NAGISING si Isha ng bandang alas siete na ng gabi.
Napagod talaga siya ng husto ng araw na iyon kaya hindi na niya
namalayang napahaba na pala ang tulog niya. Nagsimula siyang
mag ayos ng sarili para bumaba sa restaurant at kumain ng
dinner.
Palabas na siya ng kwarto ng makita niyang umilaw ang
kanyang cellphone. Dahil sa sobrang pag eenjoy niya sa kanyang
bakasyon, nakakalimutan na niyang tingnan ang kanyang
cellphone, ang kanyang emails at ang kanyang social media sites.
Babalikan na lang sana niya iyon mamaya dahil nagugutom na
talaga siya pero panay ang ilaw. Nang lapitan niya, nakita niyang
may tumatawag pala at hindi nakaregister sa phonebook niya
ang caller.
"Hello?" sagot niya matapos pindutin ang answer
button. Ilang segundo munang walang nagsasalita sa kabilang
linya. Nang magsasalita na sana siya ulit, doon naman nagsalita
ang tumawag.
"Isha?" sambit ng caller sa pangalan niya. Kilala niya
ang boses na iyon. Ang boses na matagal na niyang gustong
kalimutan. Ang boses ng lalaking nang iwan sa kanya sa
mismong araw ng kanyang kasal. Hindi niya alam kung paano
nito nalaman ang bago niyang number dahil bago siya
nagtungong Mindanao para magbakasyon, nagpalit siya ng
number para walang makakontak sa kanyang mga kaibigan
maliban sa kanyang pamilya.
"Al.." sambit niya nang mapagtantong si Aljon nga ang
kausap niya sa kabilang line. Tumikhim muna ang lalaki bago
nagsalita. "Ako nga. Kamusta ka na?" nasa boses nito ang saya na
makausap siyang muli. Tumikhim muna siya bago sinagot ang
tanong nito. "Okay naman ako. Ikaw ba?" nagawa na rin niyang
sumagot ng hindi nanginginig ang boses.
"Okay naman kahit papaano. I am so sorry, Ish." Sabi
nito sa kabilang linya. Doon na siya tuluyang nagbreakdown.
Hindi pa pala niya kayang makausap man lang ito dahil naroon
pa rin ang sakit ng nakaraan. When he finally said that word
she's been waiting for to hear, she died again. Bumalik lahat ang
sakit na naranasan niya. Lahat ng kahihiyang tinamo niya nung
iwanan na lang siya nito bigla sa araw ng kanilang kasal.
"Sorry? I just don't want your sorry, Aljon. I want an
explanation. Hindi mo alam kung anong trauma ang idinulot ng
ginawa mo sa akin. Pero I am now moving on.I am still trying to
cope up but I know that I am getting there. So what's this fuss all
about?" sunod-sunod na tanong niya rito. Hindi muna sumagot si
Aljon sa kabilang linya. Magsasalita na sana siya ng bigla naman
itong nagsalita.
"Isha, alam ko kung gaano kalaki ang kasalanan ko sa
iyo. Alam ko din na hindi mo ako mapapatawad ng ganoon
lamang kadali. Sana ay makapag usap tayo ng harapan kapag
nakauwi ka na rito sa Manila. Maghihintay ako sa iyo." Sabi ni
Aljon sa kanya. Hindi niya alam kung anong sasabihin kaya
naman minabuti nalang niyang tapusin na ang tawag.
"Sige na Aljon, may lakad pa kasi ako. Saka na lang
siguro tayo magusap kapag nakabalik na ako ng Manila. Sa
ngayon, hayaan mo muna akong makapag isip." Matapos
magpaalam sa dating kasintahan ay pinutol na niya ang tawag.
Nawalan na siya ng gana lumabas ng kwarto maging kumain
sana sa restaurant. Kung bakit naman kasi kung kailan nagiging
okay na siya, saka naman magpaparamdaman sa kanya ang
dating kasintahan.
Hindi na naman niya maiwasang umiyak. It's been a
week or two since he left her. She's still hurting but she's trying to
move on. Hindi naman kasi pwedeng isang tulugan lang, okay na
siya. Hindi niya namalayang may kumakatok sa pinto niya kung
hindi pa niya narinig ang isang boses galing sa labas.
"Isha?" tawag ni Jason sa kanya. Isa pa itong si Jason.
Inaamin niyang espesyal sa kanya ang binata pero hindi niya pa
sigurado kung in love na ba talaga siya rito. Ayaw naman niyang
bigyan ito ng false hope kaya hanggang maaari ay dumidistansya
siya rito. Pero hindi naman niya ipinagkakait ang
pakikipagkaibigan.
"Pasok ka, Jay. Bukas naman ang pinto." Pagkasabi niya
niyon ay agad niyang nakita ang nakangiting mukha ng binata.
May dala itong tray ng pagkain. Marahil ay ipinaghanda na
naman siya nito. "Hindi kita nakitang bumaba kaya naisip ko na
ipagluto ka na lang ng pagkain. Huwag ka na rin kumain sa
restaurant dahil puro pangit ang makikita mo roon." Tono nitong
nagbibiro. Nakakagaan talaga sa pakiramdam ang pag aalaga
nito sa kanya. Ang munting jokes nito at ang nakakabighaning
mga ngiti.
