webnovel

ASTER UNIVERSITY #1 (The Day She Said Goodbye)

“Hihintayin kita kahit gaano katagal,kahit gaano pa kasakit. Tandaan mo na kapag bumalik ka pa,sisiguraduhin kong hinding-hindi na kita papakawalan pa. Paalam Vi, mahal na mahal kita” - Theo Sage Alvarez

CTL · Teen
Not enough ratings
43 Chs

Capítulo VEINTIUNO

"Oh Vi magiingat ka sa Pangasinan habang mag isa ka doon ah" bilin ng kapatid habang nagmamaneho ito papunta sa mansyon ng mga Valerio.

"Jusko naman kuya, kilala mo naman ang pamilya nila Kian para magkaganyan ka sa pag-aalala." sabi niya sa kapatid saka sumandal sa upuan ng kotse ang bumuntong hininga.

"Alam ko naman na kilala mo sila, ang sinasabi ko lang ay alagaan mo ang sarili mo kasi walang tutulong sa'yo kung sakaling magkasakit ka o kaya naman magutom ka." puno ng pag-aalalang sago tng kaptid niya.

"Jusko naman para dyan lang, kaya nga gusto kong magbakasyon sa probinsya para makapagpahinga at para na rin maka move-on kay Theo."

"Sana naman pagbalik mo ng maynila hindi na si Theo ang laman ng bibig mo." sagot ng kapatid saka mas itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

"Eh basta mageenjoy ako kasi karapatan kong maging masaya! Bahala na si batman kung paano ako mamumuhay ng ilang buwan dito sa probinsya, basat enjoy life lang ako." sabi ni VI sa kapatid saka ipinikit na ang mga mata. 

Gusto pa sanang guluhan ni TItus ang kapatid pero ng makitang masarap na ang tulog nito ay hindi na niya ito inabala pa at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho hanggang makarating sa mansyon ng mga Valerio.

***

"Ma diyan muna pala sa bahay magbabakasyon si Vi, nagpaalam na daw siya kila Tito at Tita." sabi ni Kian sa ina na kausap sa cellphone.

"Walang problema anak! Ikaw ba kailan ka babalik ng Pangasinan" malungkot na boses na tanong ng ina ni Kian.

"Hindi ko pa alam Ma, at wala pa akong balak bumalik sa ngayon." sagot niyo ng may pag aalinlangan.

"Kahit hindi mo sabihin alam kong may gusto kang makita sa pagbalik dito pero.." natigilan ang ina nito sa pagsasalita kaya naman kumunot ang nuo ni Kian 

"Pero ano ma?" tanong niya sa ina na iritado na.

"Pero wala na ang taong babalikan mo." pagtatapos ng ina sa unang sinabi.

"Ano po?" gulat na tanong ni Kian.

"Umalis na sila sa Pangasinan anak. Walang may alam kung nasaan sila at ang huling balita lang na nalaman  ko ay nakatanggap silang magkakapatid ng scholarship. Sabi ng ina nito saka bumuntong hininga.

Mahinang natawa si Kian sa narinig pero nawala din iyon ng maalala ang dahilan kung bakit siya bumalik ng Pilipinas, at kung bakit ayaw niyang pumunta  sa Pangasinan.

"Sige po Ma, may gagawin pa ako." pagdadahilan niya sa ina saka pinatay ang tawag.

***

"Bro, bakit nga ba tayo nasa bahay nila Titus ngayong wala naman siya." tanong ni Lance kay Shawn na nakikikain sa bahay nila Titus.

"Ano ka ba, magandang unahan na natin siya para wala na siyang angal pa." sagot niya sa kaibigan saka muling kumain ng nachos.

"Hindi ba 'yun magagalit sa atin?" tanong naman ni Khiel

"Hindi naman siguro" sagot nito saka tinignan ang mga dala nilang maletang magkakaibigan.

