webnovel

Del Fierro Brothers Trilogy 1: Uncontrollably Fond (Completed)

WARNING: MATURE CONTENT INSIDE | RATED SPG | R-18 "You turned me into a needy without me knowing about it, Candy. Im a beggar for your love and that irritates me." SYNOPSIS Candy is sweet just like her name. Maalaga siya at malambing. Walang bahid ng pait kahit naging napakalupit ng mundo sa dalaga. Kaya naman hindi maiwasan ni Hector na mahulog ang loob dito. She's for keeps. Alam iyon ni Hector. That's why he did everything just to win her. At nagtagumpay siya. Candy became his. Parehas nilang pinagsaluhan ang init at tamis ng pag-ibig na kanilang nadarama. But that was a long time ago. Hindi alam ni Hector kung bakit sila nagkahiwalay ng landas ni Candy. He was devastated and hurt, to the point that he never wanted to see her again. Ang buong akala niya ay limot na ang mga damdamin para sa dalaga. Ang buong akala niya ay makakapag-move on siya kapag narinig niya ang mga paliwanag nito. Iyon ang akala niya. Candy came back and pulled the romantic feelings he has for her from being burried in the deepest part of his heart. Kasabay no'n ay ang pagpukaw ng pamilyar na init na tanging ito lang ang kayang magparamdam sa kaniya ng paulit-ulit. He's a Del Fierro. And as a Del Fierro, he should not break his words. Dapat ay hindi niya sirain ang pangako sa sarili na hindi na muling maakit pa sa dalaga pero taksil ang puso't katawan dahil sa mga nadarama. He's a Del Fierro. And everyone knows that being a Del Fierro means getting everything they will ever need and want at all cost. And that includes her. Why? Simple. He needs her more than his life and he wants to make love with her every single chance he gets. Yup. He's a Del Fierro and he doesn't give a damn. He will have her again, even if he ends up breaking his own words and his heart into pieces again and again. He's a Del Fierro. And he'll do everything just to lock her in his arms once again. But this time, he wouldn't let go of her anymore, even if it means breaking his morals just to be with her. So, he blackmailed her. ______ Warning: Contains explicit scenes and graphic terms. Please read at your own risk.

missbellavanilla · General
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 8

Masaya syang sinalubong ni Len---- ang Secretary ni Hector----sa Exit ng Airport lounge. Naging magkaibigan silang dalawa noong nagtatrabaho pa lang sya kay Hector at ito na ang nagsilbing mata nya sa Poblacion. Last year ay nagpakasal na ito kay Peter. Yup, the one and only Peter. Nang umalis sya at tumungong Australia ay nililigawan na nito si Len. Ngayon ay mag-asawa na ang dalawa.

"Kamusta ka na Candy? Grabe mas lalo kang gumanda!" Inalalayan sya nito sa mga dalawang maleta'ng dala nya at kaagad na pumara ng Taxi na naka-hilera sa harap ng entrance ng Airport.

"Okay lang ako. So, kamusta na ang Boss mo? Bugnutin pa rin ba?" Napahagikgik sya.

"Hay naku! Hindi ko nga lubos maisip kung bakit ka nagtagal sa pagtatrabaho kay Boss Hector! Simula nung umalis ka, lagi na lang syang bugnutin at mainit ang ulo. Heartbroken kasi."

Ngumiti sya ng mapakla. Kasalanan nya iyon. Dahil sa kanya ay nasaktan nya ang lalakeng minahal nya ng sobra. Halos pa lang ay ayaw na nyang umuwi pa sa Poblacion dahil wala na syang mukhang maihaharap kay Hector. Pero mas alam nyang malaking kahangalan kung hindi nya susundin ang puso nya. Sa nakalipas na tatlong taon ay alam ng dyos kung gaano sya naghirap. She have to choose between the two important men in her life and she chose her father.

"Uy huwag ka ng maging malungkot, gurl! Hindi mo naman kasalanan eh! Siguradong kapag in-explain mo kay Boss kung bakit biglaan kang umalis ay maiintindihan nya yon. Alam ko. Nararamdaman ko. Kung mahal ka nyang talaga ay maiintindihan nya yon!"

