webnovel

Daydreaming (Filipino)

Sort of a cliche love story between a celebrity and one of his fans. ----- Note: Sinulat ko 'to way back in 2012 pa. Kaya pasensiya na ulit sa mga wrong grammars and everything. Hi everything! **If may magbabasa po nito just wanna say that I'm still revising this po. English kasi ang orig eh dumugo ilong ko sa englishan ko doon kaya taglish na lang. :)) Thank you!

Aybeeming · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
69 Chs

Chapter 20

Hindi alam ni Kyra kung ano na ang nangyari kasi basta na lang tumalikod at nagmamadaling umalis sa dining area si Mr. Sevilla pagkatapos ng pagpapakilala ni Georgina sa sarili. Kahit siya ay nagulantang sa ginawa ni Mr. Sevilla at agad na nag excuse sa mga taong naiwan doon bago siya sumunod dito.

"Uncle!" Tawag niya dito pero hindi man lang siya binalingan ni Mr. Sevilla at tuloy-tuloy na umakyat sa hagdan papunta sa kwarto nito. Kaya sumunod na lang siya dito ng tahimik.

Pagkapasok nito sa loob ng kwarto ay parang nanghihina itong naupo sa kama. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito kaya dumiretso na lang muna siya sa drawer kung saan nakalagay ang mga gamot nito. Kinuha na din niya ang mga dapat nitong inumin pati ang mga gamit niya na pang check ng vitals nito.

"U-Uncle." Tawag niya dito pagkalapit pero nanatili itong nakayuko na parang ang lalim ng iniisip.

Kumuha na muna siya ng isang basong tubig at ipinatong 'yon sa bedside table nito.

"Uncle.. 'Yong gamot niyo po.. at magcheck na din ako ng BP niyo.."

Doon lang ito umangat ng tingin sa kanya at kitang-kita niya na parang tumanda lalo ang itsura ni Mr. Sevilla. Na para bang pinagbagsakan ito ng langit at sobrang namomroblema.

"K-Kyra.. I'm sorry, iha..." Paunang sabi nito. "This is my other reason as to why I'm forcing Bryan to marry you, instead.. I-I don't like his girlfriend.. I've had her investigated and I found out that she's been using him and his money for her lavish lifestyle.. I also found out that she's the one forcing him to get his inheritance from me.. I don't seem to trust her kahit noong sa pictures ko lang siya nakita at mas lalo na ngayong nakita ko na talaga siya sa personal... Is it wrong for me to judge her? She's too liberated for my son.."

Ngumiti siya ng malungkot kay Uncle. Alam na pala talaga nito ang tungkol kay Georgina.. But she understands his sentiments.. Maybe hindi pa nito nakikilala ng maayos si Georgina. Sa dami ng babaeng nagkakagusto kay Bryan, si Georgina ang pinili nitong maging girlfriend, 'di ba? Then that means he chose her, she's good for him and he loves her..

"Inumin niyo po muna ang gamot niyo, Uncle." Sabi niya dito.

Mabagal nitong inabot ang mga gamot nito sa kamay niya. Iniabot niya rin dito ang baso ng tubig.

"Your son loves her, Uncle. Maybe you should get to know her po muna.. Give her a chance po.. Baka po kasi mabait naman siya and makagaanan mo rin ng loob." Sabi niya dito.

"I don't think so, iha. I have this strong feeling that she will be his downfall.. And I don't want to see him in that position.. If I could do something before that happens, then I will.." Sabi nito. "A-And what if its not love, iha.. What if its just.. lust?"

"Si Uncle talaga." Tipid na ngiti niya dito sabay pakita ng apparatus niya. Inangat niya din ang sleeves ng pajama nito at nilagay na niya doon para icheck ang BP nito.

Napamaang siya ng nakitang mataas 'yong BP nito kaya agad niyang sinermonan ito ng pabiro. Na huwag na masyadong mag-isip at mas mabuting alalahanin na lang ang pagkikita nila ni Ma'am Selena noong nakaraan. Nangiti na din ito sa wakas kaya naalala tuloy nito na hindi pa siya nakakakain ng hapunan at siya naman ang sinermonan nito.

Maingat siyang bumaba ng hagdanan para pumunta sa dining area. Hindi siya nakaramdam ng gutom pero kailangan niyang kumain at ayaw na niyang maulit 'yong nangyari dati na nalipasan siya ng gutom. Hirap na baka magkasakit na talaga siya. Laking pasalamat niya na pagdating niya sa hapagkainan ay wala ng tao doon. Pero naiwan pa ang mga pagkain doon at isang pinggan sa mesa.

Nakailang subo na siya ng pagkain ng dumating si Grace na may dala-dalang tray na may ice bucket at mga boteng walang laman at parang nagulantang ito pagkakita sa kanya.

