webnovel

CHAPTER 3

💎Chapter 3: When will it stop?💎

---

Pinilit ko yung sarili ko na maglinis ng bahay kahit na sobrang sakit parin ng katawan ko. Pupunta ngayon sila Jungkook at Taehyung pati daw sila Yoongi.

Nagluto ako ng pagkain at habang hinahanda ko ang mga pagkain ay may kumatok. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si Taehyung at Jungkook

"Hyung!"

Niyakap ko silang dalawa at pinapasok sa loob ng bahay.

"Namiss kita, hyung. Asaan nga pala si Namjoon hyung?" Tanong ni Taehyung at umupo silang dalawa sa lamesa habang ako naman ay pinagpatuloy ang pag-hahanda ng pagkain sa lamesa.

"... Nasa trabaho."

"Ah... teka lang ano toh?" Lumapit sa akin si Taehyung habang ako naman ay paatras ng paatras.

"A-Ano?"

Hinawakan nya ang leeg ko at ngumisi.

"Bakit ka nakangisi?"

"Naka-ilang round kayo?"

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Ayan oh! May marka ang leeg mo. Fresh na fresh pa."

Tinago ko ang leeg ko gamit ang kamay ko.

"H-Hindi ito marka." Kinakabahan 'kong sabi.

"Eh ano yan?"

"K-Kinagat ako ng lamok."

"Ah... ang laki naman ng lamok na yun."

Umupo sya ulit sa tabi ni Jungkook at kumain silang dalawa habang ako ay pinapanood silang dalawa.

"Hyung, hindi ka ba kakain?" Tanong ni Jungkook habang nginunguya ang pagkain.

"Busog pa ako." Sabi ko at ngumiti.

Lumingon kaming tatlo sa pintuan nang makita namin bumukas ito at pumasok ang tatlo pa naming kaibigan kasama si Namjoon.

"Oh. Andito pala kayong dalawa." Sabi ni Hoseok kay Taehyung at Jungkook.

"Nice! Kumpleto na pala tayo." Sabi ni Jimin at umupo sa lamesa sa tabi ni Taehyung at kumain narin.

Umupo silang lahat sa lamesa at kumain habang ako naman ay nakatingin sa baba.

"Jin hyung, bakit hindi ka kumakain?" Tanong ni Hoseok.

"Busog pa ako eh."

"Sure ka?"

"Oo."

"Hyung, asaan nga pala si Soobin?" Tanong ni Jimin.

"Nasa bahay nila Jisoo at Chae."

"Ah... ang tagal ko na hindi nakikita si Jisoo. Kamusta na sya?" Tanong ni Taehyung.

"Okay naman at maganda parin gaya ko." Confident 'kong sabi at hinawi ang buhok ko na parang mahaba ito.

"Bakit? Miss mo na?" Tanong ni Jungkook at umirap.

"Ano ka ba? Nagseselos ka nanaman." Sabi ni Taehyung at niyakap si Jungkook sabay pa-cute.

"Hay nako. Ang landi ah. Yoonie hyung, landiin mo nga din ako." Sabi ni Jimin na nagpatawa sa amin lahat.

"Tumahimik ka nga Chim. Hindi pa kita pinapatawad dahil sa ginawa mo sa akin."

"Bakit? Anong ginawa nya?" Tanong ko.

"Hindi ako pinansin ng buong araw at pinatulog pa ako sa sofa."

"Ano ba ang nangyari?" Hoseok.

"Nakipag-away kasi sya kay Kai yung bestfriend ko. Ang akala nya niloloko ko sya." Napairap sya sa kawalan.

"Ang sabi mo kasi mag-ppractice kayo pero pagdating ko sa practice room ay nag-ppicture sila at ang lapit-lapit ng mukha nila."

"Tama na nga yan pag-aaway ninyo. Kumain nalang kayo ng kumain." Pag-aawat ko sa kanila.

Umirap silang dalawa at nagpatuloy sa pagkain.

---

Nasa salas kaming lahat ngayon habang nanonood ng tv.

