webnovel

Prologue

Reincarnation…

'Reincarnation, also known as rebirth or transmigration, is the philosophical or religious concept that the non-physical essence of a living being begins a new life in a different physical form or body after biological death. The term transmigration means passing of soul from one body to another after death.'

Ito ang sabi sa librong binabasa ko ngayon tungkol sa reincarnation. May mga sinabi panga ditong evidence na totoo ito pero it's still not 100% sure or hindi panga umabot ng 50% ang possibility na totoo ito.

Tsaka kadalasan kase sa mga tao ngayon hindi naniniwala sa ganitong bagay. Nasa modern era na tayo sino paba ang maniniwala sa ganito? And most people would say na sa mga fantasy na mga libro at mga palabas lamang ito makikita.

Pero… hindi ako isa mga tao na yun. I still believe on this kind of things. Since I was young, I always like watching and reading fantasy stories. At nadala ko ito hanggang sa paglaki ko. At the age of seventeen, pinapangarap ko pang magkaroon ng special abilities thingy or mas kilala sa tawag na magic.

Duh! Wala namang mawawala kung aasa ako diba? Ang cool kaya nun.

Dinala ko sa counter ang libro about reincarnation na nakita ko kanina at binasa ko panga. Paglapag ko sa libro, nakangiting muka agad ng cashier ang tumambad sakin. Well, kilala nako ng mga cashier dito since pumupunta ako palagi dito sa bookstore pag may pera akong pambili ng mga libro.

Food is life but book is lifer.

... sabi ko nga walang sense psh!

Pagkalabas ko sa bookstore agad akong naglakad. Medyo malapit lang dito ang apartment na tinutuloyan ko. Kasi taga probinsya naman talaga ako kaso mas pinili kong mag aral dito sa city. Wala lang pake niyo ba?

Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko dahil baka maabotan ako ng green light at baka mag antay na naman ako ng ilang minuto para makatawid.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad sa pedestrian lane ng malakas na busina ng truck ang narinig ko.

Dahil sa kaba at pagkabigla, hindi ko magawang magalaw ang mga paa ko para tumakbo sa kabilang side ng highway. Parang namental block ako.

Halata sa truck na nawawalan na ito ng preno.

Hindi ko alam kung ano yung exact na nangyari pero bigla ko nalang nafeel na sobrang sakit ng buong katawan ko saka ako nawalan ng malay.