webnovel

Bulong ng Puso

Louise was 16 when she met Gael, ang hunk transferee ng Engineering Department ng kanilang eskwelahan. Gael was her first love, and she was prepared to leave everything for him - her status, her fortune, maging ang sariling ama na sa simula pa'y tutol na sa kanilang relasyon. All of that she was prepared to do, masunod lamang ang isinisigaw ng puso. But he betrayed her, shattered her into pieces. Lumayo si Louise, to heal her broken heart and start all over. It took her a long time to rebuild her life but like a sick twist of fate, not only was she forced to face him again after 6 years but he also offered something that's hard to refuse - kasal kapalit ng pagbabalik nito ng lahat ng ari-arian ng kanilang pamilya. Louise was never materialistic kahit pa lumaki sa masaganang pamumuhay, but those properties, lalo na ang Hacienda Saavedra, ang buhay ng kaniyang amang si Don Enrique. Gael was too honest in saying it's purely business and no love involved sa alok nito, pero paano siya? Can she handle being around him again? Can she guarantee herself not to fall in love with him again?

aprilgraciawriter · Urban
Not enough ratings
46 Chs

Chapter Twenty Six

Matuling lumipas ang mga araw at mabilis na naihanda ang lahat ng kailangan para sa kanilang kasal. Laking pasasalamat ni Louise na mabilis ang naging recovery ng ama mula sa karamdaman nito, at least ay hindi siya masyadong mag-aalala kapag muli na siyang umalis, this time to fulfill her side of the deal - ang makisama kay Gael bilang asawa nito sa loob ng isang taon. Nang gabing iyon ay kinausap niya ang ama at nagpaliwanag na parte ng deal niya sa AG ay ang 'magtrabaho' sa mga ito sa loob ng isang taon.

Kung may mga tanong man ang ama kung paano niya nagawang bawiin ang hacienda ay hindi na nito isinatinig. Maganda na rin iyon, dahil hindi lamang naman niya kayang sabihin ang katotohanan dito. Ipinangako niya sa amang hindi niya pababayaan ang pamamalakad sa hacienda kahit pa malayo siya and that she would come home weekly.

She sighed and continued packing her things in her suitcase. 3 days from now, she will be Mrs. Gael Aragon. How did it end up like this? How did she get entangled into this mess? Ang buong akala niya ay natakasan na niya ang nakaraan.

Tila isang tuksong biglang sumagi ang isang ala-ala sa kanyang isip: I want to start forever with you as soon as I can...ayokong magsayang ng panahon...

Mapait siyang ngumiti at hinugot ang maliit na jewellery box mula sa drawer ng kanyang night table. She slowly opened it at kinuha ang laman niyon. It was a gold necklace with a heart shaped pendant. Nakaukit doon ang mga letrang G & L. Marahan niyang kinapa ng daliri ang engraving niyon. Six years ago, all she ever wanted was to be with him. Ironic na ngayon ay matutupad na ang isang bagay na pinakamimithi niya noon, ngunit hindi saya kundi pagkabahala ang kanyang nadarama.

Hindi pa rin malinaw sa kanya ang motibo nito sa pag aalok na pakasalan siya ngunit isa lamang ang alam niya: hindi na siya muli pang magpapalinlang dito. Muli niyang ibinalik ang kuwintas sa lalagyan, hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay itinago pa niya iyon. She never once opened this box mula ng hubarin niya ang kuwintas na iyon matapos ang aksidente, it was too painful for her to see it but somehow ay hindi pa rin niya nagawang itapon.

It will serve as a reminder to me of how much you have hurt me, Gael. A reminder to never be fooled by you again.

*******

"You may kiss the bride" nakaingiting wika ng judge.

Tila lumulutang lamang ang huwisyo niya. Nagpatiubaya siya ng marahan siyang kabigin ni Gael palapit dito upang dampian ng halik sa labi. Nagpalakpakan ang dalawang witness sa kanilang kasal na naroroon - ang sekretarya ni Gael at ang sekretarya ng judge. She wore a simple sleeveless lace dress in cream color, ang haba nito ay umabot sa ibabaw ng kanyang tuhod. Gael on the other hand, looked so dashing in his 3 piece smart casual outfit. Hindi maikakaila ang paninging iniukol ng mga kababaihan dito pagpasok pa lamang kanina sa opisina ng hukom. She can't blame them really because he could easily pass for a celebrity.

