webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
71 Chs

Chapter 50

Chapter 50: Bit Disappointed

Ngayon na ang araw ng exam, mabuti't three subejcts lang ang i-e-exam namin per day. Ibig sabihin, 12 noon whould be our dismissal.

Hinihintay ko pa lang si Oliver dito sa harap ng bahay namin para sunduin niya ako ay saktong labas ni Prince mula sa bahay niya. He smiled, so was I, too.

"Good Morning!"

"Good Morning."

"May i-rerequest nga pala ako sa iyo," Lumapit ito sa akin.

"Ano iyon?"

"Bibisitahin kasi ako ni Papa this coming saturday, and titingnan niya kung okay ba raw ako rito. Favor ko lang kung puwedeng tulungan mo ako mag-general cleaning ng bahay ko? Hindi ko kakayanin mag-isa, eh."

"Uhm.. I'll check, baka kasi may practice ako ng role playing that day, eh," Kita sa mukha niya ang pagkadismaya.

"Ganoon ba?"

"Oo. But don't worry, kapag wala. Sasabihan kita agad."

"Salamat!" Ngumiti ito sa akin. "Hoping that you'll come," Sabi pa nito. "I'll go ahead. Baka maabutan pa ako ng boyfriend mo rito, kagulo na naman sigurado," He chuckled.

"Loko. Sige na, kita na lang tayo sa school," Ngumiti lang siya sa akin at tuluyan na naglakad papalayo.

Out of nowhere, there's a question pop up to my mind. Did he already go into relationship? Sa edad niya iyon, imposibleng wala pa siyang nagiging girlfriend. Actually, guwapo naman siya, matino, mabait at hindi pala-away. Kaya hindi imposibleng maraming nagkakagusto sa kanya. But here's my real question, nagkagusto na ba siya sa isang babae? Kahit crush manlang? Kung oo, sino kaya? Mabiro nga isang beses baka mapaamin ko.

Lumipas pa ang ilang minuto, nakita ko na rin sa wakas ang mabilis na pagpipidal ni Oliver ng bisikleta niya. Napakunot ako ng noo dahil sa hitsura niya, usually hindi siya pawis na pawis kapag dumarating ngunit ngayon, halos basang sisiw na.

"Hays, I'm sorry for being late. Napasarap ako ng tulog," Hingal nitong sabi. I immediately get my tumbler from my bag and give it to him.

"Okay lang naman. Pero sa susunod, huwag ka nang magmadali, baka maaksidente ka."

"Maaksidente agad?"

"Hoy! Hindi natin masasabi ang kapalaran, baka mamaya nabundol ka na pala ng truck d'yan sa kalsada!" I exclaimed. "Besides, look at yourself, you're too sweat. Ew, ang baho."

"Talaga ba?" Inilapit niya sa mukha ko 'yong kili-kili niya at pilit ipinapaamoy sa akin ito ngunit pilit ko rin itong inilalayo. Gosh, to be honest, it smells good. But still, kadiri pa rin.

"Ano ba! Lumayo ka nga!" Bulyaw ko sa kanya pero hindi niya ito pinansin, sa halip ay patuloy lang siya sa paglapit ng kili-kili niya sa mukha ko. Pambihira.

"Payakap na lang!" He grabbed my waist and hugged me tight. Halos umusok na ang ilong ko dahil sa kakulitan nito. Mas lalo akong nainis nang maramdaman kong lumalapat na sa akin 'yong pawis niya mula sa braso niya. Kadiri talaga.

"Let me go!"

Mas lalo niya akong niyakap. "Just for a second," He whispered.

"Why?"

"Kahit pagod ako sa mabilis kong pagpipidal, okay lang. Lakas ko naman 'yong pupuntahan ko. Please, just stay."

"N-nandyan sina Mama at Kuya, b-baka makita tayo," Finally, he slowly removed the grip.

"Oo nga pala," Sumimangot siya at umiinom ulit ng tubig. "Ba't parang namumula ka?" Usisa niya.

"Huh? W-wala lang ito," I stuttered.

"Masyado bang mahigpit 'yong yakap ko sa iyo? Sorry na," He worriedly asked. He hold my hand and rubbing it.

"Hindi nga!"

"Eh, ano?"

"Wala nga, ano ba!"

He chuckled. "Alam ko na," He looked at me ridiculously. Tingin pa lang niya ay alam ko na kung anong tumatakbo sa isipan niya. Kalokohan na naman ito for sure.

"Whatever you're thinking of, that isn't!"

"Sus, niyakap lang kita, namula ka na. Paano kaya kapag hinalikan pa kita? Hmm."

"Ayan ka na naman sa pagiging assumero mo. Hindi, ah!"

"Sige. I-deny mo lang."

"Alam mo, no'ng naging tayo, nag-iba ka na. Mas lalo ka nang—" He cut it off.

"Mas lalo na akong naging sweet?"

"No, mas lalo ka nang naging malandi. Ang harot mo!"

Napakamot na lamang siya ng batok niya. Samantalang ako ay nagsimula nang sumakay sa bisikleta ko. I was about to start to ride on my bike when he said something. "Correction nga pala sa sinabi mo. Hindi ako mas lalong naging malandi. You just brought me back to who I was before. It was a good news, right? Unti-unti nang nawawala 'yong Oliver na nagkukulong sa emosyon na iniwan ni Angel. Thank you, Jamilla and I love you."