"Pasalamat na lang talaga tayo at wala ang parents nila kung hindi baka kanina pa tayo napagalitan." sabi naman ni Theo na nililibot ang paningin sa loob ng bahay nila.

"Eh kilala naman nila tayo kaya walang problema kahit mag stay tayo ng matagal." masaya pa ding sagot ni Shawn na patuloy pa din sa pagkain.

"Pupunta lang ako sa CR" paalam ni Khiel saka sila iniwan sa dining table.

"Wow! Alam ni Khiel ang mga iba't ibang lugar sa bahay nila Vi?" tanong ni Shawn kay Theo.

"Siguro, magkakilala kasi sila eh. Kaya siguro nakapunta na din siya dito." sagot niya saka nakikain na din sa mga inihanda ng mga kasambahay.

Habang nagpatuloy sila sa pagkain ay lumapit ang isang kasambahay saka kinuha ang kanilang mga dalang maleta at inakyat papuntang guest room.

"Sir, naakyat na po namin ang mga gamit niyo sa guest room. Hinanda na din po namin ang mga kwarto at gamit sa loob para makapagpahinga na din po kayo pagkatapos niyong kumain." sabi ng isang kasambahay sa kanila na agad din naman nilang tinanguan.

"Manang Luz, ano po ang pwedeng maitulong ko habang nandito ako." sabi ni Khiel sa isang kasambahay.

"Wala ng kailangan gawin pa, pero kung gusto mo ikaw na ang magluto ng hapunan niyo, tutal mukhang magagabihan naman si Sir TItus." sagot ni Manang Luz

"Bakit po? Nasaan po ba sila Vi at Titus?" inosente namang tanong ni Lance.

"Hinatid kasi ni Sir Titus si Ma'am Vi sa mansyon ng mga Valerio. Doon daw siya magbabakasyon ngayong taon eh." sagot nito saka sila iniwan.

"Khiel hijo, kadwaam dagitoy kaibigam ah isurom tun isuda idjay kwarto da" sabi ni Manang Luz kay Khiel saka nagpunta na sa ibang parte ng bahay. *samahan mo yung mga kaibigan mo ah, ituro mo na lang sa kanila kung nasaan ang guest room*

"Khiel anong sabi, hindi namin naintindihan." tanong naman ni Theo saka siya tinignan ng masama.

"Sabi ni manang Luz huwag niyo daw ubusin ang pagkain nila dahil wala na tayong hapunan kung naubos niyo yan." pagsisinungaling niya saka tinignan ng masama si Shawn na tumigil din sa pagkagat ng hawak na nachos.

"Huwag kang pabida diyan Khiel alam kong sabi ni Manang, ang gwapo naman ng kasama niyo." proud na sabi ni Shawn saka itinuro ang sarili. "Sabi ni Manang ang gwapo ko, sobrang gwapo at hindi mapantayang kagwapuhan." proud pa din na sinabi ni Shawn saka tumayo pa.

Nagulat ang lahat ng biglang bumukas ang pinto at may pumasok na isang lalaki na hindi nila kakilala. 

Pamilyar ang lalaking iyon kay Khiel at nasisiguro niyang nakita niya ito noon pero hindi niya maalala kung saan. Pilit niyang kinakalkal ang utak kung saan at kailan niya ito nakita.

"Where's Titus?" tanong ng lalaki sa kanila pero ng walang sumagot ay agad na lang itong tumakbo paakyat at tila galit na galit pa. 

Sinundan lamang nila ng tingin ang lalaki saka nakarinig ng isang pag kalabog ng pinto.

"Sino 'yon?" mahinang boses na tanong ni Lance kay Theo

"I don't know. Don't ask me" sagot naman niya saka nakatingin pa din sa hagdan.

Sunod sunod din naman silang nakarinig muli ng yabag mula sa hagdan at nilingon nilang pababa na ang naturang lalaki.

