webnovel

CHAPTER 5

Tangerine's POV

"GOOD MORNING ANAK!!!" hiyaw ni mama sa loob ng kwarto ko.

"Hmm...mama inaantok pa ako." Reklamo ko naman tsaka nagtalukbong ng kumot.

"Happy Valentine's Day anak!" Hiyaw niya muli yung tipong mabubulabog pati kapitbahay namin sa lakas ng boses nito.

Agad akong napabalikwas sa kama ng magsink in sa utak ko ang sinabi ni mama.

"Valentine's Day?" Pag ulit ko sa sinabi ni mama. Shocks! Ngayon na pala yun? Crap!

Agad kong dinampot ang salamin ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa tsaka ko kinuha ang phone ko at nagbukas ng messenger.

"I'm on my way."- Cib.

*Gasp*

Lalong namilog ang mata ko sa nabasa ko. Jusme! Nakalimutan kong ngayon na pala yun. Magtatanghali na ngunit di parin ako nakabihis.

"Mama bakit ngayon mo lang ako ginising?" Sabi ko naman kay mama na  halatang may pinaghahandaan at bihis na bihis na.

Bumangon na ako sa kama at nagtungo sa banyo.

"Teka...bakit ba ako natataranta?" Napatanong ako sa sarili ko habang unti unting nababasa ang buhok ng tubig na lumalabas sa shower.

Napaisip lang ako lols. Oo nga, hindi ko naman kailangan mataranta. At isa pa, wala naman talaga kaming relasyon kaya bakit ba ako natataranta?

"Tadah! Suotin mo ang dami na ito anak."  Bungad naman ni mama sa akin pagkalabas ko ng banyo bitbit ang isang dress na sa unang kita ko palang ay masasabi ko ng hindi ko kayang suotin.

Napailing nalang ako. " Mama...kelan niyo ba ako nakitang nagsuot ng ganyang damit? Tignan mo nga oh! Ang iksi masyado. Ano yan? Kinulang sa tela?" Sabi ko naman dito at totoo naman talaga.

"Ito yung bagong uso anak. Ano kaba! Kesa naman paulit ulit nalang yang mga suot mo. Mas mukha ka pang manang kesa sa akin." Wow ah! Kung maka 'manang' naman 'tong si mama.

"Basta! Ayoko niyan!" Naiirita kong sabi.

"Hay naku, bahala ka ngang bata ka!" She said then walk out. Taray talaga ng mama ko oh! Bagets!

Napakamot nalang ako sa ulo tsaka binuksan yung cabinet ko at naghanap ng masusuot.

Cib's POV

"Yiee si kuya ang pogi." Pangungulit ni Victoria sa akin habang inaayos ko ang damit ko sa harap ng salamin.

Inismiran ko lang siya. After fixing myself ay kinuha ko na agad ang susi sa motor ko.

She gave me her address at ang layo nga ng bahay nila pero sa tingin ko saktong 12 o'clock PM ang dating ko dun.

"Ma alis na ako." Pagpapaalam ko tsaka siya hinalikan sa pisngi.

"Oh? San lakad mo at bihis na bihis ka naman ata?" Tanong nito at bigla nalang napangiti at nagkatinginan pa silang dalawa ni Victoria.

"May lakad lang ako ma." Sagot ko naman.

"I see. Well, enjoy sa date mo." Nakangiting sabi nito.

Natawa nalang ako dahil alam ko naman kung anong iniisip niya eh.

"Saan si Papa?" Tanong ko naman.

"Nasa office pa yun. Mamayang gabi pa ang uwi." Sagot naman ni mama.

"Okay. Bye ma." Kumaway na ako sa kanila at naglakad palabas.

"Ikaw wala kabang date?" Narinig ko pang tanong ni mama sa kapatid ko.

Tsk! Nagsuot na ako ng helmet tsaka pinaandar yung motor ko at humarurot na ng takbo.

Tangerine's POV

Tila may isang kidlat na may dalang hangin ang dumaan sa harapan ng bahay namin at nagsiliparan ang mga tuyong dahon na nasa kalsada. Napasunod ang mata ko doon sa motor na dumaan na tila ba magpapakamatay na ata yung driver nun dahil sa bilis magtakbo. At sa sobrang bilis ay hindi ko na maaninag yung hitsura ng motor niya.

Nandito nga pala ako ngayon sa labas ng bahay namin. Inaantay ko kasi si Cib. Kung maka 'Cib' naman ako parang close kami choss.

Wala pang ilang minuto ay nakitang kong bumalik yung motor na kadaraan lamang at huminto mismo sa harapan ko.

Napaatras naman ako. Baka mamaya masamang tao 'to! Tatakbo na sana ako papasok ng bahay ng bigla niya akong hawakan sa braso.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Sisigaw  na sana ako para manghingi ng tulong ng bigla niyang tinanggal ang suot niyang helmet dahilan para matigilan ako.

Pakiramdam ko saglit na bumagal sa pag-ikot ang mundo ko nung tinatanggal niya ang helmet niya. But no! I'm just hallucinating.

"Bwisit ka! Pinakaba mo ako!" Inalis ko yung kamay niya sa braso ko at pakiramdam ko ay kinukuryente ko dun.

He chuckles. Argh! Again!

Bumaba na siya sa motor niya at tsaka ako inakbayan.

"Anong ginagawa mo? Lumalayo layo ka nga sa akin." Bahagya ko siyang tinulak ngunit tuloy parin siya sa pag akbay sa akin.

"Just chill darling." He said then winked. Naglakad na siya papasok ng bahay at syempre kasama ako. Ano daw? DARLING? O.O

"Hijo! Mabuti at nakadalaw ka dito." Maligalig namang bati ni mama kay Cib tsaka sila nag beso.

"Oo nga po mama." Nanlaki naman ang mata ko sa sagot ni Cib. 'MAMA?' Did he just call my mother 'mama?' Pinandilatan ko siya ng mata ngunit nginitian niya lang ako.

At si mama naman parang kinilig pa ata ng tinawag siyang 'mama' ni Cib. Harot naman talaga ng mama ko oo!

"Hi bro! Ako nga pala si Blue." Bati naman ng kapatid ko na kabababa lang.

"Nice to meet you Blue. I'm Cib." Sagot naman ni Cib.

"Great! May kuya na ako." Nakangiting sabi naman ni Blue tsaka kumindat sa akin.

"Pasensya kana hijo at unti lang naluto ko." Ani naman ni mama habang naghahain ng pagkain sa mesa. Take note punong puno na yung mesa ng pagkain tapos sabi niya 'unti lang' daw. -.-

"Ang dami na nga po mama. Tulungan ko na po kayo." Ani naman ni Cib tsaka tinulungan si mama sa ginagawa nito.

"Naku, salamat nalang hijo. Maupo ka nalang at kaya ko na ito." Well, in fairness parang normal lang kumilos si Cib. Parang hindi siya umaarte.

Nagsimula na kaming kumain habang nag uusap usap sa mga bagay bagay tungkol sa relasyon 'kuno' namin.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin ng bigla kaming nakarinig ng ingay mula sa labasan.

"Apooo!" Narinig kong sigaw mula sa labas.

Teka, si lola ba yun? Anong ginagawa nila dito?

Napatingin ako kay mama. Nakangiti lang ito at tila alam niyang darating sila. Hindi lang si lola yung dumating ah. Buong angkan namin.

Nagkatinginan nalang kami ni Cib and I just gave him an awkward smile.

Uh-oh~