Bago pa man kami umalis sa isla, nagpadala ako ng senyales kay Skyme na pabalik na ako, pero hindi ko inaasahang hihintayin niya ako sa labas.
Kunot-noong binaling niya ang paningin niya sa magkahawak na kamay namin ni Vowel. Sunod na tinignan niya ng maagi ay si Vowel kaya napisil ko ng marahan ang kamay ni Vowel na hawak ko. Kinakabahan ako, sinusubukan ni Skyme basahin si Vowel pero hindi niya magawa kaya tumingin siya agad sa akin kaya agad akong tinitigan si Vowel para kunwari ginamitan ko ng mahika si Vowel para di mabasa ni Skyme.
Nagsalita bigla si Skyme kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi nila alam na bumalik ka na. Nandoon sila lahat sa sala, pati na rin si King Demen, isang buong araw ka naming hinanap pagkatapos mong mawala sa kwarto mo. Now tell me, saan ka galing?" walang emosyong sabi niya habang nakatingin sa kawalan.
"I'll explain everything later. I'm sorry." malumanay kong tugon sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa kawalan.
"Sino itong kasama mo?" tanong niya na biglang binaling ang tingin kay Vowel. Hindi niya ito binasa pero parang naghihintay siya ng sagot galing kay Vowel mismo.
"My name is Vowel. I came here to help her explain. Boyfriend niya ako." seryosong sabi niya kay Skyme habang nilabanan niya ang mga titig nito sa kanya.
Kumunot ulit ang mga noo ni Skyme ngunit bumalik din agad ito sa walang emosyong mukha.
"Pasok." sabi niya at naglakad papasok ng bahay nang hindi kami tinapunan ng tingin. Nagkatinginan kami si Vowel at binigyan niya ako ng isang maliit at sinserong ngiti kaya pinisil ko ulit ang kanyang kamay sabay hila sa kanya papasok sa aming bahay.
Grabe ang kabang nararamdaman ko ngayon. Parang sasabog na ang puso ko sa nerbyos. Pero pinilit ko paring pumasok sa loob.
"Oh, my Sync! Saan ka ba galing? Alam mo ba halos mabaliw na ako sa pagkawala mo? Ano bang pumasok dyan sa utak mong bata ka?!" galit na sabi ni Mama habang hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
Iyon ang bumungad sa amin pagpasok pa lang namin sa sala kaya napabitaw ako sa kamay ni Vowel, kaya kinuha ko agad ang kamay niya at hinawakan ko ng mahigpit. Napatingin sila lahat sa mga kamay namin. Kaya mas kinabahan ako. Bago pa man ako makapagsalita, biglang nagsalita si Vowel.
"Hello po. Ako po pala si Eaie pero tawagin niyo nalang po akong Vowel. Ako rin po pala ang dahilan sa biglaang pagkawala ni Sync kaya sorry po talaga. Isa rin po pala akong tao kung nagtatanong po kayo. Pero ngayon po, pinalayas ako sa amin nung nalaman nilang yung sa amin ni Sync. Pinuntahan niya ako agad noong sinabi ko sa kanya iyon. Pilit niya po sana akong dalhin dito pero nahihiya po talaga ako at kinakabahan kaya natagalan kami. Sorry din po kasi ako rin po ang may kasalanan kung bakit nawala siya ulit dahil hindi ko po talaga planong pumunta dito pero tinakot niya po akong iiwan niya raw ako kapag hindi ako sasama kaya wala na po akong choice kaya nilakasan ko na po ang loob ko na pumunta dito at sabihin ito sa inyo. Sana po ay pakinggan niyo ang susunod na sasabihin ko kasi nahihiya na akong sabihin ulit." napatigil siya saglit at nagbuga ng hangin para maibsan kuno yung kaba niya.
"Boyfriend po ako ni Sync."
Hindi ko alam pero natulala ako sa mga sinabi niya. Hindi naman iyon bago sa akin, natulala ako sa mga kasinungalingang sinabi niya. Walang hiya ang galing niyang umacting!
Pati ang pamilya ko ay natulala sa mga pinagsasabi niya dahil talaga namang ikinagugulat talaga. Ang taas-taas kaya nung sinabi niya tapos napaka-epic pa nung ending, may buga-buga pa siyang nalalaman. Para na nga siyang nag-rap nung sabihin niya yun eh, kulang na nga lang magdrop ako ng beat at magbreak it down yow sa huli. Pinagdarasal ko na sana naiintindihan nila iyon.
Grabe pa talaga yung acting niya kasi hanggang ngayon kunwari hinihingal siya. Walang hiya talaga! Gusto ko sana siyang batukan pero ang cute niya tignan. Ang sarap kurutin ng pisngi niya kasi matambok talaga ito lalo na at parang pinapalobo niya ito kasi kunwari nga hinihingal siya.
Nabawasan ang kabang naramdaman ko sa ginawa niya. Kasi gusto ko nang matawa dahil mukha siyang tanga! Siya na ata ang definition ng cute na tanga.
Napangiti ako sa naisip ko na iyon. Ang boyfriend kong cute na tanga ^.^
"Nababaliw ka na ba Sync? Pangiti-ngiti ka dyan! Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka pa sa amin!" biglaang gigil na sigaw ni Demen Ocean.
"Sorry na." tugon ko sabay yuko ng ulo ko. Kinabahan ulit ako, ayoko talagang magsinungaling pero wala akong magagawa.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin na may boyfriend ka pala, Sync?" tanong ni Demen Universe.
"Hindi ko alam kung paano sasabihin. Nahihiya ako." tugon ko habang nakayuko pa rin.
"Gaano na kayo katagal?" tanong ulit ni Demen Universe.
"6 years"
"6 years"
Sabay naming sabi ni Vowel kaya nagkatinginan kami.
"6 years? For Pete's sake you're just 16! So ano, kayo na since you're 10? Are you freaking kidding me?" pigil na galit na tugon ni Demen Ocean.
Pansin ko lang, bakit mas galit pa siya sa Mama at Papa ko, isali na rin natin si Skyme. Parang siya yung ama ko sa lagay na ito, nakakagigil kahit wala naman dapat ikagigil.
"We met 6 years ago. Kahit na hindi naman talaga 6 years ago niya ako sinagot, unang kita ko pa lang sa kanya, sinigurado ko nang magiging akin siya." sagot ni Vowel kay Demen Ocean. 6 years? O baka naman 6 hours ago.
"How old are you, Eaie?" tanong ni Mama Luz.
"I'm 30 po." agad niya sagot kaya nagulat ang lahat pati na rin ako pero hindi ko pinahalata.
"ANO?!" sabay na sigaw nilang lahat, maliban kay Skyme, Demen Anne and King Demen.
"Hehehe joke lang po. Minus 13 po talaga iyon." sabi ni Vowel sabay tawa na awkward.
At dahil mabait ako, tumawa rin ako, na awkward din para di ma-awkward si Vowel.
"Hahaha. Ikaw talaga beh, patawa ka talaga."
At dahil doon, mas naging awkward. Nice job, Sync. Pwede na kayong lamunin ng lupa!