"Where is he?!" galit na tanong niya sa kanila. Ngunit iba ang sumagot sa tanong na 'yon.

"Umalis si Sir Titus kasama si Ma'am Vi, kaya kung gusto mo hintayin o na lang si Sir Titus sa kwarto niya." sabi ni Manang Luz na may dala dalang isang pitchel ng orange juice.

"Sabihin niyo sa TItus na 'yon na harapin ako sa oras na makarating siya dito. Dahil kung hindi--" hindi muli nito natuloy ang iba pang sasabihin dahil may bumato ng sapatos sa ulo niya.

"Huwag kang gumawa ng eskandalo dito!" sigaw ng kakapasok lang na si Kian Valerio na kaibigan din nila Vi, Titus at Khiel.

"Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo?! HA!!" sigaw muli ng lalaki saka akmang sasapakin si Kian pero bago pa nito maidampi ang kamao ay nauna ng tumama ang kamao ni Kian sa mukha niya.

"Wala kang karapatan para saktan ako Kian!" pasigaw muli ng lalaki habang hawak ang labing dumudugo.

"Wala ka ring karapatan para sumugod ng basta basta!" pasigaw na sagot din ni Kian 

"Wala kang pake! At huwag na huwag mo akong harangan dahil oras na makita ko si Titus siguradong katapusan na niya! Pasigaw muli nito sa nag aapoy na boses at akmang susugurin nanaman si Kian ngunit ibang kamao nanaman ang dumampi sa mukha niya.

"Huwag kang gumawa ng bagay na ikakapahiya mo!" sabi naman ni Rylen saka sunod sunod na sinapak ang lalaki at kwinelyuhan.

"Bumitiw ka Santilian!" singhal ng lalaki saka kumalas mula sa kamay ni Rylen ngunit may isa pang dumating ulit na lalaki.

"Huwag mong sisigawan ang kaibigan ko!" singhal muli ng isa pang bagong dating na lalaki saka sinuntok ang naunang lalaki.

"Kung ayaw mong maging punching bag tumayo ka diyan at maglaban tayo sa labas." singhal ni Kian ngayong duguan lalaki.

"Huwag niyo akong hahawakan!" galit na sabi ng duguan lalaki ngunit bigla na lang itong hinawakan ni Rylen sa kwelyo at hinila palabas ng bahay nila Vi.

"Magkunwari na lang kayong walang narinig at nakita." sabi ni Kian saka akmang maglalakad palabas ngunit nilingon muli sila "Umaasa akong hindi ito makakarating kay Titus." sabi niya saka sila nginitian at tinalikuran.

"Tama ba ang narinig ko o nananaginip lang ako?" tanong ni Shawn sa mga kasama na gulat na gulat din.

"Hindi kayo nanaginip. At tama din ang mga nakita niyo." sabi ni Manang Luz na kaswal lang ding nagsasalin ng orange juice sa kani kanilang baso.

"What the fuck?!" sigaw ni Lance saka tumingin sa kanila.

"Paano ko makakalimutan ang mga nakita at narinig ko ?!?!" sigaw muli niya na nakapagpatahimik sa lahat.

Gumugulo din ang isip ni Theo kung sino nga ba ang lalaking 'yon at bakit ganoon na lang ang galit niya kay Titus pero ang mas ikinagugulo ng isip niya ay ang pagsali ni Rylen sa gulo at suntukan.

"Sino ka ba talaga Rylen Santilian?" tanong ng isip niya sa kanya na wala din namang naisip na sagot.

A/N: Thenkyuu for reading please continue supporting the next chapters :)) stay safe and healthy!!!

Hey again! sinusubukan ko mag everyday update para maumpisahan ko na din yung book 2 for ASTER UNIVERSITY SERIES :))) thenkyuu again continue reading and supporting !!!

Please support my twit acc 🥺👉👈 :

✨@citrinelily17✨

Disclaimer:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.