webnovel

Chapter Nine: Her Unbearable Pains

WARNING: Read at your own risk.

Napabuntong-hininga na lang ako na malalim pagkatapos kong ilagay sa sobre iyong letter na sinulat para kay Howard. Hindi ko mapigilan mapahikab, kaya bigla akong napatingin sa orasan nakadikit sa wall ng kwarto ko. Pasado alas-onse na ng gabi, kaya napagdesisyonan ko nang matulog.

"Let me go. Please, let me go." Nanghihina kong pagmamakaawa sa taong nasa ibabaw ko. Pero parang wala siyang naririnig dahil patuloy pa rin ang paghalik niya sa labi ko hanggang bumaba patungo sa leeg ko.

Nanghihinang napasigaw ako sa isip ko ng bigla niyag sipsipin ng madiin at kagatin ito. Mas napahikbi ako ng maradaman ko ang malambot niyang mga kamay sa ibaba ko. Wala na akong nagawa nang ibaba niya ang natitirang saplot sa katawan at walang pasabi inangkin niya ako ng maraming beses. Hindi ko alam kung anong oras niya tinigilan ang pag-angkin sa katawan ko dahil bigla akong nawalan na ng malay.

Isang buwan ang nakalipas ng matuklasan ko nagbunga ang panghahalay sa akin. Wala akong pinagsabihan tungkol sa nangyari sa akin. Hindi ko magawang magsumbong dahil natatakot ako. Natatakot akong sabihin kay Howard dahil baka pandirian niya ako. Pero isang umaga, nakatanggap ako ng balita. Wala na si papa, hindi ko alam kung aksidente ba ang nangyari o sinadya dahil nang mga panahon na iyon nawawala na ako sa sarili.

Subalit sa kabila ng lahat, pinili ko pa rin magpatuloy. Pero hindi pa rin pa pala tapos ang kalbaryo na nangyayari sa buhay ko. Nakatanggap ako ng mensahe kay Liniea.

"Ikakasal na si Howard sa anak ng kaibigan ng pamilya niya. Sa susunod na linggo na ang kanilang engagement. At balitang pagkatapos ng buwan na ito sila ay magpapakasal."

Nang mga sandaling iyon, hindi ko na alam. Pumunta ako sa bar at nagpakalasing nang araw ding iyon. Parang unti-unti akong pinapatay. Hindi ko magawang pigilan si Howard, kahit nasasaktan ako ng sobra.

"Stop drinking; it's not good for your health or our baby." Hindi ko alam, but naramdaman ko na lang marahan niyang pinunasan ang basa kong pisngi.

"I'm sorry if I took you in your vulnerable state." Naramdaman kong inihiga niya sa isang malambot na kama habang sinusuklay dahan dahan niyang sinusuklay ng daliri niya ang buhok ko.

Nang gabing iyon nakatulog ako ng mahimbing, pero hindi ko na siya nakita kinabukasan. Napatingin ako sa kisame, nandito ako sa kwarto. Tinanong ko si Liniea kung sino ang nagdala sa akin.

Pero ang tanging naging sagot niya ay hindi niya kilala kung sino dahil nakasuot ito ng mask. Hindi na ako nag-usisa pa. Ibig sabihin kilala niya ako. Ilang beses akong pumunta sa bar, pero hindi ko na siya makita.

Isang-araw bago ang kasal nakipag-kita ako kay Howard. Sinabi kong itigil na namin ang namamagitan sa aming dalawa dahil ikakasal na siya at magkaka-baby na ako, pero hindi siya pumayag. Tinanong niya ako kung sino ang ama ng magiging anak ko, pero hindi ko siya sinagot. Dahil ang totoo ay hindi ko rin alam.

Kahit kailan walang nangyari sa amin ni Howard. Hindi kami nag mamadali para sa bagay na iyon. Sa kaniya na rin nang galing na darating din kami doon. Hindi ko lang binanggit na bunga lang ito ng panghahalay. Hindi dahil lang sa natatakot ako, ayokong isipin ng anak ko ng bunga lang siya ng rape.

Sa kabila nang nangyari sa akin, mas pinili kong buhayin ang anak ko. Akala ko huhusgahan niya ako dahil hindi ako pinandihan ng ama ng anak pero hindi. Handa raw siyang maging ama ng magiging anak ko. Noong una hindi ako pumayag, pero dahil may nararamdaman pa rin ako sa kanya pumayag ako.

Masakit man isipin, pumayag akong maging kabit ng dahil kong nobyo at fiancee ko. Nakarinig akong masasakit na salita tungkol sa akin, pero hinayaan ko lang sila. Doon mas tumindi ang galit sa akin ni Mrs. Satillan hanggang sa tinanggal ako sa trabaho ko.

Sinuportahan ni Howard ang pagbubuntis ko hanggang sa makapanganak ako. Ngunit isang masamang balita ang narinig ko kay Howard. Wala na ang baby ko. Isang oras lang ang tinagal niya at binawian rin kalaunan.

Wala nang mas sasakit pa sa mga sakit na dinaranas ko. Magkakasunod na dagok ang naranasan ko sa parehong taon.

Kahit namamatay na ako sa sakit na nararamdaman ko. Isang bagay ang hindi ko ginawa. Hindi ako umiyak. Sa tulong ni Liniea, pinili kong magpatuloy. Pinili kong mabuhay.

Naging kabit ako ni Howard, pero kailanman walang nangyari sa amin. Isang bagay ang nagustuhan ko kay Howard, hindi nawala o nabawasan ang pag respeto niya sa akin bilang babae.

Mahal namin ang isa't isa, pero hindi kami umabot sa puntong iyon. Hindi man niya mahal ang asawa niya, pero nirerespeto niya ang kasal nila. Mali man sa paningin ng lahat, pero alam namin dalawa na hanggang doon na lang kami.

Umabot ng limang taon, alam kong nong' makipagkita siya ng gabing iyon sa akin. Alam ko na, hanggang doon na lang iyon. Wala na talaga, pinagtagpo lang kami, pero hindi kami ang itinadhana. Nararamdaman ko rin na nahuhulog na siya sa asawa niya, pero hindi ko pinansin dahil natatakot akong maiwan mag-isa. Dahil tanging si Howard at Liniea ang natira sa buhay ko.

Nasira man ang pagkakaibigan ng dalawa, pero hindi naging dahilan iyon na kailangan kong pumili sa kanila. Nang sagutin ko ang tawag galing sa asawa ni Howard. Alam ko na, pero pinag sawalang bahala ko lang. Dahil nang mga sandaling iyon iba ang iniisip niya, habang ako ang kasama niya.

Hindi ko kinomprontra si Howard; hindi rin siya nagsabi sa akin. Hindi kami naging totoo nararamdaman namin ng mga oras na iyon. Inakala niyang hindi ko siya papakawalan at papakinggan. Isang rason kung bakit ako pumayag sa naging estado ng relasyon namin, dahil mahal ko siya.

At sa limang taon, hindi ko kailanman binisita ang puntod ng namatay kong anak.

Dahil hindi ko pa kaya, hindi ko pa kayang pakawalan siya.