webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Teen
Not enough ratings
71 Chs

Chapter 51

Chapter 51: Why, Prince?

Sinabihan ko agad si Prince that I will help him by saturday, since our practice in role playing was canceled due of emergency of our choreo.

Nasa cafeteria ako ngayon with my friends, having our lunch. Kasalukuyan naming pinag-uusapan sina Jess and Rico nang malaman kong nagkakabutihan na pala ang dalawa. Sabi na nga ba, may magkakaroon din something sa kanila, eh.

"Answer this honestly, Jess. May pag-asa ba si Rico?" Malayang tanong ni Claire kay Jess, wala si Rico dahil may project pa raw itong tinatapos. Tapos na rin ang hell week namin dahil sa mga exam na dumaan. Thankfully, some of our subjects I got a high score.

"Ewan."

"Ewan means meron. Sige ka."

"Hindi ko naman alam," Depensa pa nito.

"Hindi mo naman alam means meron."

"Argh! Ang kulit mo!"

"We're just waiting the right answer, Jess. Meron at wala lang ang isasagot mo," Sabat ko.

"Look, nasa gitna lang ako."

"Ibig sabihin, may pag-asa nga si Rico!" Kinikilig na sabi ni Claire. Samantalang ang dalawang lalaki na kasama namin ay tahimik lang kumakain at nakikinig sa amin.

"Huh?"

"Sabi mo, you're in between na meron o wala. So basically, there's a chances na maging kayo. Baka next week ay magugulat na lang kami na kayo na."

"Luh? Baliw. Next week agad ang in-expect mo?"

"Yep! Malakas dumiskarte si Rico kaya hindi na ako magtataka kung mapapasagot ka niya agad," Ningitian ko siya nang nakakaloko.

"Huwag mo akong igaya sa iyo!"

Nawala ang ngiti ko at sinamaan siya nang tingin. "At least, alam kong nasa right person ako napunta, alam kong tatagal kami. And I guess Rico is a right person for you, too," Inakbayan ako ni Oliver, ngumiti ito sa akin at ningitian ko rin siya nang pabalik. Maging proud siya dahil ang girlfriend niya ipinagmamalaki siya sa mga kaibigan nito.

"Let's just wait what destiny will do."

"Alright."

-

Sabado na ngayon. Ibig sabihin, nandito na ako sa loob ng bahay ni Prince. Nagwalis na ako at nagpunas ng mga lamesa. Ngayon, nagsisimula na kaming mag-ayos ng mga gamit niya na nakatambak pa lang sa loob ng kahon. According to him, he has no time to arrange his stuff on his own, dahil madalas siyang busy sa school. Sadyang ngayon araw lang nagkaroon ng oras.

"Tao po," Lumabas si Prince at maya-maya pagkapasok nito, kasama na niya si Oliver. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat habang pinapanood ako sa ginagawa ko.

"Anong pinapagawa mo sa Girlfriend ko?" Maangas na tanong ni Oliver kay Prince. Hays, his short tempered coming out from him again.

"Relax, Oliver. Nag-request siya sa akin na tulungan ko raw siya sa paglilinis ng bahay niya kasi bibisita 'yong tatay niya ngayon araw," Sabat ko.

"Ahh."

"Dahil pumunta ka pa rito," I took the rag from the table and throw it to him. "Tumulong ka na rin."

"But—"

"No buts! Tumulong ka na lang!"

Ngumuso siyang tumingin sa akin ngunit pinanlakihan ko lang siya ng mga mata. No choice siyang tumungo sa bintana at nagsimula nang punasan ito. Samantalang si Prince ay pansin kong nagpipigil ng tawa.

"Basta kapag Girlfriend, comander," He chuckled.

"Well.."

-

We're in the middle of what we were doing when my stomach rang. Napatingin ako sa oras at nagulat akong 1:45 PM na pala. Hindi pa pala kami nakakapag-lunch. Agad akong tumigil sa ginagawa at humarap sa dalawang lalaki na ngayon ay busy sa pag-aassemble ng lamesa na binili ni Prince kahapon daw.

"Mag-la-lunch muna ako sa bahay. Kayo ba? Hindi muna kayo kakain?"

"I'm not hungry yet. Gusto ko nang matapos agad at umuwi na," Sagot ni Oliver.

"Okay lang, Jamilla. Kumain ka na."

"Magdadala na lang ako ng meryenda rito, after kong kumain. Bye," Nagsimula na akong maglakad palabas ng bahay.

Pagkatapos kong kumain ay gumawa agad ako ng tasty bread na cheese ang palaman sa loob. Nagtimpla rin ako ng mango juice at inilagay na agad iyon mga 'yon sa wooden tray.

Mabuti't hindi sarado ang pinto ng bahay ni Prince kung kaya't tahimik at madali akong nakapasok, but I sudden stopped when I heard what they talking to.

"Wala ka ba talagang balak sabihin sa kanya ang totoo? One time when we talked. He told me that he doesn't want a person who liying to her. Dude, umabot kayo ng isang buwan kaso hindi ka umaamin sa kanya, baka ano pang hantungan niyan," Pareho silang nakatalikod kaya hindi nila ramdam ang presence ko.

Confirmed, may itinatago nga si Oliver sa akin, nakakainis lang isipin na alam pala ni Prince iyon bagay na iyon, pero heto ako na girlfriend niya, wala. Hindi na ako magtataka kung 'yong ibang kaibigan ko ay alam na iyon.

