Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na dumampi sa muka ko. Nagtalukbong pako ng kumot dahil antok na antok pa ako kaso naalala ko yung nangyariri sakin sa highway.
The time na tumawid ako… and the moment truck-kun appeared and TENTENENEN! Nasagasaan ako dahil nawalan ito ng preno. Tsk tsk tsk… Noon gustong gusto kong ma meet-and-greet si truck-kun. But not in that kind of way. Gusto ko pareho sa anime na may pa slowmo pa.
Joke lang! Masasagasaan nanga lang ako ang arte pa. And talk about nasagasaan, buti at buhay pako. Nasa ospital kaya ako ngayon?
Tiningnan ko ang mga kamay ko habang nakatalukbong parin. Hmm… walang nakaturok na karayom sa kamay ko na nakakonekta sa dextrose. Di kaya hallucinations ko lang talaga yung nangyari? Or imagination ko lang dahil sa kalutangan ko? I've been busy these days kasi because of so many projects that are given to us.
Tama nga sila. Hindi madali maging senior high. Ano nalang kaya pag college na? Naku naku naku!
Napagdesisyonan kong i-stop na ang pagtalukbong ko dito na parang tanga at bumangon na. I just want to read that book I just bought. That one about reincarnation.
Pag-alis ko sa kumot, an unfamiliar ceiling came to view kaya napabalikwas ako. Nilibot ko ang paningin ko. It's a very big room and the furnitures here gave a historical vibe. Halatang mamahalin ang mga gamit na nandito. And right now, I am sitting on a king sized bed! This is like a room of a royal na nakikita ko sa mga fantasy manhwa and anime.
Oh gosh this dream is so realistic!
Napagpasiyahan kong bumaba na sa higaan at umapak sa kumikinang na sahig. Waw ang linis ng sahig pwede nako manalamin. Charrot!
Tinungo ko ang may kalakihang pinto na sa tingin ko ay patungong cr at tama nga ako. Humihikab pa akong naglakad patungo sa may salamin. And the moment I saw my reflection onto it, my jaw dropped.
T-this… t-this… THIS IS NOT ME!!!
White and almost silver hair, sapphire like eyes, white as snow skin and a perfect body… What the hell?! This gorgeous lady cannot be me! Hindi kasi ako maganda eh! Kyut lang ganon!
But this face is kinda familiar. Where did I saw this face… Hmm…
And then may nag flash sa isip ko na nangyari sa past ko.
A girl, probably my bestfriend, may pinapakita siya sa akin na saved pictures saying it was her who draw that with the help of her ate. And then…
Nanlaki ang mga mata ko ng maalala kung kaninong muka itong nakikita ko ngayon…
Wala sa sarili kong sinampal ang sarili ko, nagbabasakalaing magising ako sa hibang na panaginip nato.
"A-ARAY! ANSAKIT! GRABE ANG SAKIT TALAGA! MAS MASAKIT PATO SA BREAK-UP! HUHU…" react ko at hinimas-himas ang muka ko sa sakit. Bet namumula nato ngayon. Grabe ang sakit talaga.
"Binibini ang OA mo naman! Anong mas masakit pa sa break-up? Na-experience mo naba yun? Tsaka ikaw sumampal sa sarili mo noh!" komento nitong isang kasambahay sa tabi ko. She's serving some sweets that I can eat.
"Hindi ko na alam anong gagawin ko sayo Bella. Manahimik kana nga lang." suway ko sa kaniya at nag shrugged lang siya.
So let me tell to you guys what just happened to me.
First of all, na-reincarnate ako sa isang cliche and an unfinished story. And its title is "Royal Cross Academy". Halatang hindi na nag effort sa paggawa ng title. Hahays...
Second, that story is the one me and my bestfriend wrote when we were just on our 7th grade just for fun! Oh gosh nag g-goosebumps ako the moment na naaalala ko yung story na yun.
It's so cringy and it's killing me because of embarassment! Yun na eh! Nakalimutran ko na yung dark past ko na yun eh pero sa dinami daming story na mare-reincarnate ako bat dito pa?!
Third, this story is a fantasy-genre. Ito lang na part ang nagbigay sakin ng hope kasi makakagamit nako ng magic! ACCKK! A dream come true!
Fourth, this story is too detailed and there are so many unnecessary shits. May mga scenes, characters, at mga convo na napakawalang kwenta.
Fifth, we focused more on the characters characteristics and developments at kung paano namin i-explain ang mga place na gagamitin. We're so immature, I wanna cry.
Sixth, it wasn't finished because napunta sa iba ang atensyon naming dalawa hanggang sa nakalimutan nanga namin ng tuloyan.
Seventh, wala pang nangyayaring interesting sa story. Wala pang nangyayaring masama or something. Puro scenes lang about sa main characters. But actually, nasa scratch paper na namin yung antagonist/s. Pinagplanohan na namin kung anong klaseng kalaban sila or something like that. Hindi ko na naaalala talaga basta ang alam ko lang, may dark magic ang mga ito.
Last but not the least, I reincarnated as one of the main characters. A daughter of a powerful and very wealthy Duke of the north, Iceah Sapphire Arden.
Sa lahat ng characters na ginawa ko, ito yung pinaka favorite ko. Grabe talaga effort ko sa paggawa ng character nato. Ayan ang ganda tuloy.
This body possess a rare magic and it's ice. It is so rare to the point na ang Arden bloodline lang meron nito. Nakilala ko lang rin itong mukang to kasi binigyan din ng bestfriend ko ng so much effort ang paggawa or pag draw ng mga characters. At yung supportive naman yang ate tinulongan siya kaya napakaganda ng kinalabasan. Ang galing kasi talaga nila mag draw eh sana all! Ate Clea I will never forget you.
Pero di parin mawawala ang thought na… NA REINCARNATE AKO SA ISANG NAPAKA CRINGE AT NAPAKAWALANG KWENTANG STORY NA NABASA KO SA BUONG BUHAY KO! WAAAAHHHH!!!
Sigh…
"Kanina kapa nagbubuntong hininga diyan binibini. Feeling stress lang?" nabalik ako sa huwisyo ng magsalita na naman si bella, Iceah or my personal maid. Dahil sa sobrang close nila, ang gaan na ng loob nila sa isa't isa at paunahan nalang sila sa pagprangka at pagpamilosopo sa isa't isa.
"Alam mo ikaw kontrabida ka talaga sa buhay ko eh." reklamo ko naman saka siya kinurot sa tagiliran niya.
"Aray binibini! Masakit!" reklamo niya.
"Ikaw ang OA! Hina hina lang nun eh! Psh!" saad ko saka siya inirapan.
Gabi na at andito ako sa study table na nasa kwarto ko. Just writing the important informations about the story we wrote. Well, it's not that important really pero gora na ang us!
So first of all, sinulat ko kung ano ang characteristics na meron ang main characters. Malapit na kasi mag simula ang estorya talaga at nagsisimula ito the time na first day of classes sa Royal Cross Academy. It is the most prestigious school of magic dito sa mundong to. Nasa powerful at wealthy kaharian kami, ang kaharian ng Wysteria.
One week nalang at magsisimula na ang klase sa RCA. I am quite excited. I am also able to meet the characters we made. Successful nga kaya? And uh… let's not talk about the plot okay? It's pissing me off.
Nag unat-unat ako saka naglakad na patungo sa kama. Masiyado ng nae-stress beauty ko today. Kailangan ko na ng beauty rest.
Charrot! Joke lang. Matutulog lang talaga ako.