webnovel

Dillian High(Tagalog)

Si Elise ay pinalipat ng kaniyang mga magulang sa Dillian High, eskwelahan kung saan nabibilang ang mga taong nagtataglay ng iba't ibang kapangyarihan. Nakabangga Elise ang grupong tinatawag na Royalties kung saan dito na mag sisimula ang pagbabago sa takbo ng buhay niya. Ang lugar kung saan mayroong makikitang iba't ibang nilalang si Elise. At kung saan dito rin masusubok ang kaniyang kakayahan ng bilang mage. Nang ma-meet ni Elise si Ice, isa sa mga member ng Royalies, ang buhay kung saan siya'y tahimik na naging utusan, yaya, katulong, maid. Ano kaya ang maaaring mangyari sa pagkrukrus ng landas nina Elise at Ice? Welcome to Dillian High

BabyBullet · Fantasy
Not enough ratings
11 Chs

Entry

6:00 am na ng umaga at di pako nakakapag handa ng gamit ko! Diba 5:00 ang sabi ko, di naman ako nag promise diba, pero di yan ang problema, yung mga gamit kong dadalhin di pako nakakapag-impake kahit isa! Hays, sinasabi ko na nga ba.

Nandito parin ako sa kwarto ko at hindi pako nakakakain ng umagahan sa kakaisip sa maleta kong dadalhin haysss.

"Elise! Ano na tanghali na wala ka bang pasok?! Transferee ka pa naman!" Sigaw ni Mom

"Opo sandali lang!" sigaw ko pabalik, suko nako. Gutom na rin ako kaya napagpasyahan ko na bumaba nalang para kumain ng umagahan.

~~

"Good Morning Elise, Ready ka na ba?" Dad

"Dad naman, Kakagising ko nga lang po, agad-agad?"sabi ko

"Wag kana mag abala sa gamit mo naka ready na lahat ng kailangan mo. Kami nag-ayos ng mama mo" Dad

Ibig sabihin di nako mag papakapagod sa pag iimpake? Maraming salamat. Umagang-umaga muntik nako ma stress

"Thank you Dad! Buti nalang di nako mag papakapagod. Maliligo na ko dad"sabi ko.

~~

Nakatapos nako maligo at nandito ulit ako sa kwarto ko nag hahantay kela dad para tawagin ako. Tinignan ko yung mga gamit na nakakalat sa sahig.

Pag pasok ko sa CR lahat ng gamit ko dun parang dinaanan ng bagyo! Luh!? Di ako burara, napagod lang ako kagabi sa kakaisip ng pwedeng dalhin kaya wala nakong time para ayusin to kahapon. Lalo na ngayon , wala nako lalong time.

Bigla kong nakita yung paper bag sa gilid ng room ko. Yung paper bag na may laman na damit with cat printed saka yung kwintas. Tinawag na din ako ni mama, nag-aantay na din daw kasi yung maghahaitd sakin

~~

"Elise, goodluck sayo sa pag-sstay mo sa Dillian High"

"sure naman po ako pa ba?"I said

"Ienjoy mo yung pag ii-school mo dun ha, Find some friends Elise" Dad

"O sige na pasok kana sa kotse sayang ang oras."Dad.