Hanggang sa makasakay na sila sa Taxi ay patuloy pa rin ito sa pagbibigay ng payo sa kanya.

"I-explain mo, Candy. Maiintindihan ka nya."

"Pero iba ang sitwasyon namin, Len. Iniwan ko sya ng walang pasabi. Mali ako. Dapat nagpaalam ako ng maayos. Pero anong gagawin ko? Alam kong masasaktan sya kapag nalaman nya ang totoo." Pinigilan nya ang mapaluha sa mga sinabi nya pero sadyang taksil ang mga mata nya dahil may kumawalang luha mula roon.

"So bakit ka pa bumalik dito? Ano? Tutunganga ka lang sa bahay mo? Ano yon? Iniwan mo ang Daddy mo sa Australia para lang sa wala? Hindi kita nakilalang ganyan. Alam kong may pinaplano ka."

Tumango sya at pinunasan ang mga luhang tumulo sa mga mata nya. "Magmamakaawa ako, Len. Gagawin ko ang lahat para mahalin ako ulit ni Hector. Gagawin ko ang lahat para tanggapin nya ulit ako sa buhay nya. Gagawin ko iyon ng hindi sinasabi sa kanya ang totoo. Alam kong masasaktan lang sya kapag nalaman nya."

"Hay naku! Pati ako naiiipit eh. Sige. Siguraduhin mong mawawala ang pagka-bugnutin ni Boss. Akitin mo sya mamaya."

Bahagya nyang hinampas ang kamay nito. "Ikaw talaga! Nag-asawa ka lang, naging mapusok na ang mga katagang lumalabas dyan sa bibig mo."

"Ano? Totoo naman ah! The best way to a man's heart is through his groin. Duh!"

Inirapan nya ito. "Siguro iyan ang techniqe mo para makuha si Peter no? At yung loko naman, nagpadarang sa apoy kaya ka nya nagustuhan." Napangiti sya nang biglang mamula ang pisngi ni Len dahil sa sinabi nya.

Sinasabi na nga ba eh! Napangisi sya. Talagang gagawin ng isang tao ang lahat para sa pag-ibig. At masaya sya para kay Peter at Len..

Nang makauwi na sya ay kaagad nyang nilinisan ang buong bahay nya kasama si Len at pagsapit ng gabi ay natapos na rin nila ang paglilinis nila ng bahay niya. Nagpasalamat sya sa kaibigan at binigyan ito ng isang box ng chocolates bago umalis.

Pagod na pagod ang katawang bumagsak sya pahiga sa kama nya at napatingin sa kisama. Ipinikit nya ang mata at dinama ang pakiramdam ng malambot nyang kutson. Na-miss nya ang pilipinas pero mas na-miss nya ang taong naging dahilan kung bakit sya bumalik.

Umupo sya at tinitigan ang picture frame sa side table ng kama nya. She felt her heart tightened as soon as she saw the picture frame on her table. Picture nila iyon ng Boss nya noong nagpa-picture sila sa Isla Anubis. They look so happy and romantic together, almost unseperable.

But what happened 2 years ago? Bakit sila naghiwalay?

Her mind instantly flew back to the time that they were still together and not even a the Big One could tear them apart.

-Flashback-

Nagpunta sila ni Candy sa isang flower field na kung tawagin ay Eros. Matatagpuan iyon sa may pinaka-liblib na bahagi ng Isla Anubis. At dahil last day na nila ng Boss nya doon ay kaagad silang nagdesisyon na pumunta sa flower field. May pamahiin daw kasi sa lugar na iyon na kapag first time pumunta doon ng couples ay walang pagsubok ang makapagpapahiwalay sa mga ito.

Mabilis syang hinatak ng Boss nya at niyakap sa likuran at ang background nila? Ang flower field.

"Ang cheesy nyo, Kuya! Porke't kayo na, mang-iinggit na kayo!" Sigaw ni Sir Charles sa kanila ng Boss nya habang pume-pwesto para kuhanan sila ng picture.

