinawakan nya ang kamay ni Jinwee at hinila sa salas.

Tumalikod ako at tinuloy ang pag-luluto. Hindi ko naiwasan ang hindi lumuha dahil sa mga nakikita ko. Noon ay ganyan din sya sa akin. Hindi nya ako hinayahaan na masaktan. He was like my knight and shining armor. Pero nagbago sya because of one dumb reason.

Nakalimutan na nya siguro ang mga pangako namin sa isa't isa pero hindi na mahalaga iyon dahil alam 'kong tutuparin nya yun sa iba. Should i be happy or sad? Hindi ko alam ang gagawin ko. Mananatili nalang ba ako dito habang pinapanood sila habang unti-unti akong nawawasak?