webnovel

CHAPTER 7:

FOL 7:

How could love change people's heart? Does love make you change for a better or for worser?

Napapikit ako nang mabasa ko ang linyang iyon sa google. I'm just searching for the real meaning of

love, because, I forget it all when my life became miserable. I'm just seeking for an answer for the questions inside my mind but then this question popped.

Nagkaroon ng maraming katanungan sa utak ko. Lalo akong naguluhan. Sagot ang hinahanap ko para sa aking nararamdaman pero bakit nadagdagan lamang ang katanungan na hindi ko masagot? Sa sobrang dami no'n hindi ko na maintindihan kung ano ang uunahin kong sagutin.

Will this love save me? Will this love can change for better or for worser? Will this love make me stronger ... emotionally?

But above all, isang katanungan lang naman ang kailangan kong masagot para magkaroon din ng kasagutan ang iba.

Pagmamahal nga ba itong nararamdaman ko para kay Cooper?

Napabuntong-hiniga na lang ako nang malalim ng biglang nag-beep ang aking cellphone na nasa tabi ko lang. Napahilamos ako ng mukha ng kunin ko iyon at basahin ang mensahe. It's from Caliber. Wala namang ibang manggugulo sa akin kundi ang lalaking iyon.

To: Caliber

Are you free tonight? Punta ako sa club, wanna see you.

Naiiling na lang ako nang ibalik iyon sa dating lagayan. Hindi pinansin ang mensahe. Kung pumunta man siya rito ay wala akong pakaelam.

After that long night with him, he became one of my oh-so-called friend. According to him. Pero tulad nang iba, I don't really care. Hindi ko siya pinagtuunan nang pansin, mas maraming bagay na dapat kong unahin kaysa ang pakipagkaibigan sa kanya.

Tumayo na lang ako mula sa aking kinauupuan at inayos ang aking sarili. Nagsuot ako ng red fitted dress na hanggang tuhod ang haba. Tinernuhan ko iyon ng three and half inches heels. I also wear light make up that's reveal my simple beauty that can attract every man.

This day gonna be a perfect day. I think.

Agad akong pumara ng taxi at tumungo sa Via-Trix University. Iyon ang paaralan na pinamamahalaan nang magaling kong kambal. Pinamana sa kanya ng aming magaling ama dahil siya raw ang responsable sa aming dalawa. Kapag kinumpara kaming dalawa, ofcourse, she's always the winner. She's smart and I'm not. She's talented and I'm not. She's responsible and I'm just a rebel. She finished her study and I'm just in highschool.

Yes, highschool lang ang natapos ko. I didn't finished my study not because I'm lazy but to make my father pissed. I love seeing him mad.

Binati ako ng guard nang makarating ako sa Via, sa pangalang kinaiinisan ko. Sa pangalan ng kambal ko, we're identical twin so, as expected. Ngumiti na lang ako nang peke. Alam kong kabaligtaran nang ugali ko ang aking kambal. She's more lucky that I am.

Inilibot ko ang paaralan na pagmamay-ari ng pamilya. Wala paring pinagbago, kung ano ang nakita ko dito no'ng huling punta ko rito gano'n parin. It was a year ago.

Psh. Akala ko naman ay magkakaroon ng pagbabago ngunit mas lumala pa yata. Responsible huh?

Tulad ng guard marami ring estudyante na bumabati sa akin. They respected their dean, huh?

Tumungo na lang ako sa garden kung saan tingin ko ay makakalakap ako nang sariwang hangin. Bakit ba ako pumunta rito? Dahil gusto ko lang, gusto kong makita ang pinamamahalaan nang magaling kong kambal. Bukod do'n gusto kong makita kung gaano kaayos ang magaling kong kambal. Kung gaano kagaling ang babaeng kinukumpara sa akin.

"Hey, Max." Hindi ko pinansin ang boses lalaking tumawag sa pangalan ko. Pangalan ko nga ba gayong Max lang ang tinawag niya sa akin? Sigurado akong mapagkakamalan niya lang ako bilang ang kambal ko.

Napabuntong-hiniga na lang ako nang makita ko na siya sa aking harapan at nakatayo. May hawak siyang folder, isa siguro siyang professor dito.

"Hindi ko naman alam na mahilig ka pa lang tumambay dito. Ayos ka lang? You look pale," nag-aalalang tanong nito sa akin. "Ito nga pala ang mga papers na pinapirmahan mo sa amin. Kumpleto na iyan." Inabot niya sa akin ang folder na hawak niya.

Tinanggap ko iyon at pinasadahan ng tingin, kapagkuwan ay tinignan ko siya nang masama bago itapon sa pagmumukha niya ang mga papeles.

Napakunot na lang ang kanyang noo bago umupo sa aking tabi. Hindi ba siya marunong makaramdan na hindi ako yung taong kailangan niya? I'm not my twin sister.

