Chapter 3: Smile
Monday na ngayon at ang ibig sabihin no'n ay first day of school na. Nakakatuwa lang isipin na ang aga kong gumising ngayon pero late pa rin akong nakarating ng school. Nice one, Jamilla.
Naghahanap na lang ako ngayon na puwedeng maparadahan ng bike. Bike lang naman kasi ang ginagamit ko tuwing pasukan. Nang makahanap na ako, agad kong ini-stand na iyon. I opened my bag to get out of my mirror, kailangan ko kasing siguraduhing presentable ang hitsura ko before akong pumasok sa loob ng school. Napasimangot na lamang ako nang hindi ko iyon mahanap. Gosh. Unti-unti na ako pinagpapawisan. Asa'n na ba kasi 'yong salamin ko? Ma-la-late ako nito, eh.
Wala akong choice kaya dismayado akong pumunta sa isang kotse na malapit sa akin para gawing salamin iyon. Tinted ang binta kaya naisipan kong doon na lang kaysa sa side mirror.
Maya-maya habang naglalagay ako ng pulbo sa mukha, napapitlag ako nang unti-unting bumukas sa akin 'yong bintana. I didn't expecting this, dahil sa pagmamadali ko, hindi ko manlang sinigurado kung may tao sa loob. Hindi ko ma-imagine kung anong reaction ng taong nasa loob habang pinapanood ako sa ginagawa ko.
That's not the only reason why I get shocked, dahil mas lalo akong nagulat kung sino 'yong taong nakikita ko ngayon... It was Oliver.
I blinked my eyes to confirm if I just hallucinated, pero totoong siya nga iyon. Natigilan ako at napako na tuluyan ang mga mata ko sa kanya, ganoon din siya sa akin. Hindi ako makagalaw dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.
"Hey! Good morning," pagpapa-cute niyang bati sa akin sabay paulit-ulit na itinaas ang mga kilay niya at ngising nang-iinis. Natauhan ako at agad siyang sinamaan ng tingin. Ayaw kong mag-assume na naman siya na pinagnanasahan ko siya.
Nagsimula nang mag-over think ang utak ko. Ang daming tanong ang bumabalot dito tulad ng bakit na'ndito siya? Out of 7.6 Billion peoples all over the world, bakit siya pa 'yong nasa loob? Did I do something bad that's why the world punish me for this kind of freaking coincidential?
Kusang bumalik sa isipan ko 'yong kahihiyan na nangyari kahapon. Akala ko ay makakatakas na ako but I was wrong, nandito na siya sa harapan ko at papakuluin na naman yata ang dugo ko. Sabi na nga, ang lakas ng kutob kong may hindi magandang mangyayari.
I was about to ran away from him but I sudden stop when I heard him calling my name. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Ramdam kong lumabas na siya mula sa kotse niya dahil sa tunog ng pinto nito.
"Ayan ka na naman! Wala ka na bang ibang gagawin kundi, takasan ako?"
"Eh?" What should I supposed to response to him? Hanggang ngayon ay speechless pa rin ako sa mga nangyayari. Nanatili lang akong nakatalikod sa kanya at mariing kinakagat ang ibaba ng labi ko. Naalala ko kung gaano ako kabastos sa kanya kahapon.
"You have nothing to say?" tanong niya pa sa akin.
"M-Malalate na ako. S-sige na, aalis na ako!" Nagsimula na akong tumakbo pero natigilan ulit ako when he held my arm and forced me to turned around at him, closer to him. Bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa nagmamakaawa niyang mga mata na tila nanghihikayat na huwag ko siyang iwan. Gosh.
Ngumisi ito. "Samantalang noon, tadtad ang message mo sa akin para ma-replyan kita pero ngayon na nandito na ako sa harapan mo, parang wala ka nang pake sa akin. Hindi ka ba masaya kasi napansin ka na ng idol mo?" Padabog kong binawi ang braso ko at humakbang paatras sa kanya. Uminit ang pisngi ko dahil sa hiya pero tinaasan ko siya ng kaliwang kilay.
