webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · Lịch sử
Không đủ số lượng người đọc
98 Chs

LXVII

Juliet

"Gising ka na pala, binibini. Halika na at tanghali na." Napalingon ako sa boses ni Andong at bumungad nga sa akin ang mestisong kapre na 'to.

"Si Niño?" Tanong ko.

Kakalabas ko lang ng kubo kung saan nag s-stay si Niño at pagpasok ko kanina, wala na siya. Hindi naman siya pwedeng umalis nalang bigla dahil fresh pa ang sugat niya kaya nasaan kaya 'yun?

"May pinuntahan sila ni Fernan, binibini." Sagot ni Andong at inalalayan akong sumakay sa karwahe.

"Saan sila pupunta? Atsaka hindi pa magaling si Niño, bakit siya umalis agad?" Tanong ko. Umupo si Andong sa tapat ko at umandar na ang karwahe.

Ayaw ko pa sanang umuwi dahil hindi pa magaling si Niño pero natanggap ko ang sulat ni Caden kagabi at sinabi niyang umuwi na ako. 'Yun lang talaga ang sinabi niya pero ewan ko ba bakit ako sumusunod.

"Alam mo namang mapilit si Niño, binibini. Pero may tiwala naman ako sa kaniya kapag sinabi niyang kaya niya kaya hindi ko na siya pinigilan." Sagot ni Andong.

"So saan nga sila pupunta?" Tanong ko at muling nanahimik si Andong.

"Tingin mo ba wala akong alam ni isa?" Sabi ko kaya nabaling ang attention niya sa akin.

"Pwedeng hindi ko alam lahat pero may iilan akong alam 'no. Katulad nalang na nasa panganib pa rin ang buhay ni Niño, sino 'yung mga tao sa likod nito, ano 'yung dahilan, at kung anu-ano pa." Sabi ko.

Napangiti si Andong na mukhang natatawa nalang sa kakulitan ko. 'Yung ngiti na nagsasabing "k. payn. sige na sasabihin ko na huwag ka nang makulit diyan."

"Nais ni Niño makausap mismo ang nagtago ng telegrama bago pa man ito makuha ni Fernan." Sagot ni Andong.

"Huh? Telegrama?" Tanong ko.

"Oh, akala ko ba alam mo?" Mapang-asar na sabi ni Andong kaya sinamaan ko siya ng tingin na tinawanan lang niya.

Lumapit siya sa akin at bumulong. "Nakuha ni Fernan mula sa mga Luna ang telegramang ipinadala ni Aguinaldo."

O. M. G.

TEKA! WAIT! SANDALI!

Pero sa panahon kung saan ako galing, halos kakadiscover palang ng mga Pilipino sa telegrama na 'yun pero ngayon... omyghad! I'm witnessing a change in history here!!!

Wait... okay lang ba 'yun? Okay lang ba na magbago nang ganito kalaki ang kasaysayan ng Pilipinas?

Napatingin ako kay Andong na mukhang kanina pa ako tinititigan dahil mukhang nagtataka siyang bigla akong natahimik.

"Andong, sa tingin mo ba... ayos lang magbago ang lahat?" Tanong ko.

Napaupo siya nang maayos atsaka nag cross-arms. "Kung ikakabuti ng nakararami, bakit hindi?"

Napatangu-tango nalang ako atsaka napatingin sa may bintana kaya napatingin din si Andong sa direksyong tinignan ko. Napatingin ako sa kaniya nang maramdaman kong ngumiti siya at oh my... nakangiti nga siya!

Mukhang napansin niyang nakatitig ako sa kaniya kaya napatingin siya sa akin pero hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Nakita mo ba 'yong mga tutubi? Ang gaganda nila, hindi ba?" Sabi niya kaya naman napatingin ulit ako sa labas ng bintana at woah! May mga tutubi nga sa damuhan!

Napasandal si Andong. "Mahilig kaming manghuli ng tutubi noon, kami ni Niño, habang nagtatanim si Fernan." Nakangiting kwento niya na para bang ang saya-saya talaga ng mga araw na 'yun.

"Hindi nanghuhuli ng tutubi si Fernan?" Tanong ko.

