webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · History
Not enough ratings
98 Chs

LXVI

Juliet

"Pumasok nalang kayo sa loob binibini at ibigay niyo na 'yan sa heneral." Pilit ni Eduardo sa akin na mukhang onti nalang ay gusto na akong itulak papasok sa kubo kung nasaan si Niño kung hindi lang talaga bawal hawakan ng kalalakihan ang mga kababaihan sa panahon na 'to.

Mukhang na f-frustrate na talaga sa akin si Eduardo kaya naman inamoy ko for the last time 'yung pinitas kong mga bulaklak at pumasok na. Agad namang napalingon sa pintuan kung nasaan ako si Niño nang marinig ang pagbukas nito. Nang magtama ang mga tingin namin ay nasilayan ko na naman ang unti-unting pagkurba ng mga labi niya at agad siyang umupo. Naglakad naman ako palapit sa kaniya habang hawak 'yung mga bulaklak.

"Amuyin mo Niño, ang bango!" Saksak ko sa ilong niya ng bulaklak kaya nagulat siya at biglang nabahing.

"A-Aray..." Hawak niya sa sugat niya na mukhang sumakit nang mabahing siya.

"Ay sorry huhu pero amuyin mo, dali! Gagaling ka rito!" Sabi ko at pina-amoy sa kaniya 'yung flowers.

"Sori ay patawad, hindi ba?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Oo, tama 'yan matuto ka na mag-English para mapadali naman buhay ko rito tapos amuyin mo na nga 'to." Lapit ko ng flowers sa mukha niya. Inamoy nga niya 'yung flowers kaya naman excited akong hinintay ang reaction niya.

"H-Hindi naman, wala akong maamoy." Sabi niya kaya napasimangot ako.

"Amuyin mo kasi Niño!" Lapit ko ng flowers.

"Wala talagang amoy, binibini."

"Hindi mo naman inaamoy eh!"

"Inamoy ko ngunit wala talaga akong naamoy, binibini."

"Niño, wala ka bang ilong??" Iritang tanong ko at bigla siyang natawa. Anong nakakatawa??? Naiinis na nga ako, hmph!!!

"Aray, aray..." Daing niya habang tumatawa dahil mukhang sumasakit 'yung sugat niya kapag tumatawa siya. Ayan, buti nga. Karma. Pwe!

"Para sa akin ba ang mga ito, binibini?" Tanong niya habang nakatingin sa akin instead na sa bulaklak.

"Oo." Abot ko sa kaniya ng flowers pero nagtatampo pa rin ako, hmph!

"Salamat ngunit lalaki dapat ang nagbibigay ng bulaklak sa babae, binibini. Hayaan mo, kapag gumaling ako ay bibigyan kita ng magagandang bulaklak na kasing ganda mo."

Grabe 'to! Lalaki lang ba pwede magbigay ng flowers? Hay nako Niño, you're so 1899!

"Oo nga pala, binibini..." Napatingin ulit ako kay Niño dahil sumeryoso ang tono niya. Nakita kong inilagay niya sa lamesa sa tabi niya yung flowers atsaka ibinalik ang attention sa akin. Nang magtama ang mga tingin namin, para na silang naglock sa isa't isa at mukhang wala nang balak maghiwalay pa.

"Patawarin mo ako sa biglaan kong paglisan sa araw ng kasal natin. Alam kong napakalaki ng kasalanan ko sa iyo at hindi ko alam kung paano pa ako makakabawi ngunit nais kong mapatawad mo ako, binibini."

"Ah so doon ka pa talaga humihingi ng tawad? Hindi diyan sa tama mo? Alam mo Niño, ayos lang naman na in-indian mo ako sa kasal natin pero 'yung iparamdam sa akin na pwedeng hindi ka na bumalik? Huwag naman ganun! May pa-letter-letter ka pa eh jusko parang last will testament na pala 'yung sulat na 'yun wala ka man lang pasabi."

"S-S--Sandali, binibini... hindi ko maunawaan ang sinasabi m—" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya para putulin 'yung sinasabi niya.

"Ang point ko lang, pwede ka namang umalis kahit kailan mo gusto basta siguraduhin mong babalik ka! Ayos lang kung walang paalam basta siguraduhin mong babalik ka sa akin! 'Yun lang 'yon!"

Naramdaman ko nalang ang pag-agos ng mainit kong luha sa pisngi ko kaya agad ko yung pinunasan.

Sandaling tumigil sa pagtibok ang puso ko nang maramdaman ko ang paghawak ni Niño sa baba ko. Marahan niyang pinunasan ang luha sa pisngi ko gamit ang thumb niya atsaka pinako ang tingin sa mga mata ko.

"Ako ba ang dahilan ng mga luhang 'to?"

Napasimangot ako sa tanong niya.

Grabe, hindi lang pala ako ang may ability manira ng romantic mood namin 'no? Pati rin pala siya jusme, ano nalang mangyayari sa amin nito.

"Ay hindi, Niño! Si Jose Rizal dahilan ng mga luhang 'to!" Sarcastic na sagot ko.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Niño at pagsalubong ng dalawang kilay niya. Mukhang ina-analyze na ng brain cells niya kung third party ba si Dr. Jose Rizal sa relationship namin.

