webnovel

EVANESCENCE

"Let's divorce." "Fine. But please let me hug you for the last time."

sopephanyyy · Nhóm âm nhạc
Không đủ số lượng người đọc
31 Chs

CHAPTER 6

💎Chapter 6: I don't know💎

---

Nakaupo ako sa sofa at patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko makalimutan ang boses nya. Si Soobin ay naihatid ko na sa school kaya ako nalang ang mag-isa dito sa bahay.

*Knock knock*

Pinunasan ko ang mga luha ko at nang kumalma ako ay binuksan ko ang pintuan at nakita si Namjoon na nakatayo sa harap ko at hawak-hawak ang divorce papers.

Pinapasok ko sya at umupo ulit ako sa sofa. Tinapik ko ang bakanteng pwesto sa tabi ko sa sofa para maka-upo sya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Pirmahan mo ang divorce papers at malaya na tayo sa isa't isa." Sabi nya at nilapag ang divorce papers sa coffee table na malapit sa sofa na kinauupuan ko ngayon.

Tumango ako at kinuha ang ballpen. Tinitigan ko iyon at huminga ng malalim bago ko pinirmahan ang divorce papers. Nanginginig ang kamay ko dahil sa kaba at lungkot na nararamdaman ko ngayon. Pagkatapos 'kong pirmahan iyon ay kinuha ni Namjoon iyon at aalis na dapat pero tinawag ko ang pangalan nya at napatigil sya.

"Namjoon, bago ka umalis please... please let me hug you for the last time."

Humarap sya sa akin at tumango. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Hindi ko napigilan ang umiyak habang niyayakap sya.

"I love you... i love you... i love you..." Paulit ulit 'kong bulong sa kanya.

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pag-iyak ko pero tuloy-tuloy parin ang pagtulo ng mga ito. Our hug lasted for 5 minutes at nang kumalas kami sa pagkakayakap ay hinawakan ko ang kamay nya. Tinanggal ko yung wedding ring namin na suot ko at nilagay sa palad nya.

"Alagaan mo sya, okay? 'Wag mo syang iiwan at papaiyakin. Gusto 'kong maging masaya kayo bilang isang pamilya." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"I will." Sagot nya at hinalikan ang noo ko.

Nagulat ako sa ginawa nya pero hinayaan ko nalang sya.

"I just want you to know that i love you so, so much. Mahal na mahal kita, okay?"

Niyakap ko sya ulit bago sya tuluyan na umalis.

Hindi na kinaya ng mga binti ko at napaluhod ako sa sahig habang umiiyak. Parang nanghihina ako dahil sa mga nangyayari at parang kinukurot ang puso ko dahil sa sakit.

I finally let him go. Is this is the best decision? Letting him go? Oo mahal ko parin sya, sobra, pero kaylangan ko na syang bitawan dahil magkakaroon na sya ng sarili nyang pamilya ulit at para rin sa kasiyahan nya.

I never excepected na magiging ganito kami in the future. Ang akala ko noon ay magmamahalan kami habang buhay at magkakaroon ng masayang pamilya pero mali pala ako doon.

Tinitigan ko ang mga pictures namin na nakasabit sa pader. Mga litrato namin na masaya pa kami... noon ay walang mapaghihiwalay sa amin ni Namjoon dahil sa sobrang pagmamahalan namin. The way he looks at me before was like looking at the most beautiful flower in the garden. He never missed a chance to tell me how he love me, hug me, and kiss me. I was the only one there for him, and he was the only one there for me. Tuwing malungkot ako ay ginagawa nya ang lahat para lang mapasaya nya ako. Tuwing inaatake ako ng trauma ko ay nandoon sya palagi para pakalmahin ako. Tuwing may nang-aaway sa akin ay palagi nya akong pinagtatanggol. Pero bakit sya nagbago? Bakit sya--

*Bang bang bang*

Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko na may kumalampag ng pintuan. Dahan dahan akong lumapit sa pintuan at sumilip sa pintuan at lalo akong napaiyak dahil sa nakita 'kong tao sa likod ng pintuan.

Agad akong nanginig at nag-panic. Sinubukan 'kong 'wag gumawa ng ingay para hindi nila ako marinig at umakyat sa taas para kuhain ang cellphone ko at tawagan si Jisoo.

*Riiing riiing*

Jisoo, please sagutin mo... please...

"Seokjin, alam 'kong nandiyan ka. Lumabas ka dyan." Narinig 'kong sabi ng isa sa mga lalaki sa labas.

"Hello?"

"Hello, Jisoo. J-Jisoo, a-andito sila. T-Tulungan mo ako." I stuttered.

"Jin? Anong nangyayari?"

"A-Andito sila. T-They are b-back to get me. Please t-tulungan mo ako."

"Are you serious?! Ang akala ko nabulok na sila sa kulungan? 'Wag 'kang mag-alala pupuntahan kita dyan at tatawag ako ng pulis."

"O-Okay."

*Tuut tuut*

Mahigpit 'kong hinawakan ang cellphone ko at ni-lock ang pintuan ng kwarto ko. Hindi ako mapakali dahil naalala ko ang mga ginawa nila sa akin. Umupo ako sa gilid ng kwarto at niyakap ko ang sarili ko. Kumalma ka Seokjin... huminga ako ng malalim at pilit na pakalmahin ang sarili ko.

"Seokjin, buksan mo toh! Kapag hindi mo pa ito binuksan ay sisirain namin ang pintuan!" Narinig 'kong sabi nila.

Someone help me... help me, love... please...