webnovel

Dillian High(Tagalog)

Si Elise ay pinalipat ng kaniyang mga magulang sa Dillian High, eskwelahan kung saan nabibilang ang mga taong nagtataglay ng iba't ibang kapangyarihan. Nakabangga Elise ang grupong tinatawag na Royalties kung saan dito na mag sisimula ang pagbabago sa takbo ng buhay niya. Ang lugar kung saan mayroong makikitang iba't ibang nilalang si Elise. At kung saan dito rin masusubok ang kaniyang kakayahan ng bilang mage. Nang ma-meet ni Elise si Ice, isa sa mga member ng Royalies, ang buhay kung saan siya'y tahimik na naging utusan, yaya, katulong, maid. Ano kaya ang maaaring mangyari sa pagkrukrus ng landas nina Elise at Ice? Welcome to Dillian High

BabyBullet · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
11 Chs

Elise

DILLIAN HIGH, ang school kung saan ako mag tratransfer kinabukasan. Nacucurious ako sa school na yun, ewan kung bakit. Ako nga pala si Elise Jerrera, 17.

Parang magiging independent ako kasi mahihiwalay ako sa family ko sa mahabang panahon at first time ko kasi. Sanay kasi ako na sa bahay umuuwi.

Papadalhan nalang nila ako ng pera pang gastos siguro. So ayun rich kid nga ako pero di naman ako spoiled sa luho. Actually balak ko na din tong I-try maging isang living independent.

"Miss Elise naka handa na po yung pagkain."

"Sige ho susunod nalang po ako"

Tumingin ako sa aking dresser at nag check muna ng kung ano man ang pwedeng bitbitin. Natural lang naman to na mag check ng damit.

Ni hindi ko nga alam kung malamig ba sa lugar na yun o ano. Kaya naisipan ko na mag mamall nalang ako mamaya para tumingin ng kung ano mang pwedeng dalhin doon sa campus.

May Dormitories naman sa loob ng school na yon at isa siya sa Most Prestigious School sabi ni Mom and Dad. Alam niyo ba , after nilang sabihin na mag transfer ako dun?

Nag search ako agad about sa school na iyon sa ineternet at wala akong nakita sa google in any searches na may ganun sa place namin.

May mga related posts pero yung connected sa word prestigious ,wala. Sana maging kumportable ako para bukas. Maka baba na nga para kumain.

May kumatok sa pinto ng kwarto ko at pinapasok ko ito.

"Lise! kamusta kana! ? Okay ka lang ba! ? " Derick Jerrera, nakatatanda kong kapatid. One year older lang siya naman pero still kuya ko siya.

"kuya Dekdek! wag mo naman akong ginugulat! , tsss nakakagulat ka e. " nakakatakot talaga, nagulat ako literal di naman kasi kailangang sumigaw.

" kuya mamimiss kita." it sounds childish pero mamimiss ko tong

mokong nato.

"hayss, Syempre mamimiss din kita. Baby kapatid kita e." sabi nito kasabay ng mga yakap.

~~~

Nandito ako sa Accessory section o kilala bilang AS dito sa mall. Well not bad, I like their products and unique kasi. So tumingin-tingin ako sa AS at may nakatitang emerald raindrop pendant. Nacutan ako kaya binili ko na syempre.

"Sir eto nga po, magkano po" tanong ko sa cashier. Nilabas ko na ang pera sa wallet ko at binayaran ang item.

"Sige po. Thank you" pagpapasalamat ko bago umalis

Pag katapos ko bumili ng accessory dumiretso naman ako sa clothing. Baka may matipuhan kasi ako kaya bibili ako ng few clothes.

Pag tingin - tingin ko, pakiramdam ko may nakamanman sakin. Di ako sigurado, baka lang napaparanoid ako. Di ko nalang pinansin at nag patuloy nalang ako sa  pag tingin-tingin ng mga damit.

Sa patuloy na paghahanap, nakakita ako ng damit na may print ng pusa. Mahilig din kasi ako sa pusa kaya naisipan ko nalang na bilhin ito.

Pagkatapos kong bilhin yung cute na T-Shirt na may printed na pusa , Pumunta muna ako sa ice cream shop. Naisipan ko munang bumili kasi baka walang ice cream don, mamimiss ko lasa nito

Habang kumakain ako ng ice cream, nagulat ako sa nag fake cough sa likod ko.

"ehem"

"Miss pwede ba paki hinayan yung pag kain mo di ka naman aagawan hehe," wika ng isang lalaki

Lalaki ito na may katangkaran. Maganda ang tindig nito at mapapansin mo ring napalaki siya ng maayos kasi mukha namang madali siyang i-approach.

"ahdhsbahab" Nilunok ko muna yung ice cream bago tumuloy sa pag sasalita.

"miss okay kalang? Kakasabi ko lang hinay-hinay lang. Nabilaukan kana kanina" wika ng lalaki

"Hindi, okay lang ako, thank you sa concern" wika ko sa kanya

"ako nga pala si Dyke , at ikaw naman si ?" Dyke

"Elise , nice to meet you" sabi ko bago alukin siya sa pakikipag kamay. Tinanggap naman niya iyon.

Hindi naman ako masyado nakikipag usap sa mga di ko kilala. Sadyang mabait lang tong si Dyke.

"I see, alis nako , nag punta lang ako dito kasi may hinahanap akong di ko makita talaga, seeya" sambit ni Dyke bago umalis.

