webnovel

evangeline villegas

Tác giả: Daoist475224
Hiện thực
Đang thực hiện · 18.1K Lượt xem
  • 1 ch
    Nội dung
  • số lượng người đọc
  • N/A
    HỖ TRỢ
Tóm tắt

This book is about true to life stories and experiences of how God works in every situation for those people who display their faith in Him.

Thẻ
1 thẻ
Chapter 1THE JOURNEY OF MY FAITH

This book is about my personal encounter and testimonies of my 33 years walking in faith and serving the Lord. It comprises the starting point of my love and serving the Lord for the first time and up to present. How I experienced the Supernaturals, the demonstration of God's power and how this experiences molded me to a better version of myself.

CHAPTER 1

BIDA ANG KA-TANDEM KO

13 Ngunit pagdating ng Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan. Sapagkat ang sasabihin niya ay hindi mula sa kanyang sarili, kundi ang kanyang narinig; at ipahahayag niya sa inyo ang mga mangyayari sa hinaharap.

Juan 16:13 (MBBTAG)

Taong 1986, kasagsagan ng People power panahon ni Marcos ay kainitan ng aking pananampalataya. Labimpitong taong gulang lamang ako ng mga panahong ito at ilang buwan pa lamang akong nakakakilala sa Diyos. Sa aking kinabibilangang lokal church na JIL ako nagsimula sa tulong at pagtuturo ng aking mentor na si Pastor William at Pastor Wilson na umuwi na kay Lord at kay Pastor Greg na nakasama ko rin kahit hindi matagal na panahon pero sila ay nagkatulong-tulong upang ako ay lumago sa pananampalataya. Dahil ako ay masigasig sa pagdalo at mainit sa pananampalataya ay isa ako sa kabataan na binigyan nila ng assignment na humayo at magturo sa isang bible study sa lugar ng Cataning, Balanga City. Binigyan nila ako ng pangalan ng isang pamilya bilang coordinator sa lugar subalit nang aking puntahan at bisitahin ang kanilang lugar ay nanlumo ako dahil mismong sa tahanan nila ay may sugalan at naghahalo sila ng baraha.Nang matanaw ko ito sa may di kalayuan ay hindi na ako tumuloy sa halip ako ay nasa ilalim ng isang poste at nananalangin. Sinabi ko sa Holy Spirit na bigyan niya ako ng bagong coordinator at ako ay pinalakad ng Holy Spirit pa diretso sa bandang dulo hanggang malayo layo na rin ang aking narating sa oras na alas 2 :00 ng hapon ay nakarating ako sa may tulay. Napansin kong papasok na sa parang liblib na lugar iyon at sinabi ko sa Holy Spirit na saan ba ako pupunta sa lugar na iyon? Sinabi niya sa akin na pagbaba ng tulay sa gawing kanan, iyong unang bahay na naroon ay huminto ako at makiinom ng tubig. Ganon nga aking ginawa. Nakiinom ako pero habang nakikiinom ako ay nakita ko ang kanilang Nanay na hinahagod sa likuran ng kanyang asawa dahil sa hirap niyang huminga. Ako ay nagpasalamat sa kanila at sinabi ko na gusto kong ipanalangin ang kanilang ina. Pumayag sila at nagsimula akong magbahagi ng kaligtasan at matapos tumanggap ay ipinanalangin ko ang kagalingan ng kanilang ina. Sa oras na iyon ay agad naramdaman ang Holy Spirit, sa kanyang pagkilos at agad agad gumaling ang babae at sinabi niya na maayos na ang kanyang paghinga. Namangha si Tatay at sa tuwa niya ay lumabas siya at ipinamalita ang nangyari sa mga kaanak at kapitbahay habang ako naman ay masayang nakikipag usap sa nanay at manugang niya. Maya maya pa ay biglang napuno ang kanilang tahanan ng mga tao. Pinili ng Holy Spirit ang lugar na iyon dahil ang style ng bahay nila ay parang church. Maluwang ang lugar at may mga bangkong mahahaba sa gilid kung kaya't nang pumasok ang mga tao ay nangaupo sila at tila ba may hinihintay. Sa pagkakataong iyon ay aking napagtanto na marami sa kanila ang maysakit. Dahil ako ay may ka-tandem siyempre nangaral na ako at ibinalita ang kaligtasan sa kanila, kasunod ang pagpapatong ng kamay sa may mga sakit. Doon ko nakita ang bukol na pumutok at umimpis matapos ipanalangin, may mata na na sobrang maulap daw ang paningin ng isang matanda subalit matapos siyang ipanalangin ay sinabi niyang may mga kaliskis na nalaglag sa kanyang mga mata at pagdaka'y luminaw ang kanyang paningin. Maraming pinagaling na mga nilalagnat ng oras na iyon, hindi nga matapos tapos ang pasasalamat sa Diyos Dahil sa kanyang mga himala. Ito ang pasimula ng isang bible study sa lugar at matapos ang ilang pag aaral ay halos punong puno ang buong bahay sa dami ng taong sabik makinig sa salita ng Diyos. Namangha ang aking Pastor William at Pastor Wilson dahil nang sila ay magturo sa lugar ay nakita nila ang mga uhaw na kaluluwa naghahangad na maligtas sa apoy ng impyerno. Anupa't sa lugar na iyon ng Ugong, Cataning ay may mga naging matatag sa pananampalataya.

Juan 16:13 (MBBTAG)

13 Ngunit pagdating ng Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan. Sapagkat ang sasabihin niya ay hindi mula sa kanyang sarili, kundi ang kanyang narinig; at ipahahayag niya sa inyo ang mga mangyayari sa hinaharap.

Hindi ka nag iisa, laging nariyan ang Banal na Espiritu sa iyo kasa kasama mo. Bigyan mo ng halaga ang kanyang presensya at siguradong magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga hakbang.

Chapter 2

BINUHAT NG ANGHEL

20 "Magpapadala ako ng anghel na mangunguna sa inyo. Pangangalagaan niya kayo sa inyong paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupaing inihanda ko sa inyo.

Exodo 23:20 (MBBTAG)

Natatandaan ko pa wayback 1987 ang nangyaring ito sa aming mag asawa. Mga bandang alas 5:00 ng hapon ay pumunta kami sa Maria Fe Subdivision na kung saan ipinatawag ako ng Owner ng isang private school sa gawing Kaparangan dahil nais niyang isuko ang kanyang mga Idols sa kanyang bahay. May malalaki at malilit na nakalagay sa altar, sa kuwarto at sa salas. Bago ko inalis ito ay naghayag muna ako ng salita ng Diyos at saka nanalangin. Matapos ang alas 6:00 ng hapon ay bumalik na kami na dala-dala pauwi sa Talimundoc, Orani ang mga ito, alas-syete ng gabi ay gumayak na kmi para pumunta sa isang bible study. Habang padilim ng padilim ang paligid kami ay nakasakay sa isang tricycle papuntang Tenejero sa Orani pa rin. Pagdating namin sa crossing na daan ay nagulat kaming mag-asawa dahil biglang may tricycle na halos 2 metro nalang ang layo ay sasalpok sila sa amin. Isa pang mahirap na sitwasyon ay parehong mabibilis ang aming sinasakyan kung kaya't ako ay napasigaw ng malakas na malakas na "In Jesus Name !" sa aming pagkagulat ay lubos ang aming pagkamangha dahil sa isang kisapmata kami ay nakalipat sa kabilang side ng daan, ibig sabihin doon sa kabilang side ng makakasalubong namin. na tricycle, grabe talaga ang himala ni Lord,nagsugo siya ng anghel upang buhatin at ilipat kmi sa kabilang side. Bakas sa mga mukha ng driver ang lubos na pagtataka pero isang maliwanag na himala na pagliligtas ang aming naranasan ng oras na iyon. Bigla naisip ko na kung kami ay naaksidente ay magiging questionable ang aming pagkuha sa mga Idols ng araw na iyon pero siyempre to the rescue ang ating ministering angels. Purihin ang Diyos na nagliligtas sa tapat sa kanya.

Pinalaya ng Anghel si Pedro

Mga Gawa 12:6-10 (MBBTAG)

6 Nang gabi bago iharap ni Herodes si Pedro sa bayan, natutulog ito sa pagitan ng dalawang kawal. Nakagapos siya ng dalawang tanikala at may mga bantay pa sa harap ng pinto ng bilangguan. 7 Walang anu-ano'y lumitaw ang isang anghel ng Panginoon at nagliwanag sa silid-piitan. Tinapik nito si Pedro sa tagiliran at ginising. "Dali, bumangon ka," sabi ng anghel. Nakalag ang mga tanikala sa mga kamay ni Pedro. 8 "Magbihis ka't magsuot ng sandalyas," sabi ng anghel, at ganoon nga ang kanyang ginawa. Sinabi pa sa kanya ng anghel, "Magbalabal ka't sumunod sa akin."