Ningitian ko siya nang nakakaloko. "Ang yabang mo talaga, 'no? Siguro kung hindi basura ang ugali mo, magiging masaya pa ako pero ubod ka kasi ng yabang. Kaya hindi ka karapat-dapat para i-idolize."
"Ouch." Nagkunwari pa siyang nasaktan. "Hays, kaya nga ako nandito para mag-sorry sa iyo."
"Sorry? Hindi natutumbasan ng sorry ang panglalait sa isang kapwa. Pagkatapos mo akong sabihan ng hindi maganda at manyak, sorry lang?"
"Imatured. Ang babaw mo. Wala akong sinasabing hindi ka maganda, sabi ko ay hindi ka kagandahan. See the difference?"
"Sino kaya ang mas mababaw sa atin dalawa? Ikaw itong pumunta rito para lang humingi ng tawad dahil lang doon. Ewan ko sa iyo!" Nagsimula na akong tumakbo pero heto na naman siya, kumapit na naman sa braso ko.
"Sandali lang, Jamilla." Huminga ako nang malalim bago kusang humarap sa kanya.
"How did you know my name?" kunot-noo kong tanong. Alam kong may idea na ako but I want to confirm it by his words.
"Uhmm... Sinabi ng mga kaibigan mo sa akin kahapon?" patanong
niyang sagot sa akin, binitawan niya na ang braso ko at sumandal sa gilid ng kotse.
Tama nga ang hinala ko.
"So, paano mo nalaman na ako 'yong kaibigan nila?"
"That's not important. Patawarin mo na kasi ako, 'yon lang ay okay na sa akin." Umirap ako sa kanya at nagsimula na muling maglakad. Wala akong mapapala kapag inaksaya ko pa ang oras ko sa pakikipag-usap sa Mokong na iyon. Narinig ko pang humugot siya ng malalim na hiniga at hindi na ako pinigilan pa.
Sa totoo lang, para sa akin maliit na bagay lang 'yong pagsasabi niya sa akin ng 'hindi kagandahan'. That's not big deal after all. Pero hindi ko lubos maisip na pinuntahan niya pa ako sa school namin at pipilitin akong patawarin siya para lang sa bagay na iyon? Hindi ko lang inaakala. Masuwerte na ba ako dahil doon?
-
Tumakbo lang ako nang tumakbo dahil kaunting minuto na lang ay ma-la-late na talaga ako, pero umupo muna ako sa isang bench para uminom muna ng tubig.
"Boo!" Kamuntikan ko nang mailaglag 'yong tumbler ko dahil sa gulat.
"Punyeta naman! Ano ba iyon, Aiv-Aivin?" gulat kong tanong. "Kailan ka pa nandito?" Tila 'yong inis ko ay napalitan ng galak at tuwa. 'Yong ngiti ko ngayon ay abot na siguro hanggang tainga, kasi ba na naman 'yong bestfriend ko na mahigit isang taon kong nang hindi nakikita ay nandirito na. Siguro'y OA akong tingnan pero kasi bihira na lang ang mga gan'tong tao, hindi niya pa rin ako nakakalimutan.
"Last week pa," aniya.
"Talagang suprise ka nagpakita sa akin, 'no? Hindi manlang ako informed."
"Ganoon talaga, na-miss nga kita, eh. Ako ba, miss mo?"
"You don't have to ask me about that dahil smile ko pa lang ay alam mo na kung ano ang sagot ko para sa tanong na 'yan," matawa-tawa kong sagot. "So, anyways, naka-uniform ka ng katulad ng uniform namin. That means, dito ka na mag-aaral?"
"Hindi. Costume ko lang ito," pilosopo niyang sagot. I beaten his arm wittingly.
"Bakit dito ka mag-aaral?" tanong ko.
"Wala lang. Trip ko lang. Bawal ba?"
"Naku, ubod ka pa rin ng pagkapilosopo," sambit ko.
"Biro lang. By the way, 'nong section mo?"
Actually, ka-edaran ko rin siya kaya magkapareho kaming Grade 9, pero 'pag titingnan siya, mukha na siyang Senior High student.
