HINDI inaasahan niIsha ang gagawing paghalik na iyon
sa kanya ni Jason kahit na nga ba sa gilid lamang iyon ng
kanyang mga labi. Nakahalata yata ito kaya naman agad itong
lumayo sa kanya.
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Nadala lamang ako ng
damdamin ko. Gusto mo pa rin ba makita ang kwarto ko?" dahil
sa tanong na iyon, parang napaso siya kaya naman lumayo rin
siya sa binata. "Hindi na siguro. Sa ibang pagkakataon na lang.
Sige na, doon na muna ako sa itaas. Ituloy mo na kung ano man
ang kailangan mong gawin dito." At nagmadali siyang umakyat
sa itass.
"Isha, hindi ko sinasadya kung nahalikan kita. Huwag
mo sanang isipin na nananamantala ako dahil dalawa lang tayo
rito. God knows how much I respect you. Sana naman ay
paniwalaan mo iyon. Wala akong balak gawan ka ng hindi mo
magugustuhan. Masyadong malaki ang respeto ko sa iyo."
Nakangiting sabi ni Jason sa kanya. Sa klase ng pagngiti nito,
alam niya sa sarili niyang seryoso ang binata. Alam din niyang
secured siya sa piling nito.
Nang makaakyat sa upper floor ng Yacht, doon
napagtanto ni Isha na hindi na lamang simpleng pagkakagusto
ang nararamdaman niya sa binata. She was inlove with him. She
had fallen in love with Jason big time. Natagpuan niya ang sarili
na nakadungaw sa Lake sa may veranda ng may maramdaman
siyang tao sa kanyang likuran. Paglingon niya, nakita niya ang
isang babae. Tatanungin niya sana kung sino ito ng makita niya
ang dala nitong pagkain.
"Hi! You must be Isha, right?" nakangiting tanong nito
sa kanya. Tumango naman siya bilang pagsagot. "And you?"
tanong naman niya pabalik. Magsasalita sana ang babae ng
biglang dumating si Jason.
"There you are! Sabi na nga ba at nandito ka lang eh.
Hinahanap kita sa Penthouse pero wala ka naman." Nakangiting
sabi ng babae kay Jason. Bagay silang dalawa. Maganda rin ang
babae at siya ang tipo ng babae na kahit sinong lalaki ay
mahuhumaling dito.
"Sorry. Hindi ko pala nasabi sa iyo na dito ako sa Yate
pupunta. By the way, she's Isha. One of our guest in the resort.
Isha," tumingin naman ito sa kanya bago balingan ng tingin ang
babae. "This is Jennie. Isa sa mga Chef ng resort." Pakilala ni
Jason sa babae. Ngumiti naman siya at kinamayan ang babae.
"So, how was your stay here? Hindi ka ba pinagsungitan
nitong si Son?" nagulat siya sa tawag ng babae kay Jason. Son
pala ang tawag nito sa lalaki. Umiling naman siya bago nagsalita.
"Hindi naman ako pinagsungitan ni Jay. Isang beses pa lang at
hindi naman na naulit. Kasalanan ko rin naman." Nakangiting
sabi niya. Nakita niyang parang nagulat ito. Hindi niya alam
kung bakit pero nasagot ang tanong niya ng humarap ito kay
Jason. "Pinayagan mo siyang tawagin kang Jay?" shocked na
reaksyon ng babae ang nakita niya.
"Yes. Ano bang ginagawa mo rito? Wala ka bang pasok?"
tanong ni Jason sa babae. Bago pa niya marinig ang sagot nito ay
kinuha ni Jason ang kamay niya at hinila papasok sa sala.
"Dito ka lang. Mag uusap lang kami ni Jennie. I will be
right back. Just give me a few minutes okay?" sabi nito at kinurot
pa ang mga pisngi nito.
Hindi na niya nagawa pang sumagot dahil bigla na lang
itong lumabas sa may veranda. Gustong gusto niyang marinig
ang pinag uusapan ng mga ito pero alam niyang hindi pwede.
Nagkasya na lang siya sa pagsulyap sa kung anong ginagawa ng
dalawa. Nakita niyang umiyak si Jennie at niyakap naman ito ni
Jason. Bakit kaya? Nagselos ba sa kanya si Jennie?
Nakaramdam siya ng kirot ng makita niya ang dalawa
na magkayakap. Alam niyang wala naman siyang karapatan
masaktan o magselos dahil hindi naman sila ng binata. Wala
namang namamagitan sa kanila at mas lalong wala siyang
karapatang kunin ito kay Jennie. Nagpasya na lang siyang
magpaalam sa dalawa para makabalik na siya sa Resort.