9 Lumabas at sumunod si Pedro sa anghel, ngunit hindi niya alam kung totoo nga ang nangyayaring iyon. Akala niya'y pangitain lamang iyon. 10 Nakalampas sila sa una at pangalawang bantay at nakarating sa pintuang bakal na labasan papunta sa lungsod. Ito'y kusang bumukas at sila'y lumabas. Pagkaraan nila sa isang kalye, bigla siyang iniwan ng anghel.

11 Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin,

saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.

Mga Awit 91:11 (MBBTAG)

7 Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila'y kinukupkop.

Mga Awit 34:7 (MBBTAG)

Maliwanag na merong nagbabantay sa mga tunay na sumusunod sa Diyos, tumawag ka lang at dagli kang sasaklolohan. Purihin ang Panginoon!

Chapter 3

NAKURYENTE, BUHAY PA RIN!

18 Ang Panginoon ang magliligtas sa akin sa lahat ng kasamaan at siya rin ang maghahatid sa akin nang ligtas sa kanyang kaharian sa langit. Purihin nawa siya magpakailanman! Amen.

2 Timoteo 4:18 (MBBTAG)

July, 1986 isang pangyayari sa buhay ko na lalong nagpalapit sa akin sa Panginoon. Lagi kong hinahanap ang kanyang presensya at ito yung panahon ng unang pag ibig ko kay Lord na kung saan sa sobrang in love ko ay gusto kong walang nasasayang na oras na siya ay aking naiisip at pinapupurihan kahit ano pa ang aking ginagawa. Tuwing umaga pagmulat pa lamang ng aking mata ay dumederetso ako sa aming salas na kung saan naroon ang aming casette radio tape player, lagi kong pinatutugtog ang mga paborito kong papuri song tuwing umaga at ito ay akin pang sinasabayan sa pag awit subalit ng umagang iyon ay ayaw tumunog ang casette player. Hinanap ko ang dahilan at tinanggal ko ang jack plug nito na nakasaksak sa gilid at laking gulat ko dahil may talop na bahagi sa kurdon na kasalukuyang nakasaksak sa 220v at nang oras ngang iyon ay hinihigop ng kuryente ang aking katawan na hindi ko ito mabitawan, nanginginig ako, nanlalambot na hindi makasigaw man lang upang humingi ng tulong, tanging ang gumagana nalang sa akin ay ang aking isipan. Sa oras na iyon ay humingi ako ng tulong sa Diyos, binuo ko sa aking isipan ang katagang "In Jesus Name!" pagdaka'y nawala ang dumadaloy na kuryente sa akin at lubhang nakakamangha dahil nang oras na iyon ay hindi naman nawalan ng power sa lugar namin, katunayan ay bukas ang aming ilaw sa salas at kusina, maliwanag na isa itong himala dahil hawak hawak ko pa rin ang jack plug. Wow! Amazing! kahit na sobrang nanlalambot ako na napaupo sa sofa ay nagpupuri ang aking kalooban at galak na galak ako ng oras na iyon.

Exodo 14:13-14 (MBBTAG)

13 Sumagot si Moises, "Lakasan ninyo ang inyong loob; huwag kayong matakot. Tingnan na lang ninyo kung paano kayo ililigtas ngayon ni Yahweh. Hindi na ninyo muling makikita ang mga Egipciong iyan. 14 Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, pumanatag lamang kayo."

Mga Kawikaan 14:27 (MBBTAG)

27 Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay bukal ng buhay, at ang taong mayroon nito'y malayo sa bitag ng kamatayan.

Mga Awit 121:7 (MBBTAG)

7 Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat,

sa mga panganib, ika'y ililigtas.

Marahil nga ay malawak pa at marami pa akong layunin sa buhay na ito kung kaya't naroon agad ang saklolo ng Panginoon. Sa Diyos ang papuri.

Chapter 4

TERRITORIAL SPIRIT

12 Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid.

Efeso 6:12 (MBBTAG)

Tanghaling tapat, alas-dose na at inabutan kami ng asawa ko sa clinic ng aking kaibigan sa Sta Rita, Guiginto. Naalala ko ang panahong ito, taong 2010 at dito na kami naninirahan sa Bulacan ng aking pamilya. Masaya kaming nag-uusap ng aking kaibigan ng biglang-bigla ay pumasok ang kanyang dalagitang anak at takot na takot, naninindig ang mga balahibo sa braso at sinabi niya "Mama, tumaas ang tinidor mula sa lalagyan, nauna pa dun yung susing nakasabit ay biglang nag swing ng nagswing, Mama takot ako." Bakas sa mukha ng aking kaibigan ang pagkatakot at pag-aalala. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sinabi ko sa kaibigan ko "papasukin mo kami sa loob ng bahay at gusto kong ipanalangin ito." Dali-dali ang aking kaibigan na pinapasok kami sa kanyang bahay at sa aking pakiwari ay parang may nagpupuyos na damdamin ng kaaway ng kami ay pumasok dahil sa unang pasok palang ay mararamdaman mo na ang abnormal na init na halos hindi mo matagalan ang init. Sabi ko sa freind ko "Kumpirmado na may nakatira ditong demonic spirit," Kakaiba at madilim ang paningin ko sa buong kabahayan na para bang may bumabalot na usok na maitim na mahirap ipaliwanag at isalarawan, gayunpaman nagsimula akong magtanong sa kaibigan ko, "Meron ka bang maikukuwento na kakaibang pangyayari sa bahay na ito ?"At kanyang sinabi na, "Oo meron dahil sa itaas ng bahay ay dalawang kapatid ko na ang nagpakamatay, bukod doon ay sadyang marami pa kaming nararamdaman na hindi maipaliwanag, sa gabi ay parang may lumalakad." Hindi na ako makatagal sa init kaya't nagbahagi ako ng salita ng Diyos at pinatanggap ko sila sa Panginoon. Kasunod ay ang pag-annoint ng oil sa mga bahagi ng kabahayan at pagpapalayas sa mga demonyong nakatira sa bahay na iyon. Habang ako ay nananalangin ay sadyang hindi mapigilan ng aking kaibigan na maiyak dahil sa sobrang takot na kanyang nararamdaman, naninindig ang balahibo niya na para bang sa pakiramdam niya ay nagpupumiglas ang mga demonyong espiritu na umalis sa kanilang nakasanayang tahanan. Matagal tagal din ang aming ginugol sa panalangin hanggang maging payapa na ang pakiramdam at maging magaan. Matapos nito ay sadyang kakaiba na ang paligid, nawala ang sobrang init na pakiramdam at umaliwalas ang paligid. Sa pagkakataong ito ay bakas na ang magaang damdamin at may peace of mind.

2018, August 10, Malolos Bulacan, naghahanap kami ng maaaring maging church ng Abounding Faith Ministries International at nakita naming ang isang ancestral house sa may Omboy, San Agustin, Malolos, without any idea, ang bahay pala na ito ay kinakatakutan at pinangingilagan ng ibang tao dahil itinuturing nila itong Haunted House at may nagpapakita ditong white lady. Matagal-tagal na rin itong bakante at hindi natitirahan. Kaya ito ay lagging madilim. Nang una kaming pumasok sa lugar ay nararamdaman naming ang masamang espiritu lalung-lalo na sa may basement at dirty kitchen na nasa likuran ng bahay. Sa kabila nito ay nagdesisyon pa rin kaming kunin ang lugar sa pag-sang-ayon na rin ni Pastora Winnie dahil ito ay malapit sa bayan. Sa madaling salita, nilinis at pinaganda namin ang lugar at higit sa lahat ito ay inihandog namin sa Diyos. Magkakahawak an gaming kamay, si Zeth, Apple at Klets. Sama-sama kaming nanalangin at pinalayas ang masamang espiritu na naninirahan sa lugar. Tuwing magpapalayas ng demonyo ay talagang mararamdaman mo ang kilabot na gumagapang sa katawan at talagang mararamdaman ang masamang espiritu na talagang nandoon. Subalit nang ito ay matapos maipanalangin ay naging maaliwalas na at magaan na sa pakiramdam. Magmula ng makuha ito ng AFMI ay naging masaya ang lugar at naging panatag maging ang mga nakatirang kapit-bahay. Purihin ang Diyos.

Dumating sa punto na masikip na ang lugar para sa mga kapatiran lalo na pag may mga special activities kung kaya't lumipat kami sa mas malaking lugar. Ang Coop building sa Longos sa pinaka-itaas na ito ay matagal nang hindi nagagamit ng 4 na taon. Isa rin ito sa kinakatakutang lugar at marami ring nagsasabing mga nagpapakita at umaawit. Kung kaya't iwas ang mga tao dito lalo na sa gabi. Subalit para sa amin, isa nanaman itong hamon para sa aming pananampalataya. Kung inyo lamang makikita ang building bago naming ito malinisan ay talagang napakarumi, magulo at napakadilim. Sa tulong-tulong ng mga kapatiran na sina Kuya George, Pastora Ruth, Sally, Jeff, Connie, Luz, Apple,Kuya Nestor, Russel at Pastor Klets ay natapos naming itong linisin, nabigyan ng buhay at isa na sa kinagigiliwan dahil ito ay para sa gawain ng Diyos.

