webnovel

Your Stranger

A man who really hated woman, needing one to save his family hierarchy. This book composed of its Sequel. * Your Stranger ( Completed ) * Your Lucky Charm ( Complete d) Thank you! Your Stranger was already translated in English, you may now search it to Search Bar! Dearly Possessive Sweet Love Thank you po ulit sa supporta! @International_Pen The Cover is not Mine. Hi there Readers, thank you once again for Patronizing my Novels TAGALOG NOVELS: 1. The Devilish CEO ( Completed ) 2. Your Stranger ( Completed ) 3. Your Lucky Charm (Completed ) 4. Doctor Alucard Treasure (Ongoing) ENGLISH NOVEL 1. Dearly Possessive Sweet Love ( Ongoing ) 2. The Devilish CEO ( English ) ( Upcoming ) Thank you so much

International_Pen · สมัยใหม่
Not enough ratings
1140 Chs

Chapter 29 She confess

Ipinark ko ang sasakyan sa gilid ng daan.

" Tresspassing tAyo dito."

Sabi niya ng pagbuksan ko siya ng pinto.

" Siguro nga."

" Kilala ko ang lugar na ito...Tama! Ito yung dating bukid na sinasaka ng pamilya ng yumao kong ina."

" Sinasaka?"

" Oo. Minsan na rin ako dinala ng nanay ko dito. Kaso naibenta na yata ito ng may-ari sa pamilyang Zel Cantheliz... Minsan napapaisip ako... Kung gaano talaga kayaman yung pamilyang yun."

" ang daldal mo din no?. Tara... Mas maganda sa parteng yun."

" Oo!.Tara!'

Nauna pa siyang tumakbo papunta sa lugar na itinuro ko. Bago ako sumunod kinuha ko muna yung mga pagkain...

Habang papalapit ako sa talampas na yun... Binabati ako ng masiglang hangin...

Di masyado nasisinagan ng araw doon... Dahil sa napakayabong na puno...

Kinawayan niya ako..

Habang lumalapit ako sa kanya...

Isa lang ang sinasabi ng sarili ko...

Bakit napakagaan ko sa babaeng yun.

" Ang ganda parin dito!"

At para siyang baliw na inunat ang kamay na parang eroplano at tumakbo sa akin.

Ang ikinagulat ko... Nang bigla siyang tumalon at napayakap sa akin.

Pero bigla siyang napabitiw.

" Ayy... Sorry nadala lang ako."

" Ok lang. Here... Yung pagkain natin."

" Salamat... Teka... Di ba tayo dito mahuli ng nagbabantay dito?"

" Di naman siguro yun makiki-alam. Yung phone mo... Sa loob ng sasakyan tumutunog... Boyfriend mo yata."

Bigla siyang naupo sa damuhan.

" Hayaan mo lang muna yun. Nakokonsensya lang ako kapag naalala ko siya."

" Bakit?"

Naupo na din ako... Lutos sit...

"... Hindi ko talaga siya...mahal."

Napatitig ako sakanya.

" Gusto mo."

" ... Kapag kumuha ako dyan. Baka kapag naubos yan ako pa ang isinod mo."

" ... Canibal lang?"

" Heto ha. Pahingi ah."

" Hindi 'to akin sa'yo 'to."

Kumuha ako.

" So, bakit mo siya sinagot... Di mo naman siya mahal."

" Siguro noong mga oras na yun... Gulong-gulo parin ang isipan ko."

' Eh.. Naguguluhan ka pa pala... Ba't mo siya kaagad sinagot.?"

" Napakabuti kAsi niyang tao. Ayaw ko siya masaktan sa mga oras na yun."

" at hindi mo inisip na niloloko mo siya."

Bigla siyang napaharap sa akin.

" Ouch. Ang sakit no'n. Oo ... Parang ako pa nga yung lumalabas na manloloko... Ngunit kung di ko siya sinagot..."

Inalis niya sa akin ang paningin at napabuntong-hininga.

" siguro di ko siya makikilala kung sino talaga siya."

" Huh?"

" Haist. Habang tumatagal nakikita ko na ang tunay niyang kulay."

