webnovel

Chapter 30 His Confession

<Zhio>

Tumayo ako... At inunat ang mga braso ko.

" Wala ka bang pasok ngayon."

" Meron kaso ayokong pumasok. Siguro Claire... Dapat mong tuklasin kaagad yang kasinungalingan na sinasabi ko nang makalaya ka sa Utang na loob na yan."

" ... Pinupoint mo ba Zhion... Hindi yung boyfriend ko ang tumutulong sa akin?"

" tss... May kukunin lang ako sa sasakyan."

Naglakad na ako.

Napailing ako. Labis akong naasar sa lalaking yun kung sino man siya. Siguradong mababasag ko ang panga ng lalaking yun.

Kinuha ko yung mineral water na binili namin.

Alam kong uhaw na uhaw na ang babaeng yun.

Pagbalik ko sa kinauupuan niya.

Nilingon niya ako.

" Catch."

Sinalo naman niya.

" Nauuhaw na talaga ako. Salamat."

" Hindi lang bulaklak ang nangangailangan ng tubig." Naupo ako sa tabi niya.

" Ay Oo. Pansin ko laging may bagong bulaklak na don."

" Good to hear."

" Nakapagtataka lang ..."

Binubuksan niya ...at kanina pa niya yun binubuksan ...

" Tss... Akin na nga. Ako na ang magbubukas."

" kaya ko'to."

Di huwag... Ininom ko na lang yung akin.

At ng tignan ko siya... Napailing ako.. Di parin nabubuksan.

" Akin na nga."

Ayaw ibigay. Kaya hinablot ko ... Kaya nga lang nakahawak pa siya... Kaya para kaming nag-aagawan.

" Ako na nga ang magbubukas ."

"Kaya ko nga 'to.!"...

Hinila ko... At sa lakas siguro ng hila ko... Pati siya nahila ko... Upang makasalpak siya sa dibdib ko. .. Di ko na lang pinansin ang akward niyang posisyon.

" ako na."

At napa-angat siya ng paningin habang binubuksan ko yung tubig. Nang sa pag-angat niya nagalaw bigla ako...kaya... Nabuhus ng dis-oras yung tubig...

Basa siya...

" Zhion naman eh.!"

Bigla akong ngumiti.

" Here... Share na lang tayo dito." Saka ko binigay sa kanya yung tubig ko.

" Nabasa tuloy ako.!"

" ... Dyan ka lang ... May extra t-shirt sa compartment ng kotse... Kukunin ko... Nabasa lang ... Naginarte na."

Nang tumayo ako... At naglakad pabalik sa sasakyan.

Pagbalik ko.

" Here... Isuot mo."

" Huh?. Ba't meron ka nito."

Teen size t-shirt at obvious na pangbabae... Sa kapatid siguro yun ni Deo.

" Naligaw sa sasakyan ko. "

" Wehh... "

" Nakasupot pa yan. Kaya huwag kang magduda na may babae pa akong kinakasama."

" ok... Doon lang ako sa likod ng puno."

" bahala ka."

Tumayo na siya.

Pumunta dun sa puno at pinalitan ang T-shirt niya.

Paglabas... Bigla na lang naupo sa dati niyang pwesto.

" ... Salamat ..Ikaw ano yung problema mo."

" Oras." At kinain ko yung fries.

" Ha?. Oras."

" Nalito ka."

" Nakakapagtaka lang."

" Gusto mong malaman."

"... Kung yun..."

"Oras ang kailangan ko upang makipagkilala sa babae."

" Ha?"

" Two months, kailangan ko na magkaroon nga asawa'"

" Ba-bakit?.. "

" Kailangan ko magkaroon ng anak."

".. Hmm parang nagmamadali ka sa kasong yan."

"... Oras at babae ang problema ko. "

"... Dahil Woman hater ka?.. Siguro Bakla ka no?."

Tinignan ko siya ng seryoso.

" Halikan kita dyan eh." Saka ko kinagat ang hawak kong burger.

" Hehe... Bakit kasi ayaw mo sa amin."

" Sa ilang babae... Ayoko lang."

" Bakit may Duration pa?... Two months?."

"... Dahil pagkatapos ng buwan na yan baog na ako..."

Sinabi ko sa kanya na walang paliguy-ligoy pa.

Napalingon siya sa akin.

"... Napakakomplikado nga ng situation mo.'"

" Gusto mo Exchange tayo?"

"... Alam kong malalagpasan mo yan... Zhion."

Bigla siyang tumayo.

" Tiwala lang !'

Tumayo na rin ako...

" Uwi na tayo..."

" Huh? Pero maaga pa?"

"... May naalala pa pala akong dapat gawin.."

Naglakad na ako...

Wala na siyang nagawa kundi sundan ako...

Nanahimik siya habang nasa byahe kami.

" Ayaw mong umuwi dahil ayaw mong makita ang boyfriend mo. Kung diretsuhin mo na kaya siya."

Lumingon siya sa akin.

" Alam mo din pala. Eh, di yun madali ..."

" Kaysa ikaw naman ang nagkakaganyan."

"... Nararapat lang to para sakin."

" Tsk... Bahala ka na nga sa buhay mo."

Again, why so sweet ????

International_Pencreators' thoughts
Next chapter