2 Timoteo 1:7 (MBBTAG)

7 Sapagkat ang espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili.

Kapangyarihang Magbawal o Magpahintulot

Mateo 18:18

18 "Tandaan ninyo: anumang ipagbawal ninyo dito sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot ninyo dito sa lupa ay ipahihintulot sa langit.

2 Corinto 3:17 (MBBTAG)

17 Ang Panginoong binabanggit dito ay ang Espiritu, at kung nasaan ang Espiritu ng Panginoon ay mayroong kalayaan.

Tunay ngang may kapangyarihan ang isang anak ng Diyos na kaya niyang magpalayas ng mga demonyo. Salamat sa authority na binigay sa mga mananampalataya, dapat na alam natin ang ating tinanggap mula sa Diyos at magamit ng tama.

Chapter 5

MY FIRST TIME TO EXPERIENCE

CASTING OUT DEMONS

17 Ang mga sumasampalataya ay bibigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga himala: sa pangalan ko'y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng iba't ibang wika. 18 Hindi sila mapapahamak kahit dumampot sila ng ahas o makainom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na papatungan nila ng kamay."

Marcos 16:17-18 (MBBTAG)

Nag-aagaw ang liwanag at dilim taong 1986, sa lugar ng Cataning ay mayroon kaming bible study. Nakatakda noong mangaral si Pastor Greg Catipon na aming Residential Pastor. Pauna niyang sinabi sa aming mga kabataan na sina Joel, Arnel L., Arnel N., Charlie, Emma at Ate Wilma na kami ay humayo at mag-imbita ng mga tao. Sumunod kami kaya't itong si Ate Wilma ay kasabay kong naglakad-lakad at nagbahay-bahay hangang sa ako may makausap na isang babae, ang sinabi niya ay "pwede ba akong umatted? may sakit ako." At ako ay nag-insist na umattend siya upang maipanalangin.

Upang hindi mahiya ang babae ay tinabihan ko pa siya sa upuan, nang nagsimula na kaming umawit ay hindi na mapakali ang babae, lilinga-linga at parang hindi makahinga. Kung kaya't sinabi ko na maupo na lamang siya. Natapos na ang awitan at nagsimula na si Pastor Greg na mangaral. Tunay ngang ang salita ng Diyos ay buhay at mabisa.

(Ang salita ng Diyos ay buháy at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila'y may talim. Ito'y tumatagos maging sa kaibuturan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at buto, at nakakaalam ng mga iniisip at binabalak ng puso. Hebreo 4:12 MBBTAG) ang babae ay dagliang nangisay sa aking kandungan senyales na nag-uumpisang magmanifest ang demonyo sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito ay halos madistract ang pangangaral kung kaya't sinabi ni Pastor Greg na ipasok na lamang namin sa loob ng bahay ang babae. Dali-dali naman kaming kumilos ng mga kabaaan. At habang nangangaral si Pastor Greg noon ay sinubukan naming palayasin ang demonyo. Unang sumubok si Joel, at sinabi niya "Lumayas ka! Sa pangalan ni Hesus!" sumagot ang demonyo, "sige lalabas ako, kumuha ka ng pinggan". At dahil sa kami ay wala pang karanasan sa mga ganitong pangyayari ay nakakatuwang isipin na sinabi ni Joel na "lalabas na daw siya! kumuha tayo ng pinggan." Nagreact si Ate Wilma at sinabi niya "Bakit tayo susunod eh demonyo yan? Sinungaling yan. Hindi!" kung kaya't itinuloy muli ang pagpapalayas sa demonyo. Maya-maya pa ay sinabi ni Arnel L. na "tumabi kayo, ako naman." At sinisigawan ni Arnel ang babae sa mukha at sinasabing "Lumayas ka! Sa pangalan ni Hesus!" ngunit sumagot ang demonyo at sinabi niya, "lumayo ka bad breath mo!" sadyang nakakatawa ngunit ito ay totoong karanasan. Muling lumapit si Joel at sinabi niya "umalis ka! Sa pangalan ni Hesus!" sa pagkakataong ito ay nagpapaawa na ang demonyo at sinabi niya "oo, talagang aalis na ako. Kumuha ka lamang ng pitsel para makaalis na ako." Sa pagkakataong ito ay sinabi ni Joel na "kumuha na kasi tayo ng pitsel ng matapos na at umalis na siya". tumutol nanaman si Ate Wilma. Ito ay kakatuwang pangyayari ngunit ito ay tunay na karanasang sumabak kami sa ganitong labanan kahit pa wala kaming mga alam pa. sa mga oras na yaon ay marami ng tao sa paligid at mga nag-uusisa. Tapos na ang pangangaral ni Pastor Greg, kaya't pumasok na siya sa loob ng bahay. Sinabi niya "lumabas lahat ng kabataan, iwan niyo lang si Vangie" sinabi niya sa akin na "wala kang gagawin kundi ang sumang-ayon sa aking panalangin." At nag-umpisa na siya sa pagpapalayas ng demonyo. Tinanong ni Pastor ang demonyo kung ano ang kanyang pangalan. Biglang sumagot ng malakas ang demonyo "AKO SI SATANAS!" noong oras na marinig ko yaon, ay nangingilabot ako at parang gusto ko ng lumabas at iwan si Pastor ng mag-isa. Subalit nilakasan ko ang aking loob at nilabanan ko ang takot na aking nararamdaman, nag-agree ako sa bawat prayer ni Pastor. Maya-maya pa ay biglang sumuka ang babae, napansin kong kakaiba ang kanyang suka, ito ay likidong makulay, may green, red, yellow at brown. Tunay na nakalaya ang babae at siya ay tumanggap sa Panginoon.

Ang mga Anak ni Esceva

Mga Gawa 19:11-20 (MBBTAG)

11 Gumawa ang Diyos ng mga pambihirang himala sa pamamagitan ni Pablo. 12 Kahit panyo o damit na kanyang ginamit ay dinala sa mga maysakit, at gumaling ang mga ito at lumayas ang masasamang espiritung nagpapahirap sa kanila.

13 May ilang Judio roon na naglilibot at nagpapalayas ng masasamang espiritu. Pinangahasan nilang gamitin ang pangalan ng Panginoong Jesus sa pagpapalayas ng masasamang espiritu sa mga sinasapian ng mga ito. Sinabi nila, "Sa pangalan ni Jesus na ipinapangaral ni Pablo, iniuutos ko sa inyo, lumayas kayo." 14 Kabilang sa gumagawa nito ay ang pitong anak na lalaki ni Esceva, isang pinakapunong pari ng mga Judio.

15 Subalit sinagot sila ng masamang espiritu, "Kilala ko si Jesus at kilala ko rin si Pablo, ngunit sino kayo?" 16 At sila'y nilundag ng lalaking sinasapian ng masamang espiritu, tinalo silang lahat at malubhang sinaktan, anupa't hubad at sugatan silang tumakas sa bahay na iyon.

17 Nabalitaan iyon ng lahat ng naninirahan sa Efeso, maging Judio o Hentil, kaya't natakot silang lahat at pinuri ang pangalan ng Panginoong Jesus. 18 Marami sa mga sumampalataya ang dumating at nagpahayag ng mga dati nilang gawain. 19 Marami sa mga dating gumagamit ng mahika ang nagtipon ng kanilang mga aklat at sinunog ang mga ito sa harap ng madla. Sa kabuuan, ang halaga ng mga ito ay umabot sa limampung libong salaping pilak. 20 Sa ganitong makapangyarihang paraan ay lumaganap at nagtagumpay ang salita ng Panginoon.

Sa karanasang ito, ay malaki ang aking natutuhan at naging baon ko sa aking paglilingkod. Nakita ko na ang demonyo ay nakakasaliksik din ng ating mga katayuan kung hanggang saan ang ating authority. Hindi lahat ng nagpapalayas sa kanya ay kanyang sinusunod dahil alam niya ang authority o hanggang saan pa lamang ang faith ng isang tao.

Chapter 6

KAPRE NAGKAGUSTO SA DALAGA

22 Isang Cananea na nakatira doon ang lumapit sa kanya na sumisigaw, "Panginoon, Anak ni David, maawa po kayo sa akin! Ang anak kong babae ay sinasapian ng demonyo at labis na pinapahirapan nito."