Napangiti na lang sya sa sinabi ng Sir Charles nya. Sinagot na nya kasi ang Boss nya noong nakaraang linggo habang nagtatampisaw sila sa dagat.

Paano?

Kasi hindi pumayag ang Boss nya sa kagustuhan nyang mag-sex ulit sila kapag hindi nya ito sinagot. Kaya para maulit muli ang inaasam nya ay sinagot na nya ito. At wala syang pinagsisihan. Hector treated her like a queen this past week. Pormal syang pinakilala sa pamilya nito bilang girlfriend at sinabi pa nitong balak sya nitong pakasalan.

She was so happy that day. "Totoo ang mga happily ever afters", iyon ang sinisigaw ng isip at puso nya.

"Say Sex!!" Ani Sir Charles sa kanila habang kinukuhanan sila ng litrato.

"Let's have Sex!" Bulong sa kanya ng Boss nya na naging dahilan ng pagtawa nya, saktong nag-click ang camera.

Parang piniga ang puso ni Candy nang bumalik sa isip nya ang alaalang iyon habang pinagmamasdan ang picture nilang dalawa ni Hector. She looked so happy and contented in his arms, at gayon din si Hector sa kanya. They look like a happy unmarried couple who's willing to go against all odds.

Pero isang pagsubok lang pala ang makakapaghiwalay sa kanila.

Masayang nagtrabaho si Candy sa opisina habang sinusubuan sya ng prutas ng Boss nya. Simula nang sagutin nya ito ay parang nagpalitan na sila ng posisyon. Sya na ang parang Boss at ito naman ang parang alalay nya.

"Say ah!" Anito at inuwestra ang isang ubas sa bukana ng bibig nya. Kaagad syang ngumanga at sinubo ang ubas at nagtipa sa keyboard habang nginunguya iyon. Maya-maya ay hinahalik-halikan na nito ang braso nya at ang pisngi nya.

"Boss naman eh! Magtrabaho na tayo! Gusto mo bang malugi ha? Resibo kaya itong inaasikaso ko!"

"Sabi mo nga ako ang Boss. Kaya kahit kailan ko gusto ay pwede akong makipag-landian sa girlfriend ko. Hawak ko ang oras ko, Candy."

"Ikaw yun Boss. Eh ako? Empleyado mo pa rin ako kaya hindi pwedeng makipag-landian ako sayo habang nagtatrabaho."

"Sige. Inuutusan kitang mag-day off. Okay na ba sayo yon? Can we continue?" Bulong nito sa tainga nya na nakapagpatayo ng balahibo nya. Sa isang kisap-mata, tuluyan nang nag-init ang buong katawan nya.

Damn! Her Boss is really insatiable!

"Boss naman eh!" Reklamo nya. Nagulat sya nang bigla syang hilahin ng Boss nya patayo at isinandal sya sa pader. He kissed her with full of ardor, which took all of her sanity and inhibitions away like a popped water bubble. One kiss is all it takes to take her inhibitions away, and only Hector could do that.

He was about kiss her neck when suddenly, her phone rang. Marahan nyang tinulak ang Boss nya palayo para kunin ang phone nya sa table.

"Hello?" Bungad nya sa kabilang linya.

"Hi Ms. Candice Lassiter, this is Drake Lassiter. Your Eldest brother." Anang isang baritonong tinig na may accent.

Napakunot noo sya. "Im sorry but you called the wrong person."

"Your father is Johansson Lassiter, My father. You're my half sister. I called you coz i need your help. Can we meet?"

Bigla syang binalutan ng matinding kaba at galit. Galit sya dahil sa ginawang pag-iwan sa kanila ng Daddy nya at kinakabahan sya dahil unang beses nyang makausap ang 'kapatid' kuno nya. Bigla syang binalot ng takot. Hindi kaya may nangyaring masama sa Daddy nya kaya biglaan ang phone call sa kanya ng kapatid nya?

