webnovel

Del Fierro Brothers Trilogy 1: Uncontrollably Fond (Completed)

WARNING: MATURE CONTENT INSIDE | RATED SPG | R-18 "You turned me into a needy without me knowing about it, Candy. Im a beggar for your love and that irritates me." SYNOPSIS Candy is sweet just like her name. Maalaga siya at malambing. Walang bahid ng pait kahit naging napakalupit ng mundo sa dalaga. Kaya naman hindi maiwasan ni Hector na mahulog ang loob dito. She's for keeps. Alam iyon ni Hector. That's why he did everything just to win her. At nagtagumpay siya. Candy became his. Parehas nilang pinagsaluhan ang init at tamis ng pag-ibig na kanilang nadarama. But that was a long time ago. Hindi alam ni Hector kung bakit sila nagkahiwalay ng landas ni Candy. He was devastated and hurt, to the point that he never wanted to see her again. Ang buong akala niya ay limot na ang mga damdamin para sa dalaga. Ang buong akala niya ay makakapag-move on siya kapag narinig niya ang mga paliwanag nito. Iyon ang akala niya. Candy came back and pulled the romantic feelings he has for her from being burried in the deepest part of his heart. Kasabay no'n ay ang pagpukaw ng pamilyar na init na tanging ito lang ang kayang magparamdam sa kaniya ng paulit-ulit. He's a Del Fierro. And as a Del Fierro, he should not break his words. Dapat ay hindi niya sirain ang pangako sa sarili na hindi na muling maakit pa sa dalaga pero taksil ang puso't katawan dahil sa mga nadarama. He's a Del Fierro. And everyone knows that being a Del Fierro means getting everything they will ever need and want at all cost. And that includes her. Why? Simple. He needs her more than his life and he wants to make love with her every single chance he gets. Yup. He's a Del Fierro and he doesn't give a damn. He will have her again, even if he ends up breaking his own words and his heart into pieces again and again. He's a Del Fierro. And he'll do everything just to lock her in his arms once again. But this time, he wouldn't let go of her anymore, even if it means breaking his morals just to be with her. So, he blackmailed her. ______ Warning: Contains explicit scenes and graphic terms. Please read at your own risk.

missbellavanilla · Tổng hợp
Không đủ số lượng người đọc
16 Chs

Chapter 7

NAPAMURA NG MALUTONG si Candy nang maramdaman ang matinding kirot sa kaibuturan nya pagbangon nya sa kama. Mabilis nyang isinuot ang T-shirt ng Boss nya at ika-ikang tumayo at lumabas ng kwarto. Pakiramdam nya ay na-dehydrate sya sa sobrang pagod at pagkakaawang ng labi nya kanina. Madaling araw na at kailangan na nilang sunduin si Victor pero anong nangyari? Nagtalik sila buong magdamag ng Boss nya.

Napakagat labi sya at pinasadahan ng daliri ang leeg at dibdib nya. She can still feel the sensation of their lovemaking lingering on every inch of her body.

Napapitlag sya nang makarinig ng doorbell. Napakunot-noo sya. Madaling araw na tapos may nagdo-doorbell?

Akmang pupuntahan na sana nya ang pinto pero naalala nyang tanging oversized shirt lang pala ang suot nya!

Bago pa sya makakilos para umakyat ay kaagad na bumukas ang pintuan ng bahay at iniluwa non ang buong pamilya Del Fierro. Yeah, Si Mam Helen, Sir Conrad, Sir Barry, Sir Charles, at ang cute na cute na si Victor. Nagpapasalamat sya at lagpas tuhod ang tshirt na suot nya dahil wala syang suot na underwear!

Bakas ang gulat sa mukha ng limang Del Fierro nang makita ang ayos nya. Maging si Victor ay napakunot ang noo.

"Mommy Candy? Why are you wearing Daddy's Shirt?"

Nanigas sya sa kinatatayuan sa tanong ni Victor sa kanya. Hiniling nya sa mga oras na yon na sana lamunin na lang sya ng lupa. Nakakahiya!

She was about to answer when suddenly, she heard heavy footsteps coming from the staircase. Naramdaman na lang nya na  nilagpasan sya ng Boss nya para salubungin ang pamilya nito. Kaagad itong nakipag beso-beso sa mga magulang at kapatid nito ng may ngiti sa mga labi. Pagkatapos ay kaagad itong lumapit sa kanya at siniil sya ng halik sa labi.

"Ehem!" Narinig nyang eksaheradong tikhim ng apat na Del Fierro. Nang maghiwalay ang mga labi nila ay kaagad nyang nakita ang mga nakangising mukha ng pamilya Del Fierro sa harap nya. Pakiramdam nya ay pinamulahan sya ng pisngi sa sobrang hiya.

"Nga pala, Ma? Pa? Bakit kasama nyo yang dalawang yan?" Tanong ni Hector habang mahigpit ang pagkakahawak sa bewang nya na para bang ipinapakita nito sa nga kapatid nito na pag-aari sya nito.

"Wala lang. Nag-alala lang kami sa inyo Kuya. Akala kasi namin kung ano na ang nangyari sa inyo. Bigla daw kayong nawala sa beach kanina eh. Tapos hindi nyo sinundo si Victor on time kaya akala namin may nangyari ng masama. Hindi naman namin alam na..." Ngumisi si Sir Charles ng nakakaloko. "...na busy pala kayo. Sana pala bukas na kami pumunta."

