webnovel

EVANESCENCE

"Let's divorce." "Fine. But please let me hug you for the last time."

sopephanyyy · Nhóm âm nhạc
Không đủ số lượng người đọc
31 Chs

CHAPTER 5

💎Chapter 5: Do you still love me?💎

---

Andito parin ako sa banyo at niyayakap ang sarili ko dahil sa sobrang lamig habang umiiyak ng mahina.

"Namjoon, wala 'kang mapapala kung patuloy mo lang sya sinasaktan."

"But he deserve it! Dahil sa tatay nya nam*tay si dad! His dad betrayed us!" Narinig 'kong sigaw ni Namjoon sa labas.

"Pero matagal na yun, Namjoon! Pat*y narin ang tatay ni Jin. When will you stop getting your revenge by hurting Seokjin? 'Cause that doesn't make any sense!" Sigaw ni Jinwee "Namjoon, stop being so selfish and childish."

Ilang minuto ang lumipas at nakita 'kong bumukas ang pintuan ng banyo.

"Jin."

Niyakap ako ni Jinwee at niyakap ko rin sya pabalik habang nanginginig parin ang buong katawan ko at umiiyak.

"Don't worry, Jin. Calm down..." Hinimas-himas nya ang likod ko para patahanin ako.

Tinulungan nya akong tumayo at pina-upo sa sofa and she glared at Namjoon before taking the first aid kit.

Itataas na nya sana ang sleeves ko pero pinigilan ko sya.

"Jin, let me see it."

Dahan-dahan 'kong tinanggal ang kamay ko at tinaas nya ang sleeves ko and she gasped at what she saw.

"Namjoon, look what you did to him!" Nagagalit na sabi ni Jinwee.

Umirap lang si Namjoon at lumayo ng tingin. Nakatayo sya sa harap namin.

Sinimulan nyang gamutin ang mga sugat ko. Pagkatapos nyang gamutin ang mga sugat ko ay ngumiti sya sa akin.

"T-Thank you, Jinwee."

"Ano ka ba? Maliit na bagay yun."

Niyakap ko ulit sya.

「A Few Weeks Later」

Ilang linggo ang nakalipas at oo ay sinasaktan parin ako ni Namjoon pero hindi na madalas.

Nagluluto ako ng breakfast nang narinig 'kong may kumatok sa pintuan. Binuksan ko yung pintuan at nakita ko si Jinwee na sobrang laki ng ngiti.

"Hi Jin. Asaan si Namjoon?"

"Uh..." Tinuro ko si Namjoon na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng libro.

"Thank you. Babe!" Tumabi sya kay Namjoon sa sofa.

Bumalik ako sa kusina at pinagpatuloy ang pagluto.

"Babe, guess what?"

"What?"

"I'm pregnant!" Masayang sigaw ni Jinwee.

Parang sinaksak ako ng ilang beses sa puso nang marinig ko ang sentence na yun. Hindi ko napigilan na umiyak at parang nanghina ang buong katawan ko.

So, ang gusto nya pala talaga ay babae at yung magbibigyan sya ng anak? Then why did he marry me? Why did we exchange rings? Why did we even promise each other? Kung babae ba ako ay hindi nya ako sasaktan ng ganito?...

"Talaga?!" Nagyakapan silang dalawa at hinimas-himas naman ni Namjoon ang lumalaking tyan ni Jinwee "Hello Baby. Ako toh yung daddy mo." Nakangiting sabi ni Namjoon.

I've never seen him so happy like this except when he proposed to me and said yes.

Namjoon pecked her lips and smile at her.

The last time he looked at me like that was when we adopted Soobin. I miss those days when we were so happy...

「The Next Day」

"Jin, let's divorce."

"W-What?" Napatingin ako sa kanya sa mata.

Naka-upo ako ngayon sa sofa habang si Namjoon naman ay nakatayo sa harapan ko.

"Mag-divorce na tayo since buntis si Jinwee at para maging malaya ka na rin."

Hindi ako makasagot at yumuko ako.

"Gusto ng magulang ni Jinwee na ikasal kami bago pa lumabas ang bata."

"P-Paano si Soobin?"

Katahimikan ang bumalot sa amin. Hindi rin makasagot si Namjoon.

"... You can take care of him."

"P-Pero--"

"You adopted him. So you can take care of him."

"But we both adopted him. At paano ang mga pangako natin sa isa't isa?"

I'm not trying to break them up pero paano ako? Paano kami ni Soobin? Ano ang mangyayari sa amin? Ayokong lumaki si Soobin na hindi buo ang pamilya.

"Matagal ko nang sinira ang mga pangako na yun. And i'm letting you go para hindi na kita masaktan. Dadalhin ko bukas ang divorce papers at aalis na ako."

Tumango ako at nanahimik nalang dahil wala rin naman akong magagawa. Pinanood ko syang lumabas at mag-drive paalis.