Juliet
"Nasa hustong gulang naman na sina Fernan at Binibining Juliet upang magpakasal kaya't bakit hindi sila ang magdesisyon para sa kanilang pag-iisang dibdib?" Sabi ni Ernesto Enriquez or should I say Padre Ernesto na katabi ngayon ni Fernan na ngayon ko lang rin nakita nang close-up as in close-up na nakikita ko nang mabuti 'yung brownish niyang mga mata na parang kay Niño at sobrang gwapo rin pala talaga niya. Grabe, Father! Bakit ka nagpari? Huhu joke lang po Lord hehe.
So ayun nga, sobrang bongga pala ng kasal namin ni Fernan kaya pala kasama si Don Luis sa planning kasi may mga para-parada pa at parang magiging fiesta ang kasal namin.
Oh well... what do I expect? Fernandez at Cordova ang ikakasal.
Pero tama si Padre Ernesto! Bakit ba kasi hindi kami ang pagdesisyunin nila eh kami naman 'tong ikakasal at desisyon naming walang kasal ang magaganap dahil hindi naman talaga kami mag-boyfriend!
Kung pwede ko lang talaga basta sabihin 'yan eh 'no... kaya lang baka makalbo ako nila Ama at Ina kapag ginawa ko 'yun huhu.
Napatingin ako kay Fernan na katapat ko lang sa table. Kanina pa siya mukhang nag-iisip nang malalim at mukhang nas-stress na rin talaga siya sa mga nangyayari.
Habang nagkakaroon ng mahabang discussion ang mga thunders, pasimple kong sinipa si Fernan sa ilalim ng lamesa para kunin ang atensyon niya pero mukhang wala man lang siyang naramdaman.
Grabe, ganun ba kalalim ang iniisip niya na hindi man lang niya naramdaman 'yung sipa ko?
Sinipa ko ulit siya at sinipa pa ulit pero hindi talaga siya natitinag. Grabe, man of steel yata ang lolo niyo!
"ehem..."
Napalingon ako kay Padre Ernesto na pasimpleng nagclear ng throat niya atsaka sumilip sa ilalim ng lamesa at ibinalik ulit ang tingin sa akin.
OMG... don't tell me...
Sumilip ako sa ilalim at nakitang binti pala niya 'yung kanina ko pa sinisipa, myghad! Lord! Ang bilis naman po ng karma huhu sorry na!
Binigyan ko siya ng I'm-so-sorry-po look at napangiti naman siya at pasimpleng tumango meaning okay na.
Sumipa ulit ako sa ilalim pero this time, sure na akong si Fernan ang sinipa ko kaya napatingin naman na siya sa akin. Binigyan ko siya ng ano-na-gagawin-natin look pero nanatili lang siyang nakatitig sa akin kaya sinipa ko ulit siya.
"Oh, Niño anak! Saktong-sakto at pinag-uusapan namin ang magiging kasal ni Fernan!" Tayo ni Don Luis kaya napalingon ako sa kakapasok lang sa sala ng bahay nila na si Niño samantalang ramdam kong nanatiling nakatitig sa akin si Fernan.
Napalingon naman si Niño sa nakatalikod sa kaniyang si Fernan atsaka napatingin sa akin.
OMG. Anong gagawin ko?! Feel kong hindi maganda ang mood ni Niño sa narinig niya huhu ang sama ng tingin niya sa amin.
"Hindi po ako maaaring ikasal kay Binibining Juliet." Tumayo si Fernan na ikinagulat ng lahat.
Mygulay, Fernan! Balak mo na ba talaga mag-suicide for real ngayon?!
"Wala po talaga kaming relasyon ni Binibining Juliet." Saad ni Fernan na ikinagulat ng lahat. Pati na ako. Myghad, ito na ba 'yon? Mapapatay na ba kami ng mga magulang namin ngayon?
"Hindi lang po kami agad nakatanggi noong makita kami sa madilim na bahagi nitong hacienda at hindi rin naman po mapagkakaila na kahina-hinala nga namang makitang magkasama ang isang dalaga at isang binata sa isang liblib na lugar kung kaya't nais ko pong humingi ng tawad." Yuko ni Fernan.
"Kung hindi kayo magkasintahan... bakit kayo nasa liblib na lugar ng aking hacienda noong gabing iyon?" Tanong ni Don Luis na nakakunot na ang noo.
Mukhang nagulat si Fernan sa tanong ni Don Luis.
Oo nga pala! Dinala ako roon ni Fernan at hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit. Pero sa nakikita ko ngayon... nagdadalawang-isip si Fernan kung sasabihin ba niya 'yung totoong rason o hindi at may tiwala naman ako na may magandang rason bakit nag-aalinlangan si Fernan sabihin 'yung totoo kaya...