Mateo 15:22 (MBBTAG)

1997, Mariveles Bataan, ang aking asawa at ako ay nag-hihintay sa klinik dahil ako at 3 buwang buntis sa aking anak na si Apple. At biglang-bigla na may pumasok na mga lalaki at may buhat na babae na matigas-na matigas ang posture niya. Walong tao ang bumubuhat sa kanya papasok sa loob dahil daw sa mabigat ito. Matapos ipasok sa loob ng klinik ay biglang lumabas si Doktora Evangelista at nagtanong "mayroon ba ditong marunong magpray? Kasi ang babae ay posses at wala siyang sakit." Nagkatinginan kami ng aking asawa at kahit na buntis ako ng 3 buwan ay nagpresinta ako ng prayer dahil malakas ang conviction ng Holy Spirit. Pagpasok ko sa loob ng klinik ay biglang humihinga ng malalim ang babae habang siya ay nakahiga at nakapikit. Obvious na posses nga talaga siya. pero dahil sa siya ay may suot na singsing na may mga bungo at kwintas na yari sa sinulid na itim na may mga pangil na nakalawit ay sinabi ko kay doktorang tanggalin muna iyon. Nang ito ay amin ng tatanggalin ay nakipagbuno ang babae at ayw niyang ipatanggal ito. At wala siyang nagawa at napilit naming itong matanggal. Pagkatapos nito ay nagsimula na akong mag cast-out at mag-pray in tongues. Tumagal ng almost 30 minutes ang aming prayer in deliverance at tagumpay ang kapangyarihan ng Pangalan ng Panginoon Hesus.

Ang babae ay tuluyang nawalan ng malay ng 1 minuto at pagkatapos nito ay bumalik ang kanyang ulirat, humungi ng tubig at nagtanong kung ano ang nangyari sa kanya at saan siya naroroon. Sa pagkakataong iyon ay doon ko nakita na siya ay bata pa pala. Almost 16 years old lang pala. Samantalang noon na siya ay napoposses ay matanda ang kanyang itsura. Hindi pa ako nakontento sa aking ginawa, kinausap ko ang kanyang kapatid na sumunod sa klinik at tinanong ko kung saang lugar ba sila nakatira ang sinagot niya sa akin ay sa "Quadro."

Matapos ang pangyayaring ito ay ako naman ang chineck ni Doktora, sa tuwa niya na nasaksihan ang kapangyarihan ng Diyos, ako ay nalibre sa check up at mga gamot. Pag-uwi ng bahay ay hindi mawala sa isip ko ang babae dahil kailangan na siya ay tunay na makalaya. At ang nangyari sa kanya ay pansamantalang kalayaan, alam ko sa puso ko na kulang pa ang aking ginawa. Kasama ang mga kabataan na dinidisciple ko noong mga panahong iyon, si Jessie, Zenia, Clarinet, Cecile, Virgie, Vangie at ang aking asawa ay nagsadya kami sa Quadro.

Hindi naming alam ang eksaktong lugar dahil sa gabay ng Holy Spirit naging madali sa amin ang paghahanap. Nang kami ay pumasok sa loob ng tahanan nila ay sinabi ng kanyang kapatid "bago kayo dumating, ngayon ngayon lamang ay kasabay naming siyang kumakain ditto, ayan pa ang kanyang plato subalit bigla siyang pumasok sa kanyang kwarto yun pala ay darating kayo" at pinahintulutan niya kaming sumilip sa kwarto. Nang akin makita ay bigla siyang humihinga ng napakalalim at mabilis na may kasamang pag-ungol. Kung kaya't kami ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa nag-umpisa kaming mag-awitan ng worship song. Lalong tumindi ang kanyang pagwawala hanggang sa nanlisik ang kanyang mga mata kasama na rin ang kanyang mga kapatid na umaalalay sa kanya noon oras na yaon. At ako ay nagprayer in tongues at nagquote ng mga verses. Pinalayas ang demonyo sa pangalan ni Hesus, matapos nito nawalan ng malay ang babae at sa pagbabalik ng kanyang ulirat ay noon ding oras na yaon ay lumilinga ang babae sa kisame na para bang mayroon siyang tinatanaw. Kung kaya't sinabi ko sa kanya "wag mo siyang tignan hayaan mo siyang umalis" nagbahagi ako ng kaligtasan kasama ng kanyang buong pamilya ay pinatanggap ko sila sa Panginoon. Pagkatapos noon ay saka lamang nagkwento ang babae kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya. Matagal na panahon na pala siyang pinahihirapan ng demonyo na ito at bigla nalamang siyang pinatutulog ng minsan ay isang linggong tulog. Kinuwento ng babae na doon sa may puno ng duhat sa may bintana ng kanyang kwarto ay mayroong nakatirang kapre na nagkagusto sa kanya at laging tinatawag ang kanyang pangalan at kapag tinawag na ang kanyang pangalan ay bigla na siyang inaantok at hindi namamalayang natutulog siya ng mahabang araw. Laking tuwa ng kanyang pamilya sapagkat marami na silang nilapitan subalit sa pagkakataong ito ay nakita nila na ang Diyos ay makapangyarihan at pinalaya ang kanyang kapatid.

1 Corinto 10:31 (MBBTAG)

31 Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.

Tayo, bilang mga anak ng Diyos ay tungkulin nating gampanan ang lahat ng best natin sa paglilingkod at huwag tayong makuntento na mairaos lamang ang isang bagay. Magbigay tayo ng panahon at efforts. Tandaan natin na lahat ng ating ginagawa ay nakikita ng ating Diyos at lahat ng ating mga gagawin ay gawin natin para sa kanyang kaluwalhatian. Walang imposible sa Diyos, kaya Niyang baguhin ang sitwasyon ng isang tao kung ito ay may pananampalataya.

Chapter 7

PARALIZED, LUMAKAD!

6 Ngunit sinabi ni Pedro, "Wala akong pilak o ginto, ngunit kung ano ang mayroon ako ay siya kong ibibigay sa iyo. Sa pangalan ni Jesu-Cristong taga-Nazaret, tumayo ka at lumakad." 7 Hinawakan niya sa kanang kamay ang lumpo at itinayo. Noon di'y lumakas ang mga paa at bukung-bukong ng lalaki; 8 palukso itong tumayo at nagsimulang lumakad. Pumasok siya sa Templo kasama nila, naglalakad, lumulundag at nagpupuri sa Diyos.

Mga Gawa 3:6-8 (MBBTAG)

2017, Sapang bato, Angeles City, isang kapatid na nagngangalang Bong ang lumapit sa akin at nakiusap na kung maari ay ipanalangin ang kanyang kaibigan na anim na taon ng hindi nakakalakad at lagi ng nakatanaw sa kanilang terrace. Siya ay lubhang nahahabag sa kalagayan nito dahil noon ito ay malakas ay marami itong mga kaibigan na pumupunta noon at malakas din siyang kumita ng pera dahilan kung bakit marami din siyang natutulungan subalit ng mangyari ito ay damang-dama ang hirap at pagkawala ng pag-asa. Kaya naman ako ay pumayag na puntahan ito sa di kalayuan sa pinagdarausan ng aming pagsamba. Noong oras na yaon ay kasama ko si Ate Angel mga bandang alas-dos ng hapon. Pagkadating namin ay nakita naming siyang nakatanaw sa terrace nila at nakapatong ang paa sa mababang upuan. Sa madaling salita kami ay nag-offer ng pagbabahagi ng salita ng Diyos at sinabi ko sa kanya na kung gusto niyang lumakad ay makakalakad siya sa oras ding iyon. Malakas na tumugon ang lalaki sinabi niya "gusto kong lumakad." Nagsimula akong magshare ng kaligtasan at kapangyarihan ng Pangalan ng Panginoong Hesus. Kasabay nito ay sumasang-ayon si Ate Angel at Brother Bong sa lahat ng aking ibinabahagi. Matapos nito ay nag-umpisa na kaming ipanalangin siya at inalalayan muna naming siyang makatayo. Pinahakbang naming siya ng ilang hakbang habang hawak naming siya sa kamay, at sabay naming binitawan at pinalakad mag-isa sa pangalan ng Panginoon Hesus. Siya naman ay sumunod at nagsimulang lumakad sa sarili niya. Sa una ay mabagal hanggang siya ay bumilis sa kanyang paglalalakad at sumigaw si Ate Angel "Tay, itaas mo ang mga kamay mo baka hindi mo pa nagagawang itaas ang mga kamay mo" at iyon nga ang kanyang ginawa. Sa sobrang tuwa ng lalaki ay siya ay paikot-ikot sa terrace at hindi na umupo. Siya ang naghatid sa amin palabas sa terrace ng kami ay pauwi na at nang kami ay nasa labas na ay biglang dumating ang kanyang anak at namangha ito sa pangyayari at umiyak. Gayon din naman ang asawa niya ay galak na galak sa nasaksihang himala ng kagalingan. Purihin ang Diyos.