"Uy, Grace! Kain tayo!" Yaya niya dito habang puno pa ang bibig ng pagkain. Pero muntik na siyang mabulunan ng makita ang isang kagrupo ni Bryan, si Wilbert, na nakasunod sa likod ni Grace. Kahit ang lalaki ay parang natulos din sa kinatatayuan nito pagkakita sa kanya.

Nakita niyang tipid lang na ngumiti si Grace sa kanya. "L-Lagay ko muna 'to sa kusina." At agad ng tumalikod.

"Ah. Hi Kyra." Mahinang bati sa kanya ni Wilbert. "Uhm. Nag-iinuman kami sa gazebo.. baka gusto mong sumama." Yaya nito sa kanya.

"Huh? N-Naku. Hindi ako umiinum." Tanggi niya dito.

"Ay. Sayang. Uhm.. May juice at softdrinks din kami doon.." Pagyaya ulit nito sa kanya.

"Hmm.. Next time na lang siguro.." Tanggi niya ulit dito.

"You sure?" Tanong nito ulit pero parang nataranta ito pagkabalik ni Grace. Hawak-hawak nito ulit ang tray na may lamang dalawang ice bucket, at limang piraso na shot glass. Lumapit agad ito kay Grace at pilit kinukuha ang tray. "Ako na magdadala."

"Huh? Ako na po Sir.. Baka mapagalitan po ako." Sabi ni Grace dito at agad ng iniwas ang tray sa mga kamay ni Wilbert.

Nahihiyang tumingin si Grace sa kanya noong nagtama ang kanilang mga mata. Kita niya kung paano naging kamatis ang mukha nito. Agad itong humakbang at tinalikuran si Wilbert na nagmamadali ring sumunod dito. Nasisiyahan tuloy siya sa nakikita. Mukhang tinamaan si Wilbert kay Grace! My gosh! Kilig na kilig tuloy siya.

Maaga siyang nagising kinabukasan at ginawa na ang trabaho niya kay Mr. Sevilla. Ginawa niya rin ang lahat sa araw na 'yon para maiwasang makasulubong sina Bryan at ang girlfriend nito. Halos hindi nga siya lumalabas sa kwarto ni Mr. Sevilla at kapag pinipilit siya nitong magpahinga at kumain ng breakfast at lunch ay minamadali niya ang pagkain at agad na umaakyat sa kwarto niya.

Alas tres ng hapon at pilit na naman siyang pinapameryenda ni Mr. Sevilla pero laking pasalamat na lang niya nang pumasok si Manang Rosa na may dalang meryenda ni Mr. Sevilla. Pinagbigay alam din nito kay Uncle na umalis sina Bryan, ang girlfriend nito at ang mga kaibigan para gumala sa malapit na inland resort.

Taimtim siyang nagdasal na sana ay gabi pa makakauwi ang mga ito. Napapagod na kasi siya magmadali sa ginagawang pag-iwas. Feeling nga niya ay parang nagmarathon siya buong araw kasi tinatakbo niya 'yong hagdanan paakyat-baba para lang makaiwas kina Bryan.

Pinilit ulit siya ni Uncle na magmeryenda kaya sumabay na lang siya kay Manang Rosa na bumaba. Nagmemeryenda din pala ang ibang kasambahay sa kusina kaya agad siyang nakisalo sa mga ito at pinilit tumabi kay Grace kahit parang umiiwas ito ng tingin sa kanya. Siniko niya ito ng mahina at agad na ngumiti dito.

"Ehem. Ikaw ha.. May napansin ako kagabi.. Ehem." Tukso niya dito ng pabulong.

Napakagat-labi ito at agad na tumingin sa kanya na parang nahihiya. "A-ano ba, Kyra.."

"Asus! Sige hind na!" Sabi niya sabay tawa.

"P-Pinagtitripan lang ako ng taong 'yon.." Mahinang sabi nito.

"Naku! Alam mo ba 'yong si Wilbert, 'yon yong pinakatahimik sa kanila! Pinakamahiyain din! As in! Tsaka wala pa akong nababalitaang nagka gf 'yon.." Pagbibigay impormasyon niya dito.

Pero bigla din siyang natigilan, kasi kahit si Bryan nga eh. Wala din daw girlfriend at walang nalilink ditong babae. 'Yon pala may tinatagong gf na super ganda.

Well.. Showbiz.

Lampas alas nwebe na ng gabi at nakahiga na siya sa kama niya at kasalukuyang katext si Arthur. Sobrang gaan nitong kausap, kahit noong sabay silang nag lunch dalawa noong nakaraan at pinagdrive din siya nito, doon niya napatunayang mabuting tao talaga ito. Ipinakilala niya rin ito sa mga magulang niya, at kahit ang daddy niya ay magaan ang loob kay Arthur.

Natatawa siya sa pag-update nito sa kanya tungkol sa isang client nito na muntik ng magfile ng divorce case, pero noong nagmimeeting daw sila sa isang kilalang restaurant ay biglang dumating ang asawa nito at hinaranahan daw ang kliyente nito sa harap ng maraming tao. Kaya ayon, nagkabati daw at hindi na natuloy ang pagfile.