"I know. Kaso, brad. How could I easily tell her everything? Natatakot ako na mgatampo siya o umiyak. After all, she's my girlfriend already, I guess she don't need to know it anymore," Nanginginig na ang mga braso ko kaya dahan-dahan kong ibinaba ang mga hawak ko sa small table na malapit sa akin. Iba ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

"Are you insane?! Kung ano 'yong bagay na ayaw niya 'yon pa ng gagawin mo?"

"Can you please limit your voice? Baka marinig ka niya," He paused until he spoke again. "Hindi sa ganoon. Kung aaminin ko ang lahat, masasaktan siya sigurado. Besides, damay ka na rin dito. Sabi ko naman sa iyo, itigil mo na 'yong ginagawa mo kasi handa na akong aminin lahat sa kanya iyon noon kaso ang tigas pa rin ng ulo mo. Ang kumplikado na tuloy aminin iyon ngayon," Napakunot ako nang noo nang sabihin iyon ni Oliver, naguguluhan ako sa sinabi niya. Paanong damay si Prince rito? Meron pa ba akong hindi alam?

"Pasensiya na, p're."

I've been holding myself to keep silent for a month. But now, I guess this is the perfect time that I've been waiting for. Ayaw ko nang palagpasin ang pagkakataon na ito.

"Bukod sa alam ko na ikaw si Rence, Oliver. Mayroon pa ba akong hindi alam?"

They immediately turned around at my direction. They having a same expression but I just smiled, a fake smiled.

"Confess," Malamig kong sabi.

"Jamilla," Oliver's whispered.

"I said confess. I wanna hear everything that I didn't know yet."

"Hindi ko kayang mag-explain."

"Punyeta, Oliver. Oo, inaaamin ko, matagal ko nang alam ang pagiging secret admirer mo sa akin but I prefer to keep it as my secret because I want you to directly admit face to me everything."

"Paano?"

"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman, ang mahalaga, kung mayroon ka pang kasinungalingan na ayaw sabihin? Confess."

Hindi siya makapagsalita, 20 seconds of silence until Prince spoke. "Ako si Rence," Agad akong napakunot ng noo dahil sa hindi ko maintindihan na sagot niya.

"Huh? All this time, alam kong si Oliver si Rence," Okay sana sa akin kung 'yong mga nalaman ko lang ang aaminin ni Oliver pero ano pa 'tong mga sinasabi niya pa? Mas lalo akong naguguluhan. "Ang gulo niyo!"

Agad akong naglakad papalayo, but Oliver held my arm, so it made me to stop. "Ito na, sasabihin ko na."

Naghintay pa ako sa sunod niyang sasabihin. "Prince and I were using Rence as your secret admirer. Ipinahiram ko sa kanya 'yong isa ko pang phone para magpanggap, siya 'yong kausap mo palagi at bumabati sa iyo araw-araw," Napadako ang tingin ko sa direksyon ni Prince ngunit yumuko lang ito.

"Tanda mo 'yong unang araw na nakausap mo si Rence over the phone, ngunit kasama mo lang ako? It was Prince. 'Yong mga pagkain na bumubungad sa iyo sa school ay mismong galing 'yong sa akin pero inuutusan ko siya para maglagay no'n doon para hindi mo mahalata. 'Yong nagbigay sa iyo ng advice about sa tatay mo, siya rin iyon," He took a long big deep breath before he spoke. "I admit na binabayaran ko si Prince para magpanggap na siya si Rence and at the same time, bantayan ka."

"Huh? F-For what reason?"

"Kasi gusto kita, kaso natorpe ako kaya ginawa ko 'yon. I thought it would be a perfect way para mapalapit pa sa iyo lalo, but I was wrong. Sinabi ko kay Prince na itigil na 'yong ginagawa niya dahil may balak na akong aminin iyon sa iyo ngunit hindi ko alam na itinutuloy pa rin pala niya kaya napilitan akong kunin 'yong phone mula sa kanya no'ng naging tayo na. Jamilla, sorry. Nagsinungaling ako sa iyo."

"Totoo ba iyon, Prince?"

He nodded. "Sorry."

I smiled bitterly. "Okay lang." 

"Jamilla, please. Sorry," Tatalikod na sana ulit ako ngunit hinigpitan niya ang hawak niya sa akin.

"Hindi ako galit, kailangan ko lang magpag-isa. Ang gulo kasi ng ginawa niyo sa akin. Hindi ko maintindihan." Napailing-iling ako at agad pa rin tumakbo palabas ng bahay.

Sabi ko sa sarili, if this moment will arrive, matapang dapat ako para malaman iyon kaso hindi ko alam na pati si Prince ay damay rin dito. Hindi ko lang talaga ine-expect. Boyfriend ko si Oliver, may tiwala ako sa kanya. Kung itinigil ni Prince ito noong una pa lang, hindi na sana magiging kumplikado pa sa isipan ko ito.

Ngayon, napunan na 'yong mga tanong na bumabagabag sa isipan ko noon. Masaya ako na inamin na niya ang lahat but there's still a part on me that get dissapointed, dahil kay Prince.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay ko nang may maramdam akong may tumigil na kotse sa tapat ng bahay ni Prince. Isasawalang-bahala ko lang sana ito but I heard there's a lady calling Oliver's name. Tumingin ako sa kanila.

"Oliver?" Hindi ko alam na sinundan pala ako ni Oliver. Tumigil siya at tumingin sa babae. Bumaba ang kasama nito na lalaki na wari ko'y asawa niya.

"Mama?"