"Okay then. Send me the address. I will meet you there." Kaagad nyang binaba ang tawag. She heaved a sigh. Hindi nya alam kung mapapatawad nya ang Daddy nya sa ginawa nitong pang-iiwan sa kanila ng Mommy nya. Dahil dito ay mas pinili na lang ng Mommy nya ang magpakamatay sa sobrang lungkot!

"Are you okay, Candy?" Malambing na tanong sa kanya ng Boss nya at niyakap sya mula sa likuran. Suddenly, the negative emotions she felt earlier vanished like a smoke in thin air. Tanging kasiyahan na lang ang nararamdaman nya habang yakap sya ng kasintahan.

"Okay lang ako, Boss. May tumawag lang sa akin. Gusto daw makipag-meet."

Nagdilim ang mukha nito. "What? Sabihin mong may boyfriend ka na." And then, a hint of sadness crossed his eyes. "Hindi mo naman ako ipagpapalit diba?"

Natawa sya. "Bakit naman kita ipagpapalit, Boss? Ikaw ang pinaka-pogi sa paningin ko."

"Pfffttt... Bolera!" Pinanggigilan nito ang taba nya sa tyan.

"Boss naman! Masakit eh!"

"Bakit? Buntis ka na ba? I never use protection, you know? Baka nabuntis kita!" Mabilis nitong kinapa ang puson nya.

"Wala Boss! Hindi ako buntis!"

He groaned in disappointment. "Sana pala inulit-ulit natin kagabi para siguradong buntis ka na. Para wala ka ng kawala."

Tinampal nya ang braso nito sa tyan nya. "Boss may tinatago ka rin palang kamanyakan no?"

"Sa tingin mo kamanyakan na to? You havent seen anything yet."

Pinaningkitan nya ito ng mata at hinarap ito. "Talaga?"

She chuckled when she saw him walk towards the door and locked it. In an instant, she's already lying down on the table, making love with him.

NANG TAGPUIN NYA ang kapatid nya sa isang restaurant sa Poblacion ay pinatunayan nitong magkapatid nga talaga sila. Nalaman nya rin na may sakit ang Daddy nya sa liver at kinakailangang magpa-liver transplant. At dahil isa sya sa mga closest relatives ay malaki ang chansang magiging compatible sila ng Daddy nya.

"You've come to the wrong person, Drake. I dont plan on helping our father. If you want, you can help him yourself. Were siblings, right? Im sure you two were a match!"

Umiling ito sa kanya at humigop ng kape sa cup nito. "Unfortunately, we're not a match."

Pakiramdam nya ay pinagsakluban sya ng langit dahil sa narinig nya. Masakit para sa kanya na haraping muli ang Daddy nya. Masama ang loob nya sa ginawa nitong pang-iiwan sa kanila ng Mommy nya. Kasalanan nito kung bakit namatay ang Mommy nya!

"He told me to give you this letter as a sign of apology. He wouldn't be able to talk to you at this moment because he's unconscious and weak right now." May ibinigay itong letter sa kanya. Halos maluha sya nang mabasa nya iyon.

Her dad explained everything in the letter. Kasama na doon kung bakit umalis ito dati. Tama si Hector, dapat ay kinuha muna nya ang side ng Daddy nya bago sya magalit at magtanim ng sama ng loob.

Her father is already married way back in Australia and later on conceived her Eldest brother Drake. When he visited the philippines, he and her mother fell in love with each other. Umpisa pa lang ay alam na ng Daddy nya na mali kaya umiwas ito. But her mother threatened her father to kill her inside of her womb if he'll not stay in the philippines and be with them. So with a heavy heart, he chose to stay in the philippines... para sa kaligtasan nya.

Until her father decided to leave them for good. Iniwan na lang sya ng Daddy nya noong 19 years old na sya. Alam na kasi ng Daddy nya na kaya na nyang mamuhay mag isa at protektahan ang sarili nya. Kahit pala hanggang sa pag-alis nito ay ginawa nito ang nararapat gawin.

She then realized that there's no one to blame. Nagmahal lang ang Mommy nya at napilitan lang ang Daddy nya. Bunga sya ng isang kasalanan pero mas pinili ng Daddy nya na alagaan sya sa loob ng napakaraming taon kesa sa Half brother niya na nasa Australia...

