webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
71 Chs

Chapter 2

Chapter 2: Bookmark

Nakapila na kami ng mga kaibigan ko sa labas ng venue para pumasok na sa loob, and what I expected, sobrang haba ng pila.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina sa McDo. Sa dami ng tao rito ay bakit siya pa ang nakasabay kong kumain? Plus, natarayan ko pa siya. And now, I was thinking about the problem that I will encounter later. Iniisip ko nga na huwag na lang tumuloy, eh.

"Bes? Are you okay?" Claire asked me with concern tone, napansin yata niya na wala ako sa sarili. Simula kasi nang malaman kong si Oliver 'yong nabangayan ko, hindi na ako kumikibo at hindi mapakali.

"Yeah, I'm okay." Ngumiti pa ako nang pilit para makunsinti sila.

"Namumutla ka kasi, is there any problem?" nag-aalalang tanong naman sa akin ni Jess. Gano'n ba ka-obvious na kinakabahan ako na ma-meet ulit si Oliver?

"Guys, you don't have to worry about. Okay lang ako, 'no," sagot ko, but Claire ignored it and instead she putted her hand at the top of my forehead. "Hindi ka naman mainit, ano kaya problema sa 'yo? Kinakabahan ka ba?" She paused until she spoke again. "Kinakabahan ka bang makita si Oliver?" I sighed.

"Hindi, 'no! Excited na nga akong makita siya, eh."

"Sure ka talaga na okay ka lang? P'wede naman natin i-cancel na lang ito at umuwi na para makapagpahinga ka," tugon naman ni Jess.

"Luh? Ano ka ba? Nandito na nga tayo. We've been waiting for this day, tapos aatras tayo para lang sa akin?" I paused. "Painom na lang ng tubig," request ko.

Claire instantly gave her bottled water and I drank it. Mabuti't medyo nawala na 'yong kaba ko dahil sa pagpapakalma nila sa akin, pero hindi ibig sabihin no'n nabura na rin sa isipan ko 'yong kahihiyang nagawa ko kay Oliver.

-

Habang papalapit na kami sa entrance ng venue ay unti-unting muling bumabalik 'yong bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Gosh. I can't imagine what reaction he will be if he'll saw me later.

I bit my lips when I sudden remembered what I did after kong matuhan nang malaman kong siya si Oliver kanina, walang pasabing tumakbo agad ako nang mabilis at tinakasan siya. I can't blame myself to did that, nagulat ako sa mabilis na pangyayari and at the same time, nahiya ako. After ko siyang taray-tarayan at sigaw-sigawan, malalaman kong siya pala 'yong iniidolo ko. What embarassing things I have done to him? Sising-sisi na ako ngayon. Kung sinubukan ko lang kontrolin 'yong sarili ko kanina, hindi dapat ako magiging ganito ngayon. Ang pangit ng first impression niya sa akin.

Dahil sa nangyari, my mind can't stop think negativity; baka mamaya ipahiya niya ako sa mga readers niya, baka mamaya doon sa mismong book signing siya gumanti sa akin. Hays. Bahala na si Lord. Bahala na si Batman. Kung anong itinapang kong sigawan siya, ganoon naman ang takot ko para makita siya.

"Oh my gosh," mahina kong bulong sa sarili. Paulit-ulit akong humuhugot ng malalim na hininga. Turn na namin para pumasok sa loob.

I looked at my phone to find out what time it is: 11:09 AM na, maaga pa lang naman kaya may oras pa ako para pagdesisyonan kung tutuloy pa ba ako o huwag na.

"Ha? Seriously? Capacity of 150 na katao lang ang maaring nakapasok sa loob?!" gulat na tanong ni Claire kaya natigilan ako sa paghugot ng hininga at agad pinakinggan kung anong pinag-uusapan nila ng staff.

"Yes po, hindi niyo po ba nabasa sa facebook page ng ***** **** publisher na hanggang 150 na katao lang ang maaaring makapasok ngayon? Dahil daw po meron pa pong mahalagang pupuntahan 'yong author."

"We wasn't informed yet. Then ngayon ay nasa 148 na ang nasa loob?"