"Salamat pero hindi ka na sana nagluto pa. Ang dami
naman nito." Sabi niya ng tingnan ang pagkain. "Ayaw mo ba
akong makasabay? Gusto ko kasing sabay tayo kumain. Kung
okay lang naman sa iyo. Kung hindi naman, iiwan ko na iyan
dyan at kumain ka ng marami ah." Sabi nito at akmang lalabas
na ng kanyang kwarto. Mahihindian niya ba ang isang lalaking
kagaya nito? Ito na nga ang nag effort para dalhan siya ng
pagkain, tapos aayaw pa siyang makasabay ito? Hinawakan niya
ang mga braso ng binata para pigilan sa tangka nitong pagalis.
"Hindi. Huwag kang umalis. Sabay na tayong kumain."
Sabi niya at nakangiting umurong para makaupo ang binata.
Agad namang umupo ang binata sa tabi niya at nagumpisa silang
kumain. Nakakailang subo na siya ng mapansin niyang
nakatingin sa kanya si Jason. "Bakit? May dumi ba ako sa
mukha?" nagtatakang tanong niya. Hinawakan nito ang kanyang
pisngi at marahan siyang tinitigan. "Umiyak ka ba?" balik-tanong
din ni Jason sa kanya. Hindi niya alam kung aamin ba siya o
hindi pero bandang huli, umamin na rin siya. "Tumawag kasi si
Aljon. Nag sorry lang siya. Akala ko kaya ko na siyang harapin
pero hindi pa pala. Naiiyak pa rin ako kapag naaalala siya.
Hanggang ngayon kasi ay nandito pa rin sa dibdib ko ang sakit ng
pang iiwan niya sa akin sa araw mismo ng kasal namin."
Pinipigilan niya ang sariling umiyak sa harap nito dahil alam
niyang ayaw na ayaw nitong may babaeng umiiyak.
"Hindi mo kailangang pigilan ang luha mo sa pagpatak
Isha kung talagang nasasaktan ka. Pero dapat alam mo kung
kailan ka dapat tumigil sa pag-iyak. Kung sa tingin mo hindi na
worth it ang iniiyakan mo na lalaki, huwag mo na sayangin pa
ang luha mo." Sabi nito at pinunasan ang kanyang mga luhang
nagsimula na namang pumatak. Hindi niya alam kung bakit
napakaswerte niya at ibinigay sa kanya si Jason. Never in her
entire life had she imagined that she will be treated as a queen by
a guy like Jason. Kung sana madaling maturuan ang puso. Kung
sana pwede niyang sabihin kay Jason na handa na siya muling
sumugal sa isang relasyon pero alam niyang hindi pa talaga siya
handa.
"Jay.." sabi niya lang sa binata. Hindi niya alam kung
anong sasabihin. "Shh. Don't speak. Kung hindi ka pa handa,
kaya kong maghintay, Isha. Kahit gaano pa katagal. Handa akong
tulungan kang makalimutan si Aljon kung bibigyan mo ako ng
pagkakataon. Handa rin akong maging rebound kung iyon lang
ang paraan para makamove on ka na sa kanya." Madamdaming
sabi ni Jason. Hindi niya napigilang mapangiti. "Hindi mo
kailangang maging rebound, Jay. Hintayin mo lang ako.
Makakapag move on din ako. Kung sakali mang dumating ang
araw na handa na akong magmahal, sana hindi ka pa pagod
maghintay. Sana nandyan ka pa rin para sa akin." Sabi niya.
Totoo sa loob niya ang sinabi niyang iyon. Kung
makakapaghintay lang si Jason, handa niyang ibigay muli ang
puso niya sa ikalawang pagkakataon sa isang lalaking katulad
nito dahil alam niyang hindi na siya muli pang masasaktan.
"Kaya kong maghintay para sa iyo Isha. Kahit gaano pa
katagal." Sabi nito at niyaya na siya kumain. Matapos nilang
kumain ay nagyaya itong mamasyal. Sabi nito ay gusto nitong
sulitin ang mga araw na nasa resort pa siya. Habang naglalakad
sa may garden ng resort, nagsalita na siya.
"Jason, hindi pa kita kilala ng lubusan. Wala akong
kaalam alam sa iyo maliban sa Manager ka ng resort at minsan
Chef pa." nakangiting sabi niya rito. She started asking him
personal questions because she feels that they are now getting to
the next level of their friendship.
"Let me introduce first my whole name, my queen." At
yumukod pa ito sa harap niya na mas lalo niyang ikinatawa.
"Para kang sira. Umayos ka nga." Natatawang sabi niya sa binata.