"Ang boring naman. Maglaro naman tayo." Sabi ni Taehyung.

"Oo nga maglaro tayo."

"Anong lalaruin natin?" Tanong ni Hoseok.

"Spin the bottle."

"Nanaman? Wala 'bang bago?" Hoseok said and whined.

"Edi 'wag 'kang sumali. Tara guys."

"Oo na sasali ako."

Umupo kaming lahat sa lapag at nagpabilog. Nasa kanan ko si Taehyung habang sa kaliwa ko naman ay si Hoseok. Kumuha si Jimin ng walang laman na bote at nilagay sa gitna at pinaikot iyon at tumigil kay Yoongi.

"Yoongi hyung, truth or dare?" Tanong ni Jungkook.

"Truth." Mabilisang sagot nya.

"Have you ever cheated on Jimin hyung?"

"Oo." Sagot nya and we all gasped habang si Jimin naman ay agad syang binatukan "Aray! Teka lang hindi pa kasi ako tapos magsalita. Nag-cheat ako with my pillow. Tuwing wala ka kasi at busy ay palagi kita naiisip at yun yung... yeah." Hindi na nya tinapos ang sasabihin nya at nag-eww kaming lima habang si Jimin naman ay namumula ang mukha.

Ang galing talaga magdahilan nito.

Pinaikot nya ulit ang bote at tumigil ito kay Hoseok.

"Truth or dare?" Yoongi.

"Dare." Proud na sabi nya.

"I dare you to go to that house and get that neighbour's number." Tinuro ni Yoongi ang bahay na nasa tapat namin.

"Okay."

Lumabas sya at naglakad papunta sa bahay na yun habang kami ay nanonood sa may pintuan.

Kumatok muna sya ng tatlong beses bago buksan ang pintuan. Ang gwapo! Mas matangkad sya kay Hoseok at kitang-kita na namumula si Hoseok ngayon.

Nag-usap sila at gaya ng dinare ni Yoongi ay kinuha nya ang number nung lalaki. Pagkabalik nya ay sobrang laki ng ngiti nya at pulang-pula ang kanyang mukha.

"Magkaka-jowa na si Hoseok hyung! Sa wakas!" Ma-dramang sabi ni Taehyung at Jimin.

Bumalik kami sa pwesto namin kanina at pinaikot ni Hoseok ang bote at tumigil kay Taehyung.

"Truth or dare?" Hoseok.

"Dare! Para masaya."

"I dare you to make a mark on Jungkook's neck."

"Pshhh! Wala na 'bang mas hihirap pa dyan?"

Umupo sya sa lap ni Jungkook gumawa ng marka sa kanyang leeg. Pagkatapos nyang gawan ng marka si Jungkook ay binulungan nya ito at napangisi si Jungkook dahil sa sinabi nya.

"Okay, baby." Sabi ni Jungkook.

Bumalik si Taehyung sa pwesto nya at ngumiti na parang walang nangyari.

"Ano yung sinabi mo sa kanya?" Tanong ni chismosang Hobi.

"It's our secret." Umirap si Taehyung kay Hoseok at pinaikot ang bote at tumigil ito sa akin.

"Truth or dare?" Taehyung.

"Um... Dare...?" Hindi ko sure na sagot.

"I dare you to kiss Namjoon hyung."

"Huh? B-Bakit naman ganyan ang dare?"

"C'mon hyung. It's just a kiss at normal na 'yun sa inyo since you two are married. Anong gusto mo? Yung katulad sa akin?" Sabi ni Taehyung.

Tumingin ako kay Namjoon at nakatingin lang rin sya sa akin.

"F-Fine."

Dahan-dahan akong lumapit kay Namjoon at dahan-dahan ko rin nilapit ang mukha ko. Nagkatitigan kaming dalawa at parang kami lang ang nandito. Ididikit ko na sana ang mga labi ko sa kanya pero biglang...

"Babe, i'm here! Andito narin si Soobinie."

Napalingon kami sa pintuan kung saan nakatayo si Jinwee at Soobin.