"Diamond." Sana doon din siya. Si Claire at Jess kasi ay magkaklase, tanging ako lang talaga ang napahiwalay. Bwiset.
"Sayang, gold ako, eh," sagot niya sabay kamot sa sintido. Napasimangot ako dulot ng pagkadismaya. Kaklase niya pa 'yong mga kaibigan ko. Hell, ako lang talaga ang napahiwalay. "Okay lang 'yon, Jamilla. Every break time naman, magkikita pa rin tayo. 'Wag nang sisimangot, papangit," sabi niya sabay gulo sa buhok ko.
"Sabagay," saad ko. "I'm sorry Aivin but I really have to go now. Ma-la-late na ako, first day of school pa naman. Bye!" paalam ko sa kanya at tumayo na. Hindi ko na hinintay kung ano pang sasabihin niya dahil nagsimula na akong maglakad. Alam ko naman kung saan ang room ko kaya madali lang para sa akin mahanap agad iyon kaso ang problema nga lang, medyo mahaba-haba ng lakarin.
"Sige, kita tayo mamayang breaktime sa cafeteria!" rinig kong sigaw niya.
-
Pagkapasok ko sa room namin, agad akong napatigil sa gilid ng pinto dahil sa unang bungad na nakikita ko. Gulat akong tinitigan siya. I bit my lower lip. Kapapasok ko pa lang, sasalubong agad sa akin itong Mokong na ito. Nakapikit ang mga mata nito at nakikinig ng music gamit ang ear phone niya.
Anong ginagawa niya rito? 'Wag niyang sasabihin na magiging kaklase ko siya? Akala ko ba, pumunta lang siya rito sa school para humingi ng tawad, eh bakit nandito siya sa room namin?
I turned back to our main door and take a look if I didn't enter a wrong room. Napabagsak ako ng balikat dahil sa disamaya. It was really Grade 9-Diamond, ibig sabihin, dito talaga ang room ko at totoong magiging kaklase ko si Oliver. Gosh. Iniisip ko pa lang, delubiyo na.
Halos lahat ng estudyante ay nandirito na kaya halos lahat din ng upuan ay may nakaupo na. Naghanap-hanap pa ako ng vacant seat, umaasa na meron pa. Lalo akong nanglumo dahil tanging katabing upuan lang ni Oliver ang walang nakaupo. How unlucky I am for this day was?
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya at sandaling nagtama ang mga paningin namin. Tinanggal niya 'yong bag na nasa tabing upuan niya at ito'y itinuro sa akin. Sarkastiko ko siyang ningitian at agad rin iniripan. Wala akong balak tumabi sa isang Mokong na mayabang.
"Oh, Ms. Aravello? Bakit ayaw mo pang umupo? Is there any problem inside our room?" Napapitlag ako nang marinig kong nagsalita ang adviser namin sa tabi ko. And'yan na pala siya, ibig sabihin ay oras na niya.
"Wala po, Ma'am. Sige po, papasok na po ako." Pumasok na ako at ramdam kong sumunod naman siya sa akin. Agad umayos ng mauupuan ang mg kaklase ko, samatalang ako, I just stand alone here and continuing finding and hoping that's there's still a vacant seat. Napakuyom ako ng kamao at napakagat ng labi dahil wala talaga, miski isa.
"Ms. Aravello? There's still vacant chair over here. You may seat here besides of Mr. Lee," utos sa akin ni Ma'am. Natuliro at todo sa pag-iling. Uupo ako kahit saan, basta't huwag lang d'yan.
"N-No, Ma'am," pagtanggi ko. Ramdam kong nakatitig lang sa akin si Oliver at pinapanood naman ako ng mga kaklase ko.
"Jamilla, you consuming my time. Uupo ka sa tabi ni Mr. Lee o uupo ka sa labas ng room? What whould you do?" Agad akong tumabi kay Mokong dulot ng takot at pagkabahala. Minsan lang maging ganyan si Ma'am, kapag sinabi niya talaga ay gagawin niya talaga.
