webnovel

Chapter 3

Itinulak ko ang mukha ni France palayo bago siya irapan na ikina irita naman nito. Hindi ko siya pinansin at lumabas ng bahay para tumambay sa garden.

Umupo ako sa may swing at tinignan ang kalangitan. Napangiti ako nang mapait nang walang makitang mga bituin.

Napapikit ako nang maramdaman ang lakas ng hangin sa mukha ko at bumuntong hininga.

Hindi ko alam ang gagawin ko kung kaya naman naisipan ko na lang mag music gamit ang cellphone ko nang may umupo sa kabilang swing na upuan.

"Anong ginagawa mo dito? pumasok kana sa loob at hinahanap kana ni Krisha." Tumango na lamang ako sa sinabi ni France at tumayo na. Naramdaman ko na sumunod sya sa akin at pumasok na rin sa loob.

"Nasa garden ka lang pala, tara na at matutulog na tayo." Hinila nya ako paakyat at pumunta nang kwarto niya bago nya ni-lock ang pinto.

"Let's sleep!" Sigaw nya nang hindi ako agad nakakilos.

"Chill, init naman ng ulo mo." Sambit ko at humiga sa isa pang kama, hindi ako komportable kapag may katabi ako.

Hindi na nya ako sinagot at pinatay na ang lamp sa kwarto nya. Tumingala ako sa kisame nang hindi ako makatulog at ilang beses pang nagpagulong-gulong sa kama.

Pumikit ako at inisip ang alon ng dagat. Hindi naman ako nabigo at agad akong nakatulog nang wala masyadong iniisip.

Nagising na lang ako kinabukasan nang marinig ang ingay nila sa baba. Mukhang naghahanda na sila nang breakfast kung kaya naman ay kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang oras doon.

It's already 7am. Bumangon ako agad bago dumeretso ng banyo. Nag toothbrush at hilamos ako bago nag ayos at bumaba.

"Good morning, Chloe!" Sigaw ni France at sinenyas ang katabi nyang upuan para doon ako maupo.

"Morning," Maikling sambit ko at nagsimula na rin kumain nang nakahanda sa mesa.

"Hanggang anong oras ka dito, Chloe?" Tanong ni Krisha na katabi si Lexord.

"After this, kinakailangan kong umuwi sa amin." Sagot ko na lang.

Hindi ako pwedeng makampante na lang dito. Maaring mawala ang isa sa amin kung hindi ako kikilos. Alam ko na hinahanap pa rin nila si Xyria sa kadahilanang hindi sila nagtagumpay na kunin siya mula noong bata pa.

Pagkatapos kong kumain ay tapos na din si Lucas. "Can I talk to you?"

Tumitig muna ito bago sumagot. "Sure, I'll just wash the dishes, wait for me outside."

Tumango na lamang ako at nauna nang lumabas. Naramdaman ko ang lamig nang makalabas ako at nakita ko ang basa sa daan kung kaya't alam kong umulan ito nang madaling araw.

"What is it, it is about our plan? don't worry we have a long time before we act." Sambit nya ka agad at umupo sa harap ko.

"Look." I sighed. "How could you know, maybe this is a trap?" Naguguluhan na sambit ko at halos hindi ko na din naintindihan ang tanong ko.

Kumunot ang noo nya at ginulo pa nito ang buhok. "Ianna-I mean chloe, I know what our enemy think. Maybe they are dumb to not to think it carefully. Trust your partner which-is-me. Alright?" Ngumiti ito sa akin kaya napatango na lang ako na ikinatuwa nya.

"Great! Now you should go. Your timing is running." Sambit nya bigla at tinignan ang relo nya.

Napatayo naman ako agad at nagpasalamat sa kanya nang maalala na kinakailangan kong umuwi at nagpaalam na rin sa kanila.

Pagkarating nang bahay as usual ay sinalubong na naman ako nang nakataas na kilay ni mommy. Sanay na ako sa pagiging moody niya, dahil lang naman kay daddy.

"Bakit ang tagal mong umuwi?" Tanong nya ka agad at humalukipkip bago ako harapin.

"Kinausap ko pa po yung magiging partner ko sa mission." Sagot ko ka agad dahil ayaw nyang pinaghihintay siya.

"Kumain kana ba?"

"Tapos na po-"

"Bakit hindi ka dito kumain?" Tinarayan na naman nya ako. At tinignan si Rence na tumatakbo papunta kay mommy. "Naghihintay sayo si Clarence, pero hindi mo man lang inupdate ang kapatid mo!"

Napakagat labi ako nang tignan ko si Clarence na bunsong kapatid namin ni Ate Aaliyah. Nakanguso ito at umiwas ng tingin, halatang nagtatampo.

Clarence Lee Vinuera is already a 16 yr old, but he's still acting a childish sometimes. He's a mama's boy too, palaging nakadikit kay mommy kapag may pupuntahan.

"Sorry baby," Halos pabulong ko na sambit.

"Ok lang a-ate, kakain na lang po ako mag isa." Pagkasabi niya non ay umalis na sya at pumunta sa dining para doon mag almusal.

"My gosh. Chloe grow up! Sya ang pinakabata sa inyong magkakapatid at mas kinakailangan niya nang atensyon niyo. Wag kang gumaya sa ate mo na puro kareer lang ang inaatupag at hindi na inisip ang kapatid ninyo."

Hinintay ko na lang na matapos siya bago ako umakyat nang kwarto upang makaligo na. Naramdaman ko pa na tumunog ang phone ko at napakunot ang noo nang malaman kung sino ito.

"Bakit?" Bungad ko kay France.

["Kakampi ba natin si Lucas o kaaway?"] Tanong nya na mas lalong nagpa kunot ng noo ko.

"Pinagsasabi mo?" Iritang tanong ko.

["Nakita ko na may kausap siya at alam ko na kaaway iyon. Chloe, mag-iingat ka sa lalaki na iyon kung ayaw mong mapahamak!"]

Magsasalita na sana ako nang patayin nya ang tawag. Huminga ako nang malalim bago napa upo sa kama.

"Krazy, France." Napailing na lang ako at hindi pa rin makapaniwala sa sinasabi nya.

Imposible naman na maging kaaway namin siya lalo na't pinsan ito ng kaibigan ko.

Hindi ko na lamang siya pinaniwalaan at agad nang nag ayos para pumunta kaila Nicole upang mapanood ang training nila Xyria.

Nang makarating ay nagsisimula na nga sila at nagulat pa ako nang makita dito si Lucas kaya kumunot ang noo ko ng tignan nya ako ng naka ngiti labas ang dimples nya.

Kinausap pa muna niya sina Clark bago pumunta sa gawi ko at tinabihan ako sa gilid ng glass door.

"I didn't know that I see you here again."