"Get out of my sight, now," walang gana kong saad bago ipinikit ang aking mga mata.

"Maxriel, may dalaw ka ba? Ang sungit mo, hindi kana rin malambing. What happened to my bestie?" Hinawakan niya ako sa aking braso dahilan para hawakan ko nang mahigpit ang kanyang kamay. Sa sobrang higpit no'n ay nakikita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Serve it.

"Don't you dare touch me again or I'll break your bones," asik ko. Matalim ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Nagugulat ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Inaalam kung sino ako.

"You're--who are you?"

"I'm not the person who's your looking for. She's different from me," malamig at walang kabuhay-buhay kong saad.

Binitawan ko na siya at hinayaang maglakad papalayo sa akin. Wala akong pakaelam kung saan man siya magpupunta. Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit agad din akong napamulat nang tumunog ang aking cellphone. It was a call from Caliber. Wala akong pakaelam do'n pero aksidente kong nasagot ang tawag nang ibabalik ko na sana iyon sa aking bulsa. Wala akong nagawa kundi ang sagutin iyon.

"Where are you?" agad na tanong nito. Napakamot na lang ako sa aking sintido sa inasal niya. Hindi naman kami gano'n ka-close.

"Why asking?" inis na tanong ko, "as if we're close."

"Ang sungit mo." Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya.

"Anong kailangan mo?"

"Wala. Gusto lang kitang makita."

"Ayaw kitang makita."

"Pumikit ka nalang kapag nagkita tayo. I badly want to see you."

"I'm busy. Don't disturb me."

"Gusto ko lang naman marinig boses mo. Bakit ang sungit mo?"

"Ayaw kong marinig ang boses mo."

"Why so mean?"

"I am."

"Bilis na. Gusto lang naman kitang makita e."

"Paka---"

"So, they're right? You're here."

Agad kong in-end ang tawag nang magsalita ang magaling kong kambal. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa akin. Nakikipaglaban siya ng titigan sa akin. Masamang tingin laban sa nakamamatay na tingin. Kami lang dalawa ang tao rito kaya naman gano'n agad ang binungad niya sa akin.

"Anong ginagawa nang magaling kong kapatid dito?" tanong niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang papa. "Infairness, mukha kang tao ngayon. Hindi ka mukhang sanggano."

"Ano nga bang ginagawa ko rito, gayong tinaboy niyo na ako bilang parte ng pamilya? But, oh, nagpunta lang ako rito para tignan kung gaano ka-responsable ang magaling kong kapatid. But seems, wala namang nagbago. Parang nahiya ako," sarkastiko kong saad. She can win in good deeds but not in this. "Isa ka paring malaking talunan."

"Alam mo ang mabuti pa umalis ka na lang. Bago pa uminit ang ul--"

"You can't do that here," mapagmalaki kong tugon. She can't harm me knowing na makikita siya ng mga taong kilala niya. Alam kong hindi niya hahayaang masira ang magandang pangalan na inukit niya.

Matalim ang tingin niya sa akin, para akong papatayin pero nagbago iyon ng may dumaang mga estudyante at binati siya. Nagtataka rin silang tumingin sa aming dalawa. Naguguluhan yata sa kung sino sa amin si Maxriel. Tinignan ko lang sila nang masama samantalang si Maxriel ay malapad ang pagkakangiti sa kanila. Santa-santita talaga ang gaga. Sumobra yata sa ka-plastikan. Ilang anghel ba ang nagbabantay sa babaeng ito?

Nang makalayo sa amin ang mga estudyante ay bumalik siya sa kanyang dating anyo. Isang mabangis na hayop na hindi mapapaamo, magaling magbalat-kayo. Paano ko ba naging kakambal ang babaeng ito? Peke ang buong pagkatao niya, pinapakita lang niya sa marami ang mabuti sa kanya pero kung masama iyon? Sa akin niya lang pinapakita, maging sa aking magaling na ama ay hindi niya magawang maging demonyo.

"Dapat na ba kitang palakpakan? You're a great actress, deserve an award of being ... antagonist. Pang-famas. Do'n ka lang naman magaling, ang maging kontra-bida." I said sarcastically.

Natuwa ako nang makita ko ang panggigigil sa kanyang mga mata. Ano mang oras ay maaari niya akong masaktan. Maaari niya akong sugurin at sabunutan na lang. Tulad nang palagi niyang ginagawa sa bahay kapag magkaaway kami. Do'n naman siya magaling kapag napipikon na siya, ang sugurin at saktan ako ng pisikal.

"Anong tingin mo sa sarili mo? Isang bida? C'mmon my dear sister, hindi ka mananalo kapag ikinumpara sa akin. Kailan ka ba nanalo?" nag-umpisanhg magpakawala ng demonyong tawa ang kanyang bibig. Ito ang bagay na hinihintay ko sa kanya ang ilabas niya ang kademonyohan niya. Ganito siya sa bahay lalo na kapag kami lang dalawa. Ganito siya sa akin.

