webnovel

Daydreaming (Filipino)

Sort of a cliche love story between a celebrity and one of his fans. ----- Note: Sinulat ko 'to way back in 2012 pa. Kaya pasensiya na ulit sa mga wrong grammars and everything. Hi everything! **If may magbabasa po nito just wanna say that I'm still revising this po. English kasi ang orig eh dumugo ilong ko sa englishan ko doon kaya taglish na lang. :)) Thank you!

Aybeeming · Urban
Not enough ratings
69 Chs

Chapter 21

Malakas na isinara ni Bryan ang pinto ng common CR na malapit sa sala nila. Sobrang inis na inis siya sa sarili niya. Nandoon ang girlfriend niya eh! Ba't grabe siya kung makareact sa lintek na nurse na 'yon at kay Russel! Wala naman siyang pakialam kung maglalandian ang mga ito, pero gago nga siguro talaga siya!

Inihilamos niya ang mga kamay sa mukha niya. "Ang tanga mo gago!" Mura niya sa sarili habang nakatingin sa salamin.

Nagpalatak na lang siya at agad ng tinapos ang kailangang gawin para makabalik na doon sa gazebo. Pero imbes na dumiretso na doon pagkalabas niya ng CR ay pumunta muna siya sa kwarto at nahiga muna doon para pakalmahin ang sarili.

Dapat pagbalik niya sa gazebo ay hindi na siya magpakagago! Tangina naman kasi! Ba't kasi pumayag siyang sumama 'yong dalawang babae sa kanila, 'di sanay wala siyang kagagohang ginawa kanina. Pero pumayag na lang siya dahil kay Wilbert, minsan lang kasi niya nakitang nagkainteres ito sa isang babae. Pero ayaw naman ni Grace na sumali sa kanila kung hindi kasama 'yong Kyra. Kaya ayon!

Tsss.

Pagkabalik niya sa mga ito ay dinig na dinig niya ang malakas na halakhak nina Justin, Nathaniel, at Russel, mga lasing na yata. Himala at hindi nakikisabay sa tawa ng mga ito si Wilbert. Baka nga dahil katabi nito ang babaeng gusto nito.

Ayaw niyang tingnan ang nurse sana, pero hindi niya maiwasan dahil kahit ito ay malakas na rin ang boses habang nagsasalita.

'The fuck? Mukhang lasing na rin yata! Akala ko ba hindi umiinum 'tong babaeng 'to!' Inis niyang usal sa sarili habang mariin na nakatingin sa nurse.

Palapit na siya sa mga ito at pinilit na ulit ang sarili na iwasan ang pagtingin sa nurse. Pagbaling niya ng tingin kay Georgina ay mariin pala itong nakatingin sa kanya pero agad itong ngumiti noong nagtagpo na ang kanilang mga mata.

"Hi honey, welcome back!" Malambing na tawag nito sa kanya at tumayo.

Agad siyang lumapit dito at umupo ulit sa inuupuan niya kanina. Kumandong rin ulit ang girlfriend niya at agad na naglambing sa kanya. Kasalukuyan siya nitong hinahalikan sa leeg niya at agad na pumaikot ang mga kamay niya sa katawan nito.

"Hi 'tol!" Bati naman sa kanya ni Russel pero napamaang siya ng bigla nitong inakbayan ang lintek na nurse.

Mariin niyang tiningnan ang kamay nito sa balikat ng nurse at bumaba ang mga mata niya sa tatlong bote ng beer na nasa harapan ng babae na paniguradong wala ng laman. Nakatatlong bote na ito, pero ngayon ay may hawak-hawak na naman na isang boteng puno pa. Kaya panigurado talagang lasing na ito. Napanganga siya ng bigla nitong tinungga 'yon hanggang kalahati ng bote.

"Woah! Slow down, sweetheart!" Sabi ni Russel dito.

Ngumisi lang ang lintek na nurse at humagikhik kay Russel. "I-I'm sorry, s-sweetheart." Anas nito sa paos na boses.

Tiningnan niya ito sa mukha, sobrang namumula na ito at parang hindi na nito maidiretso ang katawan. Napapiksi na lang siya ng bigla na lang bumagsak ang ulo nito sa balikat ni Russel.

"Honey!" Galit na tawag sa kanya ni Georgina at hinawakan nito ang mukha niya gamit ang dalawang kamay para humarap siya dito. "What's wrong?"

"H-Huh? Nothing, why?" Tanong niya dito na parang nagmaang-maangan at para hindi na ito magsalita ulit ay hinalikan na lang niya ito sa labi at agad na ipinikit ang mga mata para wala na siyang makita sa paligid.

"I-Inaantok na a-ako.. N-Nasusuka a-ako.." Paos na boses na sabi ni Kyra.

Natigil tuloy sila ni Georgina sa paghahalikan at napatingin kay Kyra.

"Hala! Lagot ka, bro Russel! Nilasing mo si Kyra ganda!" Sabi ni Justin.

"Lasing na si Kyra?" Tanong naman ni Grace.

"What a loser!" Sabi ni Georgina at ngumisi habang nakatingin kay Kyra.

"Buhatin mo na siya, Russel, at dalhin sa kwarto niya." Utos ni Nathaniel.

"WAIT!" Malakas na sabi niya at biglaang tumayo sa pagkakaupo.

Muntik na tuloy mahulog si Georgina sa sahig. Napamaang itong nakatingin sa kanya at ganoon din si Nathaniel, Grace, at Wilbert. Habang si Russel at Justin ay nakangising nakatingin sa kanya.