"Kaso hindi makatulog si Victor ng wala ka o si Candy kaya kahit dis-oras na ng madaling araw ay nagpunta kami dito." Biglang singit sa usapan ng Mama ng Boss nya at nilapitan sya. "Kamusta ka, hija? Ayos ka lang ba? Naistorbo ba namin kayo?" Tumaas-baba ang kilay ni Mam Helen sa kanya at parang ipinahihiwatig nito na alam nito kung ano ang ginawa nila ng Boss nya.

"Ma! Umalis na nga kayo! Tsss!" Anang Boss nya at itinulak ang pamilya nito palabas ng bahay. Nang maisarado na nito at na-lock ang main door ay kaagad nitong binuhat si Victor at lumapit sa kanya.

"Come on. Let's sleep." Ngumisi ito sa kanya at hinila sya paakyat ng hagdan.

NAGISING SI CANDY kinabukasan na nananakit ang buong katawan. Pakiramdam nya ay tinakbo nya ang SLEX papuntang NLEX dahil sa sobrang pananakit ng katawan. She's not overstating, it's the truth! Para talaga syang inubusan ng energy sa katawan at pakiramdam nya ay wala na syang lakas para tumayo.

Napangiwi sya at masama ang tinging ipinukol nya sa Boss nya na mahimbing ang pagkakatulog. Gusto nyang i-magic ang lahat ng pananakit ng katawan nya na lumipat sa Boss nyang mahimbing na mahimbing ang tulog at may ngiti pa sa mga labi.

Napangiti sya nang maalalang muli ang ginawa nila ng Boss nya. Nang umakyat sila kagabi sa kwarto ay pinatulog lang nito si Victor sa kama at pagkatapos ay pinaliguan sya sa shower room. Hindi lang pagpapaligo ang ginawa nito sa kanya. At siya naman, gustong-gusto nya ang mga pinaggagagawa nilang dalawa. Nasaan na ang pagiging dalagang pilipina nya? Wala! Lahat iyon ay naglaho nang angkinin sya nito kagabi. They were wild last night in the most erotic sense of the word. Naniniwala na syang na-miss ng Boss nya ang pagiging 'Wild', at sya naman, nagustuhan ang pagiging 'Wild' nila kagabi kaya hindi niya mabilang kung nakailang-rounds ba sila.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan, Candy? Siguro gusto mo pa ulit no?" Anang Boss nya sa garalgal na tinig. Mukhang kanina pa ito gising at nakikitang nakatitig sya.

"Wala lang Boss. May naalala kasi ako. May kilala nga pala akong mangkukulam sa Poblacion at kayang ilipat ang mga  sakit ng iba sa katawan ng ibang tao. I-try ko kaya yon?"

"Candy!" Saway sa kanya ng Boss nya.

Napahagikgik sya ng tawa. "Naniniwala ka sa kulam, Boss?

Tumango ito sa kanya. "Oo naman. Naniniwala ako kahit wala pang proof. Wala namang mawawala, hindi ba?"

Napatango-tango sya bilang pagsang-ayon. "Sabagay. Kahit ako Boss naniniwala. Kaya kapag hindi nawala ang pananakit ng katawan ko pagbalik sa Poblacion ay ipapakulam kita."

"Tsss... fine with me. Pero bago ka makapunta doon ay lulubus-lubusin kita. If you think youre wiser than me, think again." Hinila sya nito pahiga ulit sa kama at hinaplos ang pisngi nya. "Alam ko namang nananakit ang katawan mo. Kaya magpahinga ka na lang dito sa bahay." His grey pools smiled at her.

"Hep!" Pinigilan nya ito sa pagsasalita. "Sasama ako sayo Boss. Okay lang ako! Hindi nananakit ang katawan ko." Ginalaw-galaw nya ang braso at ang balikat nya. "See? Maayos na ako!"

Ngumiti ito. "Lahat talaga gagawin mo para sa lakwatsa, no?"

Magiliw syang tumango. "Oo naman! Gagawin ko ang lahat para sa libreng pamamasyal kasama ka Boss." Nginitian nya ito.

"Umaamin ka na bang may gusto ka rin sakin? You never told me that you love me back."

Nawala ang ngiti sa mga labi nya. Oo nga. Hindi pa ako nagsasabi ng 'I love you too'.

And then it hit her. Mahal ko ba si Boss? Oo inaamin kong bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing kasama ko sya, pero sapat na ba iyong dahilan para masabi kong in-love ako?

Naguguluhan sya sa mga nararamdaman. Iyon ang unang beses na nakaramdam sya ng ganoon kaya hindi sya sigurado. Kailangan nya munang kumpirmahin ang mga nararamdaman nya bago nya iyon sabihin sa binata.

"Boss, sa totoo lang, confused ako. Hindi ko alam. Hindi pa ako naiinlove eh." Pag-amin nya.

"Shhh... Don't worry, we'll get there. Gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako." And that statement was sealed by his kiss, a very romantic kiss.

Present time:

               BUT ALL OF THAT happened more than two years ago. Hindi alam ni Candy kung anong mga nangyari pero alam nyang masyadong mabilis ang mga pangyayari at sa isang kurap ay naghiwalay sila ng landas ni Hector.

All of those happy memories of them together is now only a part of her memory. Napangiti sya kahit may namumuo nang luha sa mga mata nya.

She diverted her gaze and tried to distract herself from looking back to the man who's holding a file folder. Dahil sa file folder na iyon ay muling nanariwa sa kanya ang mga alaala nilang dalawa ni Hector.

A lone tear escaped from her eye. Kailangan nyang maging matatag. Lalo na't alam nyng hindi magiging madali para sa kanya na harapin muli si Hector.