2018, Guiguinto Bulacan, nabalitaan ko na si Tatay Eddie na aking kapatiran sa Cff Church ay 2 buwan ng hindi nakakalakad at sadyang maraming iniinda sa katawan. Kaya naman noong ako ay nagkaroon ng pagkakataon kahit gabi na ay sumaglit ako sa kanilang tahanan upang dumalaw sa pamilyang ito at iyon nga ang nakita ko siya ay mahina at nakaupo. Katulad ng aking mga ginagawa, pinapalakas ko ang kanilang pananamapalataya sa pamamagitan ng pagpapaalala ng kapangyarihan ng Salita ng Diyos. Matapos niyang marinig ang salita ng Diyos ay sinabi ni tatay Eddie na "Pastora Vangie, bukas ay mag-uumpisa na akong maglakad-lakad, tama ang sinabi mo na hindi ako dapat ninanankawan ng diyablo sa mga oras ko na dapat sana ay masaya akong kasama ng pamilya ko at hindi ng ganitong kalagayan, hindi ako papayag na manatili pa sa aking higaan, kung kaya't bukas na bukas din mag-uumpisa akong lumakad" at ganun nga ang kanyang ginawa. Unti-unti kahit mahirap ay pinilit niya na umakto sa kanyang pananampalataya. At ilang araw lamang ay nakalakad siya ng tuluyan, bumalik ang sigla ng kanyang katawan. Si Nanay Nita (kanyang asawa) ay tuwang-tuwa na nagmessage sa akin na ang sabi niya ay sadyang pinagaling na ang kanyang asawa, purihin ang Diyos!

2019, Malolos Bulacan, sa aming pagbabahay-bahay upang dumalaw sa aming mga kapatiran sa AFMI Church ay napunta kami sa tahanan ni Ate Loida. Hindi naming inakala na siya ay paralisado sapagkat ang nakiusap ay ang kanyang asawa na si Allan na kung maaari ay magbible study sa kanilang tahanan. Ang kanyang asawang si Loida ay nakahiga at hindi makatayo. Siya pala ay nagkukulang sa Potassium kung kaya't walang kalakas-lakas ang lahat ng parte ng kanyang katawan, tanging ulo lamang ang kanyang iginagalaw. Nahabag kami sa kanyang kalagayan at siya ay aking chinallenge. Sinabi ko sa kanya " kung mayroon kang pananampalataya, lalakad ka ngayon ding oras na ito." At siya ay umiyak at sinabing "opo, mayroon po akong pananampalataya" nag-umpisa muli akong mangaral ng kaligtasan at sinabi kong ang Diyos ang nagpapagaling. Matapos siyang tumanggap sa Panginoon ay itinayo naming siya nina Ate Ruth, Ate Connie, Ate Sally at Apple. Sa umpisa ay apat kaming umaalalay sa kanya dahil napakabigat at mahirap siyang itayo pero walang imposible sa Panginoon, pinanalangin naming siya, pinalakas ang kanyang mga paa at binti. Unti-unti siyang pinahakbang habang pabawas ng pabwas ang mga umaalalay sa kanya hanggang sa siya na lamang mag-isa ang nakatayo at lumakad. Si Loida ay umiiyak na nagpupuri sa Diyos at nagpapasalamat saksi ang kanyang anak sa himala ng Diyos.

Pinagaling ang Isang Lumpo

Mga Gawa 3:1-9 (MBBTAG)

3 Minsan, nagpunta sina Pedro at Juan sa Templo; alas tres ng hapon noon, ang oras ng pananalangin. 2 Sa pintuan ng Templo na tinatawag na Pintuang Maganda ay may isang lalaking lumpo mula pa nang ito'y isilang. Dinadala ito sa Templo araw-araw upang mamalimos sa mga taong pumapasok doon. 3 Nang makita nito sina Pedro at Juan na papasók sa Templo, siya'y humingi ng limos. 4 Tinitigan siya ng dalawa, at sinabi ni Pedro sa kanya, "Tingnan mo kami!" 5 Tumingin nga siya sa kanila sa pag-asang siya'y lilimusan. 6 Ngunit sinabi ni Pedro, "Wala akong pilak o ginto, ngunit kung ano ang mayroon ako ay siya kong ibibigay sa iyo. Sa pangalan ni Jesu-Cristong taga-Nazaret, tumayo ka at lumakad." 7 Hinawakan niya sa kanang kamay ang lumpo at itinayo. Noon di'y lumakas ang mga paa at bukung-bukong ng lalaki; 8 palukso itong tumayo at nagsimulang lumakad. Pumasok siya sa Templo kasama nila, naglalakad, lumulundag at nagpupuri sa Diyos. 9 Nakita ng lahat na siya'y naglalakad at nagpupuri sa Diyos.

Marcos 11:24 (MBBTAG)

24 Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniwala kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo iyon.

Mga Hebreo 10:23 (MBBTAG)

23 Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat tapat ang nangako sa atin.

Hindi maikakaila na kapag tayo ay may pananampalataya sa Diyos, ay mangyayari ang ating mga sinasabi. Tapat ang Diyos sa kanyang mga Pangako

Chapter 8

UMULAN NG PERA?

19 At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

Filipos 4:19 (MBBTAG)

2007, Malolos Bulacan, sa panahong ito ako ay hindi naka full time sa Ministry dahil ako ay nagtatrabaho sa isang Real Estate Company. Bago pa lamang kami naninirahan sa Bulacan at wala pang masyadong kakilala. Siguro naman ay naranasan niyo rin na mawalan ng pera at sadyang kapos. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito kung saan 100 pesos lamang ang laman ng aking bulsa. At kami ng aking asawa ay kinakailangan pang mamasahe pauwi sa aming lugar. Sasakay kami ng dalawang sakay ng jeep, at nataon pang wala kaming pambili ng pagkain para sa mga bata, kaya ang sabi ng asawa ko ay "wag na tayong sumakay, maglakad na lang tayo ." kaya kami ay naglakad at sa aming paglalakad ay may isang lalaking nalaglalagan ng cellphone, ito ay aming pinulot at hinabol sa lalaki upang ito ay maisauli. Matapos yon ay unti-unti kaming naglakad hanggang makarating ng lagpas sa crossing at sa di kalayuan ay natanaw ng asawa ko ang 100pesos sa damuhan at sinabi niya "teka, 100 oh nasa damuhan" kaya't dali-daling kinuha subalit noong pagyuko namin ay hindi lamang siya isa kundi maraming 100 pesos na nakalatag sa damuhan. Wala ni isang tao doon maliban sa amin. Kaya sa tuwing pinupulot naming ang 100 pesos ay nagpupuri kami sa Diyos. "Praise the Lord!" masayang masaya kami, nakapaggrocery at nagkaroon ng panggastos ng matagal ding panahon.

1 Mga Hari 17:2-6 (MBBTAG)

2 Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Elias, 3 "Umalis ka rito at magtago ka sa batis ng Carit, sa silangan ng Jordan. 4 Maiinom mo ang tubig sa batis at may inutusan akong mga uwak na maghahatid sa iyo ng pagkain."

5 Sinunod nga ni Elias ang sinabi ni Yahweh. Lumakad siya at nanirahan sa may batis ng Carit, sa silangan ng Jordan. 6 Umaga't hapon, may mga uwak na nagdadala sa kanya ng pagkain, at sa batis naman siya umiinom.

Tunay ngang ang Diyos ang ating great provider. Kahit kailan hindi siya nagkulang, minsan ay may pagkakataong akala natin ay hindi natin siya nararamdaman ngunit magugulat ka na lamang na mayroon pala siyang sorpresang nakalaan para sa iyo.

Chapter 9

STYLE MO, BISTADO NA!

12 Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid.

Efeso 6:12 (MBBTAG)

2001, Orani Bataan, dumalaw ako sa aking kaibigang si Pastora Julie at habang kami ay nagmemeryenda ay may biglang tumawag sa kanilang landline at sinabi na mayroong napoposses na babae. Dali-daling lumapit si Pastora at sinabi niyang "paano kaya ito may napoposses" sinabi ko sa kanya na " sige puntahan natin" ala-una ng hapon ng kami ay umalis at nang Makita namin ay marami ng taong nag-uusyoso at marami ng taong nakapaligid sa kanilang tahanan. Ang babae ay nagwawala at nanlilisik ang mga mata. Ang kanyang magulang ay umiiyak sa sobrang habag sa kanya. Nang kami ay nandoon na sinabi ko kay Pastora Julie na sa Church namin dalhin dahil mas makakabuting doon icast-out ang espiritu. Pumayag naman ang pamilya at dinala naming ito sa church ng God is Love sa Orani.

Alas-dos ng hapon ng mag-umpisa kaming ipanalangin at palayasin ang masamang espiritu, sa pagtutulungan na rin ng mga kabataan at ibang mga kapatiran na naroroon. Tinanong ko ang demon spirit na naroon sa babae "ilan kayo sa loob?" sumagot siya "pito kami" katulad ng aking laging ginagawa ako ay nagprayer in tongues, nagquote ng mga verses sa bible at pagpapalayas sa demonyo sa pangalan ni Hesus. Alas-sais na ng gabi ng tanungin ko ang demonyo kung ilan na lamang ang natitira sa loob. At sinabi niya na "anim pa kami sa loob" sa katotohanan lamang ang pakikipagbaka ay nangangailangan ding malakas ang loob at hindi ka dapat makitaan ng panghihina kung kaya kahit sinabi niya na isa pa lamang ang umaalis ay hindi nagbago ang aming motibasyon na mapalayas silang lahat. Alas-otso ng gabi, pagod na rin ang mga kabataan at hindi pa kami naghahapunan, muli kong tinanong ang demonyo kung ilan na lamang sila at sinabi niyang "tatlo" sa oras na iyon ay nagpatuloy kami ni Pastora Julie sa pagpapalayas at pananalangin habang ang mga kabataan ay hinayaan na naming na magpahinga sa kanilang upuan. Mga bandang alas-onse ng gabi, si pastora Julie ay pagod na rin at hinayaan kong magpahinga muna sa upuan katulad ng ibang mga kapatid. Ako na lamang ang natitirang nakatayo ng oras na yaon, at doon ay nararamdaman ang lakas na ibinibigay ng Diyos sa akin. Biglang nagsalita ang demonsyo sa akin. "Oh ikaw pagod ka narin, magpahinga ka na" subalit ako ay malakas na sumagot sa kanya "Hindi ako pagod, at ang aking kalaksan ay nagmumula sa Diyos, the joy of the Lord is my strength, I am more than a conqueror at alam ko na ikaw ay hindi makakatagal sa presensya ng Panginoon" muli ko siyang tinanong kung ilan na lamang sila sa loob at sinabi niya "ako nalang na pinuno ang natitira, pero sinasabi ko sayo na may paglalamayan bukas" at muli sinabi ko sa kanya, "hindi ka tatagal sa presensya ng Diyos at alam kong pagod ka na rin at nanghihina ka na." taimtim akong nanalangin sa Holy Spirit, "Panginoon ngayon lamang ako nakaencounter ng ganitong katigas na ulo, tulungan niyo po ako" at muli ako ay nanalangin, pinalayas ko siya, maingay na ako noon dahil hindi ko na siya tinantanan. Alas-dose na ng gabi, nagkagising na ang lahat. Muling lumapit si Pastora Julie sa akin at nakiisa sa aking panalangin kasama si Ate Belen at iba pang mga kapatid. Nang maya-maya ay biglang nanlalaki ang kanyang mata at sinabi niya "Oo lalabas na ako! Pero may paglalamayan bukas!" at biglang-bigla ay bumuka ng malaking-malaki ang kanyang bibig at umalis na ang masamang espiritu at sa hindi inaasahan ito ay lumipat sa kanyang kapatid na lalaki na nakaupo malapit sa kanya. Ito ay nangisay at inalihan ngunit ito ay madali naming napalayas. Nang lumabas ang masamang espiritu sa babae ito ay nawalan ng malay at pulso. Kung titignan ay patay na ang babae at nag-iiyakan ang magulang at pamilya niya dahil sa narinig nila ang huling sinabi ng demonyo na may paglalamayan bukas. Sa oras na iyon ay hindi ako pumayag na may masamang mangyari sa babae kung kaya't muli akong dumulog sa Panginoon, binuhos ko ang pananampalataya sa Diyos kasama ng aking mga kapatiran. Makalipas ang 30 minuto ay muling bumalik ang hininga ng babae. Nagkwento ang kapatid na lalaki na pansamantalang inalihan dahil nabuksan ang kanyang espiritwal na mata, nakita niya ang mga pangyayari sa espiritwal. Kinwento niya noon lumabas ang masamang espiritu, ito ay luray-luray na at sunog-sunog ang balat katulad din ng kanyang mga kasamahan na noong oras na yaon ay sabay-sabay silang iginagapos ng anghel na mayroong apoy, sinabi rin ng lalaki na kapag binabanggit naming ang pangalan ng Panginoong Hesus ay mayroong parang bomba na sumasabog sa mga demonyo dahilan para sila ay masunog.

Ang Pagpapagaling sa Gerasenong Sinasapian ng Masasamang Espiritu

Marcos 5:1-20 (MBBTAG)

5 Si Jesus at ang kanyang mga alagad ay dumating sa kabilang ibayo, sa lupain ng mga Geraseno. 2 Pagkababa ni Jesus sa bangka, siya'y sinalubong ng isang lalaking sinasapian ng masamang espiritu. 3 Ang lalaking ito'y nakatira sa mga libingan. Hindi na siya maigapos, kahit tanikala pa ang gamitin. 4 Bagama't madalas siyang gapusin ng tanikala sa kamay at paa, nilalagot lamang niya ang mga ito. Wala nang nakakapigil sa kanya. 5 Araw-gabi'y nagsisisigaw siya sa mga libingan at sa kabundukan, at sinusugatan din niya ng matalas na bato ang kanyang sarili.

6 Malayo pa'y natanaw na nito si Jesus. Patakbo itong lumapit at lumuhod sa harapan niya. 7 Sumigaw siya nang malakas, "Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos, ano'ng pakay mo sa akin? Ipangako mo sa ngalan ng Diyos na hindi mo ako pahihirapan!" 8 Sinabi niya ito sapagkat iniutos ni Jesus, "Masamang espiritu, lumabas ka sa taong ito!"

9 Tinanong siya ni Jesus, "Ano ang pangalan mo?" "Batalyon,[b] sapagkat marami kami," tugon niya. 10 At nakiusap siya kay Jesus na huwag silang palayasin sa lugar na iyon.

11 Samantala, sa libis ng bundok ay may malaking kawan ng mga baboy na nagsisikain. 12 Nagmakaawa kay Jesus ang masasamang espiritu, "Papasukin mo na lamang kami sa mga baboy." 13 Pinahintulutan niya sila kaya't lumabas nga sa lalaki ang masasamang espiritu at pumasok sa mga baboy. Ang kawan na may dalawang libo ay nagtakbuhan sa gilid ng matarik na bangin hanggang sa nahulog ang mga ito sa lawa at nalunod. 14 Tumakbo ang mga tagapag-alaga ng kawan ng baboy at ibinalita sa bayan at sa karatig-pook ang mga pangyayari. Kaya't ang mga tao ay nagpuntahan doon upang alamin ang nangyari. 15 Paglapit nila kay Jesus, nakita nila ang lalaking dating sinasapian ng mga demonyo; nakaupo ito, nakadamit at matino na ang isip, at sila'y natakot. 16 Isinalaysay sa kanila ng mga nakakita ang nangyari sa dating sinasapian ng demonyo at sa mga baboy.

17 Dahil dito, nakiusap ang mga tao kay Jesus na umalis siya sa kanilang lupain.

18 Nang pasakay na si Jesus sa bangka, nakiusap ang dating sinasapian ng mga demonyo na siya'y isama niya, 19 ngunit hindi pumayag si Jesus. Sa halip ay sinabi niya sa lalaki, "Umuwi ka na at sabihin mo sa iyong mga kamag-anak ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon, at kung paano siya nahabag sa iyo."

20 Umalis ang lalaki at ipinamalita sa buong Decapolis ang ginawa sa kanya ni Jesus. At namangha ang lahat ng nakarinig noon.

Bistado na ang kaaway, ito pala ang nangyayari sa kanila. Kahit hindi natin nakikita ay may ginagawa ang Diyos.

(Kaya nga, pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo. Santiago 4:7 MBBTAG)

Sadyang napakabuti ng Diyos, hindi Niya kami iniwan o pinabayaan sa oras na iyon.

Chapter 10

SAFE TAYO KAY LORD

Mga Awit 91:1-4 (MBBTAG)

Ang Diyos ang Mag-iingat sa Atin

91 Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan, 2 ay makakapagsabi kay Yahweh: "Muog ka't kanlungan, ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan."

3 Sa panganib at bitag ika'y kanyang ililigtas, at kahit ano mang matinding salot ay di ka magdaranas. 4 Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak,

at sa kalinga niya ay palagi ka ngang nakakatiyak; iingatan niya't ipagsasanggalang, pagkat siya'y matapat.

2017, Guiguinto Bulacan, kasagsagan ng pamahalaan ng Oplan Tokhang, si Pastor James ay isa sa nagtuturo at umaalalay sa mga taong gusting magbago at iwanan ang adiksyon. Sinisikap din niya na maanyayahan sila sa pagdalo sa pagsamba.