...At nalaman nya rin na noong umuwi pala ang Daddy nya sa Australia ay naghihingalo na ang asawa nito at ilang buwan na lang ang itatagal.

Napaluha sya. He sacrificed his own happiness for her... tapos heto sya at nagtanim ng sama ng loob sa loob ng mahigit walong taon.

"That's why i cant blame him for leaving us. He has reasons, Candice. He always has." Anang Kuya nya at sumimsim ng kape. "At first, im mad, knowing that he chose you over me and my mother. But seeing you living a comfortable life right now makes me realize that it's a good thing that he left us just to make sure you'll grow up brave and ready to face the world alone. You needed him more than i do."

Pinunasan nya ang mga luha na pumapatak mula sa mata nya. "Thank you, Sir. Thank you for letting me know about this."

"Call me Drake, Candice." Puno ng paghangang tumingin ito sa kanya. "You really do look like your mother. I saw your photographs, you know? Dad always keeps them under his pillow."

Napangiti sya. Sobrang tuwa ang nararamdaman nya dahil nalaman nyang mahal sya ng Daddy nya.

"How's Daddy's condition? Is he gonna be okay if were a match? I really wanted to help, you know?"

Tumango ito sa kanya. "If you two were a match, then he can survive."

Nakahinga sya ng maluwag. Salamat sa dyos at magiging okay ang Daddy nya. Gusto nyang bumawi dito at humingi ng tawad dahil sa mga sama ng loob na inipon nya para dito sa loob ng mahigit walong taon. Gusto nyang makabawi man lang sa pamamagitan ng pagbibigay ng kidney nya dito.

"Where's Dad right now?"

"He's in Brisbane right now. Dont worry about him because his wife is there to take care of him."

Napakunot noo sya. "Wife?" Nagpakasal ba ulit ang Daddy nya? Akala nya patay na ang legal wife nito na nanay ng Kuya Drake nya?

"Yeah. He married a filipina girl."

Napangiti sya. Kahit paano pala ay na in love ang Daddy nya sa pilipinas at nakapag asawa ng isang pilipina.

"What's his wife's name?"

"Annie Diaboco"

She froze. Alam nya kung sino yon. Sa dinami-dami ng tao bakit iyon pa ang napakasalan ng Daddy nya!?

Nanghihina syang napasandal sa upuan at pilit na pino-proseso iyon sa utak. Kung hindi sya nagkakamali, ang Annie na napakasalan ng Daddy nya ay ang nanay ni Victor! Ang ex-wife ng Boss nya!

"W-w-when did they got married?" She stuttered at her question.

"Almost 8 years ago, i think." Tanging sagot ni Drake sa kanya.

Mas lalo syang nalumo sa narinig nya. Kaya pala iniwan ni Annie ang Boss nya ay dahil sa Daddy nya.

Pakiramdam nya ay para syang pinagsakluban ng langit at lupa. She felt guilty kahit na wala naman syang kasalanan sa mga nangyayari. No! She felt guilty because her father is the main reason why her Boss and his wife got seperated years ago! Nagi-guilty sya para sa Daddy nya.

Paano kapag nalaman ito ng Boss nya? Siguradong masasaktan lang ito. Mananariwa lang dito ang mga sakit at lungkot na pinagdaanan nito noong iniwan ito ng ex-wife nito.

"Daddy needed your help, Candy. Are you willing to go with me in Brisbane? He's too weak to travel. Im sorry but i have to take you with me. You still have to undergo lab tests to find out if Dad and you were a match."

Nanlumo sya. Paano sya makakapagpaalam sa Boss nya? Sigurado syang sasama ito sa kanya sa Australia! At kapag sumama ito ay makikita ulit nito ang ex-wife nito. Masasaktan na naman ulit ang Boss nya kagaya ng dati... at kahit ini-imagine nya pa lang na mangyayari iyon ay parang pinipiga na ang puso nya. Hector might be headstrong, brave, and fierce on the outside but he's a softie, lalo na kapag usapang emosyon na. She should know. Alam mya kung gaano ito nasaktan dati. Walang araw na hindi ito umiinom ng alak. At ayaw na nyang makita ulit ang Boss nya na ganon.