I hugged them tight saka pumasok na sa loob ng kotse.

~~~

Kanina pa nagsimulang umandar ang kotse , at hindi ko kakalimutan yung mga salitang sinabi sa akin nina Mom and Dad. May namumuong luha sa mga mata ko pero pinigil ko iyon. Mawawala ako sa tabi nila sa mahabang panahon. Pero kailangan kong pilitin malaki narin naman na ako.

I just stared outside the window para makita ang ganda ng city. Wala talagang kupas ang city namin, maganda siya pero sa tingin ko mas maganda siya sa gabi kasi yung mga lights sa mga buildings dito ang kukulay nila.

Tumingin-tingin nalang ako ng kung ano mang updates sa social media para may mapaglibangan naman ako. chineck ko yung notif ko at puro farewell message ang nakita ko nag basa ako ng iilan.

_______________________________________

Pam Papampam •

Active

Pam Papampam: Aalis ka na ba talaga? Mamimiss moko ha sure yan!

Me: Syempre mamimiss kita , ingat ka dyan!

Pam Papampam: kapag may nang away sayo lagot sakin yan at pupuntahan kita jan

Pam Papampam: resbakan natin!

Seen: 7:46am

Me: Yayayah okay poww.

√message sent:7:47am

_______________________________________

Pag send ko ng message ko kay Pam. Naramdam ako ng pagod, tuluyan ng bumigat ang talukap ng mga mata ko at saka ako nakatulog.

.

.

.

.

.

.

"Miss! Miss ! Miss Jerrera andito napo tayo" Pagbungad sakin ng Driver ng kotse.I nodded at tumignin sa place.

kinusot-kusot ko muna yung mata ko?Am I dreaming? For real? Is this the school? Lumabas ako para suminghot ng sariwang hanging. Huwaaaw! Sarap ng hangin napaka peaceful at calm ng place.

Sabihin ko nga ito kay Mom and Dad para mag bakasyon kami dito. Pwede tong gaming attraction place sa mga dayuhan at pwede ding pag bakasyonan.

"manong tara na po excited napo ako sa Dillian High" wika ko kay Manong driver at papasok na sana sa kotse.

"Pero miss, nandito na p----"

"HHHHHHHHHHHHHUUUUUUUUUUUUUUWWWWWWWWWWWWWWAAAAAAAATTTTTTTTT!!!!!!"

"manong you gotta be kid- manong? manong? Ano hala nasan na?" Naiiyak kong sabi sa biglang pagkawala ni manong pati ang kotse nito.

Tingin ko naligaw lang kami. Etong parang palasyo na to ang school na papasukan ko? Kaharian ata to eh. Ang mas nakakaiyak pa, ay yung iniwan ako ni manong ng parang bula.

Naglakad nalang ako papunta sa Dilian High, sabi ni manong ito na daw yun. Di pa din ako maka paniwala na eto pala yung at may nag e-exist palang gantong school. Mayaman nga talaga sila Mom and Dad nung kabataaan nila.

Iniisip ko palang eh. Ano kaya ang magyayari sakin dito, yung pagkaexcite ko parang nawawala kasi napalitan na ng pagkagulat at nakiyak na talaga ko, lamang na siya talaga.

~~

Mahigit tatlong minuto na at nasa tapat parin ako ng Gate ng campus. Ito na ata ang pinaka zombie proof na gate sa buong mundo. Grabing laki at grabing taas niya as in. Di ko alam kung saan gawa peo feeling ko sa laki at tibay para sakin, di ko siguro maeestima kung gaaano katagal itong tatayo.

Saka iba si manong driver, nalingat lang ako saglit naglaho aba. Puro weird na talaga nararanasan ko. whoosh! Di ako makapaniwala na itong nasa harapan ko ay ang Dilian High. Now I know kung bakit nasabi na ma'am na most prestigious school ito.

Kasi sa labas palang wala ng panama yung dati kung school. Yun nga lang nacucurious ako kung bakit masyadong tago ito. Una ay yung pag search ko sa school sa Google.

Wala talagang lumabas. At isa pa kung titignan itong school para siyang tago, napaka layo niya sa tingin ko kasi, bukod sa Campus ay puro green na makikita mo.

Bigla kong napansin na gumagalaw yung damuhan na may kalapitan sakin. Ayoko sana tignan pero dahil curious akong tao titignan ko. Maya-maya, malapit na ko sa damo at lumalakas na yung kaluskos.

Sa takot ko lumayo ako at nag tago din sa damuhan medyo malapit dun sa gumagalaw. Nung tumigil na yung bush sa pag galaw. May nakita akong lalaking lumabas sa damo. Nakatayo ito at nagpapalinga linga sa paligid.

"miss anong gina-

"kyaaaaaa! " Sigaw ko dahil bigla nalang siyang nasaharapan ko. kasunod nito ang pagkawalan ko ng malay.