"Masiyadong abala si Fernan sa ibang mga bagay at isa pa, kapag sumama siya sa paligsahan namin ni Niño sa paghuli ay tiyak na talo na kami kaya mainam na magtanim nalang siya." Bahagyang natatawang sabi ni Andong habang inaalala ang childhood memories nila.

"Napakatalino ni Fernan na minsan ay hindi na namin siya naiintindihan ni Niño. Gayumpaman, hindi niya kami iniwan at nanatili siya sa tabi namin... ng mga sutil niyang kaibigan." Sabi pa ni Andong habang nakangiti.

Napakagenuine ng ngiti niya ngayon na para bang isa talaga sa pinakamasayang parte ng buhay niya ay nang maging kaibigan niya ang dalawang itlog namely Fernan Fernandez at Niño Enriquez.

"Eh ikaw ba, Kapitan Hernandez... anong klaseng tao ka?" Nakangiting tanong ko na mukhang kinabigla niya pero bumalik din kaagad ang ngiti sa mga labi niya bago sumagot.

"Kung ikukumpara sa dalawang matalik kong kaibigan ay ako ang may pinakasimpleng hangarin at adhikain." Simula niya.

"Gusto ko lamang maging masaya ang lahat." Sagot niya at naramdaman ko ang pagkatunaw ng puso ko nang makita ang mga ngiti niya habang sinasabi 'yon.

Andong is so soft. Siya ang pinakamatanda sa kanilang tatlong itlog pero siya ang pinakasimple mag-isip. Simple in a way na gusto lang niyang maging masaya ang lahat.

"Kasiyahan, kalayaan, at pag-ibig. Iyan ang mga bagay na nais ko na hindi kailanman mabibili ng anumang salapi." Saad pa niya habang nakangiting pinagmamasdan ang bukirin na dinadaanan namin.

"Si Niño naman ang pinaka ma-ambisyon sa lahat." Change niya ng topic at nang marinig ko ang pangalan ni Niño ay automatic na tumaas ang magkabilang dulo ng labi ko.

Hay, ang harot mo talaga Juliet!

"Nais niyang maging mabuting anak na maipagmamalaki ng kaniyang mga magulang lalo na ni Don Luis kaya naman bata palang kami ay napakarami na niyang plano sa buhay. Nagbago man ang mga planong 'yon, hindi nawala ang pagiging desidido niya sa mga bagay na napagdesisyunan niyang gawin kagaya na lamang ng pagkamit ng kalayaan ng ating bayan. Handa siyang gawin at ibigay ang lahat, buhay man niya ang maging kabayaran." Sabi ni Andong at ewan ko ba bakit bigla nalang akong nalungkot. Siguro dahil sobrang totoo? Sobrang selfless ni Niño at ng iba pang mga sundalo sa panahon na 'to na willing silang ialay ang buhay nila para sa bayan.

"Sa katunayan ay iniisip ko kung lahat ay kasing tapang at desidido ni Niño, 'di malayong makamit natin ang tunay na kalayaan." Sabi ni Andong.

"Kung lahat lang ay kasing tapang, bait, desidido... at tapat kagaya niya." Dagdag pa niya at bakas sa tono niya ngayon ang biglaang pagkalungkot.

"Ngunit hindi. Marami ang inuuna ang pansariling interes at kayamanan kaysa sariling bayan kaya sa mundong ito, mahina ang katulad ni Niño na labis na nagpapaloko't nagtitiwala sa mga maling tao."

"Kaya kailangan din ng mundong ito ng katulad ni Fernan." Wika pa niya.

"Napakakumplikado mag-isip ni Fernan kaya naman madalas ay halos nahuhulaan na niya ang mga susunod na mangyayari. Mabilis siyang magkabisa at magaling siyang magbasa ng kilos ng mga tao kaya naman nahuhulaan niya ang mga iniisip at maaaring sunod na kilos nito. Sa mundong 'to, kailangan natin ng mga taong katulad ni Niño na may mabuting hangarin para sa lahat at Fernan na may angking talino at kakayahang mangilatis ng mga traydor at totoo." Wika niya at ramdam na ramdam ko ang pagiging proud niya sa pagiging matinong mga tao ng dalawang itlog.

"May nakakalimutan ka yata?" Sabi ko na nakapagpakunot sa noo niya.