Matapos ang pirmahan sa opisina ng judge ay nagpilit si Gael na mananghalian sila sa isang high end restaurant sa BGC bago sila magtuloy umuwi sa San Nicolas. She was actually surprised ng sabihin nitong hindi sila sa Maynila mamamalagi kundi sa San Nicolas. Gusto niyang tanungin dito kung paano ang mga negosyo nito sa siyudad ngunit hindi niya isinatinig dahil ayaw niyang mamisinterpret nito ang tanong niya into concern. She told herself she will be as lifeless and as uncaring as possible towards him, part of her resolve to make him regret marrying her.

"What did you tell your dad?" he said in between eating, na ang tinutukoy ay ang ipinaalam niya sa ama kung bakit kailangan niyang umalis sa hacienda.

"That part of the deal with AG was to work for the company" aniya na hindi man lamang tinignan ang kausap. She ate ngunit hindi naman talaga siya nagugutom.

"so you really have no intention of telling your father about this marriage?"

"this so-called marriage will be over before you even know it" inilapag niya ang kubyertos at nagpunas ng napkin sa bibig "I'm ready to go when you are" pormal niyang saad.

"I told you sweetheart, before a year is over, you wouldn't want to leave" he said full of confidence. He smiled charmingly and winked at her.

Tila may mga paru-parong nagliparan sa sikmura niya. Stop feeling weird things like this Louise! Hindi ka na dise-sais anyos na makukuha sa isang ngiti at kindat lang! "I won't count on it if I were you. I only married you for the money"

He gave a sigh and looked at her "do you really hate me that much?" pain crossed his eyes at hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Louise.

Nagbaba siya ng tingin "sa maraming dahilan, yes" hindi mo lang ako sinaktan Gael, you even abandoned a child!

Narinig niyang bumuntong hininga ito bago tawagin ang waiter para sa bill nila. Ilang sandali pa ay lulan na sila ng sasakyan pauwi ng San Nicolas.

*******

"Gael!" magiliw na tili ng isang babae ang sumalubong sa kanila hustong makababa sila ng sasakyan. Pasado alas otso na ng marating nila ang beach house nito sa San Nicolas. Bago pa mapagmasdan ni Louise kung sino ang babae ay mabilis itong nakalapit kay Gael at buong lambing na ikinawit ang mga braso sa leeg ng asawa niya. She instantly felt uneasy ngunit hindi nagpahalata, instead, she went to the trunk of the car and took out one of her smaller suitcases, habang ang mga mata ay palihim na sinulyapan ang mga ito.

"Pat!" halata ang pagkabigla sa mukha ni Gael. Nakita niyang sumulyap ito sa gawi niya but Louise pretended not to see.

"What're you doing here?"

Malambing na lumabi ang babae "eto naman! I wanted to surprise you pero mukhang hindi ka naman masayang makita ako" kunwari ay nagtatampo ang tinig nito. Sa wakas ay napatingin ito sa gawi niya at tila noon lamang napansin ang presensya niya. Bumitaw ito kay Gael at tiningnan siya.

"sino siya, Gael?" pinaglipat nito ang tingin sa kanila.

Gael cleared his throat bago nagsalita "Pat. This is Louise... Louise Saavedra" tumingin ito sa kanya "my wife"

Gustong panayuan ng balahibo ni Louise when she heard him say my wife. May kakaibang pakiramdam na dulot ang katagang iyon. Ayaw man niyang aminin, she liked the possessive tone he used when he said those words.

Halos mawalan ng kulay ang mukha ng babae na tigagal na napatingin kay Gael, daig pa nito ang nakakita ng multo "w-what?" pagak itong tumawa "you're kidding, right?"

Pinuntahan siya ni Gael at hinawakan ang kanyang kamay "Louise, this is Patty. Patty Esteves. My friend and business partner"

Noon lamang napagmasdan ng husto ni Louise ang babae. She must be Gael's age, matangkad ito, maganda at tila modelo ang pustura. Morena ang balat at hindi maipagkakailang nagmula sa isang mayamang angkan. Somehow ay mukhang pamilyar ang babae sa kanya, although hindi niya matiyak kung saan niya ito nakita?

Bagaman nabigla ay nakabawi ang babae at matamis siyang nginitian at nilapitan "nice meeting you Louise" she gave Louise a peck on each cheek "congratulations"

"N-nice meeting you too and thanks" she is seriously out of words.

"Finally, Gael. I see that you've gotten what you want" makahulugan nitong tiningnan si Gael.

