webnovel

Chapter 14

Pinaupo na nila kami pagkatapos ang eksenang iyon ngunit hindi pa rin nabubura ang kanilang nagtatanong na mukha, pero iba ang tingin ni Skyme sa akin, parang alam na niya na mangyayari ito.

"So, sinabi mo kanina na pinalayas ka sa inyo dahil nalaman nila na may karelasyon kang isang Dementian samantalang ikaw ay isang tao. Anong plano niyong dalawa ngayon?" tanong ni Mama Luz. Tahimik lang si Papa sa kinauupuan niya, kanina pa siyang walang imik katulad ni Skyme.

"Wala na po siyang ibang pupuntahan kaya inaya ko siyang pumunta dito sa bahay. Kung payag po kayo. Kung hindi naman po, hahanap nalang po kami ng matitirhan tapos doon na kami tumira." deretsong sabi ko. Alam kong hindi dapat ganoon ang sinabi ko pero iyon na lang ang paraan para pagtakpan ang mas malaking sekreto namin.

"Ano ba Sync! Are you out of your mind? Isang araw nalang we are heading out para sa isang importanteng misyon. Ngayon ka pa magkakaganyan?! Alam ba nito na isa kang Demen at ikaw ang puso ng Dementia?" pangangaral sa akin ni Demen Ocean. Siya naman palagi eh.

"Opo, alam ko iyon. Bago pa naging kami, alam ko na iyon pero hindi ko ito pinagsabi sa iba. Ngunit hindi ko alam ang tungkol sa misyon na sinabi niyo kanina. Ano po yun?" tugon ni Vowel. Alam kong alam niya dahil napag-usapan na namin ito kasama si Queen. Hindi ko alam ang nasa isip niya, pero ramdam ko ang panlalamig at pamamasa ng kamay niya dahil magkahawak kamay pa rin kami simula pa kanina at hindi ko binitawan.

"Isa rin ito sa dahilan kung bakit tumakas ako, ayokong itago siya ng matagal sa inyo. Dahil alam kong magiging mapahamak ang misyon natin. Hindi natin alam ang mga mangyayari. Kaya naisip kong mabuti nang ngayon pa lang, alam ninyong may isa pang dahilan kung bakit gusto kong makabalik pa dito ng ligtas at buhay." sabi ko sa kanila.

"Ayokong pumunta kang mag-isa doon." singit ni Vowel habang nakatingin sa akin at humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"I'm not alone. I'm with Demen Ocean, Demen Universe, Demen Ian, and two other Cheicybats." sagot ko sakanya.

"Hindi ako mapakali habang nasa mapanganib kang misyon habang ako nakatunganga lang dito. Hindi ako papayag na hindi ako kasama." tugon niya sa akin. I feel like hindi na ito acting, ayaw niyang pumunta ako doon ng hindi siya kasama, lalo na at sa dimensyon niya kami pupunta na lingid sa kaalaman nila.

"At ano naman ang gagawin mo doon aber? Ikaw na ang nagsabing isang tao ka lang, wala kang kapangyarihan para sumama sa amin. Baka ikaw pa ang magpapahamak sa amin habang nasa misyon kami." nakakunot noong sabi ni Demen Ocean.

Nakaramdam ako ng insulto kahit hindi naman ako ang sinabihan niya ng ganoon.

"Huwag mong pagsalitaan ng ganyan si Vowel. Nakakainsulto ka na." sagot ko sakanya. Alam kong nawalan na ako ng respeto pero naiinis na talaga ako sa kanya. Kanina pa siya duda ng duda, alam kong may kasalanan kami pero hindi pa rin iyon sapat para pagsalitaan kami ng ganoon.

"Bakit Sync? Totoo naman diba? Siya ang magiging destruction mo. Siya ang maaaring sisira sa iyo. Matanong nga kita Sync. Why are you blocking your mind and soul? Bakit simula noong bumalik ka dito nung nakaraan, hindi ka na mabasa o mahypnotismo? At bakit mo rin siya pinagtatakpan Sync? His mind, his soul, his feelings, why can't we see it? Ano ang pinaglalaban niyo? That you can leave your responsibility as the heart of our dimension para lamang sa kanya? Are you even thinking?" galit na usal niya.

Tama nga ako, they were trying to read and hypnotize him, hindi lang siya dahil pati na rin ako. Kaya sila tahimik, they were trying to get inside our soul.

"Stop this. Masyado nang maraming nangyayari, I will postpone the mission for a day. Kailangan maayos ito lahat bukas. Sa ngayon, we need to rest at ipaubaya si Sync at Eaie kay Luz ar Erik. Pag-usapan niyo ito ngayon. All of you need to go to my island tomorrow morning, with Eaie." utos ni King Demen kaya wala na kaming ginawa kung hindi sundin iyon.

This will surely be the start of a tougher life.