Muling nabuhayan ang dugo ko nang sabihin ni Claire iyon. Good thing, kung 148 na 'yong nasa loob, that means, dalawa na lang ang maaring makapasok. Tatlo kaming magkakaibigan at may maiiwan na isa sa amin. Agad natuyo ang butil ng pawis ko at nalamigan na dahil sa nalaman. Another excuse para hindi na ako tumuloy sa loob.

"Opo, 148 na po 'yong nasa loob kaya dalawa na lang po ang maaaring makapasok," sagot no'ng staff. Hindi ko napigilan ang sarili para ngumiti at makahinga nang maluwag.

"Bawal ba talaga maging 151 na lang? Isa lang naman ang madadagdag, 'di ba? Please," Claire pleaded. Napahalukipkip ako sa tanong niyang iyon. Palihim akong nagdadasal na sana ay hindi puwede.

"Bawal po talaga, ma'am, eh."

Dismayadong lumingon sa amin si Claire. "Pa'no ba 'yan? Kailangan may maiwan sa atin na isa."

"Ako na lang," agad kong pagboboluntaryo. Hindi ko papalagpasin ito para maging palusot. Hindi ako handa para harapin si Oliver ngayon.

"Are you sure? Avid fan ka kaya ni Oliver tapos ikaw pa itong magpepresetang magpapaiwan?" tanong ni Jess.

"Pero kayo ang mas naunang reader niya. So that, you guys more deserving to meet him than me," palusot kong sagot.

"But we're not too exaggerated like you as his reader. Ikaw nga, halos araw-araw siya ang bukang-bibig mo. Wala na tayong pinagkuwentuhan, kundi ang background ni Oliver at ang istorya niya. Besides, minemessage mo pa nga siya," giit ni Claire.

Hindi ko siya kokontrahin doon dahil totoo naman iyon, araw-araw nag-sesend ako ng mensahe kay Oliver para ma-notice manlang ako. Ang sarap kaya sa pakiramdam kapag tumugon 'yong favorite author mo sa simple message mong 'hi'. But sadly, kahit seen hindi napapansin ni Oliver iyon.

"Basta, dito muna ako," pagpupumilit ko.

"Sigurado ka ba talaga? Sayang itong pagkakataon na isang linggo mong hinintay. Puwede naman na ako na lang ang hindi pumasok," sabi ni Jess.

"Ayos nga lang! Kayo na lang ang bahalang papirmahan itong book copy ko." Ibinigay ko sa kanila 'yong libro.

"Hays, sige na nga! Ang hirap mo talagang pilitin," sabi ni Claire. Ningitian ko na lang siya habang naglalakad na sila papasok sa loob.

"Bye!" paalaman ko. "Bye rin, Maria," paalam ko rin doon sa staff.

"Paano niyo po nalaman 'yong name ko?"

Ngumisi ako. "That's my talent," I answered as I started to walk away.

"Astig!" rinig kong mangha niya pang sambit. Bahagya akong napatawa sa sarili dahil sa simpleng kalokohan ko. She doesn't even aware that she wearing her name plate? Duh.

Finally, back to normal ang pagtibok ng puso ko, wala na 'yong kaba na halos pinahihirapan ako kanina, at hindi na rin ako nag-oover think.

I made it! Natakasan ko 'yong problema ko. I should have now to enjoy alone this moment and celebrate it through buying my favorite foods. However, may part pa rin sa akin na naiinis ako. Hindi dahil sa sarili ko, kundi dahil sa kapalaran. One week kong hinihintay iyon, 'yong tipong hindi ako makatulog tuwing gabi dahil sa excitement ko na ma-meet siya. Dahil lang sa pagkikita naming dalawa kanina, tila gumuho 'yong bagay na dapat ikinasasaya ko ngayong araw. Wala eh, ako pa tuloy 'yong mukhang may atraso dahil sa pagtakas ko sa kanya.

-

Kasalukuyan akong nandito sa sea side at nilalantakan 'tong paborito kong cookies and cream ice cream na binili ko kanina. Dito ko na lang sa sea side aaksayahin ang oras ko para hintayin ang mga kaibigan ko. Nabili ko na rin naman 'yong mga damit na nakita ko kanina pero 'yong school supplies ay hindi muna dahil kasama ko dapat 'yong mga kaibigan ko pamimili.