Tumawa lang ito bago nakipagshakehands at nagpakilala. "I am
Jason Fedrick Arellano. Family namin ang may ari ng resort na
ito. Bukod sa pagiging Manager, certified Chef din ako. Halos
magkaklase kami ni Jennie and Gio sa Le Cordon Bleu in Paris,
France." Pakilala nito sa sarili. She was amazed by the thought
that he was a certified Chef. Nasabi na nito iyon sa kanya pero
hindi niya talaga pinaniwalaan. "Chef ka pala talaga. Akala ko
nagbibiro ka lang noong sinabi mong Chef ka. Wala kasi sa itsura
mo ang pagiging Chef." Sabi naman ni Isha. Nakita niyang
ngumiti ang lalaki.
"Hindi ba halata sa akin na isa rin akong Cherf?" sabi
nito at umupo sa isa sa mga wooden chair sa garden na
nakaharap sa Lake. Nakiupo naman siya sa katabing wooden
chair at pinagmasdan ang katahimikan ng buong Lake.
"Jason, thank you for making my stay here memorable."
Nakangiting sabi niya at tiningnan ang lalaki. "Ilang beses mo na
ako pinasalamatan. At ilang beses ko na ring sinasabing walang
anuman. Basta ikaw. Gusto pa sana kita makasama ng matagal
tagal pero alam kong malapit ka ng bumalik ng Maynila. Bago ka
umalis sasabihin ko na ito sa iyo," nakatingin lang sa kanya si
Jason at hindi niya alam kung bakit ang bilis ng kabog ng dibdib
niya. Maya-maya pa ay hinawakan nito ang kanyang kamay.
"Mahalaga ka sa akin, Isha. Mahal na nga yata kita.
Hindi ko alam kung kailan ko ito naramdaman eh. Basta ang
alam ko lang, hindi ko na kayang malayo pa sa iyo. Gusto ko
palagi kitang nakikita. Gusto ko palagi kong naririnig ang boses
mo. Gusto ko palaging nakikita ang mga ngiti mo. Maisip ko lang
ang mukha mong nakangiti, kahit hindi kita nakikita, gumaganda
na ang araw ko. Gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako.
Kahit gaano pa katagal iyon abutin." Sabi nito at seryosong
tinitignan ang kanyang mukha. Alam niyang namumula na siya
dahil nararamdaman niya iyon sa kanyang sarili.
"Aaminin ko na may nararamdaman na rin akong
kakaibang damdamin para sa iyo, Jay. Pero hindi ako sigurado sa
ngayon kung pagmamahal na ba ito or pagkagusto lang. Ang
alam ko lang, masaya ako basta ikaw ang kasama ko.
Pakiramdam ko kasi, walang mananakit sa akin at walang
mangyayaring masama sa akin basta nasa tabi kita palagi.
Hayaan mo sana akong alamin ang nararamdaman ko sa iyo
bago kita sagutin. Ayokong parehas tayong masaktan bandang
huli." Sabi niya sa lalaki. Nakita niyang ngumiti ito. Yung ngiting
palagi niyang nakikita. Yung ngiting palaging nakakapagpakabog
ng dibdib niya.
"I cannot promise that I won't let anything or anyone
harm or hurt you but as long as I am with you, I promise to
protect you to the best of my knowledge. So, does that mean,I can
court you now?" puno ng pag asang sabi ni Jason sa kanya.
Ngumiti naman siya bago sumagot. "Yes. You can. However,
babalik na din ako ng Maynila soon. Ganoon pa rin kaya ang
magiging damdamin mo kung hindi mo na ako nakikita?"
maya-maya ay tanong niya rito.
Hinawakan naman ni Jason ang kanyang mga kamay
bago ito tumingin sa kanyang mukha. "Isha, hindi naman
hadlang ang layo ng pagitan natin para hindi ko
maiparamdaman sa iyo na totoo ang intensyon ko. Na malinis
ang hangarin ko sa iyo. Kung gusto mo, handa akong umuwi ng
Manila para ligawan ka ng personal at para makilala na rin ako
ng pamilya mo." Sabi nito habang nakatingin sa malawak na
Lake. Nabigla talaga siya sa sinabi ni Jason. Handa ba talaga itong
pormal na ligawan siya? Hindi kaya nabibigla lang ito?
Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "Seryoso ka ba sa
sinasabi mo, Jay? Kailangan ko pa tapusin ang kung anumang
namagitan sa amin ni Aljon. Bigla na lang kasi niya ako hindi
sinipot sa kasal namin and then nawala na siya bigla. Tapos
nagbakasyon naman ako kaya hindi pa namin napag uusapan
ang kabanata ng buhay naming dalawa." Madamdaming sabi
niya. Nakita niyang parang lumungkot ang mukha ni Jason pero
dagli rin iyong nawala. "Mahal mo pa ba siya?" tanong nito
maya-maya. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong
na iyon. Hindi na rin kasi siya sigurado sa nararamdaman niya
para kay Aljon. Kailangan na siguro talaga nilang magkitang
dalawa para matapos na rin ang problema niya. "Jason, sa totoo
lang, hindi ko masasabi kung mahal ko pa siya. Kailangan ko
muna siyang makausap para makasigurado na ako sa
nararamdaman ko." Sabi ni Isha habang pilit tinitignan ng
diretso sa mata si Jason. Gusto niyang maiparamdam man lang sa
lalaki na seryoso siya sa mga salitang binibitawan niya.