"What the hell is your problem?!" Galit na sigaw ng girlfriend niya sa kanya.

"I-I was just gonna give them instructions of her room.. Uhmm.. S-Sa kabilang side 'yon ng mga kwarto niyo.. s-sa unang pinto.." Sabi niya at agad na umupo ulit sa upuan.

"Alam ko, 'tol.." Nakangiting sabi sa kanya ni Russel.

Tumango lang siya at agad ng napatingin sa girlfriend niyang galit na galit sa kanya. Akmang hahawakan na niya ang kamay nito para pabalikin ito sa pwesto nito sa hita niya ng bigla itong nag walk-out. Agad niya itong sinundan at pilit na hinihila pabalik.

"Babe! Saan ka pupunta?"

"Shut up! I want to sleep na!" Galit na sabi nito at agad na tumakbo papasok sa bahay.

Pagkarinig nina Justin at Russel ang malakas pagbagsak ng pinto ay agad silang tumawa ng malakas. Napatingin tuloy ang tatlong sina Grace, Wilbert, at Nathaniel sa kanilang dalawa.

"What the hell? Pinlano niyo 'to, ano?" Natatawang tanong sa kanila ni Wilbert.

"Secret!" Sabay na sabi ni Russel at Justin sabay tawa ulit.

"Mga gago talaga kayo!" Sabi naman ni Nathaniel sa dalawa pero natatawa rin. "But what can I say? That was a success."

"Loko kasi si big bro, eh! Halata namang gusto niya si Kyra ganda." Natatawang sabi ni Justin. "Ano sabi ko sa'yo, bro Russel? Tama ako, 'di ba? Ha? Ha?"

"Oo na! Good job!" Natatawa ring sagot ni Russel kay Justin.

"Gusto ni Senyorito si Kyra?" Tanong ni Grace pero nakatingin ito kay Wilbert.

Tumango agad si Wilbert at nakangiting tiningnan ang buong mukha ni Grace, "Yep!"

"P-Paano niyo nalaman?" Tanong ulit ni Grace pero nakatingin naman kay Justin.

"Well.. Malakas talaga ang pakiramdam ko and I was right!" Sagot ni Justin sabay tawa. "I have a strong feeling na alam na 'yon ni big bro sa sarili niya, siguro gusto niyang itago pero lumalabas pa rin talaga!"

Tumingin ulit si Grace kay Wilbert pero agad na umiwas rin ng tingin dito. "P-Pero may girlfriend si Senyorito.. P-Paano 'yong girlfriend niya?" Tanong ulit ni Grace na parang nababahala.

"Sa totoo lang Grace. We don't like Georgina. We don't like her for Bry. She seems off." Prangakang sabi ni Nathaniel sa tanong ni Grace.

Agad na tumango ang tatlong lalaki sa sinabi ni Nathaniel.

"We also tried to discourage him from seeing or dating her, but he's too engrossed with the idea of being in love. But he's in love with someone who doesn't deserve him.." Pagpatuloy ni Nathaniel.

"Uhmm.." Ungol ni Kyra habang nanatiling nakatungo ang ulo nito sa balikat ni Russel, pero bigla itong gumalaw kaya muntik na itong magslide at mahulog sa inuupuan.

"Hala! Si Kyra ganda!" Anas ni Justin.

Inalalayan ni Grace at Russel si Kyra, pero lasing na lasing talaga ito kaya binuhat na lang ito ni Russel para i-akyat na sa kwarto nito.

"Do you like her? Huh? Edward Bryan?!" Galit na sigaw ni Georgina sa kanya pagkapasok nila sa loob ng kwarto niya.

"N-No! Fuck!" Sagot niya sa tanong nito. Gusto niyang suntukin ang sarili dahil doon. "You're the one I love, babe! I'm sorry, please." Sabi niya ulit at niyakap ito.

"Are you fucking sure? 'Coz you know what! You won't act like that if you're not attracted to her! Damn you!" Galit na sabi nito ulit at pinagsusuntok ang dibdib niya.

"Babe, please hear me out." Sabi niya dito para kumalma ito. "I think I'm just concerned about her 'coz she got drunk.. That's all.. and how would I come to like someone else if I already have you.."

'Fuck! Ano klaseng rason 'yon?! Paniwalaan sana ni Georgina, kasi tangina ko talaga!' Sabi niya sa sarili.

"Hope you're telling the truth, Bryan, 'coz I'm fucking jealous and scared right now! What if you'll come to like her? And you'll leave me afterwards? I'd go crazy if that happens, honey!" Sabi ni Georgina sa kanya at yumakap na din sa kanya pabalik, which means kumalma na talaga ito.

"I won't leave you, babe.. and don't be jealous.. You know I'm all yours, right? And I will do anything for you.." Madramang sabi niya dito, pero totoo naman.

Kahit siya siguro ay mababaliw kung mawawala ito sa kanya. He loves Georgina so much, and he's fucking scared to lose her. Kailangan niya lang ayusin ang utak niya, at malakas talaga ang pakiramdam niya na ginagayuma siya!

Baka kailangan na niyang pumunta sa albularyo?

Albularyo? What the fuck is he thinking? See! Nawawala na talaga siya sa isip at katinuan niya, and its all because of that nurse!

Damn shit!

"You will do anything for me, honey?" Tanong sa kanya ni Georgina at bigla itong tumingin sa mukha niya.

"Yes, babe.." Sagot niya rito at pinatakan pa ito ng halik sa labi.

"Then.. marry me."