webnovel

Bulong ng Puso

Louise was 16 when she met Gael, ang hunk transferee ng Engineering Department ng kanilang eskwelahan. Gael was her first love, and she was prepared to leave everything for him - her status, her fortune, maging ang sariling ama na sa simula pa'y tutol na sa kanilang relasyon. All of that she was prepared to do, masunod lamang ang isinisigaw ng puso. But he betrayed her, shattered her into pieces. Lumayo si Louise, to heal her broken heart and start all over. It took her a long time to rebuild her life but like a sick twist of fate, not only was she forced to face him again after 6 years but he also offered something that's hard to refuse - kasal kapalit ng pagbabalik nito ng lahat ng ari-arian ng kanilang pamilya. Louise was never materialistic kahit pa lumaki sa masaganang pamumuhay, but those properties, lalo na ang Hacienda Saavedra, ang buhay ng kaniyang amang si Don Enrique. Gael was too honest in saying it's purely business and no love involved sa alok nito, pero paano siya? Can she handle being around him again? Can she guarantee herself not to fall in love with him again?

aprilgraciawriter · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
46 Chs

Chapter Twenty Seven

Her eyes went huge in surprise sa biglaang ginawang paghalik sa kanya ng binata. Mariin at mapag parusa ang halik na iyon. Nagpumiglas siya at sinubukang hatakin ang mga kamay niyang hawak nito ngunit tila naka-tanikala iyon. She felt his weight against her at lalong lumaki ang mata niya ng maramdaman ang bagay na iyon sa kanyang hita. It was something hard resting on her thigh! Lalo niyang pinilit kumawala sa paghalik nito but he was an expert kisser and seducer, and the longer he does this, the more she feels her walls are breaking down, unti-unting natitibag.

Bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg, and Louise found herself biting her lower lip to supress a moan na gustong umalpas mula sa kanyang lalamunan. Gael sensed that she was not fighting back as fiercely as she did earlier and so his hands let go of her wrists and one of them held one side of her jaw while the other trailed down her waist, and then up again, dinadama ang hubog ng kanyang katawan. Muling bumalik ang mga labi nito sa kanya, and damn her for letting him!

"Sweetheart..."

Sa huling hibla ng natitira niyang katinuan ay ipinagitan niya ang mga kamay niya sa dibdib nito at nagsumikap itulak itong palayo. Halos hindi niya ito natinag ngunit huminto ito sa ginagawa at tinitigan siya.

"Tell me you want me, sweetheart" he demanded, nanunukat ang tingin nito.

"G-get off me please" naiiyak niyang wika. She wanted to cry hindi dahil sa ginawa nito kundi sa realization na napaka bilis bumigay ng kanyang damdamin sa lalaking ito. She hates him and damn wants him at the same time!

"I know you want me as much as I want you, Louise" hinawakan nito ang baba niya at marahang ipinihit ang mukha niya paharap dito "you don't have to be scared. I'm your husband" masuyong wika nito sa kanya.

Oh yes I want you too and damn me for that! Pero hindi pwede, Gael. You have hurt me so much... your betrayal is unforgivable...

A tear fell from her eyes na masuyong pinahid nito. He gently got up mula sa pagkakadagan nito sa kanya. Siya ay nanatiling nakahiga sa kama sa ganoong posisyon.

"I know you hate me, Louise. And I know it might be 6 years too late but if you just let me explain- "

"Hindi na kailangan..." bumangon siya at naupo sa gilid ng kama "tapos na iyon Gael. Kinalimutan ko na. And I know time will come that I could forgive you for all the pain... pero hindi na kita kayang mahalin pang muli..." she bit her lower lip to stop a sob.

Ilang segundo ang lumipas na katahimikan ang namayani sa pagitan nila. She felt him rose from the bed. Nagsuot ito ng t-shirt at tinungo ang pinto "I'll bring your bags. The bath is right over there". Yuon lamang at narinig ni Louise ang pagsara ng pintuan.

Damn you, Gael! Bakit hanggang ngayon ay kaya mo pa ring guluhin ang mundo ko!

Ibinabad niya ang sarili sa bath tub matapos masigurong naka lock nang mabuti ang pintuan nang banyo. She closed her eyes and tried to relax. Mukhang hindi lamang si Gael ang kalaban niya sa pagpapakasal na ito kundi maging ang kanyang sarili. Paano ba niya iignorahin ang presensya nito? Paano siya magiging manhid sa mga halik at haplos nito? She sighed. Wala ni isa man sa mga nakilala niyang lalaki sa America ang nakapukaw ng damdaming ginigising ni Gael sa kanya. All of the men who courted her in the states were good looking at lahat ay galing sa matitinong pamilya, pero hindi niya alam kung bakit hindi siya nagka interes isa man sa mga ito. Lloyd for instance is not only smart and wealthy, magandang lalaki ito at mabait pa, ngunit ni minsan ay hindi humigit sa kaibigan ang tingin niya rito.

She changed into her pajamas matapos maligo, as if to protect himself from him. She made sure na balot na balot siya. Nasisisguro niyang sa kama ding ito mahihiga ang lalaki kaya naman nagpaka gilid gilid siya sa isang tabi, nilagyan pa niya ng mga unan ang pagitan nila. Ngunit tuluyan na siyang iginupo ng antok ay hindi nagbalik sa silid nila si Gael.

*******

Louise woke up to the sound of her phone alarm blaring. She lazily grabbed it and turned it off. Bigla siyang napabalikwas ng maalalang wala siya sa sariling silid. She instantly looked at the other side of the bed but it looked untouched. Mukhang hindi bumalik ang asawa kagabi. Saan kaya ito nagpalipas ng gabi?