Hawak ko ang phone ko at hinihibang ang sarili sa paglalaro ng online games. Para sa ganoon ay hindi ako mabagot. Ngunit napatigil ako dahil may nag-pop up na chat head. Naasar ako but eventually, agad ko rin binuksan iyon when I recognize that it was my friend from Laguna, named Aivin. Sa Laguna kasi lumaki kaya may mga close friends din ako naiwan doon, kasama na rin doon si Rico. Lumuwas lang naman kami ng Manila because of my family problem.

Aivin:

Hi Jamilla, kumusta na kayo d'yan?

Jamilla:

Ayos naman. Napa-message ka?

Aivin:

Bihira kasi kitang makitang online kaya naisipan kong i-chat ka na ngayon. Bawal bang kumustahin ang kaibigan ko?

Jamilla:

Hindi naman. Haha.

Aivin:

Change the topic. Bakit hindi kayo nagbakasyon dito sa Laguna?

Every year kasi ay lagi kami magbabakasiyon nina Mama at kuya sa Laguna para bisitahin 'yong mga kamag-anak namin doon, pati na rin 'yong bahay namin.

Jamilla:

Actually, magbabakasyon sana kami d'yan sa Laguna but unfortunately biglang nagkaroon ng problema sa kompanya na pinagtatrabahuan ni Mama and it affect our finacial, so we don't have enough budget to vacay there. Sorry, ha? Miss mo ako, ano? Huwag kang mag-alala makikita mo rin ako

Aivin:

M

iss na miss. One year ba naman hindi kita nakita, eh.

Ganyan palaging ka-sweet sa akin si Aivin. He's naturally caring and concern about me, most especially kapag nasa Laguna ako. Sobra akong nagpapasalamat na meron akong boy bestfriend na ituring akong prinsesa. Madalas na rin kaming lagyan ng issue ng mga tao, pero hindi na nami pinagkakaabalahan na pansinin sila. People nowadays, porket magkasama ang magkaibigan na babae at lalaki ay binibigyan nila ng malisya. Bestfriend lang naman ang turing namin sa isa't isa.

-

Napahaba na ang pag-uusap namin ni Aivin. I guess umabot din ng one hour kaming nag-usap. Naputol lang nang may gagawin na raw siya.

"Bes!" Agad akong lumingon sa taong tumawag sa akin, si Claire. Ang lawak ng ngiti nito na tila abot na sa tainga niya. "Ang gwapo ni Oliver!" kinikilig niya pang dagdag.

"Halata naman sa hitsura mo na guwapong-guwapo ka sa kanya," I chuckled.

"Then, magugulat ka sasabihin ko. He was looking for you," saad ni Jess. Nanigas ako sa kinauupuan ko dulot ng gulat. Ramdam kong namula ang mga pisngi ko.

"Totoo?"

"Siyempre naman, hindi. Umasa ka naman talaga na hinahanap ka niya," Matawa-tawang sambit niya pa. Gosh. Nakahinga ako nang maluwag. Kinabahan ako doon.

"Jamilla, here's your book," Inabot sa akin ni Claire 'yong libro ko. Pagkaabot niya no'n ay agad kong tiningnan ang front page nito para makita kung paano siya purmirma. Infairness, maganda naman pero mas napukaw ang atensyon ko sa nakasulat dito. Lumaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig.

Where are you? I miss you,

Jamilla ♡

"Claire? Jess? Anong isinulat ni Oliver sa front page ng book niyo?" tanong ko sa kanila. Impossible naman na ilagay rin ni Oliver sa kanila 'yong katulad no'n akin.

"'I love you, Jess' tapos may small heart."

"Akin din, 'I love you, Claire'. Oo nga pala, sinabi namin kay Oliver 'yong name mo para may papangalan ka rin. Haha."

Sandali akong natigilan. Nagsisimula nang mag-isip ng kung ano-ano ang utak ko. May mga tanong na tumatakbo na hindi ko alam kung nasaan ang mga sagot. Paano niya nalaman na kaibigan ko silang dalawa? Claire has told me that she requested to Oliver to write my name. But in this case, bakit ganoon 'yong iniligay niya? This is not coincidence after all. Puwede pa siguro na ganoon ang isipin ko kaso may 'I miss you' siyang iniligay, eh. Basically, halatang nagkita talaga kami.

