💎Chapter 29: Trust💎
---
"Were here." Sabi ni Namjoon at napatingin ako sa bintana ng kotse at kumunot ang noo ko dahil sa nakita ko.
"Bakit tayo nandito?" Sabi ko habang nakatitig sa dating bahay 'namin'.
"Mamaya ko na i-eexplain sayo kung bakit tayo nandito. Let's go inside first."
Bumaba sya ng kotse at naglakad sa side ko at pinag-buksan ako ng pinto. Pagkababa ko ng kotse ay para akong may naramdaman na kakaiba. Ang weird. Ang weird habang tinitigan ko ang bahay. Parang sobrang tagal na simula noong huli ko ito nakita.
Sinundan ko si Namjoon sa loob at nilibot ko ang mata ko sa buong bahay. Wala parin nagbabago dito. it's still as cozy as before.
Sinundan ko si Namjoon paakyat at medyo nagtaka ako kung bakit sa taas? Don't tell me i-kkidnap nya rin ako?
Pumasok kami sa balcony at sobrang ganda parin dito. Madaming bituin sa buong langit na kumikislap.
[Namjoon's POV]
Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata ni Jin hyung. He's just too beautiful to be true. His eyes are sparkling that make him look so perfect.
"So, bakit mo ako dinala dito?" Tanong nya at nilagay ang tingin sa akin.
"Dahil marami tayong memories dito. Ito ang una nating naging bahay simula noong kinasal tayo, dito lumaki si Soobin, dito tayo naging masaya at malungkot, marami tayong alaala dito kaya gusto ko pang dagdagan ang mga alaalang iyon."
"Anong ibig mong sabihin?"
"I know i've been a bad guy to you. Ako ang dahilan kung bakit naranasan mo ang mga nangyari sayo noon. Pero gusto ko ulit na makasama ka kayong dalawa ni Soobin. Tuparin natin ang mga pangako natin sa isa't isa na nawasak noon." Hinawakan ko ang kamay nya at kinuha ang singsing mula sa bulsa ko at nilagay sa kamay nya kung saan nakatakip ang kamay ko para hindi nya makita. "Magpakasal ulit tayo." Tinanggal ko ang kamay ko na nakatakip sa singsing at kita sa mukha nya na nagulat sya.
"T-Teka lang. Hindi ba masyadong kang mabilis?"
"Alam 'kong masyado akong mabilis pero ayaw ko nang patagalin pa ito. I want us to get back to what we used to be. Let's be happy again like before."
"Pero... Pero paano kung saktan mo ulit ako?" Kita sa kanyang mga mata na nagdadalawang isip sya.
"Pinapangako 'kong hinding-hindi na ulit kita sasaktan. Pero kung saktan kita ulit ay hindi ko na mapapatawad ang sarili ko. so please just trust me again..."
Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya at umaasang um-oo sya. Nakayuko lang sya at nag-iisip ng mabuti habang nakatitig sa singsing. Pero nawasak ang puso ko nang binalik nya sa akin ang singsing.
"...Naiintindihan kita. Masyado nga akong mabilis." Yumuko ako at tumitig sa singsing.
"Huy. Anong inaarte mo dyan? Diba proposal toh? So dapat ikaw ang mag-lagay ng singsing sa daliri ko." Napa-tingin ulit ako sa kanya at umirap sya.
"Wait. So, oo?"
"Hmm." He hum in response at namula ang mukha nya.
"Totoo?" Hindi makapaniwala 'kong tanong sa kanya.
"Bakit? Ayaw mo?"
"G-Gusto!" Napangiti ako ng malaki.
Hinawakan ko ang kamay nya at sinoot sa kanya ang singsing sa ring finger nya. Sa sobrang saya ko ay niyakap ko sya at niyakap nya rin ako pabalik. Hinalikan ko sya sa noo at pinatong nya ang ulo nya sa balikat ko habang nakayakap parin sa akin.
"You don't know how much happy i am, my moon." Sabi ko at tumingin sa buwan.