webnovel

Chapter 4

"Hey, Ianna-"

"It's Marianna Chloe, You can call me 'Chloe'." Pagputol ko sa sinasabi niya habang pinapanood sina Xyria at yung isang kasama na Ken na naglalaban.

"Your first name is Marianna - 'Ianna' for short. And I like your name, It's suits you." Humahanga na sabi nya habang nakatingin sa akin bago pagtuonan ang pansin sa kaharap.

"Whatever," Sabi ko na lamang.

Matapos ang practice nila ay nauna na akong umalis kaila Nicole dahil may gagawin pa akong importante. Hindi na rin ako nagpaalam kina Lucas at umuwi na ng bahay upang makapag impake.

Sinagot ko ang tawag ni Irish ng makauwi. "Bakit?"

[Sis, sigurado kana ba diyan sa misyon mo?] Kalmadong sabi nya sa kabilang linya.

"Wag kang mag-alala. Ilang buwan lang naman iyon." Sambit ko habang nagsisimula nang mag ayos ng mga gamit.

[Pero wala kang kasama diyan, ilang araw pa susunod si Lucas sa iyo.]

Nag usap pa kami saglit bago ko pinatay ang tawag at lumabas na ng kwarto. Humalik muna ako sa pisngi ng kapatid ko bago ginulo ang kanyang buhok.

"Be a good boy ha? Aalis si ate pero babalik din naman agad. And I promise na babawi ako sa'yo okay?" Tumango ito at ngumuso kaya kinurot ko ang pisngi nya.

"Aww, ate!" Natawa ako sa kanyang itsura nang mamula ito.

Nagpaalam na ako sa kanya dahil wala na rin akong oras at dali daling lumabas nang matanaw ang sasakyan ni Kuya Nicko at inakay ang gamit ko upang ipasok sa likod ng sasakyan bago ako pagbuksan ng pinto.

"Airport, Kuya." Sambit ko at kinuha ang earpods bago magsimulang magpatugtog at umidlip.

Title of song: The Calling - Wherever You Will Go

゚+*:;;:* *:;;:*+゚

Nagising na lang ako ng huminto na ang sasakyan kaya naman napatingin ako sa labas nang sasakyan nang makumpirmado na nandito na nga kami sa tapat ng airport.

Kinuha ko ang payong sa gilid ko at binuksan ang pindutan noon bago lumabas ng sasakyan nang walang alalay ni Kuya Nicko.

Kinuha ko ang salamin ko dahil sa init. Good thing, I was wearing a black high waist jeans and a pink blouse with front tie ribbon in it and a black sandals of 3 inches.

"Salamat kuya," Tumango lamang si Kuya Nick sa akin at ibinigay ang maleta at ibang gamit ko na kinuha ko naman.

"What the?" Bulong ko na matanaw ang lalaking familiar na naglalakad sa loob at tila ba'y nagpapatugtog.

Binilisan ko ang lakad ko at pumasok sa loob ng airport at hinablot ang lalaking humaharang sa daanan ng tao.

"Miss-"

"What are you doing here?" Pinagtaasan ko siya nang kilay at tinanggal ang salamin ko at earpods ko.

"May mission ako, siraulo. Bakit mo ba ako hinatak?" Inis na sabi nya sa akin.

"Ah, nandito yung mission mo sa airport? At talagang nakaharang kapa sa pila?" Sarkastikong sambit ko kay Ryle.

Si Ryle ang unang naging kaibigan ko mula kinder to high school at college, isang palaging may saltik sa utak at walang pakielam kapag tinotoyo.

"Weh? Nakakahiya naman iyon kung ganoon ang ginawa ko, hoy nagsasabi kaba nang totoo?" Sambit nya at inilapit pa ang mukha nya sa mukha ko ay nahampas ko ang mukha nya.

"Stupid! Hihilahin ba kita kung hindi?" Halos batukan ko siya sa inis at tinignan ang relo ko dahil nahati pa ang oras ko sa tukmol na ito kaysa sa nagmamadali na ako.

"Ma la-late na ako, maiwan na kita rito." Sambit ko sa kanya at umalis na, baka maiwanan pa ako ng eroplano at ilang oras pa ang hihintayin ko sa panibagong sched papuntang U.S

Hindi ko na sya pinakinggan pa at halos mahiya ako sa sigaw nya sa pangalan ko. Tumakbo na ako dahil iilang minuto na lang ay paniguradong aalis na iyon.

Pagod akong naupo nang makahabol ako at inayos ang gamit ko. In-on ko na rin ang airplane mode sa cellphone ko at pumikit nang dahil kakahabol sa eroplano na ito.

****

Nagising ako nang mag announce ang piloto na narito na kami kaya naman nang tumigil sa pag andar ang eroplano ay nagkanya-kanya na silang nagkuha ng mga gamit.

Hangin ang bumungad sa akin nang makababa at ng alalayan ni Hans ang kamay ko na siyang susundo sa akin upang makapag pahinga sa condominium.

"Welcome, Chloe." Ngiti nito sa akin at kinuha ang mga gamit ko na tinaguan ko lamang at pumasok na sa sasakyan.

"Long time no see, how's the enemy?"?

"Seriously, he is not even found. He's good at hiding, but I swear maybe he's around and watching us."

"It's not easy to find him, ano nga ba ang tinatago nya pa?"

Tumawa ito at tinignan ako sa mirror nang sasakyan. "Ang makakasama niya sa misyon panigurado."

Tinignan ko siya nang nag tatanong at nahulaan ang kanyang sinabi. "Nagbibiro ka lang, hindi ba?"

"We'll, he's a newbie. Ano ang maaasahan mo kapag may bago na miyembro sa atin? Na dapat ay matuwa ako?" Sarkastikong tugon niya.

Ngayon ay sumeryoso ito. Hindi siguro matanggap na may papalit na sa kanya bilang partner ko sa magiging misyon namin. Hindi ko rin naman siya masisisi kung panghihinalaan niya si Lucas dahil ganoon naman siguro siya sa iba.

"Nagkakamali ka kung iisipin mo na pinanghihinalaan ko din ang iba sa atin. Siya lamang ang nakuha nang atensyon ko, hindi ko rin makuha ang background niya. Blanko lamang iyon at walang makikita kundi lamang ang pangalan at kung kailan siya pinanganak." Mahabang sambit nito na ikina nuot ng noo ko sa pagtataka.

Tinitigan ko siya kung nagsasabi siya ng totoo pero ni walang halong biro ang kanyang itsura. Napa buntong hininga lamang ako at itinext si Krisha upang alamin kung may alam siya sa mismong pinsan niya.

To: Krisha.

'Alam mo ba ang bg ng insan mo?"

From: Krisha

'Idk.'

Tinignan ko si Hans na ngayon ay nakatingin na pala thru mirror bago ibinalik ang tingin sa daan.

"Told you, He's a mysterious man."