This is not only about a couple who fell in love with each other. This is not a typical lovestory that we encounter in every story. This is a story of sacrificing and choosing over love for your partner, love for family, love for friends and love for yourself. Hope you'll learn a lot from this story. Enjoy reading.
WORK OF FICTION! WORK OF FICTION!
🌻
Isang malakas na sampal ang inabot ko mula sa aking ama nang makapasok ako sa aming bahay. Matalim ang kanyang matang nakatingin sa akin. Humapdi ang mukha ko kaya alam kong namumula na ito ngayon. Wala akong nagawa kundi ang deretso rin siyang titigan sa kanyang mga mata. Nanghahamon. Puno nang kumpiyansa.
"Walanghiya ka talagang bata ka umuwi kapa. Alam mo ba kung ilang araw kang nawala?" singhal nito sa akin. Nakakuyom ang kanyang kamao dahil sa sobrang galit, ano mang oras ay kayang-kaya niya akong saktan muli.
"Tatlong araw. Alam ko kase katawan ko ito. At hindi ako umuwi dito para makipag-chitchats sa inyo, kukunin ko lang ang gamit ko," sarkastiko kong sagot dahilan para mas manggigil siya. Iyon naman talaga ang intensyon ko ang makita siyang nanggigigil sa galit. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi siya ang taong katatakutan ko.
"Wala ka talagang kahihiyan. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha? Nakakahiya ka." He gritted his teeth in too much anger. "Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako nang anak na tulad mo. Tignan mo nga ang itsura mo. Pananamit ba iyan nang isang desenteng babae? Para kang siga do'n sa may kanto, natutuwa ka ba riyan sa itsura mo. Nakikipag-away ka, GAWAIN BA IYAN NANG ISANG DESENTENG BABAE?" galit na ito. Alam ko dahil pinagtataasan na niya ako nang boses. But what the hell I care? Hindi ako magpapasindak sa isang sigaw lang niya. "Hindi ka gumaya sa kapatid mo. Maayos ang buhay at nakatutulong sa pagpapatakbo ng kompanya." And there he goes, compairing me to my sister.
"Hindi ako isang desenteng babae? What are you 'pa? Anghel? Oh, wait should I call you an angel in disguise?" I sarcastically laughed. "'Pa, hindi ka din naman mabuting ama at asawa kay mama kaya huwag mo akong pagsalitaan na akala mo perpekto ka. Bakit hindi mo rin kasi tanggapin na hindi mo ako napalaki nang maayos kaya naging ganito ako," nakangisi kong sambit. Patuloy siyang ginagalit. "You know nothing about me 'pa, you don't know how you raised your daughter is, right? Kase nga wala kang alam. Wala kang kwen----" I couldn't finish my sentence as I received a cold, hard slapped from my mother.
"Huwag mong pagsalitaan nang ganyan ang papa mo, tatay mo pa din iyan, Max!" She shouted on me. Oh---a martyr is here. Kinakampihan na naman niya ang magaling kong ama na wala namang ibang ginawa kundi ang saktan siya. Walang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa kanya na hindi naman siya mahalaga.
"Iyan ka na naman 'ma eh. Iyan ka na naman sa katangahan mo, sa ka-martyr-an mo. Bakit hindi mo subukang buksan iyang mga mata mo? Puro ka nalang hayaan si papa, hayaan mo na, ayos lang. 'Ma naman kahit minsan lang huwag ka namang maging tanga." I exlaimed, wala na akong pakaelam kahit pa masaktan siya sa sinabi ko.
I saw how pain filled her eyes. Her tears falls down. I just smirked, "We're perfect family in the eyes of so many people but ever since, we're just a piece of broken glass. We're not perfect, not even a happy family." I turned my back on them.
"Max!!!" My father called out my name. I stopped. "Kapag lumabas ka ng pinto na iyan kalimutan mong may tatay ka." He said. Ngumisi lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Well, ever since I am just an invisible here. So what's the point?" I whisper on myself. "Beside, ikaw lang ang kalilimutan ko, not my mother."