Nagtatype na siya ng irereply niya dito ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto niya.

"Kyra ganda? Yoohoo?" Dinig niyang tawag sa kanya. Alam niyang si Justin kulit 'yon. Ganoon na daw kasi ang tawag nito sa kanya.

Napabangon tuloy siya sa kama at binitawan muna ang cellphone niya bago dumiretso sa pintuan at pagbuksan si kulit. Nakasuot naman siya ng makapal ang tela at malaking t-shirt na may hello kitty print kaya wala namang problema kahit wala na siyang suot na bra.

"Justin kulit, bakit?" Tanong niya dito.

Kakamot-kamot ito sa ulo at parang namula pa ang pisngi habang nakatingin sa kanya. Natawa tuloy siya at mahinang kinurot ang pisngi nito.

"Bakit nga?" Tanong niya ulit dito.

"Ehh! Ang cute mo Kyra ganda!" Sabi nitong natatawa. "Anyway, nasa gazebo kami ulit, sama ka! Sige na! Sabi ni Wilbert niyaya ka daw niya kagabi kaso tumanggi ka. Kaya ngayon ay sasama ka na talaga!"

"Huh? Eh hindi nga kasi ako umiinom.." Paliwanag niya dito.

"Kahit tubig?" Malokong tanong nito sa kanya.

"Tse! Kinakain ko ang tubig kasi!" Palokong sabi niya dito.

Natawa din tuloy ito, "Joke lang! Pero sige na! Yayain mo din si Grace, pakiusap 'yan ni bro Wilbert ah! Ayaw daw kasi sumama ni Grace kung wala ka, at payag naman si big bro Bryan na sumama kayo. Tsaka may mga juice at softdrinks kami doon. May rootbeer din! Sige na... Please... Please.." Pakiusap nito sa kanya sabay luluhod pa sana.

"Oo na! Huwag ka ng lumuhod! Justin kulit talaga!" Pagsuko niya dito.

"Yehey!" Sagot nito sabay hila sa kanya sana palabas sa kwarto pero magbibihis pa kasi siya. Kaya sinabihan na lang niya itong susunod nga siya, kasama si Grace. Nagpromise at cross my heart pa.

Wala palang kwenta ang pagiiwas niya sa mga ito kanina pati ang pagmamarathon niya. Hay naku! Pero tatanggi talaga sana siya ulit kahit kulitin pa siya ni Justin kulit, pero dahil minention nito si Grace na niyayaya ni Wilbert eh 'di napapayag na talaga siya nito.

Papunta na sila ni Grace sa gazebo at kitang-kita niya ang pagliwanag ng mukha ni Wilbert noong nakita silang paparating. Grabeng pamimilit ang ginawa niya kay Grace para pumayag lang ito. Alam niyang nahihiya at nagdadalwang isip talaga ito sa pinapakitang interest ni Wilbert. Pero wala namang imposible 'di ba? Gandang-ganda kaya ni Grace tapos sobrang bait pa at mahinhin. Kaya siguro nagkagusto talaga si Wilbert sa kaibigan niya.

"Sa wakas!" Malakas na sigaw ni Justin kulit at nilahad sa kanila ang dalawang upuan na nasa gitna nina Wilbert at Russel.

Umupo agad siya sa silya na malapit kay Russel para wala ng choice si Grace kundi ang umupo sa tabi ni Wilbert. Hindi niya gusto tumingin sa direksyon nina Bryan at ng girlfriend nito pero hindi niya maiwasan. Lalo pa't nasa harap niya ang mga ito at maingay na naglalambingan. Nakakandong pa si Georgina kay Bryan at hinahalik-halikan naman ito ni Bryan sa leeg. Bigla itong tumingin sa kanya habang nanatiling nakalapat ang bibig nito sa leeg ng girlfriend na parang sinisipsip 'yon.

'Wow! Bampira?'

Agad siyang umiwas ng tingin sa mga ito at agad na tumingin sa bote ng beer na inilahad ni Russel sa kanya.

"Here!" Malambing na sabi ni Russel sa kanya.

"Uhm.. Hindi ako umiinum.." Tanggi niya sa alok nito.

"Oh? Good girl ka pala? Sige na, just try it, sweetheart!" Udyok nito sa kanya sabay bigay ulit ng bote sa kanya.

"SWEETHEART?!"

Napamaang sila ng pasigaw na sinabi 'yon ni Bryan. Natigil tuloy ang lahat sa pagsasalita, at kahit si Georgina ay nagulantang dito.

"What's wrong if he's calling her sweetheart, huh, honey?" May diin ang pagkasabi nito sa endearment nito kay Bryan.

"Ah. N-Nothing.. I-I was just s-surprised.. t-that's all.." Utal-utal na paliwanag nito. "Uhm.. I'll just go to the toilet.." Dagdag nito at agad na pinatayo si Georgina sa kandungan nito at nagmamadaling umalis.