Naisipan naming na magfollow-up sa Brgy. Maligaya sa Sta. Cruz, Guiguinto at paigtingin ang programa ng church na Every home for Christ na makakatulong sa mga sumasailalim ng pagbabago. Nagbahagi kami ng salita ng Diyos at panalangin sa aming mga napuntahan. Matapos nito kami ay pabalik na at palabas na ng kanto. Ang daan nito ay pasalungat bago ka makarating sa mismong main road na kung saan ay maraming sasakyan ang dumaraan. Tatlo kaming nakasakay sa van kasama si Pastora Lita. Nang kami ay nasa gilid patawid ng main road ay napansin ko ang 8 wheeler truck na tuloy-tuloy, Sumenyas si Pastor James na kami ay papasok at ilang metro pa naman ang layo nito, at inumpisahan ni Pastor pakagatin ang kambyo ng sasakyan, subalit ang truck ay walang senyales na hihinto habang si Pastor ay nakayuko at kinakabig ang kambyo. Nakita ko na kami ay siguradong masasalpok ng truck kung magtutuloy si Pastor, kaya't ako ay sumigaw ng "In Jesus Name!" hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ni Pastora Lita ngunit sigurado ako na nakaramdam sila na kami ay sasalpok. Mabuti na lamang at hindi kumagat ang kambyo ni Pastor kung kaya't ng umangat ang kanyang ulo ay saktong lalagpas na ang truck sa aming harapan. Kaya't laking gulat din ni Pastor. Para sa akin isa itong himala ng pagliligtas ng Diyos dahil kung kami ay nasalpok ng truck malamang ay may namatay sa amin.

Si Eliseo at ang mga Taga-Siria

2 Mga Hari 6:8-23 (MBBTAG)

8 Minsan, binalak ng hari ng Siria na digmain ang Israel. Tinipon rin niya ang kanyang mga tauhan at sinabi sa kanila ang kanyang napiling lugar na pagkakampuhan. 9 Ngunit ipinasabi ito ni Eliseo sa hari ng Israel. Binalaan niya ito, "Huwag na huwag kayong pupunta sa naturang lugar sapagkat nag-aabang doon ang mga taga-Siria." 10 At pinabantayan nga ng hari ng Israel ang mga lugar na sinabi ni Eliseo. Maraming beses na sinabi sa kanya ni Eliseo tungkol sa balak na pagsalakay ng mga taga-Siria. At lahat ng lugar na sabihin sa kanya'y pinalalagyan ng mga bantay.

11 Dahil dito, labis na nabahala ang hari ng Siria. Kaya, tinipon niya ang kanyang mga tauhan at tinanong, "Magsabi kayo ng totoo. Sino sa inyo ang nakikipagsabwatan sa hari ng Israel?"

12 Isa sa mga naroon ang sumagot, "Wala po, mahal na hari. Si Eliseo po, ang propeta sa Israel ang nagsasabi sa kanilang hari kahit ang inyong mga lihim na binabalak."

13 Sinabi niya, "Kung ganoon, hanapin ninyo siya at hulihin."

May nagsabi sa kanyang si Eliseo ay nasa Dotan, 14 kaya nagpadala siya roon ng maraming kawal na sakay ng mga karwahe at kabayo. Gabi na nang dumating sila roon at pinaligiran nila ang lunsod.

15 Kinabukasan ng umaga, lumabas ang katulong ni Eliseo at nakita niya ang maraming kawal, ang mga kabayo at karwaheng nakapaligid sa lunsod. Sinabi niya, "Guro, paano tayo ngayon?"

16 Sinabi ni Eliseo, "Huwag kang matakot. Mas marami tayong kakampi kaysa kanila." 17 At siya'y nanalangin, "Yahweh, buksan po ninyo ang kanyang paningin nang siya'y makakita." Pinakinggan ni Yahweh ang kanyang panalangin at nakita ng katulong ni Eliseo na ang bundok ay punung-puno ng mga kabayo at karwaheng apoy na nakapaligid kay Eliseo.

18 Nang salakayin sila ng mga taga-Siria, nanalangin uli si Eliseo, "Yahweh, bulagin po ninyo sana sila." At binulag nga ni Yahweh ang mga taga-Siria bilang sagot sa panalangin ni Eliseo. 19 Sinabi niya sa mga ito, "Hindi rito ang daan, hindi ito ang lunsod. Sumunod kayo sa akin at dadalhin ko kayo sa taong hinahanap ninyo." At sila'y kanyang dinala sa Samaria.

20 Pagpasok nila sa lunsod, nanalangin si Eliseo, "Yahweh, buksan na po ninyo ang kanilang paningin nang sila'y makakita." Binuksan nga ni Yahweh ang paningin ng mga taga-Siria at nagulat sila nang makita nilang sila'y nasa loob ng Samaria.

21 Nang makita sila ng hari ng Israel, dalawang beses nitong itinanong kay Eliseo, "Papatayin ko po ba sila?"

22 Sumagot siya, "Huwag, mahal na hari. Hindi nga ninyo pinapatay ang mga nabibihag ninyo sa digmaan. Sila pa kaya? Sa halip, pakanin ninyo sila at painumin, pagkatapos ay pabalikin sa kanilang hari." 23 Nagpahanda ng maraming pagkain ang hari ng Israel at pinakain ang mga bihag na taga-Siria, saka pinauwi sa kanilang hari. Mula noon, hindi na muling sumalakay ang mga taga-Siria sa lupain ng Israel.

Juan 17:11 (MBBTAG)

11 At ngayon, ako'y papunta na sa iyo; iniiwan ko na ang sanlibutang ito, ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Amang banal, ingatan mo po sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin, upang kung paanong ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila'y maging isa.

Malinaw na ang proteksyon ng Diyos ay para sa kanyang mga anak.

Chapter 11

4 Daniel, ingatan mo muna ang mga pahayag na ito at isara ang aklat upang hindi ito mabuksan hanggang sa katapusan ng sanlibutan. Marami ang magsasaliksik at magsisikap na maunawaan ang maraming bagay."

Daniel 12:4 (MBBTAG)

2018, December, Fiesta Village, Pampanga

Isang message ang dumating sa akin mula sa taong hindi ko nakikilala na nagngangalang JC.

Sa messenger sinabi niya na kailangan daw nila ng tulong. Sabi ko paano niya akong nakilala at anong maitutulong ko sa kanya?

Sabi niya, "mula po ng lumipat kami sa bahay na ito na nabili namin ay nagsimula ang kung ano anong pangit na pangyayari sa aming buhay.

Ang bahay ay 5 taon ng hindi natirahan at bago pa nila ito bilhin ay sinasabi ng mga kapit-bahay na may nakikita daw na kung ano anong masamang nilalang sa bahay na ito. Hindi na nila maibabalik pa ang pangyayari at nabili na nila ito magmula ng tumira sila ay lagi nalang daw umaalulong ang aso tuwing alanganing oras. Bukod duon ay lagi silang nakakapanaginip ng mga pangit at laging binabangungot silang mag asawa. Madalas ay nagkakasakit at na- oospital sila na hindi naman malaman ang tunay na dahilan dahil wala namang makita. bigla nalang hinihimatay lalo na ang kanyang asawang babae, ang kanyang anak na babae na makinis ay naging mapangit ang balat dahil sa kung anu-anong biglang tumutubo sa balat, dahilan ito upang hindi na siya nakapagtrabaho ng maayos at matanggal sa kumpanya na dati siyang may mataas na position. Naghirap at kinakapos na. Kaya't siya ay nakaisip na humingi ng tulong upang ipanalangin sila at ihandog ang bahay nila.

Nang marinig ko ang istorya niya ay agad akong pumayag na pumunta sa kanila, kasama ko ang aking isang kaibigan at kapatid sa pananampalataya na si Ate Cita, matapos kaming magkaroon ng gawain sa Mabalacat ay kaagad na kaming nagbiyahe papunta sa Fiesta Community Tabun.

Mag-aagaw ang liwanag at dilim ng makarating kami sa kanila at pagpasok namin ay agad kong nararamdaman ang masamang espiritu na naroroon.

Nag-umpisa na kami ng gawain, naghayag na ako ng salita ng Diyos at nag conduct ng communion sa kanilang pamilya. Matapos nito ay nag-umpisa na kami ng paglilinis sa tahanan nila, pinaalis ko pati ang mga manikang may malalaking mata na nakalawit pa ang mga paang nakaupo sa beradas ng kanilang second floor dahil sa posibleng sila ay pinananahanan ng mga masamang espiritu.

Habang iniikot namin ang bahay at nagpapahid ng langis sa mga dinadaanan namin ay sobrang lakas ng tahol ng mga aso maging sa mga kapitbahay na sadyang abnormal ang kanilang pagtahol dahil para bang sinasabi nila na may kakaibang nangyayari.

Hanggang makarating kami sa hagdanan papunta sa itaas ay tumitindi ang aming pangingilabot lalo na pagdating sa maliit na kuwarto sa dulo na kung saan talagang doon ay nasisiguro ko na tambayan ng demon spirit.

Hindi nga ako nagkamali, dahil sinabi ng mag-asawa na sa kuwartong ito sila laging binabangungot at nananaginip ng mga pangit at nakakatakot.