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa nang pantalon ko at dinial ang number ni Cooper. I need alcohol, pampatanggal stress sa bahay. I need his bar. Agad namang sinagot ni Cooper ang tawag ko. He's my friend after all.
"I'll be there in ten minutes prepare me a drinks," utos ko sa kanya atsaka ko in-end ang call hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Sinuot ko ang helmet atsaka ako sumakay ng aking motor at agad na pinaharurot iyon. Wala akong pakaelam sa mga kasabayan ko, gusto ko lang ay makarating agad sa pupuntahan ko.
Yes, It's me a rebel daughter, a bitch, sometimes called "babaeng palaaway." So what now? Wala naman silang alam sa buhay ko. They even don't know every single detail of my life.
Magulong pamilya? Inayawan nang maraming tao? Napaglalaruan nang tadhana? Ano pa kayang ipapataw na parusa sa akin kahit wala akong kasalanan? Damn! How I hated this life of mine. But you know what? There's something I love about myself. I am being true to myself atleast hindi ako nakikipagplastikan sa nga magulang ko unlike my twin sister na akala mo isa ring anghel. Eh ako? I have Freedom. Nagagawa ko ang lahat nang gusto ko at walang pakaelam ang parents ko. Kahit siguro mamatay ako ngayon ay wala silang pakaelam.
Agad kong pinark ang motor ko sa parking area. Parang siga naman akong pumasok sa bar kung saan umaalingasaw ang amoy nang nakakahilong alak at sigarilyo. Maingay ang buong paligid dahil sa malakas na tugtugin at mga sumasayaw na kababaihan at kalalakihan. Ito ang mundo nang mga tumatakas sa problema nang mundo. Ito ang lugar ko. Dito sa lugar na ito ako nagiging masaya. Dito sa lugar na ito ako nakahanap ng kalayaan. This place is like heaven for me and our house? My father house is like hell for me.
"Aray," reklamo ng mga taong nababangga ko pero tuloy pa rin ako at hindi sila pinapansin. Who are they? A newbie? Oh I'm sorry I'm an expert so, hindi ako ang maga-adjust sa kanila. Distance their self from me. 'Cause I am a danger that can't prevent. I am an unbreakable wall.
Umupo ako sa bar stool kung saan naroon si Cooper na ina-assist ang mga employee niya. Yes, he's the owner of this bar.
"Anong problema mo?" bungad sa akin ni Cooper nang makaupo ako nang maayos sa bar stool. I just looked at him with a blank emotion. "Alam ko na, napagalitan ka na naman sa inyo ano? Ikaw naman kase bakit ayaw mo pang magbago," tanong niya dahilan para taasan ko siya ng kilay.
"Why? Kung ayaw sa akin nang pamilya ko so the feeling is mutual," nakangisi kong sambit, puno nang pagmamalaki. Napailing nalang siya at iniwan ako. Agad ko namang ininom nang straight ang beer na inabot niya sa akin.
Pinagmamasdan ko ang mga tao sa paligid at iba-iba ang nakikita ko sa kanilang mga mata. Yung iba pumunta dito to have fun, yung iba para makaiwas sa stress, yung iba tumatakas sa problema sa labas ng lugar na ito at yung iba katulad ko na rebelde lang. Walang patutunguhan ang buhay, sabi nang nakararami.
"Need a friend?" Tinignan ko lang nang masama si Cooper na hindi ko man lang namalayan na nakaupo na sa tabi ko. Nilapag niya sa harapan ko ang isang boteng beer. "Kailangan mo iyan, mukha kang stress. Atsaka, bakit ganyan ang suot mo? Para kang tambay sa kanto, hindi ka naman ganyan manamit a?" tanong niya pa habang sinusuyod nang tingin ang kabuuan ko.
Oh, yes this isn't my fashion. Ako yung babaeng hindi sunod sa uso ngunit hindi rin naman huli sa uso. I mean, I have my own fashion na hindi na kailangan pang makipagsabayan sa marami. And, I'm proud of it.