Grabe, ang hirap magtaray sa taong slow! Hindi ka pwede maging sarcastic kasi hindi rin niya gets!

Hinawakan ko ang noo ni Niño at flinat 'yun para mawala na ang kunot. "Joke lang 'yun, Niño. Hayaan na nating mag rest in peace si Dr. Jose Rizal."

"Jok? Res—"

"Biro lang 'yun, Niño. Biro." Pag c-clarify ko dahil mukhang nawiwindang na ang mga brain cells niya ngayon sa pinagsasabi ko.

"Binibini," Tawag ni Niño with his serious tone kaya naman napatingin agad ako sa mata niya.

"Huwag ka na muling iiyak dahil sa akin ah?"

Parang bigla nalang natunaw ang puso ko nang marinig ko mula sa kaniya ang mga salitang 'yun. 'Yung lambot ng tono niya, 'yung titig niya sa akin, 'yung pagkakahawak niya sa mukha ko, 'yung sincerity ng pagkakasabi niya. Grabe. How can I even handle this guy? Sinong hindi iiyak sayo, Niño?

"Ayaw kong nalulungkot ka, Juliet. Kaya ngayon ay pinapangako kong lagi akong babalik sa'yo. Sa kahit anong paraan, sa kahit anong panahon... babalik ako sa'yo." Sabi niya habang nakatitig sa akin. 'Yung titig na tumatagos hanggang kaluluwa ko.

"Mahal na mahal kita, Juliet." Sabi niya habang nakatitig pa rin sa akin.

Wala na. Parang lusaw na ice cream na 'yung puso ko rito sa loob ng rib cage ko.

"Maha—" Naputol ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto.

"Henera——!! Pa--Pa-P-Paumanhin. H-Hindi ko alam na... n-narito si Binibing Juliet. Maiwan-ko-na-kayo." Biglang karipas ng labas nung sundalo.

Nagkatinginan ulit kami ni Niño after namin titigan nang ilang seconds ang nakasara na ulit na pinto.

"Ano ulit ang sasabihin mo, binibini?" Tanong ni Niño at based sa itsura niya ngayon, mukhang wala talaga siyang clue kung anong sasabihin ko dapat kanina kaya....

"M--MAHAg-ingat ka palagi. Huwag mo na kami ulit pag-alalahin nang ganun." Palusot ko.

"Bakit, binibini? Natakot ka ba?" Tanong ni Niño at nako! Lumalabas na naman ang playful smile sa labi ng heneral na 'to.

"Natakot ka bang baka hindi na ako makabalik?" Pilyong tanong niya.

"Natakot ka bang mamatay ako?" Pang-aasar pa niya pero ewan ko ba bakit naluha na naman ako.

"K--Kung namatay ka... hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung namatay ka nun, namatay kang galit sa akin at ayaw ko nun, Niño." Sagot ko.

Nagulat ako nang hawakan ni Niño ang magkabilang braso ko.

"Kahit kailan ay hindi ko magagawang magalit sa iyo, binibini. Kahit namatay na ako no'ng araw na 'yon, tandaan mo na hindi ko magagawang magalit sa'yo." Sabi niya at mas nagulat pa ako nang isandal niya ang ulo ko sa dibdib niya.

Omyghad! Is this a hug? Naghu-hug kami ni Niño?? OMG!

"Kahit naman mahal mo ako o hindi, walang magbabago... ikaw pa rin ang mahal ko." Sabi niya habang nakapatong ang baba niya sa ulo ko.

"Ikaw lang ang tanging mamahalin ko."

Hindi! Mahal din kita Niño!

Inalis ko ang pagkakapatong niya sa ulo ko at humarap sa kaniya. "Pero Niño—"

Biglang umatras ang dila ko nang magtama na ang mga tingin namin. Omyghad. Paano ko na sasabihin na mahal ko rin siya?

"Ano 'yon, binibini?" Tanong niya.

Napatitig nalang ako sa mga mata niyang wala pa ring kupas ang kinang. Grabe, naduwag na talaga 'yung dila ko huhu.

"Niño—" Sabay kaming napalingon ni Niño sa pintuan at nakita si Fernan. Sandali siyang napatitig sa amin at akmang aalis na kaya kinuha ko na 'yung pagkakataong tumakas.

"Teka! Teka, Fernan! Tapos na! Tapos na kami ni Niño!" Tayo ko at pumunta sa may pinto.

"A--A-Anong... t-tapos na?" Tanong ni Fernan at biglang namula ang mukha niya.

OMG! Is he getting the wrong idea? Ghad! Ano ba kasi 'yang mga terms mo Juliet eh! Ano nga naman ang tapos na jusko huhu.

"Basta mag-usap na kayo, bye!" Paalam ko at kumaripas na ng takbo palayo.

Phew! Grabe, tinakasan ko na naman ang confession ko sana kay Niño. Ang duwag mo talaga, Juliet!

Oh, well... May next time pa naman.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts