webnovel

ASTER UNIVERSITY #1 (The Day She Said Goodbye)

“Hihintayin kita kahit gaano katagal,kahit gaano pa kasakit. Tandaan mo na kapag bumalik ka pa,sisiguraduhin kong hinding-hindi na kita papakawalan pa. Paalam Vi, mahal na mahal kita” - Theo Sage Alvarez

CTL · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
43 Chs

Capítulo VEINTIDÓS

"Nang makarating sa mansyon ng mga Valero ay inanyayahan silang magkapatid na kumain na sa restaurant na pagmamay ari din ng pamilya nila Kian.

"Maam at Sir, kung ok lang po sa inyo doon na kayo kumain sa restaurant kasi hindi po kami nakapaghanada ng makakain niyo." sabi ng kasambahay sa mansyon na agad din namang sinang ayunan nila Vi at Titus.

"Malapit lang ho yon. Kung gusto niyo po may iba pang kainan na malapit sa restaurant nila, puro masasarap na ilokano dishes po ang kadalasang main course doon." segunda ng kasambahay na mas ikinatuwa ni Vi.

"Talaga po?!, edi kung ganon po may pinakbet, igado,dinakdakan at pigar pigar na tinda doon." ika ni VI na habang iniimagine ang mga nasabing pagkain.

"Opo Ma'am, maraming pagpipilian doon sa restaurant nila sir Kian. Pero kung gusto niyo po subukan niyong dumayo sa mansyon ng mga De Chavez." sabi muli ng kasambahay.

"Ano naman po ang gagawin namin sa mansyon ng mga De Chavez manang?" tanong naman ni TItus.

"Sa gilid kasi ng mansyon nila may maliit na kainan na ang pangalan ay Y.D.C. At sobrang sasarap ng mga ulam na niluluto ng may ari, as in sobrang sarap. Yung tipong makakalimutan mo ang pangalan mo sa sarap." sabi ng kasambahay habang inaalala ang nasabing kainan.

"Eh, bakit naman po may kainan sa gilid ng mansyon. Eh di po  ba pribado ang mga mansyon?" tanong naman ni Vi.

"Ayon kasi sa bulong-bulongan yung anak daw ni Mr. De Chavez ang may-ari ng kainan, at saka sabi din nila dito daw nanunuluyan yung anak niya dahil nagkaproblema daw sa U.S. at ayun na nga mukhang tinanggalan ng allowance kaya nagsisikap na magtrabaho. Pero chismis lang 'yon" sagot ng kasambahay 

"Eh, kung ganon po dapat na naming puntahan 'yon bago ako umuwi sa Manila" sagot naman ni Titus saka nagpaalam.

Habang nagmamaneho si Titus ay hindi napigilan ni Vi mamangha sa mga taniman na dinadaanan nila. May pagkakataon din na kinukuhanan niya ng litrato ang mga nadadaan, lalo na ng makakita siya ng mga kalabaw, baka, kambing at iba pang mga hayop. 

"Ito na ata 'yon" pukaw ni TItus sa atensyon niya at pinakatitigan ang napakagandang mansyon na napupuno ng napakadaming halaman at nakita din niya ang sinasabing Y.D.C na kainan.

"Ayun na ata yung kainan na sinasabi ng kasambahay nila Kuya Kian." sabi niya sa kapatid ng maipark nito ang kotse sa tabing daan.

Alam agad nila na masarap ang mga niluluto dito dahil amoy na amoy agad nila pagpasok ang napakabangong amoy ng mga ulam. Namili din sila agad ng mauupuan, at agad ding nakita na bakante ang upuan na malapit sa may TV na nakadisplay.

"Paano ba mag order dito?" tanong ni Vi sa kapatid na palinga linga din.

"Hindi ko din alam, tumayo ka siguro para maghanap ng waiter." suhestiyon ng kapatid at inobserbahan ang paligid.

Patayo pa lamang si Vi ng may lumapit sa kanilang isang lalaki na naka apron at may towel sa balikat.

"Ano pong order niyo ma'am at sir?" tanong ng lalaki na agad din namang nakilala ni Vi.

"Ikaw nanaman?!" sabi niya sa lalaki na ikinagulat ng kausap at ng kapatid.

"Oo, ako nanaman" balik sagot naman nito saka sila tinignan ni Titus.

"Well, then mukhang meant to be talaga tayong magkita Mr. Pinakbet Magazine." sabi ni Vi saka natawa ng bahagya sa tinawag sa lalaking naka apron.

"Tutal nagkita ulit tayo, ako na ang bahala sa order niyo at libre na rin Ms. Foodporn Magazine." balik tukso naman nito  saka naglakad na papalayo.

"Magkakilala kayo?" tanong ng kapatid niya na naguguluhan pa din.

"Hindi. Pero nagkita na kami dati sa Mall saka sa Village natin." kaswal na sagot niya saka kinuha ang cellphone upang makapag scroll nanaman sa social media.

***

"Yuki, kilala mo ba 'yung babaeng 'yon?" tanong agad sa kanya ng kaibigang si Iñigo ng makapasok siya sa kusina ng naturang kainan.

"Siya yung nakita ko sa Mall at Manila noong nakaraan." kaswal na sagot saka sinindihan ang kawali at nagsimula ng magluto.

"Anong order nila?" tanong muli ng kaibigan habang pinapanood siyang magluto.

"Igado,Bagnet,Pinakbet,Pigar Pigar, Dinakdakan at Puto Calasiao"

"Ang dami nun ah! Kaya ba nilang ubusin 'yon?!" halos pasigaw na tanong ng kaibigan.

"Sinong may sabing sila lang, pai ako kakain kasama nila. Para naman hindi sila maboring na silang dalawa lang." pagpapaliwanag niya saka itinuon ang atensyon sa nilulutong dinakdakan.

"Hinay hinay ka lang ah, kababalik mo lang sa Pilipinas baka mamaya ipadala ka ulit sa ibang lugar ng ama mo." sabi ng kaibigan saka tumulong sa pagluluto ng bagnet.

Habang abala ang magkaibigan sa kusina ay abala din sa kakacellphone ang magkapatid na Perez. Kaya naman ang tanging nakapukaw lang sa kanilang atensyon ay ang mabango at masarap na amoy ng pigar pigar at igado.

"Sarap naman non sana order na natin 'yon" sabi ni Vi saka patuloy sa pagamoy ng mabangong pagkain.

"Ito na po ang order nyo sir at maam." sabi ng 'waiter' sa kanila ni Titus at inilapag ang plato na may 3 cup of rice. Akmang tatanungin niya sana kung bakit 3 cup of rice ang dala nito pero mukhang nakabalik na ito ng kusina upang kunin ang ulam nila.

"Grabe naman iba na talaga ang mga waiter ngayon." sarkastikong sabi ng kanyang kapatid.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya sa kapatid.

"Saan ka ba naman nakakita ng waiter na nakasuot ng Gucci t shirt, YSL jeans at Yeezy slides." sarkastikong sagot ng kapatid saka niya tinignan ang kabuuang itsura ng waiter.

"Hindi lang 'yon kuya. Nakita mo ba yung napakagandang kulay asul ng mata niya, yung maliit na tattoo niya sa leeg saka yung pabango niya amoy mayaman." sabi ni Vi habang tinititigan pa din ang waiter na nakatayo at kumukuha ng tray para ilagay ang napakaraming pagkain.

"Sasabay na ako kumain sa inyo kung ok lang?" tanong ng lalaking nakita niya sa Mall.

Nginitian muna niya ito saka tumango at umurong para makaupo ang lalaki sa tabi niya.

"Hmm" sabi ng kapatid niya na pumukaw sa atensyon nilang dalawa.

"Yuki, Yuki De Chavez." pagpapakilala ng binata kay Titus na agad ding tinanggap ng kapatid at nagpakilala. "Titus Perez". Maikling sagot ng kapatid saka siya tinignan. "Victoria Perez." sagot niya saka ito nginitian.