Kailangan nya munang ilihim ang bagay na nadiskubre nya. Kailangan nyang mag-isip ng magandang alibi para payagan sya nitong umalis nang hindi nalalaman ang tungkol sa ex-wife nito.

"PUPUNTA KA sa Australia?"

Marahang tumango si Candy nang tanungin sya ng kaaintahan. Nakahilig sya sa dibdib nito habang habol-habol ang hininga dahil sa kanilang ginawang pagniniig. Nasa bahay sya ngayon ng kasintahan at nagdesisyon syang pag-usapan nila ang tungkol sa pag-alis nya papuntang Brisbane, Australia.

"Anong gagawin mo doon sa Australia?" Tanong nito habang hinahalikan at sinasamyo ang buhok nya.

"B-Bibisitahin ko lang si Daddy. B-Babalik din ako kaagad."

Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa ni Hector. Maya-maya ay napabuntong-hininga ang kasintahan nya at niyakap sya ng mahigpit.

"Sasama ako."

"Huwag na!" Biglaang sigaw nya na ikinagulat nito. "Hehe.. ang ibig kong sabihin, huwag na." Aniya sa kalmadong tinig. "Mag-uusap lang kami ni Daddy, pagkatapos uuwi din ako kaagad." Pagsisinungaling nya.

"No. Sasama ako. Gusto ko ring makilala ang Daddy mo ng personal."

"Huwag na nga. Mag-uusap lang kami i Daddy pagkatapos ay uuwi din ako kaagad."

Napabuntong-hininga ito. "Still. Sasama ako sayo."

Bigla syang nataranta. Heto ang kinatatakutan nya, ang sumama ito.

"Sige na please? Ako na lang muna ang aalis papuntang Australia. Gusto ko kasing harapin ng mag-isa si Daddy. K-kung guato mo, next time papauwiin ko sya dito para ma-meet mo, okay lang ba yon sayo?"

"Bakit ba ayaw mo akong isama? May tinatago ka ba sakin?"

Mas lalo syang nataranta. "W-wala ah! B-b-bakit naman ako... maglilihim?" Gusto nyanv batukan ang sarili dahil sa pagkautal nya. Madali syang mapaghahalataan na nagsisinungaling eh!

"Iiwan mo ba ako?"

Umiling sya. "Hindi kita iiwan, pangako yan. Babalik din ako. Natatakot ka sigurong maagaw ako ng mga kapwa ko Australian no? Balita ko marami daw pogi doon." She giggled. Mas lalo syang natawa nang marinig nya ang marahang pagtutol ng kasintahan.

"Huwag na huwag kang lalapit sa mga lalake doon. Kapag may nanligaw sayo, sabihin mo na may gwapong boyfriend ka na." She smiled when she felt his hand caressing her back. Alam nyang nagpapahiwatig na naman ito ng isang round.

"Oo sasabihin ko yon sa kanila. Sasabihin ko rin na masarap ang boyfriend ko." She giggled again.

"Masarap?"

Tumango sya. "Masarap ka naman talaga eh... masarap MAGMAHAL." Sinundot-sundot nya ito sa tagiliran nito. "Bakit? Ano bang sarap ang tinutukoy ko?"

"I am thinking of something green earlier." Natawa na rin ito.

"So payag ka na? Payag ka ng pumunta ako sa Australia ng mag-isa?" Nag-angat sya ng tingin at nginitian ito. She saw his eyes sparkle as he look into her eyes.

Those ash-colored eyes expresses fond feelings for her, she felt that.

"Make me say yes."

Ngumisi sya at kinubabawan ang kasintahan. "With pleasure." A very naughty smile formed on her lips before kissing him.

At napuno ng halinghing at malalakas na ungol ang buong guestroom kung saan pinagsaluhan nila ang isang gabi na puno ng init at pagmamahal. They made love as if it's their last. No, scratch that. It is not 'if' because it is already their last.