Napa-face palm ako dahil sa gumugulo sa utak ko. Gosh. Akala ko natakasan ko na siya kanina kaso may kutob akong may hindi magandang mangyayari.

"Problema mo?" Napatingin ako kay Claire.

"Ha? Wala," sagot ko at iniligay sa bag 'yong libro.

"Ano bang iniligay ni Oliver sa 'yo?" usisa ni Jess.

"Gan'on din. Hihi," pagsisinungaling ko.

"Tara na, mamili na tayo ng school supplies," pagyaya na ni Claire.

Nagsimula na kaming maglakad papuntang bookstore, pero 'yong utak ko ay lumilipad pa rin sa kung paano nalaman ni Oliver na kasamahan ko 'tong mga kaibigan ko. Kahit anong isip ko, hindi ko pa rin mahanap 'yong butas.

Magpapasukan na kasi bukas, so we badly buy some stuff. Ngayon lang kasi namin naisipan mamili, which is late na rin. Pinili na lang din namin ngayon araw para kasabay ng booksigning.

-

Inihatid na rin nila ako sa bahay namin pagkatapos namin mamili ng school supplies. I guess, exact 4 pm na ako nakauwi.

"Oh, anak. Nandito ka na pala. Tamang-tama nagpahanda ako ng fries sa kuya mo. C'mmon let's eat," salubong sa akin ni Mama.

"Wait, Ma, magpapalit lang po muna ako ng damit. Pakilagay na rin po nito sa freezer," Iniabot ko sa kanya 'yong ice cream ni Kuya. Medyo naiinis pa ako dahil kamuntikan pang magkulang 'yong pera ko dahil sa lintik na ice cream na iyon.

-

"Hoy, baby girl," sigaw sa akin ng kumag kong kuya habang nasa likod ko. Pababa na kami ng hagdan. 16 na ako but he's still calling me baby girl, which so irritated. Ayaw ko nang tawagin niya ako ng ganoon pero wala akong magagawa, hindi ko siya mapipigilan.

Tumigil ako at lumingon sa kanya. "Oh?"

"Ang taray naman. Ice cream ko?" seryoso niyang tanong sa akin.

"Ay! May patago?"

"Bahala ka, 'di ko ibibigay sa 'yo 'to." Nakita kong meron siyang kinuha mula sa likuran niya na ikinadahilan ng pagkagulat ko. Meron siyang hawak na dalawang latest published wattpad books.

"Akin 'yan?!" hindi makapaniwala kong tanong.

"Sana, kaso hindi mo naman akong binilhan ng ice cream, so I decided na ibigay na lang sa mga kaibigan mo."

"Hep. Sinong may sabi? Nasa ref, kunin mo na lang. Akin na 'yan!" Hindi niya pa inaaabot sa akin 'yong libro ay agad ko na itong kinuha mula sa mga kamay niya. Bastos na kung bastos kaso natutuwa lang talaga ako. Ningitian niya lang ako kaya ngpasalamat ako sa kanya.

Bihira niya lang ako ibinibili ng mga libro, kasi working student din naman siya at mas priority niya ang pag-aaral. Kaya masuwerte na lang ako kapag may ibinibigay siyang libro sa akin.

-

After kong kumain, dumaretso na ako sa CR ng kwarto ko para magshower manlang. Malagkit na rin kasi 'yong balat ko. After kong maligo, nag-ayos muna ako ng gamit ko para sa school bago magbasa ulit. Just like what I've said, pasukan na bukas kaya kinailangan ko nang mag-ayos ng mga gamit ko sa school.

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ay inilagay ko na 'yong dalawang libro na ibinigay sa akin ni kuya sa bookselves at kinuha ko na rin 'yong book ni Oliver para magbasa ulit.

Bubuklatin ko na sana 'yong libro ngunit aksidente kong nailaglag 'yong bookmark nito sa sahig. Kukuhanin ko na sana ito but I suddenly feel confused when I saw a numbers written at the back from the bookmark.

"Ano 'to?" Sinubukan kong intindihin 'yong nakalagay ngunit hindi ko magawa. Anong kalokohan ito? Anong gimik ito? Anong ibig sabihin nito?

      142334, Tigre ♡

~Oliver