~~~

Pababa palang ako sa parking lot nang makakita ako ng burger shop sa baba. Bumili ako ng burger na buy 1 take 1. Kaya ko naman bumili ng mga limang burger kaso sayang yung pasobra.

Pag katapos ng mahaba-habang pila ng pag-oorder dumiretso nako para pumunta sa parking lot.

Bahagya kong nakita si Dyke na may kausap sa phone.

"yeah, right, right, Okay" wika ni Dyke. I-nend na niya ito  at ibinulsa na niya yung phone niya. Lumapit na ako at pinakita ang sarili ko.

"Hi Dyke, nagkita ulit tayo " sabi ko.

"Kanina kapa jan ?" Dyke.

"kakadating ko lang din dito, pero konti lang namn narinig ko, Konti lang talaga promise." Ako.

"Okay good, pauwi kana ba? I can drop you to your house" Dyke

"No, Im fine, salamat sa alok dala ko naman yung kotse ko" Ako. Tumango ito at nagdrive na ng kotse niya palayo

~~~

Gabi na at nasa kwarto nako para mag prepare ng maleta na bibitbitin ko para bukas. Na prepare ko na yung isa.

Lumabas muna ako ng kwarto ko dahil may gusto rin akong itanong kina Mom and Dad. Nadatnan ko sila sa sala at nag-uusap. Umupo ako sa tabi nila dahilan ng pagkapulot ng paguusap nila.

"Mom , sa tingin nyo po ba magiging okay lang ako doon?" I asked Mom.

"Sure naman anak, sigurado akong magugustuhan mo ang school na yon " sabi ni mama bago ako halikan sa aking noo.

"sang-ayon ako sa mama mo Elise"Dad

"Gusto ko lang magtanong, kanina lang po to" I said

"Hmmm? " Dad

" parang may nakasunod sakin kanina nung namimili ako sa AS. Nagpadala ka po ba mga body guards" tanong ko kay papa

Napabuntong hininga si papa sa tanong ko

"No," Dad

"I see, siguro napaparanoid lang po ako o pagod lang po" I said. Napangiti naman si papa at ginulo nito ang buhok ko.

"About the school naman,You don't have worry about anything. About the food, libre pagkain sa school. Wag kana ring mag abala sa expenses sa school kasi bayad na yon. Anything you wanted to ask?" Dad.

Siguro nga maganda yung school na yon kesa sa dati kong school. Dapat nakong masanay kahit bagong environment yung araw araw kong makikita paglipat ko doon.

Sana nga lang madali ako maka adapt sa environtment ng school. Naisipan ko nang mag handa ng mga kakailanganin sa school.

Bago ako pumunta sa aking kwarto nagtanong muna ako kina mama at papa.

"Mom, pano niyo po nasabing maganda dun sa Dillian High. Madami naman pong kilalang Universities dito" tanong ko sa kay mama.

Nagkatinginan naman sila ni papa.

"Wag na baka ma excite ka lalo" pagtatapos ni Dad sa usapan at ginulo uli ang aking buhok.