"Sorry to interrupt guys. Pero kailangan ko na
makabalik sa Resort. Nakalimutan ko kasi na mag Zip Line pa
ako." Sabi niya na pinipigilan ang pagpatak ng mga luha dahil sa
nakikitang ayos ng dalawa. Agad namang lumayo si Jennie kay
Jason at nakita niyang pinunasan ni Jason ang mga luhang
natuyo sa mukha ng dalaga. Minsan na rin niyang naranasan ang
ganoong pag aalaga ni Jason. Minsan na rin niyang naipagkamali
iyong pag-ibig. Pero siguro, ganoon lang talaga si Jason sa mga
mahahalagang tao sa buhay nito. Masyadong maalalahanin.
Hindi na niya matagalan ang tagpong iyon pero gusto niyang
umalis ng maayos.
"Akala ko ba bukas ka na mag Zip Line? Delikado na
mag Zip Line ngayong tanghali dahil bubuhos na ang ulan
anomang oras. Pwede bang bukas ka na lang mag Zip Line ng
umaga? Sasamahan pa kita." Sabi ni Jason na kitang kita sa
mukha ang pag aalala. Kung sa ibang pagkakataon sana,
matutuwa siya sa nakikitang pag aalala nito. Pero ngayong mga
oras na ito, hindi niya magawang magsaya dahil alam naman
niyang normal lang iyon para sa binata. Alam din niyang hindi
naman siya mamahalin nito dahil may ibang mahal ito. Kitang
kita niya sa mga mata nito ang pagmamahal habang nakatingin
kay Jennie.
"Ah, ngayon ko na pala gagawin dahil babalik na ako ng
Davao bukas. Makikipagkita pa kasi ako sa mga kaibigan ko na
narelocate sa Davao bago ako bumalik ng Maynila." Sabi niya na
pilit pinapatatag ang boses dahil alam niyang anumang oras ay
iiyak na siya.
"Ganoon ba? Ihahatid na kita pabalik ng Resort. Jennie,"
binalingan ng binata ang dalagang nakatingin lang sa kanilang
dalawa. "Ihahatid ko lang siIsha at mag uusap tayo pagbalik ko."
Sabi ni Jason at tumango lang naman ang dalaga. Bago siya
tuluyang lumabas ng yate ay tinawag pa siya ni Jennie. Nang
humarap siya rito, binulungan siya nito. "Follow your heart's
desire." Iyon ang sinabi nito at saka siya nginitian at nagtuloy na
ito sa lower deck.
Ang mga sinabi ni Jennie ang laman ng isipan ni Isha
habang binabaybay nila ni Jason ang daan papuntang resort.
Nakaramdam siguro si Jason kaya hindi na ito nakatiis.
"May problema ba, Ish?" tanong nito habang gagap ang
kanyang kamay. Nagulat naman siya kaya napabitaw siya sa
pagkakahawak nito sa kamay niya.
"Wala naman. May mga bagay lang akong narealized
habang nagbabakasyon ako rito." Sabi niya at pinilit ngumiti.
Wala siyang balak sabihin rito ang kung anumang bumabagabag
sa isip niya dahil ayaw na niyang masaktan pa. Sapat na ang
ilang araw na pananatili niya rito sa lugar na ito at ang araw na
nakasama niya ang binata. Sa pagbabakasyon niyang iyon ay
marami rami na rin siyang narealized.
"Are you sure?" nag aalalang tanong naman ni Jason sa
kanya. Ngumiti siya at nagpatuloy lang sa paglalakad. Ilang
minuto lang ay nakarating na sila sa entrance ng resort.
Nagpaalam na siya rito dahil balak na niyang magpahinga bago
tumungo sa Zip Line at para makabalik na din siya ng Davao.
"Salamat sa araw na ito, Jay. Hinding hindi ko ito
makakalimutan. Balikan mo na si Jennie, baka kanina ka pa niya
hinihintay." Sabi niya at nagtuloy na sa pagpasok sa lobby ng
resort. Hindi pa man siya nakakalayo ay tinawag siyang muli ni
Jason.
"Isha, wait!" tawag nito sa kanya. Paglingon niya, nakita
niyang pinipigil nitong ngumiti. Hindi niya alam kung bakit bigla
siyang kinabahan sa ngiti nitong iyon.
"Bakit? May nakalimutan ka pa bang sabihin sa akin?"
tanong niya rito. Gusto na niyang makalayo sa binata kaya
hanggat maaari ay hindi siya lumalapit rito. Pero ito mismo ang
lumapit sa kinatatayuan niya. Maya-maya pa ay hinawakan nito
ang kanyang mga kamay. It feels good whenever he hold her
hand.
"Are you jealous of Jennie?" seryosong tanong nito sa
kanya. Diretso ang tingin nito sa mga mata niya kaya hindi tuloy
siya mapakali. Hindi niya alam kung papaano sasagutin ang
tanong nito dahil kahit siya man ay hindi niya alam kung ano ba
talaga ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
"Hindi. Bakit naman ako magseselos? I don't even have
the right to be." Sabi niya sa mahinang tinig. Gusto na niyang
makabalik sa kwarto niya dahil hindi na talaga siya kumportable
sa sitwasyon nila ng binata.