You've finally gotten what you want. Ano ang ibig nitong sabihin? Gusto sanang magtanong ni Louise ngunit mabilis na hinawakan ni Patty ang kanyang kamay at isinama siya papasok ng bahay "Let's celebrate. May dala akong red wine from Italy" nilingon nito si Gael "hiramin ko muna ang misis mo"

Naguguluhan si Louise sa nangyayari. One moment this woman seemed like she was about to faint upon hearing that Gael got married and then the next, she seems ok about it, even friendly in fact. Just who is this woman?

"Tita, Gael and Louise are here" anunsyo nito sa kabahayan.

"Welcome home hija" wika ng matandang babae na inilapag ang tasa ng kape sa lamesita "ipahahanda ko na ang hapag, paniguradong gutom na kayo"

"Huwag na ho... busog pa ho ako" lumapit siya dito at alanganing nagmano sa matanda.

"Okay then wine it is!" Wika ni Patty

"Sorry Patty, I don't drink" ang totoo ay umiinom din naman siya ng wine, yun nga lang ay once in a blue moon, isa pa she is physically and emotionally exhausted at ang tanging gusto niya ay makapag pahinga.

"I'm sure my wife is tired from travel, Pat. Bukas na lang siguro" ani Gael na lumapit sa tiyahin at humalik sa pisngi nito. Gael walked towards her and without a warning scooped her in his arms. Napatili siya sa ginawa nito.

"What are you doing?" She hissed

"Taking my bride to our room" he kissed her forehead. Gusto niyang magprotesta ngunit naroon at nakamasid ang tiyahin nito. He gave her a warning look.

"'Magpapahinga na ho kami tiyang." He turned and looked at Patty "mauna na muna kami, Pat" Hindi na nito hinantay ang sagot and went straight for the stairs. He was effortlessly holding her in his arms. Tila siya isang batang karga nito. They looked like a real newly married couple.

He turned the knob and nudged the door open with his legs. Maingat siyang inilapag nito sa king sized bed na naroroon. Louise's heart was beating wildly. Matinding kaba ang sumakmal sa kanyang dibdib ngayon na dalawa na lamang sila sa silid.

"Don't tell me na dito ka rin matutulog?"

Gael chuckled as he was undoing his shirt. Louise felt blood rushed to her cheeks, nag-iwas siya ng tingin dito.

"At saan mo ako naiisip patulugin, sweetheart? You know my aunt thinks we're the perfect couple. Besides, isn't it part of our agreement to live together as a real couple?" Lumapit ito sa kinauupuan niya at huminto sa kanyang tapat, towering over her.

"It's not my fault she thinks that way! Ikaw tong sinungaling!" She snapped. She threw a glance at him and instantly felt embarrassed when she saw that he had completely taken off his shirt. Mailap niyang inilayo ang mga mata dito.

He laughed devilishly "my blushing, virgin bride"

"Virgin?!" Pinanlakihan niya ito ng mata "hah! At paano mo nalaman?!" She challenged

In an instant, Gael was on top of her, napahiga siya sa kama and was trapped  against the bed. The distance between them was too small. Tila sasabog sa kaba ang puso ni Louise.

"Oh I know you are sweetheart. Kung hindi ay hindi ka pamumulahan ng pisngi by just seeing a man half naked" sinuyod siya nito ng tingin, from her waist up to her face. Pakiramdam niya ay nahubaran siya sa tingin nito. She had to muster all her courage to stare back at those eyes, kahit pa nanginginig siya sa kaba. Yes he was right. She is a virgin dahil wala namang ibang naging lalaki sa buhay niya maliban dito, but she'd rather die than admit that to him!

"You are so full of yourself! Kung totoo man yan, mas mamabutihin ko pang ibigay ang sarili ko sa iba kesa sayo!" Huli na para bawiin niya ang nasabi dala ng pagkapahiya. She knew she crossed the line dahil agad na dumilim ang mukha nito. He grabbed her hands, pinning them against the bed at hindi siya makagalaw.

"Kahit kinasusuklaman mo ako, Louise, you will not do anything to shame my name habang kasal ka sa akin, naiintindihan mo?" Gustong matakakot ni Louise sa tinig nito. She'd never heard him sound this dangerous. Kitang kita niya ang umahong galit dito sa sinabi niya.

Nanatiling nakatitig ito sa mga mata niya, anger still in his eyes. Louise inhaled sharply when his lips went down to hers without warning, crushing them in passionately, punishing kiss.