"Psh. Wala naman akong isusuot na damit kaya kumuha na lang ako sa closet mo, malay ko bang magmumukha akong sanggano rito sa suot ko," pagtataray ko sa kanya, siya naman ay tumawa lang dahilan para lalo akong maiinis.
"Kaya naman pala may nawawala sa mga damit ko, ikaw lang ang kumukuha. Huwag mong sabihin na pati brief ko ay suot mo," pang-aasar nito.
Tinaas ko ang aking kamao at pinadapo iyon sa bakikat niya dahilan para mapa-aray siya at tumigil sa pagtawa. Pagkuwan ay binigyan niya ako ng nakamamatay na tingin, hindi ko iyon pinansin at pinagtaasan ko lang siya ng kilay. As if naman, matatakot niya ako sa pagano'n-gano'n niya. Sa tatay ko nga hindi ako nagpasindak sa kanya pa kaya?
"Kahit kailan talaga ang hirap mong takutin," reklamo niya habang ngumunguso. "Pinanindigan mo talaga ang pagiging unbreakable wall mo," asik pa nito.
"Whatever. Just get out of my sight right now. I need to be alone."
"Alone mo mukha mo. Magpapakalunod ka lang naman sa alak at ayaw mong may pumigil sa'yo." Tumayo na ito sa kinauupuan niya. "Kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako. Take care, babe."
Pinagmasdan ko lang siyang maglakad papalayo sa akin. Napakunot ang aking noo nang lumingon siya at kindatan ako. Cooper is the only person who can treat me like this, siya lang ang hindi takot sa akin kahit pa anong gawin ko. Well, bukod sa tatlong chimpmunks. Maybe, because matagal na kaming magkasama at kabisado na niya ang ugali ko. He even know my secret, na hindi naman alam ng tatlo ko pang kaibigan 'kunno.'
Marami naring tao ang nagsawa sa ugali ko at iniwan ako pero hindi siya, hindi si Cooper. Siya lang rin ang nagtiyaga sa ugali ko kaya naman hindi ko hahayaan na masaktan siya nang kahit sino sa kahit na anong paraan. I'll protect him. I'll protect them.
Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay pinagmasdan ko naman ang mga tao sa paligid. Sanay na ako sa mga nakikita ko sa lugar na ito dahil halos ito na ang naging tambayan ko, ang naging tahanan ko. Walang pakaelam ang bawat isa sa lugar na ito, no stress, no judgement, malaya silang nagagawa kung ano ang naiisin nila. This is where they can find freedom, where I can find my freedom.
Habang pinagmamasdan ko ang mga tao ay may isang lalaki na nakaagaw ng atensyon ko. Nakaupo rin siya sa bar stool, dalawang metro ang layo sa akin. May lungkot sa kanyang mga mata habang nakatitig sa cellphone niya. Maya-maya pa ay gumalaw ang kanyang palad para punasan ang kanyang pisngi, umiiyak siya.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya, pinagmamasdan ang bawat kilos niya. Maayos naman ang kanyang pananamit, mukhang mayaman pero gulo ang kanyang buhok at halata ang eyebags niya kahit naka-side view lang siya. He must be cryin' that much.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa kanya para lang pagmasdan siya. Nakita ko kung paano siya lapitan ng mga babae pero pinagtabuyan niya lang ang mga ito. Nakita ko kung ilang beses niyang pinunasan ang kanyang pisngi dahil sa luhang pumapatak mula sa mga mata niya. Hanggang sa mapako ang tingin niya sa akin, may kakaibang ngiti na namutawi sa kanyang labi. Tinuyo niyang muli ang kanyang luha at inayos ang sarili.
Ang sumunod na nangyari ay hindi ko inaasahan. Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit, sobrang higpit na halos hindi ako makahinga. Nabigla ako at natulala sa kanyang ginawa, hindi ko iyon inaasahan.