" Normal na.sa lalaki na kapag may nililigawan nagbabait-baitan... Tapos yung mga babae naman nagpapadala sa kabaitan kunyari ng lalaki."

" Makapagsalita to kala mo di lalaki. Pero sa mga oras na yun...di ko talaga alam kung paano tangihan siya... Kaya nga nagulat na lang ako... Ng sagutin ko siya... Dahil ang alam ko...kaligayahan niya yung priority ko sa mga oras na yun... Kaya ayos lang maging girlfriend niya ako kung yun ang gusto niya."

" Okey lang?... Tsk. Ayos ka lang.." Sakrakto kong sabi.

" Malaki kasi ang naitulong niya sa pamilya ko... At sana kung di niya Ako tinulungan .. Wala sana akong utang na loob sa kanya at sa situation na ito. Pero malaki ang dapat ko sa kanya ipasalamat dahil... Tinulugan niya kami bumangon. Alam.mo ayos na ang lahat sa pamilya ko... At higit sa lahat... Tangap niya kung sino ako.."

.... Bigla na lang ako ngumisi sa sinabi ni Claire. Mabait? Sinungaling siguro!

" Wow... Taos puso ka niyang tinutulungan no?"

At kumuha ako ng fries. Kinain ko.

" Oo nga eh."

" Pahingi pa."

Kinain ko ulit..

' Isa pa." Kumuha ako at diretso sa bibig ko.

Kumuha pa ako...

" Naistress siguro ako. Infairness effective."

"ha bakit naman?"

" Wala. Gusto ko lang kumain . Masarap pala."

" Heto , sa'yo na. May isa pa ditong pack."

" ...Alam mo... Nagpaloko ka kaagad eh."

" Ba-bakit?"

" ... I'm sorry to say... Ang tanga mo."

" Ha?."

" Tss.. Sasabihin ko sa'yo nagsisinungaling ang boyfriend mo. At tuklasin mk kung ano yun. Saka kung hindi mo lang naman siya kayang mahalin habang maaga pa hiwalayan mo na siya. Masama ang magpa-asa Claire."

" Makipaghiwalay. Di yun madali. Saka anong klaseng kasinungalingan ang tinutukoy mo?"

" Just know it by your own. Matutuklasan mo rin yun. Hindi naman siguro sagad ang katangahan mo."

" ... Naisin ko man siya iwan... Kaya nga lang malaki nga ang utang na loob ko sa kanya."

" blah-blah. Kung yun mahal mo ang sarili mo, iiwan mo siya. Pero impossible... Iniisip mo pa ang iba kaysa sa sarili mo."

" ... Hindi nga yun madali! Saka naiinis na rin ako sa kanya. Pero wala talaga eh. Kahit asar na asar na ako sa mga ipinipilit niya sa akin."

Napalingon ako sakanya.

" Sabihin mo nga sa akin Claire. May mga bagay bang ayaw mong gawin na pinapagawa niya sa'yo?".

" ... Wala akong magawa eh. Niyaya niya ako sumama sa bar kung saan dun sila nagkikita-kita ng kabarkada niya. Hindi naman ako mahilig sa bar at umiinom ng alak..."

" Tss... Sino ba ang gagong yan."

Tinignan niya ako. Ngumiti siya.

" Makikinig ka lang di'ba?".

" Yah."

" At walang makiki-alam diba?."

Napabuntong- hininga ako.

" tss... Huwag mo nA nga lang sabihin sa akin. Pero Claire... May karapatan kang tumangi kung ayaw mo naman."

" Oo. Ako na lang ang hahanap ng paraan para tangihan siya."

" Masaya ka ba Claire sa ginagawa mo."

" Para sa pamilya ko. Oo."

"Tss. Hangang kailan mo yan ipagpapatuloy."

" Hangang sa pakiramdam ko tama na ang lahat... Titigil na ako. At yung pakirandam na nabayaran ko na ang utang na loob ko sa kanya."

" Sigurado ka bang tamang tao ang binabayaran mo ng utang na loob na yan."

"Ha?." ..

Oh no. ??? Poor Zhio, pahingi na din nga ng Fries ?

International_Pencreators' thoughts