"Sinaway po ako ni Fernan noong gabing 'yon. Ni hindi po talaga kami magkakilala." Sagot ko kaya nabaling naman ang atensyon ng mga tao sa akin.
"Dahil nga po kakarating ko lang noon sa San Sebastian at ito ang unang haciendang napuntahan ko maliban sa sarili namin, naglibut-libot po ako at napunta sa madilim na lugar na iyon. Nakita po ako ni Fernan at inakala yata niyang may masama akong intensyon kaya sinuway niya ako, napagkamalan pa niya akong magnanakaw. At doon po dumating ang mga guardia at sinabing makakarating raw 'yon sa inyo, Don Luis." Kuwento ko at napasulyap kay Fernan. Mukhang nagulat siya sa inimbento kong kwento.
"May handaan noong gabing iyon kaya't bakit ka naman naglilibot sa hacienda noong gabing iyon, Fernan?" Tanong ni Don Federico na akala mo eh nasa interrogation room kami ngayon.
"Ako ang nag-utos kay Fernan."
Napalingon kaming lahat kay Niño at halos lahat ngayon sa hapag-kainan ng mga Enriquez ay naguguluhan na sa mga nangyayari. Kahit ako naguguluhan na dahil nagdagdag pa ako ng kasinungalingan.
"Pinasundan ko kay Fernan si Binibining Juliet pagkatapos naming magsayaw. Hindi ko alam kung narinig niyo na ito ngunit isinayaw ko rin ang binibini sa barko pauwi rito sa San Sebastian." Kuwento ni Niño at nagkaroon naman ng mga bulung-bulungan.
Mukhang naalala nga nilang may naging ganoong mga usap-usapan dati. Kahit nga sila Manang Felicitas at Adelina alam 'yun kaya ko nga nalaman.
"Kung gayon, ang ibig mo bang sabihin ay..." Sabi ni Padre Ernesto na binibigyan ng mga makahulugang tingin si Niño.
"Ako ang tunay na may pagtingin kay Binibining Juliet." Direstong saad ni Niño.
Dumagsa ang iba't-ibang tanong mula sa mga magulang namin hanggang sa patahimikin ni Don Luis ang lahat.
"Ibig sabihin, kung magsisimula sa pinakasimula ay . . . ?" Tanong ni Don Luis na obvious na pinapa-enumerate ang mga 'totoong' nangyari para makasigurong hindi kami nag-iimbento.
"Nakita ko si Binibining Juliet na nanonood sa sayawan sa barko kaya't niyaya ko siyang sumayaw. Pagkarating sa San Sebastian kinagabihan ay niyaya ko ulit siyang magsayaw at pagkatapos ay hindi ko na siya mahanap kaya pinahanap ko siya kay Fernan. Nagkataon na naglilibot si Binibining Juliet sa hacienda at napunta sa liblib na bahagi at nakita siya ni Fernan. Nakita sila ng mga guardia at nagkaroon ng maling hinuha kung kaya't nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan at umabot sa ganito." Explain ni Niño at napatangu-tango naman ang mga thunders plus Padre Ernesto.
"Kung gayon ay hindi pala kailangang sa susunod na taon pa ikasal ang mga bata dahil hindi naman magkakaroon ng sukob kasi walang kapatid si Niño na bagong kasal!" Sabi ni Don Federico at tuwang-tuwang tinapik-tapik ang mga balikat nila Don Luis at Ama at nagbatian pa ang mga lolo niyo.
"Ngunit... sinagot na ba ni Binibining Juliet si Niño?" Nakangising tanong ni Padre Ernesto kaya sinamaan siya ng tingin ni Niño.
Nalipat ulit sa akin ang atensyon nilang lahat.
"Sinagot mo na ba, anak?" Tanong ni Ama.
"H-Hindi pa po..." Sagot ko at umingay na naman 'yung mga thunders namely Horacio, Luis at Federico. Inasar-asar pa nila si Niño na mahina raw at kung anu-ano pa.
"Kung gayon ay kailangang dumaan sa akin ni Heneral Niño." Sabi ni Ama at nagtawanan na naman silang tatlo.
"Mahusay ang anak kong ito, magagawa niya lahat ng ipag-uutos mo at sigurado akong aalagaan niya nang mabuti si Binibining Juliet." Lapit ni Don Luis kay Niño at inakbayan ito.
"Masusubok natin ang bunso mo, Luis." Tatawa-tawang sabi ni Ama at nagtawanan na naman sila.
Mga disente at respetado silang mga tao pero kung mag-usap silang magkakaibigan ngayon eh para silang mga lasenggero sa kanto, hay nako.
Napatingin ako kay Niño at nagulat nang mahuling nakatingin pala siya sa akin. Ngumiti siya sa akin bago ibalik ang atensyon sa mga pinagsasabi ng mga thunders.
Nakawala na nga kami ni Fernan sa problema namin pero mukhang hindi pa rito matatapos ang lahat.