"Kung meron tayong Niño na may mabuting kalooban at Fernan na matalino, kakalimutan ba natin ang pagiging mulat? Ang mga matang nakakakita sa kagandahan ng lahat sa gitna ng delubyo?" Sabi ko at bahagyang napangiti si Andong.

"Alam mo ba Andong, sa lugar kung saan ako nagmula... merong kasabihan na hindi ko makakalimutan." Sabi ko.

"Simplicity is beauty."

"Ibig sabihin lang ay ang simplisidad ay isa ring kagandahan. Sa mga simpleng bagay natin tunay na nararamdaman ang presensya ng kagandahan, hindi ba? Dahil sa pagiging simple mong tao ay nakikita mo ang kagandahan sa lahat Andong, at 'yun ang nawawala na sa mga tao ngayon. Lahat gusto magarbo, lahat gusto magara, hindi natin alam na ang tunay na kagandahan ay nasa simpleng mga bagay. Katulad nalang ng pagiging masaya at kuntento sa mga bagay na meron ka." Sabi ko at nanatiling nakakatitig lang sa akin si Andong kaya naman I snapped my fingers at his face. Masyado yatang nabore sa pinagsasabi ko huhu. Mukhang natauhan siya sa ginawa ko at napailing-iling.

"Pasensya na, binibini. Masiyado akong nabigla sa iyong diretsong pananagalog. Napakabihira ng ganitong pangyayari." Nakangiting sabi niya kaya napangiti na rin ako. Yes! Nag i-improve na ang pananalita ko sa panahong 'to, wooh!

"Binibini," Napalingon ako kay Andong at sandaling natigilan nang makita ang seryosong tingin niya.

"Hindi magiging madali ang mga susunod na mangyayari kaya... maaari bang kumapit ka nang mabuti?" Tanong niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

"H-Hindi ko alam kung... ano ang mga nalalaman mo o kung paano mo nalaman ang mga ito ngunit may isang bagay na siguradong-sigurado ako. Ayaw kang mapahamak ni Niño. Alam kong maraming alam si Niño tungkol sa iyo kung ikukumpara sa amin ni Fernan at maaaring mas marami pa nga sa inaakala mo pero handa siyang magbulag-bulagan at bingi-bingihan sa mga iyon para sa kaligtasan mo kaya kung maaari... kung maaari lang ay mag-ingat ka, Binibining Juliet." Sabi niya, nakatitig pa rin sa mga mata ko.

"Huwag kang mag-alala sa akin, Andong." Ngiti ko sa kaniya.

Alam kong hindi ko map-promise sa kaniya na hindi ako gagawa ng ikapapahamak ko kaya huwag siyang mag-alala nalang talaga ang masasabi ko.

Pagkarating namin sa bahay ay inalalayan akong bumaba ni Andong sa karwahe. Nagbatian sila sandali nila Ama, Ina, at Caden atsaka humalik sa kamay ko bago tuluyang umalis. Nagulat ako nang yakapin agad ako nang mahigpit ni Ina pagka-alis na pagka-alis ng karwahe ni Andong.

"Were you hurt, my dear? Were you harmed there?" Concerned na tanong ni Ina habang naghahanap ng kung anuman sa katawan ko.

"N-No.."

"Are you hungry? I prepared food for you." Sabi niya at nilead na ako sa dining area.

Pinagalitan ako sandali ni Ama pero niyakap din ako pagkatapos atsaka ako sinabihan na huwag ko na 'yun uulitin. Habang kumakain, ang dami nilang pinagtatanong tungkol sa kalagayan ko nung pumunta ako sa lugar ng labanan katulad nalang ng kumakain ba ako nang maayos, nakakatulog ba ako nang maayos, nasaktan ba ako, at kung anu-ano pa. Pero habang nakikita rin ang mga nag-aalala nilang mukha dahil sa akin, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin.

Kahit may tito at tita akong tinuring kong mga magulang sa present, iba pala talaga kapag may natatawag kang Ina at Ama na totoong kong mga magulang sa panahong ito. Sa panahon na 'to, hindi ako ampon kundi totoong anak nila Horacio at Faustina Cordova. At isa 'to sa mga bagay na pinagpapasalamat ko sa pagpunta ko sa panahong 'to dahil sa panahong 'to, mayroon akong totoong mga magulang.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts