webnovel

CHAPTER 6

Tangerine's POV

Mga kamag-anak namin sa side ni mama ang dumating. Sina lola at lolo, sina tita at tito at marami pang iba choss.

"Di naman ako na-inform na buong angkan mo pala ang imemeet ko." Pasimple niyang sabi sa akin ng halos hindi bumubuka ang bibig.

"Pasensya naman. Hindi ko din naman inasahan 'to eh." Sagot ko naman habang nakangiti parin.

"Aba'y ang gwapo ng batang ito." Ani naman ni lola.

"Salamat po." Tugon naman ni Cib.

"Siya naba ang mapapangasawa mo apo?" Tanong naman ni lolo sa akin. Parang pinawisan naman ako bigla sa mga 'to at kanina pa kami binabato ng tanong.

"Uhm...boyfriend ko palang po siya lolo." Sagot ko naman.

"Doon din ang punta nun apo." Marahang sabi pa nito.

"Ba't di nalang kasi kayo magpakasal na dalawa anak?" Halos sabay kaming naubo ni Cib dahil sa sinabi ni mama.

Nakakasamid pala ang salitang kasal noh?Nagkatinginan kami ni Cib.

"Mama naman! Ang bata pa namin." Nasabi ko nalang.

"Aba'y pareho na kayong nasa hustong gulang." Sabat naman ni tita.

"Hayaan mo silang magdesisyon tungkol sa bagay na yun." Nakahinga naman kaming pareho ng maluwag sa sinabi ni lola.

Time goes by...

Instead na saglit lang dapat sa bahay si Cib ay natagalan pa. Palubog na yung araw ngunit andito parin siya sa bahay. Andun sila sa sala kasama yung mga tito ko. Pinainom ba naman? Hays. Mamaya malasing pa yun at hindi na makauwi.

"Mama! Sabihin mo nga kay tito na wag na painumin si Cib. Magdadrive pa yun ma." Pangungulit ko naman kay mama sa kusina na busy sa pagliligpit.

"Anak, hayaan mo na sila. Minsan lang naman eh. Tsaka pwede naman siyang matulog dito kung sakaling malasing yun." Sagot nito.

"Mama hindi siya pwede matulog dito okay?" Mariin kong sabi.

"At bakit hindi? Boyfriend mo naman yun. Maluwag naman yung kwarto ni blue." Ani nito.

"Hays ewan ko sa inyo." Nagwalk out na ako at nagtungo sa sala.

Papauwin ko na siya.

"Cib, gumagabi na. Tama na yan at magdadrive kapa." Awat ko dito na iinom pa dapat ngunit natigilan siya ng marinig niya ako.

"Oh~darling...come here." He said then grabbed me tsaka niyapos ako sa bewang. Shocks! Lasing na ata ang mokong.

"Tangerine... iakyat mo nalang muna yan at hindi na yan makakapagdrive." Ani naman ni tito na halatang may tama na din ng alak.

Binalik ko ang tingin ko sa taong nakayakap sa bewang ko. Ba't hindi na siya gumagalaw? Bahagya ko itong niyugyog and I found out na tulog na pala ito. Argh! Napa-face palm nalang ako.

"Blueee!" Tawag ko sa kapatid ko para magpatulong sana na iakyat sa kwarto nito si Cib pero naalala ko na umalis pala si Blue at may date ata, kaya kila tito nalang ako nagpatulong at mejo maayos pa naman ang mga 'to.

So yun, napailing nalang ako habang inaakyat nila si Cib sa taas.

"In fairness anak, ang pogi ng nabingwit mo." Kinikilig namang sabi ni mama.

"Aba syempre mama." Pabiro ko namang sabi. Ayoko na ma-stress pa. Sa wakas tapos na din ang kalbaryo ko dito. Makakauwi na ako aa bahay na ito ng walang nag aantay na lalaki sa akin.

I'm free. Napangiti ako ng pasekreto at tinulungan ko nalang din sa mama sa pagliligpit.

Mga 10 o'clock na ng gabi nang matapos ang inuman nila tito. Ayun...mga tulog na sila sa sofa. Umakyat na din ako sa taas para makapagpahinga na din.

Pagpasok ko ng kwarto ko ay agad akong nagtungo ng banyo para maligo at sobrang lagkit ko na.

As usual nagconcert ako sa loob ng banyo habang naliligo and of course, masaya din ako ngayon.

I was humming to myself ng makarinig ako ng ingay mula sa labas ng banyo kaya natigilan ako. Pinatay ko yung shower to make sure na sa kwarto ko nga nagmula ang ingay. Akmang aabutin ko na yung bathrobe ng biglang bumukas ang shower curtain ng banyo at bumulaga sa akin ang pagmumukha ni Cib. Nakatayo siya at nakaharap ang sarili sa toilet habang hawak hawak ng isang kamay niya ang kanyang...

Tila umurong yung ihi niya ng makita niya ako at ako naman ay tila isang gulat na statue na nakatayo ngayon. It took us a few seconds para magreact sa nangyari.

His eyes are widely open  now as well as mine. Nagtitigan lang kami ng ilang segundo sa ganoong kalagayan. Oh shit!

"Whaaaaaaaaaaa!" I screamed. Um no, we both screamed.

Agad kong isinara ang shower curtain tsaka binalot ang katawan ko ng bathrobe. Geez! Nakita niya nag buong kaluluwa ko. Damn it! I wanna kill him! >_<!

"Manyak ka! Anong ginagawa mo sa kwarto ko!!!" Pagtulak ko sa kanya ng makalabas ako ng banyo. He then covered himself mula sa mga suntok at sampal ko.

"HEY!" Pasigaw niyang sabi dahilan para mapatigilan ako.

"I.. didn't mean it okay. I can't even remember what happened. Basta nagising nalang ako dito sa kwarto na ito at pumasok ako sa banyo dahil naiihi ako. And besides hindi lang naman ako yung may nakita ah, nakita mo din naman yung sakin..." he explained.

Saglit naman akong natahimik sa sinabi nito. Yeah, nakita ko yung sa kanya pero ang unfair naman para sa akin dahil babae ako. Mas madami siyang nakita sa akin T.T

"Sinungaling ka! Aminin mo na kasing you intentionally enter to my room dahil sa pagkakaalam  ko ay sa room ka ni Blue pinatulog!" Muli ko siyang hinataw but this time sinasalo niya ang mga kamay ko at di na binitawan pa dahilan para di na ako makagalaw.

May biglang nagpop up sa isipan ko kaya naman sinunod ko ang matalinong kaisipan ko. Guess what? Tinuhod ko siya down there pero mukhang nabasa niya ang isipan ko kaya naman nakaiwas siya at lalong hinigpitan ang paghawak sa mga kamay ko tsaka ako binagsak sa kama kasabay niya.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" Pagpupumiglas ko mula sa pagkahawak niya sa mga kamay ko.

"What do you think?" He said then gave me a smirk. Manyakis talaga 'tong hinayupak na 'to! Lumagpas na siya sa kontrata -.-

"Let me g--"  napahinto ako pagsasalita ng biglang naglapit ang aming mga mukha.

So cliche! Maraming beses ko ng nakita 'to sa movies pero... bakit parang ang lakas ng tibok ng puso ko bigla?

Oh gosh! Wake up Tangerine! But wait... ugh! Napako ang mga mata ko sa malalambot at mapula pula nitong mga labi. Damn! Bakit parang gusto ko siyang halikan?

Kapwa kaming nagkatitigan ng ilang segundo at tila ba pareho kami ng iniisip. Ramdam ko din ang mabilis na tibok ng puso nito.

We're now getting closer and closer until...