"Ayaw pa kasing tumabi. Ubod ng arte, 'di naman kagandahan," bulong sa akin ng katabi ko. Kumunot ang noo ko. "Mabuti ngang pinagreserba pa kita ng upuaan. Hindi ka manlang mag-te-thank you sa akin?"
"Akala ko ba, nag-sorry ka na sa akin kanina? Eh, bakit ganyan ka pa rin makapanglait?"
"Pero you didn't accept my apology, kaya ipagpapatuloy ko na lang ang pagtitrip sa iyo."
"Talagang hindi mo ako titigilan, ano? Napakatarantado mo!" bulalas ko. "At anong sabi mo kanina? Hindi manlang ako magpapasalamat sa iyo? Well, hindi talaga dahil buwiset na napatabi ako a iyo."
"Sus, samantalang noon, idol na idol ako. Todo sa pag-react at pag-comment kapag may bagong post ako sa FB pero ngayon, katabi mo na ako, nilalayuan mo pa," ngisi niyang sabi. Napasampal ako ng mukha at sinusubukan kontrolin ang sarili. Ayun na yata ang pagkakamaling nagawa ko sa buong buhay ko.
"Huwag mong isumbat sa akin iyan!"
"Shh.. Manahimik ka na. They are all watching us." Natigilan ako sa sinabi niya.
Dahan-dahan kong inikot ang paningin ko. Nanigas ako sa kinauupuan ko dahil lahat ng mga kaklase ko ay pinapanood kami ni Oliver magtalo at bahagyang nagpipigil ng tawa. Agad akong lumingon kay Ma'am Melina. Umiiling-iling ito at bakas sa mga mata niya ang inis. Gosh, anong gagawin ko?
"Jamilla at Oliver. Do you have something want to share with us?" Mahinahon lang na pagkakasabi ni ma'am no'n pero halata sa boses niyang nagpipigil siya ng inis. Yumuko ako.
"Sorry po, Ma'am," sabi ko pero 'yong katabi ko, deretso lang ang tingin sa labas ng bintana, akala mo'y walang pake.
"May probelama ba kayong dalawa?" tanong niya pa. Mariin akong umiling bilang sagot. "You know what? 'Yong nga lolo't lola ko d'yan nagsimula."
Kumunot agad ang noo ko. Nagsimula nang umingay ang mga klase ko. Tumili sila nang nang-aasar. Uminit ang pisngi ko at awkward na humarap kay ma'am. If I am going to compare those my first day of school, this is the most horrible. Nakakahiya.
"Jamilla, can you please stand up and go here infront? You'll be the first one who will start to introduce yourself. Ang sasabihin mo lang ay name, birthday, age, your motto in life and kung gusto mo naman ay sabihin mo na rin ang ideal guy mo. Para naman mas makilala ka pa ni Mr. Lee. Right, Oliver?" Ngumisi lang si Oliver bilang sagot. Nagsimula na muling tumili ang mga kaklase ko. Pambihira. Bakit kailangan nila kaming bigyan ng issue? Hindi na ako nag-apila pa at pumunta na agad sa mini stage namin. Nanghihina ang binti kong humarap sa kanila dahil sa kahihiyan na nangyari kanina.
Magsisimula na sana ako kaso bigla akong may naalala kaya sinubukan kong magpigil ng ngiti. Kahit naman na puro pagtatalo lang kami ni Oliver, hindi ko pa rin maiwasan mapangiti sa mga nangyayari ngayon. He's one of my favorite author after all. Hindi ko lang sukat maisip na inaasar ako ng mga kaklase ko sa favorite author ko. Hays.
"Ba't ka natawa? Kinikilig ka ba?" tanong ni Ma'am.
"Nothing, ma'am. Hindi po. I'll start na po," pagtanggi ko. "Hi, My name is Jamilla Mae Aravello, 16-year-old. My birthday was October 2. And my motto for life is 'Never trust someone if you really don't want—" Naputol ang pag-i-introduce ko nang dumako ang aking paningin sa mukha ni Oliver. Nakatitig ito sa akin at nakangiti habang nakikinig sa mga sinasabi ko. Kumabog ang dibdib ko nang hindi ko malaman kung bakit. Basta, ang alam ko, ang guwapo niya.