"Palagi akong panalo, I can win with my own. Atleast ako nagpapakatotoo, ikaw isa ka lang namang dakilang kontra-bida na magaling magbalat-kayo. Alam mo isang kang 'made in china' ooops, kahit ang china itataboy ka sa sobrang peke mo. You're nothing but a fake."

Nag-umpisang gumalaw ang kanyang mga paa palapit sa akin. Dahan-dahan habang matalim ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Samantalang, wala akong kibo, kalmado lang akong nakatingin sa kanya habang naka-krus ang aking mga braso. Naghihintay sa kanyang gagawin.

Pero tulad ng aking inaasahan, iba ang nangyari. She can't harm me, right now, right here. Maaaring pagsimulan iyon nang gulo at kakalat iyon sa buong university. Masisira ang kanyang pangalan.

At upang hindi masira ang kanyang pangalan? Ako naman ang sisiraan niya. Nag-umpisa na naman siyang umarte na parang isang bida at nagbabalat-kayo.

Nag-umpisa siyang umiyak nang tuluyan siyang makalapit sa akin, halos dalawang dipa lang ang layo namin sa isa't isa. Napaluhod pa siya habang lumuluha, humahagulhol narin siya.

"Maxcien, bakit mo ba ginagawa ito? Bakit palagi mo akong pinagbibintangan? Ano bang kasalanan ko sa'yo?" umiiyak na aniya.

Gusto kong matawa sa ginawa niya, gusto kong humalakhak sa sinabi niya pero hindi ko nagawa. Nakatitig lang ako sa kanya habang pinapanuod siyang umarte. Kahit sino ay maniniwala sa ginagawa niya, sa mga sinasabi niya. Hindi na ako nagulat o namangha sa galing niyang umarte. I used to watched her being like this, like an actress who doesn't know how to be nice.

"Magkapatid tayo, Maxcien, alam mo bang miss na miss na kita? Simula nang malaman kong lumayas ka sa bahay hinahanap na kita. Tapos pupunta ka rito para sumbatan ako?" Humagulhol pa siya. "You know, ate loves you, r---

"Maxcien!"

Lalo pa nitong nilakas ang paghagulhol niya nang marinig ko ang malakas na pagsigaw ng aking ama. Kasunod no'n ay ang mga estudyanteng masama ang tingin sa akin, para nila akong papatayin sa mga titig nila

Mabilis ang bawat paghakbang ng aking ama, agad niyang dinaluhan si Maxriel at inalalayan para tumayo.

"Ano na naman bang ginawa mo sa kapatid mo? Wala ka talagang kahihiyan, hanggang dito ba naman dinadala mo iyang pagkademonyo mo?"

Ngayon, nag-sink in na sa akin ang lahat, kung bakit umarte na naman ng gano'n ang magaling kong kapatid. She knew our father was there, ano mang oras ay lalabas iyon kasama ang mga estudyante. What a shame.

Gusto kong pumalakpak nang pagkalakas-lakas upang ipakita sa kan'ya na napahanga niya ako sa galing niya. Mali yata ang kinuha niyang propesyon parang mas bagay sa kaniya ang maging artista.

Isang demonyong halakhak ang pinakawalan ko, hindi ako bumago sa kinatatayuan ko at walang takot na humarap sa matatalim nilang mga mata.

"Nakakaawa kayo. Nakakatawang panuurin na pinaniniwalaan ninyo ang bitchesang babae na ito. Nakakaawa kayong mga walang alam kung gaano kademonyo ang iniidolo ninyo. Mga wal--"

"Maxcien, enough, you brat. Wala ka talagang galang, look what you've done to your sister, she's crying out loud because of you," paninisi nito sa akin.

Gusto kong magalit pero ano pa bang bago? Hindi naman nila pakikinggan ang side ko. Never. Kahit anong sabihin ko ay hindi na niya paniniwalaan gayong nalason na utak nilang lahat. At ang lumason? Walang iba kundi ang aking kambal.

Tinignan ko si Maxriel na patagong ngumisi, sa akin lang niya pinakita. She did it for purpose. I knew it.

"Kung pumunta ka lang dito para manggulo, lumayas ka na lang. Huwag kang babalik dito," sigaw ng aking ama na sinundan naman ng mga estudyanteng walang alam. Pinaaalis nila ako at sinisisi sa pag-iyak ng kanilang mahal na dean.

Responsible bang tao ang ganito? Pinababayaan niyang maging bastos ang mga mag-aaral. Tinuturuan pa niyang maging plastic katulad niya.

Looking at my father, I saw in his eyes how he hated me as his daughter. Matagal ko na namang alam, simula ng mag-umpisa akong mag-rebelde. Kaya naman nawalan na ako nang pakaelam sa lahat ng sasabihin o gagawin niya.

Chin up, I walked towards the wide open gate to leave this hell.

Chương tiếp theo