ILANG ARAW ang lumipas ng hindi namamalayan ni Candy. Kasama nya ngayon ang Kuya nya sa Airport at naghihintay ng final boarding ng eroplanong sasakyan nila.

Halos maluha sya dahil hindi nya sinabi kay Hector na ngayon sya aalis. Alam nya kasing susunod ito sa kanya kahit ipinangako nito na hindi. Alam nyang gagawin nito ang lahat para sumama sa kanya. Ramdam na ramdam nya iyon. Kaya kahit mabigat sa kalooban ay hindi na muna sya nagpaalam ng pormal dito at hindi nya na rin muna ipinakilala ang Kuya Drake nya sa kasintahan dahil baka mai-kwento ng Kuya nya ang tungkol sa stepmom nila. Nahihiya syang utusan ang Kuya nya na maglihim sa ibang tao.

Napapitlag sya sa kinauupuan nang biglang mag-ring ang phone nya. Madali nya itong sinagot nang makita ang number ng kasintahan.

"Hello Candy?! Where are you?! Wala ka dito sa bahay mo. Wala rin ang mga gamit mo dito! Dont tell me tumuloy ka ng hindi sinasabi sakin?!"

Nanikip ang dibdib nya sa sobrang lungkot na nadarama. Masakit para sa kanya na maglihim kay Hector. It was never easy. Pero alam nyang mas masasaktan ito kapag nalaman nitong ipinagpalit ito ng dating asawa para sa Daddy nya.

"H-hwag kang mag-alala. Babalik din ako kaagad. Pangako yan. H-hindi na ako nakapagpaalam kasi... kasi alam kong magpupumilit kang sumama."

"Huwag ka munang sasakay ng eroplano. Pupuntahan kita dyan." Anito sa kalmadong boses.

"Boss... huwag na. Babalik ako. Pangako 'yan." Tugon niya para pigilan ito sa balak nitong gawin.

"Sabihin mo nga sakin, Candy. May tinatago ka ba? Hindi ka naman dating ganyan! Tell me, may dapat ba akong malaman?" Anito sa inis na tinig.

"Sorry, Boss... saka na natin pag-usapan kapag nakabalik na ako, pwede? Please... huwag ma na akong pahirapan. Hayaan mo muna akong makaalis."

"Damn it, Candy! Hindi kita papayagan! Bumalik ka dito o ako ang pupunta dyan!"

Gusto nyang humikbi. Nasasaktan sya dahil kahit gusto nyang sabihin ang totoo ay hindi pa pwede. Alam nyang masasaktan lang ang Boss nya. Okay lang na sya ang masaktan huwag lang ito.

"Come on Candice, it's time for boarding." Anang Kuya nya na nasa tabi nya at tinapik ang balikat nya.

"Sino yang kasama mo? Candy?!!" Narinig nyang napamura ito sa wikang espanyol. "Huwag kang aalis dyan! Pupuntahan kita!" Narinig nya sa kabilang linya ang tunog ng makina ng sasakyan at ang mabilis na pagpaharurot non. Alam nyang hindi nagbibiro ang Boss nya na pupuntahan sya.

"Drake, Let's go. Before it's too late." Aniya sa Kuya nya at naluluhang hinila ang maleta.

"Candice, are you okay? Why are you crying?"

Umiling sya at pinunasan ang luha. "I have to keep it a secret, Drake. About our stepmom. We have to keep it a secret... and i need you to help me." Hinarap nya ito. "When somebody tried to call or ask my whereabouts in Australia, just deny that you know me or Annie Diaboco. Please, Drake. Promise me."

Naguguluhan man ay tumango ang Kuya nya. "Alright. I promise."

Noong araw na iyon ay iniwan nya ng walang paalam si Hector. Masakit para sa kanya na maglihim pero para rito ay handa syang masaktan. Kahit paulit-ulit. Kung paglilihim at ang pag-alis nya ang paraan para maitago dito ang masakit na katotohanan ay gagawin nya basta huwag lang ito masaktan.