Lahat sila na kasama ko ng oras na iyon ay makapagsasabi kung gaano nanlalaki ang kanilang mga ulo habang nagpapalayas kmi ng bad spirit.

Matapos ito ay minsan pang kumilos ang Diyos sa aming kalagitnaan at biglang humupa ang tensyon ng mga nagpupuyos na masamang spiritu dahil sila ay walang magawa sa Pangalan ng Panginoong Hesus. Hindi nila matagalan ang presensya ng Diyos kaya't natitiyak kong sila ay tuluyang lumisan sa tahanang iyon. Pagkatapos ng ilang linggo ay masayang ibinalita bi JC na magaan na ang lahat sa kanila at wala ng kakaiba pang nangyayari.

Subali't nagulat ako isang gabi mga 9:00 pm, katatapos lang ang bagong taon ay may message muli si JC at na patulong daw. Msya-maya pa ay tumawag na siya at nagtanong kung nasaan daw ba akong lugar? Ang sabi ko ay Bulacan, sabi niya "paano po kaya ito kasi nandito po kami sa kaibigan ko sa bahay nila sa kabilang kanto po ito mula sa bahay namin, eh nagwawala po at nanlilisik ang mata niya, malakas po siya actually babae ang naposess." Kaya't ng oras na sinabi niya iyon ay nagbigay ako ng instruction sa kanya na mag-video call. kami at ikabit sa isang speaker ang cellphone upang marinig ang aking mga sasabihin at sinabi ko kay JC na "yamang siya ay Anak na ng Diyos siya ang magiging point of contact sa tao, mag-aagree siya sa prayer ko" at ganun nga ang aming ginawa. dinig na dinig ko na nag-aagree si JC sa prayer at naririnig ko din ang masamang espiritung nagsasalita, nag-prayer in tounges ako at bigla sabi niJC, Pastora may lumalabas po na dugo sa mga dulo ng kuko niya, ang sabi ko ay "huwag yun ang tingnan niya just focus", Kaya't tuloy-tuloy kami sa prayer and after 45 minutes ay tumahimik at nawalan ng malay ang babae. Hinintay nila itong magising at ini-lead sa prayer of acceptance ni JC. Sobrang saya ng pakiramdam ni JC at sabi niya, "nakakapagod po ang laban subalit napakasarap kapag nagtagumpay pawi lahat ng hirap."

Ang Pagpapagaling sa Katulong ng Kapitang Romano

Mateo 8:5-10

5 Pagpasok ni Jesus sa Capernaum, lumapit sa kanya ang isang opisyal ng hukbong Romano at nakiusap, 6 "Ginoo, ang aking katulong ay naparalisado. Siya po'y nakaratay sa bahay at lubhang nahihirapan." 7 Sinabi ni Jesus, "Pupuntahan ko siya at pagagalingin." 8 Ngunit sumagot sa kanya ang opisyal, "Ginoo, hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin lamang po ninyo at gagaling na ang aking katulong. 9 Ako'y nasa ilalim ng mga nakakataas na pinuno at may nasasakupan ding mga kawal. Kapag inutusan ko ang isa, 'Pumunta ka roon!' siya'y pumupunta; at ang isa naman, 'Halika!' siya'y lumalapit. Kapag sinabi ko sa aking alipin, 'Gawin mo ito!' ginagawa nga niya iyon." 10 Namangha si Jesus nang marinig ito at sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, "Tandaan ninyo: hindi pa ako nakakita ng ganito kalaking pananampalataya sa buong Israel.

Mga kapatid walang malayo sa Diyos kung nais mong umabot ng kaluluwa, hindi dahilan ang agwat ng kinaroroonan upang tumulong,, dito ay may hatid na positibo ang paggamit ng teknolohiya.

Spoken word is powerful, Remember our word can bring death or life.

Chapter 12

POWERFUL PRAYER EQUAL MIRACLES

Kapangyarihang Magbawal o Magpahintulot

Mateo 18:19 (MBBTAG)

19 "Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman, ito'y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit.

1986, Balanga, Bataan, 1:00pm ay nag-iipon-ipon kami ng mga kapatiran upang mag-ukol ng panalangin. Madalas ang mga kasama ko rito ay sina Pastor Wilson, Pastor Greg, Pastor Joel, Pastora Cecille, Arnel N, Arnel L, Roel B, Emma D, Ate Wilma, Pastor Charlie at iba pa. Kami ay nag-uumpisang manalangin ng 1:00pm at natatapos kami ng 6:00 pm-7:00 pm. Mayroong mga kapatiran na nagsasabi sa amin na mula pa lamang sa kanto ng daan nila na may layong 300 metro ay nararamdaman nila ang paghipo ng Panginoon habang sila ay naglalakad anupa't ang ganitong pangyayari ay naging normal na lamang sa tuwing kami ay nananalangin. Kaya't hindi nakapagtataka na ang mga kabataang nakasama dito sa prayer ministry ay tinawag ng Diyos at pinili para sa kani-kaniyang ministeryo.

Marcos 11:24 (MBBTAG)

24 Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniwala kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo iyon.

James 5:16 (NIV)

Therefore confess your sins to each other and pray for each other so that you may be healed. The prayer of a righteous person is powerful and effective.

1987, Orani, Bataan, ako'y nananalangin ng mga panahon na iyon at humihiling sa Diyos na bigyan niya ako ng isang coordinator na medyo malayo sa sentro-dos ng Orani upang kami ay makapag-outreach at mapalaganap ang Gawain. Talagang ang Diyos ay dumirinig ng panalangin kung kaya't ibinigay niya sa akin ang Bongco Family (Nanay Juaning, Tatay Titong na naging magulang ko na rin sa lugar na ito at mga kapatid kong sina Rosie, Elsa, Tita, Ariel at Arthur) na kung saan aking nakatuwang sa lugar ng Talimundok at sa ibang bahagi pa ng Orani. Syempre, hindi ko rin makakalimutan ang aking mga kapatid na si Ate Mameng, Ate Anna, Nona, Girlie, Amor, Sonny, Pilar, Evelyn, Kuya Erning, Oscar, Ate Helen,Ate Thelma,Pastor Rudy, Edith at Pastor Laarni. Salamat sa buhay na Diyos dahil nagkatulong-tulong kami upang maipalaganap ang salita ng Diyos.

Mateo 7:7 (MBBTAG)

Humingi, Humanap, Kumatok

7 "Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.

2019, Malolos, Bulacan. Nakatutuwang isipin na tumutugon ang Diyos tuwing tayo ay nasa gipit na kalagayan. Si Pastor Klets ay sumundo sa 2 senior citizen sa lugar ng Heritage upang dumalo. Bago sila umalis sa lugar ay sinabi ni Nanay Lita na "Pastor, pakisuyo nga po ang aming padlock, pakiikot nga po ang kadena sa gate." Kaya naman sumunod itong si Pastor. Ito ay kaniyang inilock na hindi pala dapat dahil wala pala itong susi at iba pala ang dapat na ipansasara ng matanda. Nang oras na yaon ay wala na silang magawa at malapit na rin ang oras ng pagsamba kung kaya't nag-aalala na ang matanda dahil hindi sila makakapasok. Kaya naman sinubukan ni pastor na buksan ito ng ibang susi ngunit hindi ito mabuksan. Ang sabi na lamang ni Pastor "sige po mamaya gagawan na lamang ng paraan at baka lagariin nalang ng lagareng bakal." Ngunit di pa rin sila makaalis dahil nag-aalala ang matanda dahil baka mauna umuwi ang kanilang anak at baka magalit yun, habang nag-uusap ay muling napatingin sa gate at napansing ang padlock ay nakakalas sa pagkakalock. Laking gulat nila dahil nakita ng Diyos ang sitwasyon at hindi sila pinabayaan ng Diyos ng oras na iyon. Isa itong himala at marapat lamang na pasalamatan ang Diyos.

God is good all the time.

Prayer

Dakilang Diyos, Sa pangalan ng Panginoong Hesus, Sa presensya ng Banal na Espiritu, ako po ay lubos na nagpapasalamat sa inyo dahil walang panahon sa aking buhay na ako ay iyong pinabayaan. Bagama't minsan ay hindi ka nararamdaman subalit mayroon kang kamangha-manghang ginagawa sa likod nito. Dalangin ko po na maging sa aklat na ito ay makatulong upang ang isang kapatid na babasa nito ay magkaroon ng kalakasan, muling magningas ang apoy sa paglilingkod at lalo pang lumalim sa pananampalataya. Maraming salamat po Panginoon. Ito po ang aking samo't panalangin sa Pangalan ng Panginoong Hesus. Amen.

____________________

Ipinagkaloob kay:

_______________

Ipinagkaloob Ni:

John 3:11

"We speak what we know and testify"

Bạn cũng có thể thích
Mục lục
Âm lượng 1