"So you are really jealous, huh? Hindi mo naman
kailangang magselos kay Jennie kasi magkaibigan lang talaga
kami." Sabi nito at hinaplos ang kanyang mga pisngi. The warmth
of his hands on her cheeks gave her shivers. Hindi niya alam
kung anong sasabihin. Hindi niya alam kung anong
mararamdaman niya.
"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko Jay. Hindi ko
nga alam kung bakit ko nararamdaman ito eh. Samantalang ilang
araw pa lang tayong magkasama. Ilang araw pa lang kitang
kakilala pero ganito na nararamdaman ko." Sabi ni Isha habang
nakatungo sa binata. Naramdaman na lang ni Isha na umangat
ang kanyang mukha.
"Ish, listen. My intentions are clear. Malinis ang
hangarin ko sa iyo. Hindi kami ni Jennie dahil boyfriend na niya
si Gio. I admit, I fell in love with Jennie but that was a long time
ago. When I first saw you at the lobby ofthis Resort,Ifell in love
with the simplicity of yours." Nakangiti ito sa kanya bago
nagpatuloy magsalita. "Napakasimple mo lang kasi sa suot mong
tees and pants. Wala ka ring make up at nakalugay lang ang
buhok mo. When you started doubting my ability as a Manager of
this resort, mas lalo akong humanga sa iyo. Sabi ko sa sarili ko,
hindi pwedeng aalis ka ng hindi man lang kita nakikilala ng
lubusan." Sabi ni Jason at hinaplos ang kanyang pisngi.
"That's the reason you gave me that Dessert right?"
nagawa na rin niyang itanong iyon dito. Tumango naman si Jason
bilang pagsagot. "Hindi lang naman kasi yun isang peace
offering. It's my way of saying that I wanted to know you better.
Kasi kung lalapit lang ako sa iyo ng walang dalang kahit ano,
kakausapin mo kaya ako?" sabi nito na ikinabigla niya.
"Hindi naman ako suplada. Natural kakausapin kita.
Ikaw talaga, nagpakapagod ka pa tuloy gumawa nung dessert.
Pero nakakatuwa ang style mo." Sabi niya na hindi na mapigilang
mapangiti sa takbo ng usapan nila.
"So, can we move to the next level?" tanong ni Jason sa
kanya. Tinitigan lang niya ito dahil hindi niya naintindihan kung
anong gusto nitong sabihin. Bumuntong hininga muna si Jason
bago nagsalita.
"What I mean, can I court you? Pwede naman na siguro
kita ligawan? Wala naman na sigurong magagalit?" sabi nito sa
kanya. Hindi niya alam kung anong isasagot sa tanong nito. Hindi
pa siya handa. Hindi pa nga niya alam kung talagang
pagmamahal na nga ang nararamdaman niya para sa binata.
"Wala namang magagalit Jay. But I am not ready yet to
be in a relationship again. After what Aljon did to me, hindi ko
alam kung kailan ako magiging handa muli para sa isang
relasyon." Sabi niya rito. Ayaw niyang magsinungaling dahil iyon
naman ang totoo. Nakita niyang ngumiti si Jason pero hindi
kagaya ng mga ngiti nito noong unang araw silang nagkita. May
halong lungkot iyon at hindi man lang umabot sa mga mata nito.
"Naiintindihan kita Isha. Pero sana hayaan mo akong
iparamdam sayo kung gaano kita kagusto. Hindi ko pa din naman
masasabi kung pagibig na nga ang nararamdaman ko pero
hayaan mo sana akong alamin iyon. Hayaan mo sanang ligawan
kita. Just give me this chance, please?" nagsusumamong sabi ni
Jason sa kanya. Wala naman sigurong mawawala kung bibigyan
niya ito ng chance na kilalanin nilang mabuti ang isa't isa at
tignan na lang kung saan iyon patungo.
"Okay. Just this one chance. But I will not be promising
you anything, okay?" sabi niya rito. Tumango naman ito bago
nagsalita. "Thank you for giving me this one chance. I will do
whatever it takes so you could love me back." Sabi nito at
hinalikan siya sa pisngi.
Matapos ang pag uusap nila, hinatid pa siya nito sa
kanyang kwarto at sinabihang magpahinga na. Ibang- iba ang
pakiramdam niya nang makapasok na siya ng kanyang silid. She
never felt so happy. Hindi niya ito naramdaman kay Aljon noon.
With Jason, she felt secured, she felt loved and she felt this
overwhelming happiness kahit na nga wala naman silang
ginagawa ng binata. Basta magkasama lang sila, masaya na siya.
But every beginning has its own ending. Alam niyang
hindi rin magtatagal ay babalik na rin siya ng Maynila at hindi
niya alam kung ano ng mangyayari sa kanilang dalawa. Sa
ngayon ay ayaw na muna niyang isipin kung anong mangyayari
sa mga susunod na araw. Ang iisipin lang niya muna ay ang mga
araw na magkakasama pa sila ni Jason.