"Sana masarapan kayo sa niluto ko" sabi ni Yuki saka siya pinaglagyan ng kanin at ulam sa plato saka din siya sinalinan ng malamig na softdrinks sa baso.

"Salama-t" nauutal pang sabi niya pero nginitian lang siya nito.

Nang magsimula silang kumain ay napaigtad agad si Vi sa sarap ng mga ulam na nasa harapan niya. Kaya naman hindi niya mapigilang mag sabi ng "ANG SARAP!!" 

"Sabi sa'yo masarap ang pinakbet, pero mas masarap yan kung iinom ka ng softdrinks." suhestyon ni Yuki habnag kumakain ng parang sisig na ulam.

"Titikman ko lahat ng niluto mo ahh!!" masayang sabi ni Vi saka isa isang tinikman ang mga ulam na nakahain.

"At naging hanging na nga ako dito." sarkastikong sabi ng kapatid "At wala talagang pumansin sa akin" dagdag pa nito saka pinagpatuloy na lang ang pagkain.

Siyang siya silang kumakain at minsan ay tinatanong pa niya si Yuki kung paano ba niya ito niluto, ano ang mga gulay na sahog nito at kung ano ang tawag sa mga ulam na 'yon,

Kaya naman ng makita ni Vi na naubos nila ang napakadaming pagkain na nakahain kanina ay agad siyang nakaramdam ng sobrang kabusugan, yung tipong hindi na siya makakatayo at makakalakad pa.

"Pababain mo muna yung kinain mo para hindi ka kabagin." sabi ni Yuki saka nagpaalam na may kukunin lang sa kusina.

"He's nice." maikling sabi ng kapatid niya na tiningnan niya ng masama.

"Nice din naman si Theo pero hindi pa din niya ako magawang mahalin." balik sagot nito saka ngumuso.

"Mais Con Yelo for dessert" sabi ni Yuki habang may hawak na tray an may 3 baso ng dessert.

"Grabe! Hindi na ako magtataka na tataba ako habang nagbabakasyon dito." sabi ni Vi saka tinulungan itong ibaba ang dessert sa tray.

"Hanggang kailan ka ba dito sa Pangasinan Vi?" tanong ni Yuki saka naupo muli sa tabi niya.

"Buong summer break." masayang sagot niya saka sinimulang atakihin ang mais con yelo.

"Kung gusto mo, habang nandito ka ililibot kita sa mga lugar na alam ko. Para naman mag enjoy ka talaga!" suhestiyon ni Yuki habang tinutunaw ang yelo sa dessert.

"Talaga!?, Talagang talaga!?!" di makapaniwalang tanong niya saka ito tinignan at nginitian.

"Oo naman, kung gusto mo pwede ka ding tumulong dito, para matutunan kitang magluto." dagdag na suhestiyon nito. "Pero syempre wala kang sweldo kasi alam kong mayaman ka naman." pabirong dagdag nito saka bahagyang natuwa sa ekspresyon ni Vi.

"Basta ba libre ang pagkain G! Ako" sabi niya saka kumain muli.

"Oo naman, ikaw pa!" sagot naman ni Yuki at sinabing "Kung sakali bang nagkakilala na tayo dati magiging ganito din kaya ang pakikitungo mo sa akin?" tanong nito sa tonong walang makakarinig.

"May sinasabi ka ba?" tanong muli ni Vi.

"Wala, ang sabi ko kumain ka na para makapagpahinga ka na dahil mukhang galing ka sa biyahe" sagot nito saka matamis na nginitian si Vi.

A/N: Thenkyuu for reading please continue supporting the next chapters :)) stay safe and healthy!!!

Hey again! sinusubukan ko mag update twice a week para maumpisahan ko na din yung book 2 for ASTER UNIVERSITY SERIES :))) thenkyuu again continue reading and supporting !!!

Please support my twit acc 🥺👉👈 :

✨@citrinelily17✨

Disclaimer:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.