webnovel

Diary ng Single

May mga single na gustong maging taken. May mga taken na gustong maging single. Pero meron ding mga gusto nalang maging forever single ang status.

hanarilee · Hiện thực
Không đủ số lượng người đọc
23 Chs

Entry#17

Two weeks had passed ever since that life changing confession happened. Everyone continued pestering me about it.

Of course, hindi pa rin ako kumportable. But at least, the teasing subsided as time passes by.

Totoo nga ang sinabi ni ma'am. Nakaabot nga sa faculty ng college namin ang nangyaring confession. Nalaman ko dahil pabalik-balik ako sa faculty para magprocess ng thesis.

Kung bakit nga ba ako pumayag na maging kagrupo sila? Si ate Kath, naiintindihan ko pa dahil working student siya.

Buti pa nga yun. Kahit busy nagagawa pa ring tumulong. Kapag kasi gusto, gagawa ng paraan. Kung hindi pwede, babawi. Pero pag ayaw, babaha ang mga dahilan.

At nakakapagod makinig sa mga kasinungalingan ng mga tao.

Humans are born complex. So the more you make contact with them, the more it gets complicated. Doing things alone makes it less complicated and simple. Kaya mas gusto ko, small group of friends lang.

Tapos, ako. Me,myself and I.

Gusto ko na sumabog sa mga kagrupo ko talaga. Konti nalang talaga. Kapag pumalpak Ang first defense namin at di ako nakapag exam, patay sila sa'kin. Hmp!

But I won't let that happen. Kaya nga pinatahimik ko na ang nagsusumigaw na hiya sa loob ko. Kung uunahin ko Ang hiya sa faculty, wala along mapapala.

Teasing and embarrassment won't kill me. Life goes on. That's why I'm here, falling in line at the office of Student Affairs, processing my clearance.

Nananakit na ang mga binti ko kakatayo dito. Parang ahas naman sa haba ang pila as usual. Nagugutom na ako pero hindi pa pwedeng umalis.

"Ang tagal!" pabulong kong reklamo.

"Oo nga," nagulat ako nang may lalaking sumabat. Siya yung lalaking nakatayo sa likod ko.

"Ah, hehe." I awkwardly smiled.

Gulat ako don, ah. Yung feeling na sarili ko ang kausap ko pero may sumagot na di ko kilala.

Nakakita ako ng mga kaklase na nasa unahan na ng pila. Sila Ailou kaya, tapos na?

I opened our GC.

Madams

Psst! Tapos na kayo sa DSA?

Wincelette Ria Ampuller: Wala pa, madam. Ikaw, tapos ka na?

Di pa. Pumipila pa lang.

Vanessa Fulgencio: mahaba ang pila? Lol. Di pako tapos sa council.

Ailou Basa: Huhu. Wait. Punta ako dyan.

Saan? @Ailou Basa Nasan ka ba ngayon?

Ailou Basa: Ay slow. Punta ako dyan sa DSA. Council palang Ang napasign-an ko. Hahahahahaha lol.

Dito kami sa boarding house, sulat pa ng thesis.

Wincelette Ria Ampuller: hahahaha same same lol.

Vanessa Fulgencio: Kamusta Ang thesis natin?

Ailou Basa: Ewan kung okay na'to. Hahaha. Send ko dito at print niyo nalang ha. Kayo na magpacheck Kay sir.

Ailou sent a file: GUSTO KO NA MAGDEFENSE-8.docx

HAYOP NA THESIS. PDF

Thesis matrix. docx

Hahaha! Anong klaseng filenames ba yan? Sabagay, nakakabaliw at nakakagigil naman talaga ang thesis.

Ito yung pinakamalupit na requirement sa school na susubukin ang pasensya mo, uubusin ang english mo sa katawan, at maging dahilan ng stress eating.

"Woy Adrix! Taragis, ang linis ng clearance, ah! Haha! Lodi,lodi!"

Ang ingay naman. Napatingin ako sa lalaking nag-ingay. Nasa harap sila ng pila banda pero abot hanggang dito sa pwesto ko ang boses niya.

Familiar sila. Mukhang mga taga-engineering department since madalas ko silang makitang nakatambay sa CET building, at naalala ko ring, nakasuot sila ng CET shirt sa tuwing Intrams.

Patuloy lang sila pag-uusap don hanggang sa umalis na yung matangkad na lalaking nakahoodie palagi, yung tinawag na Adrix.

Hay. Buti pa siya, tapos na. Umusog ako paabante dahil gumalaw na ang pila. Medyo malapit na rin ako pero ang sakit na ng binti ko.

Pag-angat ko ng tingin, ay siya ang una kong nakita. Nakatingin siya sa'kin.

Teka, sa akin ba?

Mabilis lang ang titig niya. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin at humarap sa mga kaibigan niyang maiingay.

"Oh, ba't ka pa andito?" Humaba Ang leeg ng kaibigan ni Adrix na parang may hinahanap sa pila. He stopped when he looked at my side. "Ohh. Kaya pala! Ikaw tol ah, andito pala crush mo! P-"

Di ko makita ang facial expressions ni Adrix dahil sa hood niya at eyeglass. Pero kaagad siyang tumakbo at inakbayan ang kaibigan.

"Nahiya ka pang ungas ka, eh nagconfess ka na nga! Bitiwan mo ako loverboy!"

Haha! Nakakatuwa ang friendship nila. Cute.

Umabante ako nang umusad na naman ang pila. Hanggang sa ako na nga ang nagpapapirma.

"Pen, pupunta ka sa bequethal night?" tanong ni kuya Gio, Ang SSG president. Siya ang nakatoka ngayong pumirma ng mga clearance.

"Ah, opo."

"Anong kulay ng susuotin mo?"

"Di ko pa po alam," sagot ko naman.

Nakadepende sa kung anong damit ang mahahablot ko sa cabinet ko. Ni hindi ko pa nga iyon naiisip. Masyado akong preoccupied ng upcoming exams at nitong clearance.

Will I survive the hellweek?