-

Gosh. Tapos na ang first day of exam. Halos mabatukan ko na 'yong sarili ko kanina habang nag-eexam. 'Yong buong gabi kong ni-review ay kamuntikan pang mawala sa utak ko dahil napalitan lang ng mga sinabi ni Oliver kanina. Pambihira, mabuti't naalala ko rin iyon dahil kung hindi, bagsak ako nito panigurado.

"Uuwi ka na?" Tanong ni Oliver.

"Yep, why?" I answered normally. Ayaw kong mahalata niya na apektado pa rin ako sa sinabi niya kanina.

"Wala lang," Tumayo na siya sa upuan niya kaya tumayo na rin ako.

"May pupuntahan ka pa ba?"

He nodded as his responsed.

"Where?"

"Basta. Haha."

"Saan nga?"

"Secret! I gotta go!" Nagulat ako nang tumakbo agad ito nang mabilis pero hindi ako nagdalawang-isip para habulin siya.

"Saglit! Hindi mo ako ihahatid pauwi sa bahay?"

"Hindi muna!"

Tumigil na ako sa pagtakbo at napasimangot. Pinapanood kung paanong mabilis siyang tumatakbo papalayo. Ano kayang pupuntahan ng Mokong na ito?

Out of my curiosity, kahit uwing-uwi na ang sarili ko ay naisipan kong sundan siya. Ayaw niyang sabihin kung saan siya pupunta, pwes ako na ang gagawa ng paraan para malaman iyon.

Saktong pagkarating ko ng parking area ay nagpipidal na ito ng bisikleta niya palabas dito. Mabilis kong isnuot ang helmet ko at agad siyang sinundan.

-

My forehead suddenly puckered when I saw him stopped right in flower shop. Tumigil ako sa isang puno at hinintay ang paglabas niya rito. Pagkalabas nito, ngumiti ito sa kung saan at inamoy ang mga bulaklak na hawak niya. Ayaw ko sanang mag-isip nang kung ano-ano, but I can't help myself for being like that. Over thinker is my second name.

Pupuntahan ba niya ulit ang puntod ni Angel? Gosh.

Nagsimula na ulit siya magpidal, so was I, too. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na sana hindi siya kay Angel pupunta.

I bitterly smiled as we entered in cemetary. This is what I expected to but it still hurts me a lot. Bakit ko pa kasi naisipang sundan pa siya kung madidismaya lang pala ako? Kaya pala, he doesn't want to tell me where he'll go, kasi alam niyang hindi ko gugustuhin malaman iyon.

Nagtago muli ako sa likod ng isang puno na malapit mula sa kanya. Nakita kong inilapag niya ang bulaklak sa puntod ni Angel. Kung mayroon mang isang babae ang nagseselos, ako iyon.

Alam kong dapat ay umuuwi na lang ako ngunit this time I want to hear eveything what he was saying, unlike last time when we go here, hindi ko pinansin ang mga sinabi niya no'n. Malay ko ba na baka iba 'yong sinabi niya noon kaysa sa ngayon. Medyo naiinis na ako dahil kahit anong lapit ko sa kanya ay hindi ko marinig ang boses niya.

Nakita ko siyang nagpupunas ng mga mata niya gamit ang panyo niya. Umiiyak ba siya? Agad akong napasandal sa puno nang napadako ang tingin niya sa direksyon ko. Bumilis ng tibok ng puso ko na dulot ng kaba.

"Anong ginagawa mo rito?" Rinig kong gulat niyang tanong sa tabihan ko. I take a long deep breath and face him.

"Hi."

"Ano ngang ginagawa mo rito?" Kunot-noo nitong tanong ulit.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan sa iyo? Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba last na iyon pagpunta mo noon?" He broke his promised, and I don't know how he will fix it.

"Sorry." Like what I expected.

"Mahal mo pa ba siya? Answer it honestly." Diresto kong tanong habang ramdam ko ang mga luha na namumuo na sa mga mata ko.

"Like what I've said earlier, ibinalik mo ako sa dating ako. Technically, ikaw na ang mahal ko at hindi na siya. Ikaw na ang nagpapasaya sa akin. Ikaw na ang tinitibok nito at hindi na siya," Itinuro niya ang bandang kaliwang dibdib niya. Iba ang pakiramdam ko sa sinagot niya, at hindi iyon kilig. Kung hindi, pagdududa. Ewan ko ba sa sarili ko. Ang gulo.

"Hoping that your answered is true. Sana hindi ka nagsisinungaling," I forced to smiled as I turned around and I started to walk. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay naramdam kong niyakap niya ako sa likod. Kusang kumawala na ang mga luha na pinipigalan kong pumatak kanina pa. Ang hina ko at ang OA ko.

"Nagseselos ka ba?"

"Oo."

"Sorry na," He forced me to turned around at him. Pinunasan niya ang mga luha na patuloy lang sa pag-agos mula sa mga mata ko. Napakaiyakin ko talaga kahit kailan.

"Pakiramdam ko kasi hindi ka pa nakaka-move on sa kanya. Iniisip ko na mahal mo pa rin siya," I paused as I sobbed. "Kinakain kasi ako ng pagiging over thinker ko. Sorry, ha."

"Shh.." He kissed my forehead passionately. "Pangako, hindi na ako babalik dito. Ikaw naman ang uunahin ko. Besides, wala ka namang dapat ika-selos kasi sa iyong-sa iyo lang ako. Pagmamay-ari mo ako. Mahal kita at mahal na mahal kita."

"Mahal din kita," He started to hug me tightly.