"Loren..." humihikbi niyang sambit, "Loren, sabi ko na nga ba hindi mo ako iiwan, sabi ko na nga ba babalik ka e," dugtong pa nito at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Nang makabawi ako sa pagkabigla ay naitulak ko siya palayo sa akin. Alam kong napalakas ang pagtulak ko sa kanya dahilan para mapaupo siya sa sahig. Naagaw namin ang atensyon ng ibang tao malapit sa amin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata. Makahulugan niya akong tinignan, parang nagtatanong. Kitang-kita sa bawat kilos niya na marami na siyang nainom at lasing siya.
"Hindi ko kilala ang Loren na sinasabi mo. Kung sino man iyon sigurado akong iniwan ka niya dahil may ginawa kang kalokohan. Ang katulad mo ay karapat-dapat lang na iwan. Ashole." Hindi ko pinag-isipan ang bawat salitang lumabas sa bibig ko, basta ko na lang sinabi iyon nang hindi iniisip kung may masasaktan ba ako o wala.
Para saan pa? Gano'n naman talaga ako, wala akong pakaelam sa kung sino ang masasaktan sa bawat salitang sasambitin ko.
Nakita ko na naman ang muling pagluha niya bago siya tumayo at harapin ako. Wala siyang pakaelam kung nakikita ko man na mahina siya marahil ay gano'n naman talaga ang nararamdaman niya. At hindi niya kayang pigilan iyon.
"Wala kang alam sa buong pagkatao ko. Hindi mo alam kung ano ang nangyari kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako nang gan'yan. Nagkamali ako nang akalain kong ikaw siya dahil malayong-malayo ka sa kanya. My girl never called me ashole. She's way better than you."
Iyon lang ang sinabi niya pero pakiramdam ko ay tinapakan niya ang buong pagkatao ko. He just compared me to his fucking ex—or something. Bago pa man ako makapagreklamo ay nakalayo na ito sa akin. Maingay ang buong paligid pero rinig na rinig ko ang sarili kong puso dahil sa lakas nang pagkabog nito. Nabalot ako nang pagka-inis. Sobrang inis. Ano mang oras ay parang gusto kong manakit.
"Damnshit!"
Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako nang matinding inis dahil sa sinabi nang lalaking iyon. Hindi niya naman ako kilala pero kung makapagsalita siya parang alam niya ang bawat istorya ng bubay ko.
'Ikaw rin naman, pinagsalitaan mo siya na parang alam mo ang pinagdadaanan niya.'
Nilagok ko na lang ang isang boteng beer at hindi na isinalin pa iyon sa baso. Gusto kong mawala ang inis ko pero mukhang hindi iyon mangyayari sa pag-inom ko lang ng alak. Babalik lang sa akin ang sinabi nang estrangherong iyon.
Nakita ko na lang ang sarili ko na nakikipagbungguan sa mga tao para makaraan ako palabas ng bar. Kailangan kong huminga at ilabas ang sama ng loob ko. Wala akong pakaelam sa mga nagrereklamong customer ng bar kahit pa sigawan nila ako.
Huminga ako nang malalim nang tuluyan akong makalabas, marami ring tao rito sa labas at karamihan ay may mga kasama na. Sa 'di kalayuan ay may mga taong nagkukumpulan at nagsisigawan. Wala naman akong pakaelam sa gano'n dahil hindi ako interesado sa mga tao. Pero hindi nakisama ang aking mga paa, parang may kung anong humihila sa akin para lumapit ro'n.
Nakita ko na lang ang sarili ko na nakikipagsiksikan sa mga tao ngunit hindi parin sapat ang lakas ko para patabihin silang lahat. Kaya naman inayos ko na lang ang aking sarili at binigyan sila nang nakamamatay na tingin.
"Kapag hindi kayo tumabi riyan, kayo ang sisipain ko papalayo."
Napangisi ako nang malapad nang agad silang sumunod at magsitabi. Karamihan sa mga chismosang ito ay kaedaran ko, pero wala akong pakaelam. Nang makita ko kung ano ang nangyayari ay agad na kumunot ang noo ko lalo na nang masilayan ko si Tiago na binubugbog ang kaawa-awang lalaki at walang laban. Namumukhan ko ang lalaking iyon, siya iyon ...
"TIAGO!"