Why do you care? Mas mabuti ngang hindi ka na ulit inabala eh! Sermon ng isip niya.

Matapos maghilamos at magbihis ay nagtuloy na siya sa baba, kahit pa kunwa-kunwarian lang ang kasal na ito, nahihiya naman siyang hindi makibagay ng maayos sa tiyahin ni Gael, lalo na at wala namang ipinapakitang masama sa kanya ang matanda. That morning she decided to head to the kitchen to help prepare breakfast. It's only 6:30, siguro naman ay hindi pa tapos maghanda ang mga ito.

Palapit pa lang siya sa kusina ay narinig na niya ang malutong na hagikgik ni Patty, ganoon din ang tawa ni Gael. Hindi naman niya gawaing manubok pero kusang nagdahan dahan ang kanyang mga paa palapit sa kusina, umiwas makagawa ng ingay. Mukhang hindi napansin ng mga ito ang kanyang paglapit dahil patuloy ang mga ito sa pagtatawanan, tila may ikinukwento si Gael sa babae. Nakita pa niyang inihilig ng babae ang ulo sa balikat ni Gael habang hindi magkamayaw sa pagtawa. Isang inis ang umahon sa kanyang dibdib. Ang aga aga naglalampungan na agad!

Padarag niyang inilapag ang mug sa tapat ng coffee maker, gumawa iyon ng ingay sa granite countertop. Sabay na napalingon ang mga ito sa kanya.

"Oh. Louise! Nakakagulat ka naman, dear" wika ni Patty na tutop pa ang dibdib.

"Good morning" matabang niyang sagot, ipinagpatuloy ang pagsasalin ng kape sa mug. Kamuntikan na niyang maibagsak ang pot ng kape ng mula sa kanyang likod ay niyakap siya ni Gael, ang mga bisig nito ay pinagsalikop sa kanyang baywang. He rested his chin against her shoulder at sinamyo ang leeg niya, she felt his breath against her skin, may kilabot na gumapang sa kanyang batok.

"Good morning my lovely wife" he gave her a gentle kiss on the neck. Gusto itong sikuhin ni Louise upang layuan siya but she held back dahil alam niyang nakamasid si Patty sa kanila.

"M-morning" halos nauutal niyang sagot.

"Did you sleep well last night?"

"Sakto lang naman" she cleared her throat at marahang kumawala sa yakap nito upang magtungo sa breakfast nook kung saan naroon si Patty. She sat on one of the bar stools opposite her. Gael followed her at naupo sa kanyang tabi.

"So, I think your first night didn't go well?" Kaswal na tanong ng babae.

"What do you mean?" She asked, nagsalubong ang kanyang mga kilay. Ano bang alam at pakialam ng babaeng ito sa buhay nila?

"I mean considering Gael didn't spend the night with you"  she saw the subtle way Patty looked at him. Si Gael ay nanatiling walang kibo.

Nag-init ang tenga niya sa narinig na sinabi ng babae, hindi sinasadyang padaskol niyang naibaba ang mug ng kapeng hinihigop. "I don't think it's any of your business, Patty. Dalawa lang kami ni Gael na ikinasal. Hindi ka kasama" she raised one eyebrow. Malditang babaeng to! Ang aga aga eh nakaka kulo ng dugo!

"Oh no, sorry Louise. That's not what I meant" Patty replied apologetically "alam ko lang kasing kinailangan magtungo ni Gael kagabi sa bayan dahil nagkaroon ng aberya sa factory ng asukal. Kababalik nga lang niya kanina eh. I'm sorry if I offended you"

She looked at Gael. Kaya pala hindi ito natulog sa silid nila kagabi? Looking at him now, she could trace tiredness on his face.

"Sorry sweetheart at hindi na kita ginising kagabi"

She remained mum and instead took another sip of coffee.

"I'll just nap for a bit love" hinalikan nito ang kanyang noo at lumabas na ng kusina. She and Patty remained in the kitchen. Si Patty ang unang bumasag ng katahimikan.

"What's your reason for marrying Gael?" Walang pasintabing tanong nito. She was totally different from the apologetic Patty earlier.

"Like I said earlier, none of your business"

"Oh yes it is my business!" May diin ang salita nito.

"Really? How?" Mataray din niyang sagot.

"I know you, Louise Saavedra" tila may asido ang dila nito nang banggitin ang pangalan niya "you have crushed Gael once before. This time, hindi ko hahayaang ulitin mo! I will protect Gael. I will protect him from you!"

Ano? Ano ba ang pinagsasabi ng babaeng ito? She crushed Gael? Does she even know what she's talking about?!

Tuluyang tumaas ang dugo niya sa narinig "I don't know who you are Patty, pero wala kang alam. Kaya huwag kang pumapel"

Patty mockingly laughed "ikaw ang walang alam, Louise. 6 years and you're still left in the dark"

"W-what do you mean?"

Patty rose from the table.

"Gael suffered because of you. And for that, hindi kita mapapatawad. So brace yourself because I won't give him up that easily! I won't give him up without a fight" tinalikuran siya nito at iniwang nakatulala.

What exactly does Patty mean? Sino ba ito at ano ang alam nito sa kanyang buhay? Sino ba ito sa buhay ni Gael?

Siya raw ang nagdulot ng pagdurusa kay Gael? Baliktad na yata ang mundo! Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang pinagsasabi but she is clearly out of her mind!